You are on page 1of 8

Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng

karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Ito ay

para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang

kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang

kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo

kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at

damdaming Pilipino, na malaki ang kaibahan sa mga

pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.

Noong 1960’s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa mga

paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia

Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng

sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga Kastila, gaya ng ating mga

pambansang bayaning sina Dr. Jose Rizal at Apolinario Mabini, ay

nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng pagkakatuto nito.

Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng

Sikolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman , na si Dr.

Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling

maunawaan ito ng mga Pilipino.

Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez,

mayroong tatlong anyo ang Sikolohiyang

Pilipino:

1. Sikolohiya sa Pilipinas

2. Sikolohiya ng Pilipino

3. Sikolohiyang Pilipino

 Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng

mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa

Pilipinas, banyaga man o maka-Pilipino.

 Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa


lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa

sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino.

 Ang panghuling anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay

walang iba kundi ang Sikolohiyang Pilipino, mismo.

Ayon dito, ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng

karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas.

Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat

tungkol dito.

Sa maikling salita, Ang sikolohiya

sa Pilipinas ay "bisita sa bahay",

Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao

sa bahay, at Sikolohiyang Pilipino

ay "ang maybahay"

Kinikilala ng maraming sikolohista sa

akademiya na mayroong pangangailangang

isalin ang ibang mga salita sa Filipino upang

mas maigi silang talakayin. Ang anim na

konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang

mga sumusunod:

 Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay

tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa Pilipinas.

Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino.

 Ang sumunod na lebel sa mga konsepto ng Sikolohiyang

Pilipino ay ang pagtatakda ng kahulugan. Dito naman, ang

salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas, habang ang

kahulugan nito ay banyaga. Mga halimbawa nito ay ang

pagsasalin ng mga salitang alaala at gunitain sa mga salitang

“memory” at “recall” upang mas mabuting maintindihan ng

mga mambabasa ang ibig sabihin ng mananaliksik. Kasali rin


dito ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng

kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa

saliksik.

 Ang Pagaandukha na konsepto ng Sikolohiyang

Pilipino ay ang pagkukuha ng salitang dayuhan at

baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon

siya ng Pilipinong kahulugan. Isang halimbawa

nito ay ang tambay na nanggaling sa salitang

standby. Ang ibig sabihin ng standby sa Ingles ay

paghihintay ngunit dahil sa pag-iiba ng anyo at

kahulugan nito sa Pilipino naging tambay ang

salita kung saan ang ibig sabihin nito ay walang

ginagawa at mayroong negatibong konteksto.

 Ang konsepto ng Pagbibinyag sa Sikolohiyang

Pilipino ay madali lang intindihan sapagkat

ang ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga

dayuhan ng kanilang mga sariling kahulugan sa

mga salitang Pilipino. Tingnan ang salitang

hiya kung sa Pilipino ay napaka-lalim ang

kahulugan habang sa Ingles ay ibig sabihin

lang ay shame. Gayunman, alam ng bawat

Pilipino na hindi lamang shame ang ibig

sabihin ng hiya.

Ang pangalawa sa huling konsepto ng

Sikolohiyang Pilipino ay ang Paimbabaw

na Asimilasyon. Sa Paimbabaw na

Asimilasyon pinag-uusapan ang mga

salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas

ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang


kahulugan nito.

 Ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang

Pilipino ay ang Ligaw/Banyaga na mga salita.

Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na

hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang

Pilipinong katapat ito. Isang halimbawa nito ay

ang konsepto ng home for the aged na walang

katumbas na Pilipinong salita dahil hindi

naman uso, o katanggap-tanggap, na iiwanan

lamang ang mga magulang sa isang home for

the aged sa kulturang Pilipino.

Ayon kay Zeus Salazar, mayroong apat na piliyasyon,

o filiation sa Ingles, ang Sikolohiyang Pilipino:

 Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal

 Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko

 Sikolohiyang Katutubo

 Sistemang Sikomedikal at Relihiyon

Sikolohiyang Akademiko-Pilosopikal:

Nagsimula ito sa panahon ng mga Amerikano

sa Unibersidad ng Pilipinas, ngunit malaki rin

ang papel ng Unibersidad ng Santo Tomas at

Unibersidad ng San Carlos sa pag-aaral ng

ganitong klaseng sikolohiya. Madalas ay

pilosopikal at teolohikal ang piliyasyon na ito.

Sikolohiyang Akademiko-Siyentipiko:

Nagsimula rin ito sa UP at hinikayat ng

piliyasyong ito ang mga akademiko na ituring

ang pananaliksik bilang importante sa

sikolohiya. Dito rin naging uso ang pagnanais ng


mga sikolohista na magkaroon ng mga resulta

na empirikal.

Sikolohiyang Katutubo: Ang sikolohiyang katutubo ay hindi

nagsimula sa isang unibersidad katulad ng nauunang dalawa

dahil dati pa itong pinapraktis ng mga katutubong Pilipino.

Nahahati ito sa dalawa: ang Katutubong Sikolohiya at

Kinagisnang Sikolohiya. Tinutukoy ng katutubong sikolohiya

ang mga paniniwala at karanasan ng mga katutubong Pilipino,

habang sakop naman ng kinagisnang sikolohiya ang wika,

kultura, at sining ng mga Pilipino.

Sistemang Sikomedikal at Relihiyon:

Nagsimula ito mula sa medikong

relihiyosong gawa ng mga naunang

babaylan at katalonan.Tinatalakay rito

ang iba’t ibang sistema ng paniniwala.

PAKIKIPAGKAPWA-TAO

Ibang-iba ang konsepto ng kapwa sa salitang

Ingles na others sapagkat ang kapwa ay ang

pagkakaisa ng sarili at ng ibang tao. Ito ang

pagtatanggap sa ibang tao bilang kapantay, at

katulad. Nakikitungo ang Pilipino sa kapwa na

may respeto at dignidad bilang isang tao rin.

PAGIGING MALAPIT SA PAMILYA

Sa mga kanluraning kultura, inaasahang umalis na sa bahay

ng magulang, mamuhay at suportahan ang sarili kapag may edad

ng 18 ang isang tao. Iba ang kaugaliang Pilipino: kahit may edad

na ang isang Pilipino, namumuhay pa rin siya sa bahay ng kanyang

magulang hanggang handang-handa na siyang magkaroon na siya

ng sariling pamilya. Kapag matanda na ang magulang at hindi na


maalagaan ang sarili, inaasahang sa mga anak na mag-alaga sa

kanila, bihira ang "Tahanan para sa mga Matatanda" sa Pilipinas

na nakikita sa mga kanluraning lipunan at kultura. Hindi rin

pambihira sa kulturang Pilipino ang mga pagtitipon at kainan

kasama ang buong angkan. Napakahalaga sa mga Pilipino ang

pagiging malapit sa pamilya.

BIRO

Marunong magbiro ang mga Pilipino sa

kahit anong situwasyon. Kahit hindi angkop

sa situwasyon ang pagbibiruan, sinasalamin

nito ang pagiging maasahin at determinado ng

mga Pilipino sa harap ng kahirapan.

Ginagamit rin ang biro upang maiwasan ang

hiya kapag napahiya o may nagawang

nakakahiya o kinahihiyaan.

PAKIKIBAGAY SA SITWASYON

Organiko at likas ang konsepto ng oras ng mga Pilipino,

ginagawa nila ang mga bagay kapag nararamdaman nila na

tamang-tama na ang panahon upang gawin iyon. Hindi sila

nakatali sa mga mahigpit sa itinakda (schedule), at nakatuon sila

sa kasalukuyan, hindi sa kinabukasan. Nakikibagay ang mga

Pilipino sa kanyang situwasyon, kapag may oras para huminga,

hihinga siya, at kung kailangan nang magtrabaho, magtatrabaho

na siya. Hindi sila mag-aalala sa mga bagay na hindi pa

nangyayari, dahil alam nila na kapag dumating na ang oras,

makikibagay sila. Mabilis mag-isip ang mga Pilipino at magaling

maghanap ng solusyon sa mga problema kahit hinaharap na nila

ito.

PANANAMPALATAYA AT RELIHIYON
Napakahalaga sa mga Pilipino ang kanilang

pananampalataya at relihiyon. Kristiyano ang mga

85% ng populasyon sa Pilipinas, at makikita at

kahalagahan nitong relihiyon sa dami ng mga pista

opisyal, sa siksikan sa mga simbahan tuwing Linggo,

hilig ng mga Pilipino sa dasal at Novena, moralidad

ng mga Pilipino, mga pista para sa imahe (katulad ng

Sto. Nino at mga Santo), at mga malalang ritwal

tuwing Semana Santa.

TIBAY AT LAKAS

Mayaman sa kabiguan at kahirapan ang

kasaysayan ng Pilipinas, ngunit nagtagumpay pa

rin ang mga Pilipino sa harap ng mga ito. Sinakop

na ng ibang bansa, nawasak ng giyera,

napasailalim sa batas militar, pinamahalaan ng

mangungurakot, nawasak ng bagyo, at kahit ano

pa, hindi sumuko at hindi susuko ang mga

Pilipino, at magsusumikap hanggang may

mahanap na solusyon sa problema.

KASIPAGAN

Masipag at matiyaga ang mga Pilipino sa mga

gawaing determinado nilang tapusin. Makikita ito ong

kaugaliang Pilipino sa kanilang mga sakahan. Kahit laos

na ang mga teknolohiya at kagamitan ng mga magsasaka,

at madalas na nawawasak ang mga bukid dahil sa mga

bagyo nagpupursigi pa rin sila para para mamuhay.

Malapit sa kamalayang Pilipino ang konsepto ng OFW

o Overseas Pilipino Worker na nagsasakrapisyo upang

matulungan at masuportahan ang kanilang mga pamilya.


PAGGALANG

Napakahalaga sa mga Pilipino ang paggalang, at

makikita ito sa kanilang paggamit ng "po" at "opo"

. Ang

mga bata ay inaasahang makinig at sumunod palagi sa

magulang at mas nakatatanda. Inaasahan din silang

magmano sa mga mas nakatatanda. At kahit may sapat

na gulang na ang isang Pilipino, iginagalang pa rin nila

ang mga mungkahi, nais at gusto ng kanyang mga

magulang, naiimpluwensiya pa rin ng mga magulang

ang mga pasya ng kanilang mga anak.

You might also like