You are on page 1of 39

Mga Akdang Pampanitikan ng

Rehiyong Mediterranean
BIGKASIN NINYO

HANAPIN NINYO

BUUIN NINYO
ISTASYON I
( Bigkasin Ninyo)

Sa istasyong ito, kailangan na ang lahat ng


miyembro ay kainin anuman ang pagkain na
nakahanda. Habang kumakain kayo ay
sabay-sabay ninyong bibigkasin ang isang
maikling tula.
ISTASYON II
( Hanapin Ninyo)

Kanina ay nakabunot na kayo ng may kulay na papel.


Sa istasyong ito ay hahanapin ninyo ang mga papel na
nakaayon sa inyong nabunot na kulay (asul at dilaw),
kasama pa dito ang isa pang papel na magiging inyong
gabay sa pagsagot sa ikatlong istasyon. Bago pumunta
sa susunod na istasyon ay kailangang mahanap ang
labing-isang papel na nakakalat sa loob ng silid-aralan.
PAALALA
!
Hanapin ang sampung
papel na nakakalat sa loob
ng silid-aralan.
PAALALA
!
Kasama ng mga sampung
papel ang mga “clues” na
tutulong sa inyong mabuo ang
salita, hanapin ang mga ito sa
loob ng silid-aralan.
ISTASYON III
( BUUIN NINYO)

Pagkatapos ninyong mahanap ang sampung


papel ay buuin ninyo ito sa pisara. Masasagot
niya lamang ito kung nabasa ninyo at
naintindihan ang mga “clues” na nakalagay sa
papel.
PAALALA
!
Paalala sa lahat na kuhanin niyo
lamang ang kulay ng papel na
nakaayon sa inyong nabunot.
Huwag ninyong ituro o itago
ang hindi sa inyo.
Sino Ako?
o Ako ang nagbigay sa
inyo ng relihiyong
Katoliko.

o Sinakop ko kayo ng
mahabang panahon.

o Pumunta ako sa inyo’y


dala ay krus at espada.

“Ako’y bansa”
Espanya
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng topikong ito ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

1. Naipapahayag ang sariling opinyon o kasagutan batay sa


akdang tinalakay.
2. Natutukoy kung tama o mali ang mga kaisipan o pahayag
batay sa topikong tinalakay.
3. Naisasagawa ng mahusay ang mga gawain sa bawat
pangkat.
4. Nakapipili ng wastong kasagutan batay sa topikong
tinalakay.
5. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
sariling pananaw.
Talasalitaan
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng bawat
salitang may salungguhit sa ulap. Idikit ang
kahulugan sa patlang bago ang bilang.

1. Mayroon din silang diyalektong ginagamit ng ilang


pangkat.
2. Napakaraming turista ang dumarayo sa Espanya sa
Lungsod ng Barcelona.
3. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanilang
tanghalian.
4. Nakaugalin din nila na magkaroon ng siesta o
pagpapahinga matapos kumain.
5. Ang Real Madrid ay isang koponan ng soccer na
nakabase sa Madrid, Espanya.
“Ang Apat na Buwan ko sa Espanya”
Ni Rebecca de Dios
Ako si Rebecca, labing-anim na taong gulang, anak ng
mag-asawang OFW na kapwa nagtrarabaho sa Barcelona.
Unang pagkakataon nila akong naisama rito dahil
nagbago ang school calendar ng aking unibersidad. Sa
isang malaki na hotel nagtratrabaho ang aking magulang,
bago pa sila dumating ay inayos na nila ang oras ng
kanilang pagpasok kaya nagawan nila ng paraan na
tuwing sabado at linngo ay makasama ko sila sa
pamamasyal. Dahil dito ay napasyalan ko ang mga
lungsod ng Madrid, Seville, Toledo at Valencia kaya
marami akong natutuhan at naranasan sa kanilang
kaugalian, kultura at tradisyon.
Sa buwan ng Abril-Hunyo ay nakaranas ako ng
katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng hulyo-
agosto ay sadyang napakainit daw ng panahon na kung
ihahambing ay nangyayari sa buwan ng Marso at Abril sa
Pilipinas. Sa mga panahong ito marami ang dumarayo sa
Espanya lalo na sa lungsod ng Barcelona, upang pasyalan
ang kanilang magagandang dalampasigan sa baybayin ng
Dagat Mediterranean.
Napakarami ring mga museo at mga
teatro na masasalamin ang kanilang
kasaysayan. Halimbawa ang Reina
Sofia sa Madrid. Libreng nakakapasok
dito sa araw ng miyerkules,huwebes at
biyernes mula 7-9 ng gabi. Libre ring
pumasok sa araw ng sabado at linggo
mula umaga hanggang 2:30 ng hapon.

National Art Museum of Catalonia kung


saan ang gusali pa lang ay kahanga-hanga na.
Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura
ang pagsasagawa ng bullfight kung saan
ang mga kalalakihan ay nakikipagtagisan
ng lakas sa toro.

Gayundin, ang pagsayaw ng flamenco


na labis kong nagustuhang panoorin dahil
sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga
mananayaw.
Maraming makabagong tahanan
at gusali subalit maraming gusali rin
ang naitayo pa noong gitnang
panahon tulad ng Palacio Real sa
Madrid, ang Toledo’s Ancient
Rooftops sa Toledo, Basilica de
la Sagrada Familia, Casa Vicens,
Casa Batllo, Guell Pavilion at
marami pang iba.
Ang kanilang wika ay Spanish o Castillian
na tinatawag nating Espanyol. Mayroon ding
diyalektong ginagamit ang mga tao tulad ng
Galician,Catalan,at Basque. Ang Ingles ay
nauunawaan subalit ang paggamit nito ay
hindi laganap. Gayunpaman, kung titira ka
nang matagalan ay kailangan matuto ka ng
wikang Espanyol dahil halos lahat ng mga
produkto, at mahahalagang dokumento,
babala sa daan at signages ay nasusulat sa
kanilang salita.

Natuwa ako dahil may mga salita silang


agad kong naintindihan tulad ng bao, calle
ventana , coche at iba pa. Nasakop nga pala
tayo ng mahigit tatlongdaang taon kaya
naging malaki ang impluwesya nila sa atin.
Kapansin-pansin ang malalaking
simbahang Katoliko sa Espanya.
Nakararami pa rin sa mga Espanyol
ang Katoliko na nasa humigit
kumulang 80% -90% subalit
marami pa rin sa ibang relihiyon
tulad ng Islam at ibang
pananampalataya tulad ng Jehova’s
Witnesses, Mormons at iba pa.
Gayunpaman, maraming Katoliko
ang hindi regular na nagsisimba at
nagsasagawa lamang ng riwal sa
simbahan tulad ng pagbibinyag,
pagpapakasal at pagbabasbas sa
namatay.
Ang kanilang almusal ay tinatawag na
El Desayuno na karaniwang kapeng may
gatas at tinapay lang. Sa ika 10-11 ng
umaga ay muli silang kakain tapas ang
tawag dito nakalagay sa maliliit na platito
na pwedeng damputin lang
(fingerfood).Ang La Comida ang
pinakamalaki nilang kain sa hapon,
maraming putahe ang inihahanda.
Naglalaan sila ng 2-3 oras sa pagkain ng
tanghalian at nalalaan ng siesta pagtapos
kumain. Tuwing 5-5:30 ng hapon ay
kumakain sila ng La merienda. Ang
pinakahuling parte ng pagkain ay
tinatawag na La cena tuwing ika 9 ng
gabi. Pagtapos ng hapunan ay lumalabas
sila upang maglakad-lakad at dumaraan sa
mga restaurant at bar.
Sa Espanya ay soccer o football ang tanyag na laro
na nilalaro saanmang bahagi ng bansa. Hindi
makokompleto ang kanilang linggo kung hindi sila
makakapanood ng paborito nilang koponan ang Real
Madrid na may mahigit 228 milyong tagasuporta.
Pormal ang pananamit, tanging mga kabataan ang nakita kong
nakasuot ng pantalong maong t-shirt lalo na sa lungsod ng Madrid.
Ang mga nakatatandang babae ay naksuot ng blusa at palda o
bestida. Ang mga kalalakihan ay nakasuot g may kwelyong pang-
itaas,slacks at sapatos na balat.Sa loob ng simbahan mayroon
dresscode ipinagbabawal ang mga damit na hindi angkop sa
simbahan.
Sagutin Natin
 Paano nakapunta sa bansang Espanya si Rebecca?

 Ano-anong paghahanda ang ginawa ng kanyang


magulang upang maging makabuluhan at matuto
siya sa pamamalagi niya as nasabing bansa?
 Saan-saang mga lugar o lungsod siya
nakapamasyal?
 Alin-alin sa mga kaugaliang naobserbahan niya
ang maihahawig o maitutulad sa iba nating
kaugalian?
 Bakit kaya may pagkakatulad ang ilan nating
kaugalian sa mga kaugaliang Espanyol?
 Kung mapupunta ka rin sa bansang ito, alin-alin
sa mga binanggit niya ang gugustuhin mo ring
maranasan? Bakit?
Pangkatang Gawain
 Panuto: Sa gawaing ito, itala ang pagkakatulad ng
Pilipinas sa pagkain, wika at kasuotan sa bansang
Espanya at gayundin ang pagkakaiba nila sa
tatlong nabanggit.

Pagkain Wika
Pagkakatulad Pagkakatulad
Pagkakaiba Pagkakaiba

Kasuotan
Pagkakatulad
Pagkakaiba
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw o Opinyon

Pananaw (Opinyon) o paningin ay


tumutukoy sa paniniwala o pagkakaunawa
o personal na perspektibo ng isang tao sa
mga bagay-bagay.

• Usaping politikal
• Usaping relihiyon
• Mga isyung pambansa
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw o Opinyon

Pananaw
- Saloobin at damdamin ng tao.
- Hindi maaaring mapatunayan kung tama o
hindi.
- Isang opinyon na maaring totoo pero
puwedeng
pasubalian ng iba.
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw o Opinyon

 Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng


Sariling Opinyon o Pananaw.

• Ang masasabi ko ay.. • Sa ganang akin


• Ang pagkakaalam ko ay.. • Buong igting kong
• Ang paniniwala ko ay.. sinusoportahan ang..
• Kung ako ang tatanungin.. • Kumbinsido akong..
• Para sa akin.. • Lubos kong
• Sa aking palagay pinaniniwalaan..
• Sa tingin ko ay • Labis akong
• Mahusay ang sinabi mo at naninindigan na..
ako man ay.. • Sa tingin ko..
• Sa pakiwari ko.. • Sa aking pananaw..
• Hindi ako sumasang-
ayon sa sinabi mo dahil..
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw o Opinyon

Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa isa’t
isa ang
pagiging matapat.

2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay


ng isang tao
na may takot sa Diyos.

3. Buong igting kong sinusoportahan, ang


pagpataw ng
parusang kamatayan sa ating bansa.
Mga Dapat Isaalang-alang sa pagbibigay ng sariling pananaw /opinyon.

• Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na


paraan kahit pa hindi sinasang-ayunan ang pananaw
ng iba.

• Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap.

• Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o


pumanig sa iyong pananaw o paninindigan

• Mas magiging matibay at makukumbinsi sa iba kung


ang pananaw o paninnindigang iyong pinaglalaban ay
sinusuportahan ng datos.

• Kapag na sa isang pormal na okasyon, gumamit rin


ng pormal na pananalita at huwag mong
kalilimutang gumamit ng “po” at “opo”.
Napatunayan na ng maraming Pilipinong
naglakas-loob sumubok na ang pagtatayo ng
maliit na negosyo ay isang alternatibong paraan
para kumita para sa pamilya nang hindi na
kailangang lumayo o magibang-bayan bukod sa
nakakatulong pa upang makapagbigay ng
hanapbuhay sa mga kababayan.

Panuto: Gamit ang kaisipan sa itaas, ilahad


ang sarili
mong pananaw at kumbinsihin ang kapwa mo
kabataang ikonsidera ang pagtatayo ng maliit na
negosyo kaysa pangingibang-bansa pagdating ng araw.
Gamitin ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
pananaw o opinyon sa gawaing ito.
Sa pagtatapos ng ating
talakayan sa Aralin 3,
anong aral ang napulot
ninyo sa sanaysay
partikular na kay Rebecca?
Isulat ito sa inyong
kuwaderno.
Maikling Pagsusulit
I.Tukuyin at lagyan ng tsek ( ) ang lahat ng mga kaisipan o ideyang
tinalakay sa akda. Ekis (x) naman ang ilagay kung hindi ito nabanggit
sa akda.
1. Hindi maagang magsisitulog ang mga Espanyol dahil
pagkatapos nilang kumain ay karaniwang naglibot-libot pa sila.

2. Isang mahalagang bahagi ng kanilang kaugalian ang


mahabang pananghalian at pagsi-siesta kaya naman ang halos buong
bansa ay tumitigil at nagsasara sa mga oras na ito.

3. Mahalaga sa mga Espanyol na mapangalagaan ang kanilang


itsura o anyo at makikita ito sa kanilang maayos na pananamit.

4. Nakitaan ng labis na kasipagan at pagsusumikap sa buhay ang


mga Espanyol.

5. Napangalagaan ng mga Espanyol ang mga gusaling kakikitaan


ng kanilang mayamang nakaraan at kasaysayan.
Maikling Pagsusulit
II.Piliin ang tamang sagot sa mga papipilian sa bawat katanungan. Isulat
ang sagot bago ang bilang.

__1. Isa sa mga pinakasikat na koponan ng soccer sa Espanya.


a. Gilas Pilipinas
b. Real Madrid
c. San Miguel

__2. Pangunahing wikang ginagamit sa bansang Espanya.


a. Galician
b. Basque
c. Castillian

__3. Ito ay kilala rin sa tawag na La Comida.


a. Meryenda
b. Pananghalian
c. Siesta
Maikling Pagsusulit
II.Piliin ang tamang sagot sa mga papipilian sa bawat katanungan. Isulat
ang sagot bago ang bilang.

__4. Alin sa mga grupo ng siyudad na ito ang napuntahan ni Rebecca.


a. Madrid, Seville, Toledo at Valencia
b. Berlin, Athens, London at Moscow
c. Maynila, Cebu, Davao at Marawi

__5. Ito ang pangunahing relihhiyon dito, na bumubuo sa 80% hanggang


90% ng populasyon ng Espanya.
a. Islam
b. Orthodox
c. Katoliko
Maikling Pagsusulit
III. Suriin kung ang mga sumusunod na mga pagpapahayag ng opinyon
o pananaw ay angkop o hindi. Lagyan ng tsek ( ) ang napiling kahon.

1. Sa aking palagay, nararapat sundin ng mga Espanyol ang mga


rekomendasyon ng kanilang binuong komisyon para na rin sa kanilang
ikakabuti at ikauunlad ng kanilang ekonomiya.
Angkop
Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito.
2. Hindi ako papayag! Walang sinumang makapagpapabago sa
kaugaliang matagal na naming ginagawa kahit pa siya ang
pinakamataas na pinuno ng mundo!
Angkop
Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito.
3. Sa tingin ko, kakayanin ng mga Espanyol na mabago ang
nakaugaliang ito basta maipapaliwanag lang sa kanila ang mabuting
maidudulot ng hakbang na ito.
Angkop
Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito.
Maikling Pagsusulit
III. Suriin kung ang mga sumusunod na mga pagpapahayag ng opinyon
o pananaw ay angkop o hindi. Lagyan ng tsek ( ) ang napiling kahon.

4. Para sa akin, susunod lang ako kapag naintindihan kong mabuti kung
bakit kailangan kong sumunod.
Angkop
Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito.

5. Kayo na lang ang sumunod kung gusto ninyo. Basta ako, magsi-siesta
ako hanggang gusto ko at walang makapipigil sa akin.
Angkop
Hindi angkop ang pagkakalahad ng pananaw na ito.
Mga Sagot
I: II: III:

1. tsek 1. B 1. Angkop
2. tsek 2. C
3. ekis 3. B 2. Hindi Angkop
4. ekis 4. A
5. tsek 3. Angkop

4. Angkop

5. Hindi angkop
Takdang Aralin
May mga detalye ka bang nalalaman ukol sa iyong binyag o
bawtismo? Magdala nang anumang dokumento o larawan na
may kinalaman sa iyong binyag at sagutin ang ilang mga
katanungan. Isulat ang sagot sa isa’t kalahating papel.

• Anong buong pangalan ang ibinigay sa iyo ng iyong


magulang?
• Kailan ka bininyagan?
• Saan ka bininyagan?
• Mayroon ka bang mga ninong at ninang? Kung meron sino-
sino sila?
• Anumang relihiyon o pananampalataya ang kinabibilangan,
bakit itinuturing na isang mahalagang bahagi ng buhay ng
isang tao ang kanyang binyag o bawtismo?

You might also like