You are on page 1of 5

Dahlia Rose A.

Comighud Beed – Generalist

2nd Year

Araling Panlipunan Lesson Plan

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa a
mga sumusunod:
1. Natatalakay ang kapangyarihang Patronato Real.
2. Nasusuri ang pamamahala ng mga prayle sa isa pagpapaunlad ng sinaunang
Pilipino.
3. Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng prayle sa ilalim ng Patronato Real.

II. Nilalaman
Paksa : Ang Pilipinas sa Pamamahala ng mga Prayle
Sanggunian : Batayang Aklat sa Araling Panlipunan V
Kagamitan : Flower organizer, visual aid at larawang may kaugnayan sa paksa.

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral


-Panalangin Pagdarasal
-Pagbati sa guro Tungon ng mga mag-aaral
-Pagtala ng lumiban Tahimik na nakaupo

Balik–Aral

Bago tayo dumako sa ating aralin ay magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Tinalakay noong nakaraan ang tungkol sa sapilitang paggawa o forced labor..
Ano ba ang ibig sabihin ng forced labor?

2. Paglinang ng Aralin
A. Pagsusuri ( Aktibiti)
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong aralin . Pero bago ang lahat nais ko
munang tingnan niyo ang larawan na Ito.

Sino kaya ang mga nasa larawan noong panahon ng Espanyol?


Ayon sa kanilang kasuotan , ano kaya sila?

B. Analysis

Tatalakayin natin ngayong umaga ay ang pilipinas sa pamamahala ng mga prayle

Pamprosesong mga tanong:

1. Sino ba ang mga prayle?


2. Sino ang mga misyonerong dumating sa pilipinas?
3. Paano pinamahalaan ng mga prayle ang Pilipinas?
4. Ano ang saloobin ng mga katutubo sa prayle?

C. Pagtalakay sa Aralin

PRAYLE
Ang salitang Prayle ay nanggagaling sa salitang espanyol na fraile. Ang
katumbas naman nito sa salitang ingles ay friars. Ang salitang ito ay
ginagamit noon ang Pilipinas ay sakop ng kastila upang tumukoy sa mga
kastilang pari. Noong panahon ito, ang mga prayle ay binibigyang
importansya ng mga matataas na opisyal.

PATRONATO REAL
Isa sa mga pangunahing layunin ng pananakop ng Espanya ay ang
pagpapalaganap ng kristiyanismo. Nagsanib- pwersa ang kaharian at
simbahan ng espanyol upang pamahalaan ang mga kolonya. Naging
kinatawan ng estado at simbahan ang mga prayle noong panahon ng
pananakop ng espanya.

MGA MISYONERO ( Prayle)


1. Agustino - dumating sa taong 1565 sa lugar ng cebu, ilocos, negros,
pampanga, panay.

2. Pransiskano- dumating taong 1577 sa lugar ng bicol, catanduanes,


masbate, quezon, laguna.

3. Heswita - dumating taong 1581 sa lugar ng antipolo, bohol, cainta, cavite,


leyte, samar.

4. Dominikano - dumating taong 1587 sa lugar ng bataan, batanes, cagayan,


manila, pangasinan.

5.Rekoletos - dumating taong 1606 sa lugar ng mindoro, palawan, zambales


 Mga nagawa ng mga prayle at misyonero para mapaunlad ang mga
sinaunang Pilipino: - Nagtatag din sila ng mga paaralan, ospital, mga
tanggulan, gusali, imbakan ng tubig, mga daan at tulay.

PAMAMAHALA NG MGA PRAYLE SA PILIPINAS

Mabuti

 Paglaganap ng pananampalatayang katolismo


 Pagbabagong kultural at istilo ng pamumuhay

Di- Mabuti

 Pagpapakilala sa isang pamahalaang saklaw ang buong kapuluan


 Pagmamalupit at pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang tungkulin
at karapatan ng mga Pilipino
 Hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil
hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay itinuturo ang taliwas sa pag
unlad. Pinagkaitan matuto upang kailanman hindi maghanap ng kalayaan
 Pang-aabuso sa kababaihan palala ng palala
 Inalipin ang mga Pilipino

MGA SALOOBIN NG MGA KATUTUBO SA PRAYLE

Maraming katutubo ang nag aklas laban sa mapang-abusong pamamahala


ng mga prayle. Maraming katutubo ang piniling manirahan sa kabundukan
dahil sa hindi magandang pamamalakad ng mga prayle.

D. Application ( Pagtatapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay)


Pangkatang Gawain
Panuto:
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ng tig isang envelop ang
bawat pangkat. Pipili ang guro ng lider sa bawat pangkat.

a. Bawat envelop ay mayroong flower organizer sa loob.


b. Mag- unahan ang bawat pangkat na makabuo ng flower sa loob.
c. Isulat sa bawat petal ang tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng patronato
real.
MGA TUNGKULIN NG PRAYLE

 Maipalaganap ang kristiyanismo gamit ang aklat na Doktrina Kristiana


 Pamamahalaan ang mga pueblo
 Pamahalaan ang mga paaralan at magturo ng mga aralin
 Lagdaan ang mga papeles na may kinalaman sa usaping pananalapi

E. Abstraction ( Paglinang sa kabihasaan)

Isulat ito sa kwaderno

Kung ikaw ay isang batang mag-aaral noong panahon ng


pananakop ng mga kastila, ano ang iyong magiging reaksyon sa
uri ng kanilang pamamahala? Ipaliwanag.

F. Pagtataya ng Aralin

A. Basahin at suriing mabuti ang sumusunod na pahayag. Bilugan ang letra


ng tamang sagot.
1. Naramdaman ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.
a. Natakot c. Naghimagsik
b. Nagrebelde d. Lahat ng nabanggit
2. Ang sumusunod ay ilan sa mga tungkuling ginampanan ng mga paring
kastila MALIBAN sa isa.
a. Pagpapagawa ng mg kalsada c. Pangangasiwa sa mga paaralan
b. Pangungulekta ng buwis d.Pagpapaunlad ng kabuhayan
3. Ito ang ginagawa sa Pilipinong hindi sumusunod at di sumasang- ayon
sa relihiyong katoliko?
a. Pinarurusahan c. Itinatakwil
b. Binibitay d. Pinagdarasal
4. Ito ang pinakamahalagang impluwensya ng mga kastila sa mga
Pilipino?
a. Kristiyanismo c. Pamahalaan
b. Edukasyon d. Kultura
5. Sila ang binibigyang kapangyarihan ng pamahalaang kastila
namamahala sa kolonya.
a. Pilipino c. Prayle
b. Katutubo d. Datu

B. Isa- isahin ang mga misyonerong dumating sa ating bansa.Isulat ito sa


loob ng dayagram ayon sa wastong pagkakasunud- sunod nang taon ng
kanilang pagdating.

Ang Mga Misyonerong Nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Bansa

6._______________ 7.________________ 8._______________

1565 1577 1581

9. ___________________ 10.____________

1587 1606
G. Takdang- Aralin

G. Takdang – Aralin

Panuto:

Ipaliwanag ng mabuti ang iyong sagot. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

( 10 puntos)

1. Ano ang naging epekto ng pag-uugnay ng simbahan at pamahalaan sa ilalim ng


pamamahala ng mga prayle sa naging buhay ng mga mga Pilipino noon?

You might also like