You are on page 1of 3

BANGHAY SA ARALIN PANLIPUNAN VI

YUNIT 4
I . LAYUNIN

1.Naibibigay ang mga programang ipinatupad ng pamahalaang pinamunuan ni Pangulong


Benigno Simeon C. Aquino III tungo sa pag-unlad ng bansa.

2. Nasasabi ang halaga ng naging kontribusyon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa
kanyang administrasyon.

3. Naipapakita sa malikhaing Gawain ang mga p programang ipinatupad ni Pangulong Benigno


Simeon C. Aquino III .

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA : Patuloy na Pagtugon sa Hamon ng Kasarinlan at Pagkabansa (1986- kasalukuyan)
Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)

SANGGUNIAN: Curriculum Guide, 2016 (AP6TDKIVc-d-4) pahina 140-141

PAGPAPAHALAGA: Pagmamahal sa bansa

KAGAMITAN: Laptop, Video presentation at mga larawan.

INTEGRASYON: ESP , MATHEMATICS (NUMERACY SKILLS), HEALTH, LANGUAGE (LITERACY SKILLS),

III. PAMAMARAAN

1. Balik aral :
Ano-anong programa at patakaran ni Pangulong Gloria M. Arroyo ang ipinatupad na
nakatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino tungo sa pag-unlad ng bansa?

2. Pagganyak
Magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain.
Ibibigay ko sa inyo ang task na ito at may oras tayo na susundin. Ang sino man na
makabuo agad ay may premyo.

Pangkatang Gawain

Puzzle 1 : Sino siya ?

Puzzle 1 : bakit kaya nasa half mast ito?

Puzzle 3 : OARGMAPR magbigay ng kahulugan nito.

Anu ang kahulugan ng Prorama? ( Integrasyon sa kasanayan ng bokabularyo)

3. Pagbubuo ng Suliranin:

 Anu kaya ang nais ninyong malaman tungkol kay dating pangulong Benigno
Simeon C. Aquino III.
 Isulat ang mga tanong sa pisara.
( Hayaan ang mga bata na magsulat ng katanungan sa pisara. )
4. Paglalahad –
(Pagpapakita ng Video tungkol sa programa ni Dating Pangulong Benigno Simeon C.
Aquino)
 Anu ang mga dapat tandaan habang nanood ng video presentation?
 Humanda na ang lahat.

Ang Serbisyo ng Dating Pangulong NoyNoy Aquino

5. Pagtatalakay
 Sagutin natin ang inyong mga katanungan
 Balikan natin ang mga isinulat ninyo sa pisara.

1. Pang ilang Pangulo si dating Noynoy Aquino?


2. Anu ang mga positibo at mga kontrobersiya na naganap sa panahon ng kanyang
Administrasyon?
3. Sino-sino ang mga nakulong sa kanyang administrasyong NoyNoy Aquino?
4. Bakit nakulong ang mga nasambit na Senador?
5. Bakit Binigyan niya ng pansin ang mga mandarambog sa kanyang
administrasyon?
6. Anu pa ba ang Kanyang mga nagging programa?
7. Ilan ang mga nagging programa niya na naipatupad sa kanyang
administrasyon ? (Integrasyon ng kasanayan sa pagbilang)
8. Bilang isang mag aaral alin sa mga programa ni Pangulong Simeon C Aquino III
ang mas nagustuhan mo at bakit?

6. Paglinang ng Kabihasaan

( Integrasyon sa positibo at hindi marahas na disiplina at Differentiated Activity )

Pangkatang Gawain

a. Pagbibigay ng panuntunan sa pangkatang gawain.


b. Hatiin ang mga bata sa 3 grupo at hayaan pumili ng lider ang bawat
pangkat.
c. Bigyan sila ng Activity Card na may mga gabay na tanong.
d. Bigyan din sila ng activity materials

RUBRIK para sa pangkatang gawain


Oras 5
Disiplina 5
Kooperasyon 5
Presentasyon 5
Mga kaugnayan sa paksa 10

Pangkat 1 TV PROGRAM
Gumawa ng isang TV program na nagtatalakay ng mga Progama ni dating
pangulong Benigno Aquino.

Pangkat 2 Broadcasting
Magpakita ng isang paguulat na nagpapakita ng pagkakaroon programa
ipinatupad ni Pangulong Benigno Simeon C.

Pangkat 3 Graphic Organizer


Gumawa ng Graphic Organizer na naipapakita ang mga programa sa
Administrasyong Benigno Aquino.

7. Paglalapat
Paano nakatulong ang mga programa ipinatupad ni Pangulong Benigno Simeon C.
Aquino III sa pag-unlad ng kabuhayan sa bansa?

Sino na dito ang nagging Pangulong silid aralan? Anu nman ang inyong mga nagawa?

( INTEGRASYON SA HEALTH)
Kung mabibigyan kayo ng pagkakataon na maging pangulo ng silid aralan anu ang inyong
mga gagawin, anung mga ipapasunod o programa ninyo lalo na sa panahon ngayon na
mayroong pandemya? Anung mga pag iingat ang ipapatupad ninyo?

(INTEGRASYON SA ESP)
Nasambit natin ang pandemya, paanu namn kung kayo ang inatasan ng iyong magulang
sa loob ng isang linggo mamahala sa bahay niyo, sa iyong mga kapatid anu ang mga
ipapatupad mo sa iyong bahay?

8. Paglalahat
1. Ano-ano ang kanyang mga naging kontribusyon o mga programang pinatupad para
sa kaunlaran ng bansa?
2. Anu ang kahalagahan ng mg naging kontribusyon ni Pangulong Benigno Simeon C.
Aquino III sa kaunlaran ng lipunan at ng bansa

IV. PAGTATAYA
Magbigay ng (5) limang programa na ipinatupad ng Pamahalaang Benigno C. Aquino III sa
kanyang pamumuo tungo sap ag unlad ng bansa.

1. __
2. ___
3. ___
4. ____
5. ____

V. TAKDANG ARALIN
Ipakita sa masining na paraan ang mga programa at patakarang ipinatupad ni Pangulong Benigno
Simeon C, Aquino.

Inihanda ni:

ROSEMARIE B. CUERA
Teacher 1

Sinuri ni:

GEMMA CANALETA
Principal

You might also like