You are on page 1of 28

MODYUL 2

(UNANG MARKAHAN)
FILIPINO 10
Target ng Pagkatuto:
1.Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay
ang kahulugan.
2. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong
isyung pandaigdig
3. Naipakikilala ang mahahalagang detalye ng binasang akda.
4. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig.
5. Napapangatuwiranan ang kahalagahan, pagkakaiba at
pagkakapareho ng epiko bilang
akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa.
6. Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na
akda.
Target ng Pagkatuto:
7.Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa paglalahad ng kaispan sa pagsulat ng sanaysay.
8. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw ukol sa COVID-19 bilang pagpapalawak ng mga ideya sa pagsulat
ng sanaysay.
9. Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa: a. pagkakaiba-iba at
pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig; b. ang paliwanag tungkol sa
isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino; c. sariling
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa
kultura ng ibang bansa; at d. suring-basa ng nobelang nabasa o napanood.
10. Nakasusulat ng isang pagpapahalagang pangkatauhan bilang
pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging bukas at paggalang sa
pagkakaiba-iba ng mga kultura, lahi, paniniwala, at relihiyon sa mundo.
Handa ka na bang tuklasin ang yaman at ganda ng
Panitikan ng bansang Espanya? Halina’t ating
simulan, maging maalam at alisto sa pagtalakay sa araling ito.
Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad na
kung minsan ay may layuning makakuha ng
ano mang pagbabago, bagaman maaaring makalibang din. Ang
pangunahing katangian ng sanaysay ay ang
pagsasalita mismo ng may-akda sa akda. Ipinapahayag ng
kumatha ang sariling pangmalas, ang kaniyang
pagkukuro, at damdamin.
Sa araling ito tatalakayin natin ang isang sanaysay na nagmula
sa bansang Espanya. Inilahad sa
sanaysay na ito ang ilang paniniwala, tradisyon at kultura ng
kanilang bansa. Tatalakayin din sa araling ito ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa sanaysay sa pamamagitan ng mabisang pagtukoy
sa pamaksa at pantulong na pangungusap.
Gayundin sa modyul na ito atin ding matatalakay ang
isang epiko na nagbigay-daan upang ang mga Paganong Korinto
noong ikasampung siglo ay maging binyagang Kristiyano.
Ang iyong layunin sa bahaging ito ay matutuhan at maunawaan kung
paano tukuyin ang paksa o ang pangunahing kaisipan ng isang
sanaysay at ang mga salitang hudyat sa pagsusunod-sunod na
pangyayari. Ang pagsagot sa iba’t ibang grapikong pantulong at mga
gawain ay makatutulong sa iyo upang madaling
maisagawa ang inaasahang pagganap.
ALAM MO BA?
Ang Espanya ay isang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob nang
mahigit tatlong daang taon. Hanggang sa kasalukuyan, napakarami pa rin
sa mga impluwensiya ng bansang ito ang nasasalamin sa ating wika,
kultura, tradisyon, pananampalataya at uri ng pamumuhay.
Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 50,000 Overseas Filipino
Worker o OFW ang naghahanapbuhay at naninirahan sa bansang ito
partikular sa malalaking lungsod dito tulad ng Madrid at Barcelona.
Maliban sa mga OFW, mayroon ding humigit-kumulang 300,000 Pilipino ay
may dual citizenship (Pilipino at Espanyol). Marami sa kanila ang mga
tinatawag na mestizo (mestizo) o mga anak ng mga magulang na may
lahing Pilipino at lahing Espanyol.
Ako si Rebecca, labing-anim na taong gulang,
anak ng mag-asawang OFWnna kapwa nagtatrabaho sa
Barcelona, Espanya. Walang taon na rito sina Nanay at
Tatay subalit ito pa lang ang unang pagkakataong
naisama nila ako. Nagkataon kasing nagbago ang school
calendar ng unibersidad na papasukan ko. Sa halip na
nakasanayang Hunyo ay sa buwan ng Agosto pa
magbubukas ang klase kaya sinamantala naming ang
mahaba-habang bakasyon mula Abril hanggang huling
lingo ng Hulyo upang sa halip na sila ang umuwi sa
Pilipinas ay ako ang pinapunta nila sa Barcelona isa sa
pinakakilalang lungsod sa Espanya.

Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking magulang. Bago pa ako dumating
ay inayos na nila ang oras ng kanilang pagpasok upang lagi akong may kasamang isa sa kanila. Magkaiba
ang kanilang shift sa trabaho subalit nagawan nila ng paraang tuwing Sabado at Linggo ay maging libre
sila pareho para makasama ako. Dahil dito, napasyalan naming ang magagandang lugar sa mga lungsod
ng Madrid, Seville, Toledo, at Valencia. Sa apat na buwan ng pamamalagi ko sa Espanya at pamamasyal
naming sa iba’t ibang lungsod dito ay marami akong natutuhan at nararanasan sa kanilang mga
kaugalian, kultura, at tradisyon.
KLIMA AT PANAHON

Sa mga unang buwan ng aking pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay nakaranas


ako ng katamtamang panahon. Subalit sa buwan ng Hulyo (gayundin daw sa buwan ng
Agosto na hindi ko inabot) na itinuturing na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit ng
panahong maihahambing sa ating nararanasan sa Pilipinas sa mga buwan ng Marso at
Abril. Sa mga panahong ito’y napakaraming turista ang dumarayo sa Espanya lalo na sa
Lungsod ng Barcelona upang pasyalan ang kanilang magagandang dalampasigang nasa
baybayin ng Dagat Mediterranian.
KULTURA AT TRADISYON

Isa sa ipinagmamalaki ng mga Espanyol ay ang kanilang mayamang kultura at tradisyong


nag-ugat pa sa malayong nakaraan. Napakarami nilang museo at mga teatro kung saan
masasalamin ang kanilang kasaysayan. May mga araw at oras silang nakalaan para sa
libreng pagpasok sa mga museo. Halimbawa , napasok naming nang libre ang Reina Sofia
sa Madrid, isang museong tanyag sa buong mundo. Libreng nakakapasok dito ang
publiko sa mga araw ng Lunes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes mula ikapito hanggang
ikasiyam ng gabi. Libre rin ang pagpasok dito mula 2:30 ng hapon kapag araw ng
Sabado. Kapag Linggo naman ay libre ito mula umaga hanggang 2:30 ng hapon. Sa
pamamasyal namin sa iba’t ibang museo, Nakita ko ang mga obra maestra ng mga tanyag
na alagad ng sining tulad nina Salvador Dali, Pablo Picasso, Joan Miro, Antoni Tapies, at
iba pa.
Ang isa pang tanyag na museong napasok din namin ng libre ay ang National Art
Museum og Catalonia kung saan ang gusali pa lang ay kahanga-hanga na. Bahagi rin ng
kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa ng bullfight kung saan ang mga lalaki ay
nakikipagtagisan ng lakas sa isang toro gayundin ang pagsayaw ng flamenco, na labis
kong nagustuhang panoorin dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw
na tila nakaangat sa hangin at hindi lumalapit sa sahig.

ANG MGA TAHANAN AT GUSALI

Ang isa sa pinakamagagandang bagay na nakita ko sa Espanya ay ang kanilang mga


gusali. Marami na ring makabagong tahanan at gusali subalit ipinagkakapuri nila ang
mga gusaling naitayo pa noong gitnang panahon at nagpapakita ng mayamang
Ilan sa mga ito ang Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient Rooftops sa Toledo,
isa sa mga pinakamatandang lungsod sa Espanya kung saan matatagpuan ang mga lumang
bahay at makasaysayang mga gusali, at ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada
Familia, isang UNESCO World Heritage Site na sinasabing sinimulang gawin sa pamumuno
ng tanyag na arkitektong si Antoni Gaudi noong pang 1883. Ang mga lumang gusaling
dinisenyo rin ni Gaudi sa Barcelona tulad ng Casa Vicens, Casa Batllo, Guell Pavillions, at iba
pa ay isa-isa rin naming pinasyalan. Ang bawat gusali ay may taglay na kasaysayang
maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod at maging ng bansa.
WIKA

Ang kanilang wikang Pambansa ay Spanish o Castilian na tinatawag naman nating


Espanyol. Mayroon din silang ilang diyalektong ginagamit ng ilang pangkat tulad ng
Galician, Catalan, at Basque. Ang Ingles ay nauunawaan ng ilan subalit ang pagsasalita
nito ay hindi gaanong laganap. Sabi ng aking magulang, mas kakaunting Espanyol daw
ang nakapagsasalita ng Ingles kompara sa ibang mga bansa sa Europa. Gayunpaman, sa
hotel kung saan sila nagtatrabaho ay mahuhusay sa Ingles ang kanilang mga katrabahong
Espanyol dahil ang karamihan sa kanilang mga bisita ay mga turistang mula sa iba’t
ibang panig ng mundo. Kung tityra ka ng matagalan sa bansang ito ay kailangan mong
matuto ng wikang Espanyol dahil ang halos lahat ng mababasa tulad ng mga babala sa
daan, mga paskil o signages, mga pangalan ng produkto, at mahahalagang dokumento ay
nasusulat sa kanilang wika. Natuwa lang ako dahil may mga salita silang agad kong
naintindihan tulad ng mga salitang bano, calle, ventanna, coche, at iba pa. Nasakop nga
pala nila tayo sa loob ng mahigit tatlong daang taon kaya naman marami silang naging
impluwensiya sa ating kulltura kasama na ang ating wika.
RELIHIYON AT PANANAMPALATAYA

Ang isa sa mga bagay na kapansin-pansin sa Espanya ay ang pagkakaroon ng


naglalakihang Simbahang Katoliko sa halos lahat ng dako kaya’t ang dayuhang
mangagawa tulad ng aking magulang na naghahanap ng masisimbahan ay tiyak na hindi
mahihirapan. Nakararami pa rin sa mga Espanyol ang Katoliko na nasa humigit-
kumulang 80% hanggang 90% ng populasyon subalit marami na ring ibang relihiyon o
pananampalataya ang laganap dito tulad ng Islam at ng ibang pananampalatayang
Kristiyano gaya ng mga Protestante, Jehovah’s Witnesses, Mormons, at iba pa.
Gayunpaman, sa aming pagsisimba ay napansin kong di tulad sa ating bansa, hindi
napupuno ang mga simbahan. Ayon sa aking mga magulang, kahit malaki ang bilang ng
mga Katoliko ay marami sa kanila ang hindi regular na nagsisimba at nagsasagawa
ANG KANILANG PAGKAIN AT IBA PANG KAUGALIAN

Kung may isang bagay na labis na naiiba o natatangi sa mga Espanyol, ito ay ang
kanilang mga kaugalian kaugnay ng pagkain. Ang kanilang almusal na tinatawag nilang
El Desayuno ay karaniwang kapeng may gatas at tinapay lang. Magaan lang ito dahil sa
bandang ikasampu o ikalabing-isa ng umaga ay muli silang kakain. Karaniwang tapas
ang kinakain sa oras na ito. Ang tapas ay mga pagkaing nakalagay sa maliliit na lalagyan
tulad ng platito na maaaring damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit na
posit, tinapay na may nakapatong na kamatis at keso, nakatuhog na tuna at olive, at iba
pa. Sa kanila pala natin nakuha ang nakaugalian nating pagkain sa pagitan ng agahan at
tanghalian.
ANG KANILANG PAGKAIN AT IBA PANG KAUGALIAN

Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang la comida ang pinakamalaki nilang kain sa
maghapon. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanilang tanghalian at hindi sila nawawalan ng
tinapay sa kanilang hapag. Tinapay ang kanilang pinakakanin at ito ang ginagamit nila upang masimot ang
sarsa sa kanilang pinggan. Ang ilang putaheng paborito nila ay kilala rin natin tulad ng paella, gambas,
cochinillo asado (na kahawig ng ating lechon de leche), at iba pa. Naglalaan sila ng dalawa hanggang
tatlong oras para sa pananghalian dahil bukod sa marami silang nakahandang pagkain para rito ay
nakaugalian din nilang magkaroon ng siesta o sandalling pagtulog o pagpapahinga pagkatapos kumain.
Ang buong bansa ay nagsi-siesta kaya’t karaniwang nagsasara ang mga tindahan, paaralan, at pagawaan
mula ika-isa hanggang ika-apat ng hapon para sa mahabang pananghalian at siesta. Gayunpaman,
napansin kong sa Barcelona at sa Madrid na pinakamalaki nilang lunsod at may pinakamaraming
dayuhan ay bukas ang malalaking supermarket at mga tindahan maging sa mga oras na ito.
Pagsapit ng ikalima o ikalima’t kalahati ng hapon ay muli silang kumakain ng
tinatawag nilang La Merienda (sa kanila pala galling ang katawagan nating meryenda).
Magaan lang ang pagkaing ito na karaniwang tinapay na may palaman. Ikasiyam naman
ng gabi ang karaniwang oras ng kanilang hapunang tinatawag nilang La Cena. Mas kaunti
ang pagkaing nakahain na minsa’y pritongitlog o isda at ensaladang gulay lang. Hindi rin
nawawala ang paborito nilang minatamis na karaniwang gawa sa itlog at gatas na
tinatawag naman nating leche flan.
Kung ikukumpara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay masasabing huli na
ang ikasiyam na gabi subalit hindi pa rito nagtatapos ang maghapon ng mga Espanyol.
Pangkaraniwan na sa kanila ang lumabas pa pagkatapos ng hapunan at maglakad-lakad
(tinatawag nilang paseo) at dumaan sa mga restoran o bar.
Umuuwi lang sila upang matulog kapag maghahatinggabi o lagpas hatinggabi na.
Sa mga araw na walang pasok ay inaabot sila ng ikatlo o ikaapat ng umaga sa labas ng
tahanan at bago umuwi ay karaniwang kumakain uli sila ng churros o tila pahabang
donuts na prinito at binudburan ng asukal. Isinasawsaw nila ito sa mainit at malapot na
tsokolate. Naiisip kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay namana natin sa mga
Espanyol na sumakop sa atin subalit kahit anong gawin kong paggaya sa kaugalian nila
kaugnay ng pagkain at pagtulog ay hindi ko talaga kaya. Maging ang magulang kong
walong taon na rito ay hindi rin magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na
ang oras ng pagtulog dahil na rin sa regular na oras ng trabaho nila sa hotel.

ISPORTS
Kung sa Pilipinas ay may basketball court sa halos lahat ng
sulok ng barangay, sa Espanya ay soccer o football naman ang tanyag
na tanyag na laro at nilalaro o nilalahukan ng halos lahat ng
kabataan saanmang bahagi ng bansa. Hindi makokompleto ang
kanilang lingo kung hindi sila makapanonood ng paborito nilang
koponan ng soccer. Ang Real Madrid, isang koponan ng soccer na
nakabase sa Madrid, Espanya ang itinuturing na pinakapopular na
soccer club sa buong mundo na may mahigit 228 milyong
KASUOTAN
Napansin kong higit na pormal ang pananamit ng mga
Espanyol kompara sa atin. Tanging mga kabataan ang nakita
kong nakasuot ng pantalong maong at t-shirt lalo na sa Lungsod
ng Madrod. Ang mga nakatatandang babae ay karaniwang
nakasuot ng blusa at palda o bestida. Ang kalalakihan ay
karaniwan namang nakasuot ng may kuwelyong pang-itaas,
pantalong slacks , at sapatos na balat. Sa aming pag-iikot ay
halos wala akong nakitang naka-rubber o tennis shoes maliban sa
mga turistang namamasyal sa mga baybayin ng Barcelona. Sa
loob ng simbahan ay pormal ang pananamit. Katunayan,
mayroon silang dress code at ipinagbabawal ang mga damit o
kasuotang hindi angkop sa simbahang itinuturing na banal na
lugar. Sa pamamasyal nila pagkatapos ng hapunan ay maayos at
pormal din ang kanilang pananamit.
Napakarami kong natutuhan sa apat na buwang pagtira
sa Espanya. Marami silang mga kaugaliang nahahawig sa atin
dahil na rin sa impluwensiya ng matagal nilang pananakop
subalit nananatili silang iba at natatangi sa maraming bagay.
Ipinagpapasalamat ko kina Nanay at Tatay ang pagkakataong
ibinigay nila sa akin upang matuto ng maraming bagay at lalong
Si France Prešeren ay isang makatang naging
tanyag dahil sa kanyang mga soneto subalit lalo siyang
nakilala dahil sa kanyang epikong Krst pri Savici o ang
Pagbibinyag sa Ilog Savica (1835). Siya ngayon ay
kinikilalang pambansang makata ng bansang Slovenia
at ang kanyang obra maesta ay kinilala bilang kanilang
pambansang epiko. Isang monumentong nagpaparangal
sa kanya an itinayo sa Lungsod ng Ljubljana, ang
kabisera ng Slovenia at ito ngayon ay tinatawag na
Prešeren Square. Bilang karagdagang pagpaparangal ay
inilagay ang kanyang larawan sa kanilang dating 1000
libong papel na Tolar subalit ngayong napalitan na ang
kanilang salapiay inilagay ang larawan niya sa sa
Slovenian two-euro coin.
Gayundin, ang pinakamataas na pagkilala sa kanilang
mahuhusay na alagad ng sining ay ginagawaran ngayon ng Prešeren
Award, ang prestihiyosong parangal na isinunod sa kanyang pangalan.
Ang Slovenia ay isa sa mga maliliit ngunit
mauunlad na bansa sa Europa. Ito na ngayon ang pinkamulad sa lahat ng
mga bansang dating kabilang sa Yugoslav Republics. Sa kabila ng kanilang
pag-unald, napanatili ng mga Slovenian ang pagpapahalga sa kanilang
kalikasan dahil ng kalahati ng kanilang kabuoang lupain ay nananatili pa
ring akgubatan.
Ang sia pang ipinagmamalaki ng bansang ito ay
ang lokasyon nitong malapit sa kabundukan ng Alpine at sa magandang
karagatan ng Mediterranean. Mayroon lamang itong 46 na kilometrong
haba ng dalampasigan subalit ito ay itinuturing na isa sa
pinkamagandang dalmpasigan sa mundo na dinarayo ng maraming
turista lalo sa panahon ng tag-init.
Ang Ang Pagbibinyag sa Savica ay isang
epikong Slovenian na binubuo ng tatlong bahagi;
Una ay ang “Ang Soneto’ na iniaalay ni Prešeren sa
matalik niyang kaibigang si Matija Ĉop, na namatay
dahil sa pagkalunod sa edad na 38. Pangalawa ay,
“Ang Prologo” na nasusulat ng patula at binubuo ng
dalawampu’t anim na saknong na may tagalong
taludturan (tercets). Pangatlo, “Ang Pagbibinyag”
na nasusulat sa tigwalong taludturang tula at
binubuo ng 56na saknong o talata.
Ang kabuuan ng epiko ay tumatalakay sa mga panyayaring nagbibigay-
daan upang ang mga Paganong Korinto noong ikasampung siglo ay maging binyagang
Kristiyano. Sumentro ito sa pag-iibigan ng dalwang pangunahing tauhan: Si Ĉrtomir,
ang makisig at matapang na mandirigmang Pagano na labis na nagmamahal sa
kaniyang kasintahan; at si Bogomila, isang dalagang maganda, inosente, at mahinhin,
subalit may matatag na paninindigan. Nagkahiwalay ang dalwa dahil sa pagsabak ni
Ĉrtomir sa isang digmaan sa pagitan ng mga Paganong pinamumunuan niya at ng
Naging madugo ang digmaan at dahil malakas ang naklabang hukbo bukod pa
sa kinulang sila sa pagkain, natalo ang pangkat nina Ĉrtomir. Sa pagtatapos ng digmaan
ay tanging si Crtomir lamang ang nkaligtas. Lingid sa kanyang kaalaman, ang kaniya
palang kasintahang si Bogomila, na dating alagad ng kanilang Diyosang si Ciba ay hindi
na isang Pagano. Nagpabinyag ang dalaga at ngayon ay isa ng Kristiyano. Habang nasa
digmaan ang kasintahan ay nananalangin ng buong taimtim at nangako ang dalaga sa
Panginoon na kung makababalik ng buhay si Ĉrtomir ay iaalay nya ang kaniyang sarili at
ang buong buhay sa pagsisilbi sa Panginoon.
Nang muling magkita ay nanikluhod at sinuyo ni Ĉrtomir ang
kasintahan para mabago ang desisyon ntio at ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan
subalit buo na ang loob ni Bogomila. Sa halip, kinumbinsi niya si Ĉrtomir na yakapin ang
panananamplatayang Kristiyano at magpabinyag din tulad niya, Sa matiyagang
pangungumbinsi ni Bogomilaay napapayag din niya si Ĉrtomir. Naganp ang pagbibinyag
sa binate sa Talon ng Savica. Hindi nagtagal, si Ĉrtomir ay naging isang paring Kristiyano
at tulad ng kanyang dating kasintahan ay inialay niya ang kanyang buhay at pagsisilbi
para sa Panginoon.
ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA (Prologo)
(Krst Pri Savici, Epikong Slovenian)
Ni France Prešeren

Si Valjhun, ang anak ni Kajtimar, ay nagpapalaganap


Ng pananampalatayang Kristiyano sa mahaba’t madugong pakikidigma;
Sina Avreli at Droh, sa kanya’y hindi na lumalaban.

Nangabigo sa kanilang buhay at ibang suliranin,


At ang mga lambak ng Carniola, ng Carantania
Tiyak ang mga lawa ng dugong kahili-hilakbot.

Wala pang matapang na pinunong may hukbong pumapantay,


Nangalupig silang lahat, gumuguho sa pamamaalam,
Liban kay Ĉrtomir na may pangkat pang nagbabagong-lakas.

Ang bunso’y nagtatanggol ng matandang paniniwala


Ng pananampalataya ng kanyang mga ninuno sa iba, mga bathala’t
espiritu,
Sa kabila ng mga ulap ang mataas nilang hurisdiksiyon.

Sa bawat isang nagtataglay ng agnitong palsong pananalig


Sa katapangan ng Bistric ay bilang takas na gumagala,
Sa kanlungan ng Bohinj at nagtatasang munting tore.
Ni espada o palakol o kahit hataw ng pala
Isang guho sa itaas ng kulay-abong bundok Ang magsusulong sa tagumpay, manapa’y
Ang huling kuta sa teritoryo ni Ĉrtomir, matinding gutom
Ngayo’y moog ng Pagano na ating sisiyasatin. Ang nagbabantang maagpahina sa proteksiyon ng
moog.
Ang ibayong laking kalaba’y may isang obsesyon,
Makubkob sila, ang kuta’y napapaligiran na, Hindi na maikukubli ni Ĉrtomir ang kanilang
Nahahadlangan ang apgpasok ng kanilang mga kagipitan;
kaalyado. Sa Gayo’y tinipon niya’t kinausap ang kanyang mga
kawal:
Tingnan kung paaanong pataas ang mga tuntungan ng “Matatagalan natin ang espada, ngunit tadhana’y
mga kalaban, mas malakas.
Upang gibain ang mga pader,magkaisang was akin ang
mga portada, Napakakonting pagkain ang natinggal ko,
Ngunit bawat lusob, matatag ang moog, nanlilito. naikanlong,
Ang tagal ding nabuhay tayong walang tumutulong.
Sa anim na buwa nag daigdig na may dugo’y Di ko sisisihin ang sinumang piliin ang pagsuko.
nasalanta,
Mula sa kasamaang Patayan ng magkakapatid na Siyang sa ngayo’ya tatanggap ng buhay-alipin,
Slovene; Dadanas ng mga araw tulad ng agbing wala nang
Kahindik-hindik na sangkatauhan, at kay panglaw- umaga-
At kayong iba pa, na nahihiya sa maamong pagtalima,
Halikayong lahat, mga hindi masunurin;
Malalim na;ng gabi, maulap, amkulog, bumabagyo.

Ang ating kalaba’y magiging lubhang kampante sa kanlungan;


Tatahakin naman nati’y mga espasyo sa kadiliman tungo sa
kahuyan,
Dedepensahan ng gabi ang ating buong-suway na balikwas.

Karamihan sa mundong ito’y pag-aari ng mga lahing Slav;


Mahahanap natin ang landas sa bawat relasyon sa dugo
Malayang nilalagay ang tiwala sa pananalig at katarunagan.

Ngunit kung itadhana ng mga diyos ang ating pagkakalupig

Hindi tayo manganagmba sa mahabang gabing kawalan ng buhay


Kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkakaalipin!”

Hindi siya iiwan ng sinuman sa sandalling ito ng pagsubok,


Bawat isa’y nakahawak sa espada, patibay ng pangako;
Ngunit nang mabuksan nang maluwag ang mga At hindi saglit ma’y huhupa, nilulunod ang lahat sa ilalim
tarangkahan, Ng mga alon, maliban sa ilang malalaking
Nagimula’ng kakila-kilabot na labanan, di hadlang-
mabilang na pagpatay, Gayon nga si Valjhun, nilansag ang mga kawal na
Pangkat nila’y sinalakay ni Valjhun at ng pagani.
kanyang buong puwersa.
Habang may isa pang humihinga’y walang tigil sa
Pagkat siya naman, hinihinuha ang kanilang pagdurog,
pag-idlip, Hanggang sa huli bawat isa sa kanila’y nililigalig;
Malapusang umakyat sa pakay na mga Sa kanila, pananalig nila ang katas-taasang turo.
pader
At sa gayo’y gulantangin sila’t lamagnan sa Nang umaga’y naarawan ang mga bangkay na di
dami. nalilibing
Banhis ay pinawaln ng nkapundong bagyo, Nakatihaya sa pinaglalaban, nakabunton
Tanod ay nagpasaklolo sa gitna ng labanan; Tulad ng tungkos na sariwa, pinagtabi-tabing trigo.
DI mabilang na buhay ang nabuwis sa
paghahamok. Sa mga bangkay, nabilang ay kalahating Kristiyano,
Ang iba pa’y naagnas nang katawan ng mga
At wari’y ragasa ng malakas na buhos-ulan, pagano.
bumulwak Ngunit sa paghahanap na ito’y nagugulumihanan si
Pababang lumagunlong sa gilid ng bundok Valjhun
tulad ng kulog, Dahil siya’ng nagpapasan ng sala sa lahat ng gayong
Bahagi ng Epikong “Ang Pagbibinyag sa Savica”

Ang naglalabanang mga ulap ay naglalaho sa kalangitan,


Ang digmaan ng mga tao’y nagwakas sa gabi.
Kinulayang-ginto ng araw s aumaga ang itinutok ng mga punong
Nagtutumayog sa putting taluktok ng mga niyebe sa Carniola.
Ang lawa ng Bohinj ay payapang nakatihaya, walang galaw,
Walang sinyal ng tunggaliang sa labas ay tanaw
Ngunit hindi naiidlip sa lawa ang mabangis na sibat
Ni ang ibang malulupit na balawis ng kalaliman.

Hindi ba ang lawang ito na sa pampangi’y tinatayuan mo,


Magiting na Crtomir, ang larawan ng iyong kaluluwa?
Ang pingkian ng mga sandata’y tumigil na sa buong lupain,
Ngunit sa dibdib mo’y nagngangalit pa ang bagyo ng digmaan.
Kung may anumang mahilakbot na karamdaman ng buhay, pagkaunawa ko
Higit na pinipinsala sa dugong-buhay sa ilalim ng kanyang lungga
At muling gumising sa mga halimaw ng kawalang pag-asa.

-Malayang salin ni Rogrlio G. Mangahas


Sagutan ang mga GAWAIn
sa inyong Modyul…

You might also like