You are on page 1of 5

ARALIN 8: Paniniwala at Tradisyon

PANIMULA

Sa nakaraang aralin nalaman mo ang may kinalaman ang kabuhayan ng mga


sinaunang Pilipino sa pagkabuo ng kabihasnan.

Sa araling ito, tatalakayin ang ilan sa mga Sinaunang paniniwala at tradisyon ng mga
Pilipino . Ano sa palagay mo ang mga paniniwala at tradisyong ito? Ano sa palagay mo ang
naging impluwensya ng nito sa pang-araw-araw na buhay?

Sa araling ito, inaasahang:

1. Malaman mo ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon.


2. Maipapaliwanag mo ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon ang naging
impluwensya ng mga ito sa pang-araw-araw na buhay?

ALAMIN MO

Anu-ano kaya ang mga May kinalaman kaya


sinaunang paniniwala at ang mga ito sa pang-
araw-arw nilang
tradisyon ng mga Pilipino?
buhay?
PANINIWALA AT TRADISYON

Karamihan sa mga paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino ay may kaugnayan sa


pananampalataya. Ang pagdaraos ng mga kapistahan ay nagsimula sa ritwal at seremonya
ukol sa mga diyos at ispiritu noong unang panahon. Nag-aawitan, nag-aalay ng mga
handog,nagsasalu-salo, nagsasayawan at nag-iinuman sila pagkatapos ng seremonya. Kung
minsan , may nagpapaligsahan pa upang makakuha ng mga gantimpala mula sa datu o raha.
Ito ang pinagmulan ng mga palaro sa pista sa kasalukuyan.

Sa mga ninunong mga Pilipino, mahalaga ang pagpapangalan ng kanilang mga anak.
Isinusunod nila ito sa pangalan ng mga bagay sa kapaligiran. Ito ay isang kaugaliang Asyano
na ginagawa rin ng mga Tsino at Hapones. Ang mga bagong silang na sanggol ay
ipinagdarasal at ipinagdaraos ng mga ritwal. Batay ito sa paniniwala sa mga ispiritung
papatnubay sa buhay ng mga sanggol hanggang sa kanilang paglaki.

Makikita pa hanggang sa kasalukuyan ang mga katutubong kaugaliang Pilipino sa


mga tahanan. Ang ama pa rin ang kinikilalang ulo ng pamilya, bagamat nagtamo na ang
kababaihan ng mga karapatan sa mga kalalakihan. Ang ina pa rin ang inaasahang mag-aaruga
ng mga anak at mamahala sa mga gawaing pantahanan. Naroon pa rin ang paggalang at
magandang pagsusunuran ng mag-asawa at ng magkakapatid sa kabila ng pakikibagay sa
modernong pamumuhay.

Noong una , ang pagpili ng mapapangasawa ng mga anak ay karapatan ng mga


magulang . Ang mga magulang ay may mga sinusunod na na pamantayan ng pagpili at ang
halaga ng bigay-kaya para sa nobya o babaing ikakasal . Sila rin ang nagtatakda ng araw at
lugar ng kasal. Naniniwala naman ang mag-anak na walang magulang na naghahangad ng
masama para sa mga anak.

Bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa paggawa, pakikisama,


pagdamay, pagtanaw ng utang na loob, paggalang sa nakakatanda at kababaihan, katapangan
at katapatan. Bagaman sinasabing impluwensya ng mga Asyano ang paniniwala sa mga
pamahiin, hindi maikakailang naging ugali rin ito ng mga Pilipino, May mga pamahiin tungkol sa
pag-aasawa, panganganak, pagpapangalan ng anak at pagpili ng pook-tirahan na sinusunod pa
hanggang ngayon.

Nanatili hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga paniniwala at tradisyong Pilipino.


Ang mga ito ay bahagi ng ng pamanang kultural ng mg sinaunang Pilipino.
GAWIN MO

GAWAIN A

1. Bumuo ng apat na pangkat .


2. Gawin ang isinasaad ng Activity Card.

Pangkat 2:Magsagawa ng Isang Pamahiin sa pamamagitan ng Katutubong sayaw.

Pangkat 1: Isadula ang Pamamanhikan noong unang Panahon.

Pangkat 3: Bumuo ng isang awiting Rap na may temang sinaunang paniniwala.

Pangkat 4: Bumuo ng isang tula tungkol sa pangliligaw.

GAWAIN B

Lagyan ng tsek() ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaisipan ukol sa mga
paniniwala at tradisyong ng sinaunang Pililipino

1. Ang mga Pilipino ay nakikialamhati sa namatayan.


2. May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino.
3. Ang mga Pilipino ay makasarili.
4. Bawal daw maligo kapag may patay.
5. Mahilig magdiwang ng pista ang mgaa Pilipino.

GAWAIN C

Itugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra
ng sagot sa sagutang papel.

1. Maraming handang pagkain at mayroon pang mga palaro a. Pamanhikan


2. Paghingi ng kamay ng mga magulang sa nobya b.Pakikiramay
3. Pagpunta sa tahanan ng namatayan c.Pagtanaw ng utang
4. Pagganti sa ginawang kabutihan na loob .
5. Hindi pagsusukat ng damit bago ikasal d.Pamahiin
e.Pista

GAWAIN C

Magkaroon ng isang laro na ang tawag ay Arte Mo:Hula Ko . Bumuo ng


dalawang grupo na binubuo ng tig limang miyembro. Isang miyembro ng pangkat ang
bubunot ng salitang kanilang iaarte at ang natirang miyembro ng pangkat ang huhula ng
salitang may kinalaman sa paniniwala at tradisyon. Kung sino ang may pinakamaraming
tama ang mananal
Tandaan mo

Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon sariling kultura bago pa man


dumating ang mga dayuhan sa ating bansa.
Sila ay may mga paniniwala at tradisyon na kanilang sinusunod
hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga paniniwala at tradisyon na ito ay may impluwensya sa
kanilang pang araw-araw na pamumuhay gaya ng paniniwala sa mga
pamahiin.

Natutuhan ko

Sumulat ng isang maikling talata na tumatalakay sa isang paniniwala o tradisyon na inyong


natutunan at sabihin ang naging impluwensya nito sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.

Pamantayan Batang
Puntos
Nakabuo ng kaaya-ayang talata na may kawastuhang teknikal na 5
nagpapakita ng malinaw na pagtatalakay sa paksa.

Nakabuo ng talatang may kawastuhang teknikal at may malinaw na 4


pagtatalaka sa paksa.

Nabuo ng talatang may kawastuhang teknikal ngunit hindi malinaw ang 3


pagtalakay sa paksa.

Nakabuo ng talata walang kawastuhang teknikal at hindi malinaw ang 2


Pagtalakay sa paksa
Nakasimula ng talata ngunit hindi natapos. 1

Walang talatang nabuo 0

You might also like