You are on page 1of 8

* Nakapagpapakita ng mga

kanais-nais na kaugaliang
Pilipino
19.2. tumutulong/lumalahok
sa bayanihan at palusong
EsP5PPP – IIIa – 23
Day 1 Alamin Natin

Pagtulong
Ang pagtulong kung nakagawian
Sa kapwa’y laging binibitiwan
Asahan mo’t may kagantihan
Ang may kapal sa kaitaasan.
Ang tulong ay may kahulugan
Sa bawat taong nilalang
May tulong na paimbabaw
Mayroong sa puso ay bukal.
Ang tulong din kung magkaminsan
Di dapat na agad bitiwan
Alamin mo muna, kaibigan
Kung siya ba’y tunay na
nangangailangan.
Ang pagtulong dapat ingatan
Kung kaninong tao ipapataw
Kung sa palagay mo’y abusado
Ang tulong mo’y ikandidato.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1.) Ano ang isang magandang ugali na dapat
ibigay sa kapwa?
2.) Bakit kailangang tumulong sa kapwa?
3.) Kailan tayo dapat tumulong kapwa?
4.) Dapat bang tumulong ng pabigla-bigla?
.

Day 2 Isagawa Natin

Gawain 1
Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Ilagay
ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.


_____2. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
_____3.Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking
naitulong.
_____4. Tutulong ako ng bukal sa aking puso.
_____5.Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
_____6. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.
_____7.Magbibigay ako ng ng walang pag-aalinlangan.
Day 3
Gumupit ng puso sa bond paper.
Magbalik-tanaw ka. Isipin ang
mga taong nakasalamuha mo na
iyong nabigyan na ng tulong. Isulat
ito sa isang bahagi ng puso na
iyong ginupit. Sa kabilang bahagi
naman ay isulat kung ano ang
ginawa mo upang matulungan ang
taong ito.
D
ay 4 Tandaan Natin
Ang pagtulong ay di masama.Kung sa palagay
mong ito’y tama.Huwag tumulong sa
tamad.Hayaang sila’y magsumikap.Ang ating
buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na
ihandog natin ito sa ating kapwa sa simpleng
pagtulong at pagkalinga sa ating kapwa.Maraming
paraan ng pagtulong sa ating kapwa, karaniwan sa
mga ito ay ang pagtugon sa kanilang
pangangailang sa panahon ng kahirapan. Huwag
nating kaligtaan ang mga pagkakataong kailangan
nila ng ating tulong o kalinga. Ngunit may mga
pagkakataon naman na dapat alam natin kung sino
yung mga dapat nating tulungan sapagkat may
ilang tao na umaabuso sa tulong na ibinibigay sa
kanila ng kanilang kapwa.
Subukin Natin
Sumulat ng isang maikling
sanaysay tungkol sa paksang
“Ang pagtulong sa kapwa ay
pagmamahal sa Diyos”.
 
Isulat ang iyong sanaysay sa bond
paper.

You might also like