You are on page 1of 10

ANG KASAYSAYAN

NG LITERATURANG FILIPINO

Isagani R. Cruz

Isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ang literatura natin, ang


literaturang Filipino. Ito ang aking patutunaY,a n sa sunud-sunod na sanaysay
at panayam. Hango ang aking mga sasabihin sa maraming kritiko, at kung
babanggitin ko silang labat ay wala na tayong gagawin kundi makinig sa mga
pangalan at pamagat ng libro at artikulo. Nagpapasalamat na lamang ako sa
kanilang lahat para sa kanilang iniambag sa aking pananaw. Isinama ko na
naman silang labat sa aking nailathalang talasanggunian ng kritika.
. Sa unang babaging ito ng aking serye ay tatalakayin ko ang materyal at
historikal na bakgrawnd ng ating literatura.
Magsimula tayo sa lupang tinubuan ng ating literatura, 0 sa ibang salita,
sa jeografi.
Maipaliliwanag ngjeografi ang maraming katangian ng ating literatura.
Madaling makita na kaugnay ng pagkakawatak-watak ng ating bansa, dahil
humigit-kumulang sa pitong libo at isang daang pulo ang bumubuo sa
Filipinas, ang pagkakawatak-watak 0 kawalan ng iisang tradisyon ng ating
literatura. Halimbawa'y madaling makita na pinag-uugnay at pinaghihhvalay
ng tubig ang ating mga pulo. Dahil naturallamang na magkaroon ng relasyong
pang-ekonomiks 0 pinansyal ang magkalapit-pulo, natural din na maging
magkahawig ang kanilang mga kultura. Pero dahil madalas na malaki ang
pagkakaiba ng kanilang wika, nagkakaroon naman sila ng sarili nilang uri ng
kultura at samakatwid ng literatura. Dahil sa kabalintunaang ito, masasabing
hindi iisa ang ating kultura at literatura kundi marami.

Ang sanaysay na ito ay unang binigkas bilang Panayam Propesoryal Alfredo E. Litiatco noong
Agosto 10, 1993, sa Bulwagang Pablo Nicolas sa Pamantasang De La Salle.
36 ISAGANI R. CRUZ

Sandali nating isipin kung nasaan tayo sa mapa ng mundo. Nakahiga


ang Filipinas na pahilaga at patimog sa itaas ng ekweytor, nasa hilaga-
silangang dulo ng Hilaga-Silangang Asya, nasa kanang hangganan mismo ng
Asya. Natural lamang na tayo ang unang masasalubong ng mga ba,rkong
lumalakbay sa Karagatang Pasipiko mula Europa at Hilagang America. Iyan
ang materyal na dahilan kung bakit tayo ang unang sinalakay ng mga
imperyalista mula sa Espana at Estados Unidos.
Ito rin ang dahilan kung bakit -- bago yumaman, sumikat, at maging
kanluranin ang Japan, Hong Kong, Singapore, Timog Korea, at Taiwan sa
sarili nating dantaon -- tayo ang pinakakanluraning bansa sa buong Asya,
lalung-lalo na sa literatura, kultura, at relihiyon. Kung distansyasa lupa at sa
dagat ang pag-uusapan, tayo ang pinakamalayo sa Kanlurang Asya at Gitnang
Asya, kung saan nagsimula 0 naging ganap ang sibilisasyong Asya. Iyan ang
rnateryal na dahilan kung bakit halos hindi nahaluan ang ating literatura ng
mga impluwensyang Islam at Buddhist. Kahit na naging bahagi raw tayo ng
mga imperyong Srivijaya (700-1400), Majapahit (1293-1520), atMing (l368-
1644) ay hindi tayo nila talagang nahawakan sa leeg, at wala tayong nakuhang
bagay-bagay na pangkultura mula sa ating mga kapitbayan.
Natutumbasan larnang angpagkahiwalay natin sa Asya ng pagkahiwalay
naman natin sa Europa at Hilagang America. Kahit na apat na raang taon
tayong inapi ng mga Kastila at Kano ay hindi tayo lubos na naging Kastila 0
Kano. Sa dugo at sa isip, malapit pa rin tayo sa mga kakulay nating Malay sa
mga kapitbayan natin, at magaan pa rin ang ating loob kung tayo ay
nagkakaroon ng pagkakataong makitungo kahit sa mga Tsino ng meynland
Asya.
Makikita natin ang paradox na ito sa kamaynilaan ngayon. Buhay pa rin
angmga tradisyonal na pagpapahalagang Asyano sa kamaynilaan. Naghahalu-
halo sa kasalukuyan sa kamaynilaan ang pyudalismong Kastila, kapitalismong
Kano, teknolohiyang Hapon, pragmatismong Tsino, kabanalang Malay,
ispiritwalidad na Katoliko Romano, at finifilipinong Islam. Ang mga
pangunahing pagpapahalaga natin ay kombinasyon ng kulturang Asyano at
kulturang Kanluran, tulad ng paggalang sa kapwa, paggalang sa sarili,
pagmamahal sa pamilya, pagiging mapagbiro at masayahin, pagkamalikbain,
sipag, pananampalataya, at lakas ng loob.
Ang lahat ng ito'y mababasa natin sa ating literatura. Silanganin at
Kanluranin, maruilas paghaluin ng ating literatura ang nilalamang Asyano at
anyong Europeo 0 Americana, 0 nilalamang Europeo at anyong Asyano.
Maaari nating banggitin ang ilan pang mahahalagang epekto ngjeografi
sa ating literatura. Halimbawa 'yang madalas na pagputok ng mga bulkan sa
atin. Dahil dito 'y maraming mga manunulat ang naglalagay ng bulkan sa
kanilang mga nobela. Isa pang halimbawa ang napakarami nating mga ilog.
AIam na natin arig ginawa ni Jose Rizal sa Hog Pasig sa kanyang Noli Me
ANG KASAYSAYAN NG LITERATURANG FILIPINO 37

Tangere . Dahll naman sa pagkawala ng kalaguan ng ating mga kahuyan ay


nagkaroon ng temang ekolohlkal ang ating literatura.
Mula jeografi ay dumako naman tayo sa kasaysayang pulitikal.
Batid natin na ang nagbigay sa atin ng pangalan ay isang Kastilang
mandarambong, si Ruy Lopez de Villalobos. Noong 1573 ay pinangalanan
niya tayong Filipinas bilang pagsipsip kay Prinsipe Felipe ng Asturias, na di
nagtagal ay naging Haring Felipe II ng Espana.
Marami tayong ibang pangalan. Halimbawa'y ayon sa Konstitusyon ay
Pilipinas tayo. Sa United Nations, tinatawag tayong Republic ofthe Philip-
pines. Pero bago pa tayo pinagsamantalahan ni Ruy Lopez de Villalobos ay
marami nang nagbigay sa atin ng sarili nilang pangalan. Han lamang ito sa
mga pangalan natin noon: Ophir, Maniolas, Mo-yi 0 Ma-yi , Sansu , Sal1-Tao,
at Lu-sung. Mismong mga Kastila ay maraming pangalan para sa atin.
Halimbawa'y ang tawag sa atin ng imperyalistang Portuges na si Fernando
Magallanes noong 1521 ay Islas de San Lazaro. Sabi naman ng mga sumunod
sa kanyang Kastila ay tayo raw ay Islas del Poniente, Islas del Oriente, Islas
de Luzones, Archipelago de Magallanes, Archipelago de Celebes, 0 EI Nuevo
Reyno de Castilla. (Nakatutuwa ngayong isipin na sa palagay ng Haring
Kastila noon ay bahagi ng EI Nuevo Reyno de Castilla ang Borneo at Tsina, na
hindi pa man lamang napapasok ng mga Kastila!) Hindi lamang ang mga PulO
natin at ang literatura natin ang watak-watak; pati pangalan natin ay marami
at halu-halo.
Dahil ang pangalan natin ngayon -- ang Filipinas ay binyag lamang
- "I

sa atin ng isang conquistador na Kastila, masasabing mahalaga sa ating


kasaysayan at literatura ang kolonisasyon. Totoo iyan, pero mas maraming
bagay na mas mahalaga sa atin kaysa kolonisasyon, dahil bahagi lamang ng
mahaba nating kasaysayan ang apat na raang taon n~ pagkasupil.
Bakit natin masasabing mahaba ang ating kasaysayan? Balikan natin
ang ating lupain bago tayo lusubin ng mga Kastila.
Dumating ang unang malataong hayop sa ating lupa nang naglalakad.
Nagdaan sila sa limang tulay na,lupa na nagkakabit noon ng Palawan sa
Borneo, SulU at Mindanaw sa Borneo, Mindanaw sa Celebes, Mindanaw sa
New Guinea, at Luzon sa Taiwan. Sa kalagitnaan ng tinatawag na panahong
Pleistocene 0 500,0000400,000 taon bago isilang si Kristo ay naparito na ang
homo erectus, na katulad ng tao noon sa Java at Beijing. Alam natin ito dahll
sa paghukay na ginawa ng ating mga pantas sa Cagayan, kung saan sila
nakakita ng mga palatandaang apat na raang libong taong tanda na. Dumating
naman sa atin ang tinatawag na homo sapiens noong 55,000 0 45,000 BK. Sa
Palawan sila nanirahan. Alam naman natin ito dahll sa kuwebang Tabon, na
50,000 taong tanda na.
Sumunod sa kanila ang mga Negrito, na naglakbay din sa India,
Sumatra, Thailand, at ilang bahagi ng Africa mula sa hindi pa llatutuklasang
38 ISAGAN! R. CRUZ

lugar; dumating ang mga Negrito noong 30,000 0 25,000 BK. Marami ring
pangalan ang mga Negrito, halimbawa'y A eta, Ita, Batak, Agta, A ti, at Baluga.
Hindi nakrulangang sabihin pa na hindi naman sila ang kauna-unahan 0 ang
kaisa-isang tribo na dumating 'sa Filipinas, pero madalas silang magamit sa
ating literatura bilang sagisag ng Filipinong hindi panalalahian ng dayuban.
Maraming sumabay 0 sumunod sa mga Negrito, pero siguro'y dagat ang
kanilarig ginamit at hindi na ang mga tulay na lupa. Halimbawa'y ang mga
neolitikangAustronesyan tulad ng mga Indones noong 4;000 banggang 3,000
BK. May mga ruinggaling naman sa Indo-Tsina at Timog Tsina noong 3,000
banggang 500 BK. May nanggaling sa Timog noong 300 banggang 200 BK.
Importante para sa ating kultura ang pagdating ng mga Indones noong
1,500 BK, dahll sila ang nagtanim ng bigas at gmv.awa ng terasang Palayan sa
mga bundok ng Banawe sa hilagang Luzon. Pero mas importante para sa
kasaysayan ng ating lit~ratura ang diumanong pagdating ng sampung datung
Malay mula sa Borneo. Sa Palagay ng mga historyador ay hindi nangyari ang
pagdating na iyon~ pero hindi naging hadlang iyan sa ating mga manunulat
para gawing bahagi ito ng ilang kwento at dula.
Sila man iyon 0 hindi, hindi maipagkakailana angmga pagpapahalagang
napapaloob sa kwento ng mga datu ay bahagi pa rin ng ating kultura.
Halimbaw~ 'y ginagamit pa rin natin ang 6alitang barangay, na siyang tawag
daw nila sa kanilang bangka. Ang diwa ng barangay ng mga datu ay bubay pa
rin sa diwa ng mga politikal na barangay sa kasalukuyan. Ito ang diwa ng tayo-
tayo. Sa literatura at sa totoong buhay na rin ay mas importante ang barangay
o pamilya 0 kakilala kaysa sa bansa. Barangay 0 pamilya muna bago bayan at
madalas pa nga ay pamilya muna bago sarili.
Nang ·dumating ang mga Malay ay napilitang mamundok ang mga
Negrito at iba pang naunang tribo sa atin. Ang kawalan ng lupa at karapatang
pantao ng mga naunang tribong ito ay naging mahalaga sa ating literatura
bilang sagisag ng pagkawala ng kalayaan ng buong bansa.
May mga Uri 0 class na tayo noong panabong iyon. Binubuo ng iilang
tao, burnigit kumulang sa iilang daan, ang isang barangay, pero maliwanag na
mayroon nang maykaya at mayroon nang wala. May nagbabaring uri na
nagpapatakbo 0 nag-aangkin ng lupa. Pinuno rig uring ito ang datu 0 rajab,
na kinikilalang puno ng barangay. May parang gitnang uri na tinatawag na
mga maharlika; ito'y mga maykaya 0 maylupang mga pamilya na hindi
nagtratrabaho sa bukid. Dalawa ang uring inaapi: ang isa 'yang mga katulong
na may pakinabahg naman sa ani, ang isa 'y mga alila na walang bahagi sa ani.
Dalawa naman ang klase ng alila: may mga nakatira sa babay ng kanilang
pinagsisilbihan 0 aliping sagigilid at mayroon namang may sariling tinitirhan
o aliping namamahay. Hanggang sa kasalllkuyan ay makikita na buo pa rin
ang ganitong lipuriang may-uri. Mayroon pa ring mga aliping sagigilid na
nakatira sa mga meyds rum at ang kanilang sahod ay pang-alipin pa rin. Sa
ANG KASA YSA YAN NG LITERA TURANG FILIPINO 39

ating literatura, lalong-lalo na sa dula at pelikula, ay importante angmga alipin


o katulong na ito, dahil sila ang karaniwang nagsasabi ng totoo ukol sa mga
karakter.
Dahil nga nakatira .tayo sa libo-libong pulo, naturallal11ang na maging
iba-iba ang ating wika, kahit na dadalawa lamang na wikang Hesperonesyan
ang pinanggalingan ng lahat ng ating wika. Sa ngayon ay mahigit pa sa
\valumpu ang magkakaibang wika na ginagamit natin sa Filipinas, at hindi
mabilang ang mga dayalekto ng mga ito. (Hindi na siguro kailangang ipag-
iba pa angwika sa dayalekto; wika ang Sebuwano at Tagalog, dayalekto naman
ang Bulakefio at Batangefio.) Dahil ang literatura ay gumagamit ng wika,
mahalaga sa kasaysayan ng literatura ang kasaysayan ng wika sa Filipinas.
Noongpanahong iyon, ang pinagkakaabalahan natin ay angpaghahanap
ng makakain. Namimitas tayo, nangangaso, 0 nagtatanim. Kung may
natitirang oras tayoay nag-iimbento tayo 0 pinahuhusay pa natin ang ating mga
kasangkapan sa paghahanap ng pagkain. Pero may oras pa tayo noon para sa
mga bagay-bagay na estetiko. Noong 1,500 BK, halimbawa, ay mayroon nang
napakagandang banga sa kuwebang Manunggul sa Palmv·an. Batid din natin
na sa epikong Darangen ay buo na ang larawan ng isang inundo, palatandaan
na may panahon ang ating mga ninuno para kumatha.
Marami tayong batayan sa paniniwalang sibilisado na tayo noong mga
panahong iyon. Halimbawa 'y may mga dokumentong Tsino na nagpapatunay
na may mga tribo na sa Filipinas noong 982 AD . Sa huling bahagi ng
ikalabindalawang dantaon ay masigla na ang bisnes ng mga Filipino at Tsino.
May magandang kwento tungkol dito. Sinasabi na napakatapat daw natin
noon. Pagdating ng mga mangangalakal na Tsino ay pinapayagan nila tayong
kumuha ng kahit na ana mula sa kanilang mga barko. Walang mga resibo noon
at hindi tayo kilala ng mga Tsino. Pero pagbalik naman nila pagkaraan ng ilang
buwan ay binabayaran natin sa kanila ang ating kinuha, hindi sa pera dahil
wala pa naman tala gang pera noon, kundi sa perlas, kabibi, tela, at iba pang
mga produkto natin noon. Ito ang dahilan kung bakit nakaaaliw sa atin ang
mga kwento ni Pusung, Pusong, 0 Pi landok. Hindi kasi inaakalangnormal ang
pagsisinungaling, palusot, at abilidad na katangian ng pilyong tauhang iyon
ng kwentong-bayan.
Hindi lamang Tsina ang katuwang natin noon. Malaking daungan noon
ang Sulu mula ikasampu hanggang ikalabintatlong dantaon. Nagpupunta sa
Sulu ang mga mangangalakal mula sa malalayong lugar, halil11bawa'y Bnmei
at Siam 0 Thailand. Sa Sulu nakapasok sa atin ang Islam. Ayon sa tradisyon,
ang unang nagdala sa atin ng Islam ay ang Arabong iskolar na si Mudul11;
nagpunta siya sa SUlll mula Malacca noong 1380. Ang iba pang importanteng
misyonerong Islam noon ay sina Raja Baginda ng Sumatra, Abu Bakr ng
Palembang, at SerifKabungsuwan ng lohore. Halos lahat ng Mindanaw noon
ay nanampalataya sa Islam, at pati na rin ang ilang bahagi ng Luzon na tulad
40 ISAGANI R. CRUZ

ng Maynila. Malaking daungan na rin kasi noon ang Maynila. Sa kalagitnaan


ng ikalabinlimang dantaon ay itinatag ang Sultaneyt ng Sulu sa pamamalakad
ni Shariful-Hashim.
Kung hindi dumating ang mga Kastilang imperyalista ay natuluyan na
sanang maging Islam ang buong Filipinas. Pero naging matagumpay ang mga
misyonero at sundalong Kastila. Nagawa nilang Kristyano ang Luzon at
Visayas at ilang bahagi ng Mindanaw. Napilitan lamang silang iwanang Islam
ang mga lugar na mahirap marating. Tinawag ng mga Kastila ang mga
natirang naniniwala sa Islam noon naMoros na hango sa Nforo o Mussulman
sa Espana. Pero mahusay ang ating mga Moro 0 Muslim. Sa galing nila sa
pakikipaglaban ay hindi sila tuluyang nasupil ng mga Kastila, Kano, Hapon,
at kahit na militar ngayon. Natural, sumusunod ang kasaysayan ng literatura
sa kasaysayang politikal. Hindi pinapansin ng mga Kristyano sa ating panahon
ang mga text na Islam, at ang mga text na Islam naman ay ibang-iba sa diwa
at estilo sa mga text na Kristyano.
Bago 1572 ay hawak na ng mga Kastila ang kamaynilaan. Nagpatayo
sila ng malalaking pader 0 muros sa paligid ng Maynila, kaya nga tinawag itong
lntramuros. Mga dugong Kastila lamang ang pinayagang turnira sa loob nito,
at ipinatapon tayo sa labas ng Intramuros. Kasama natin sa pagpapalayas na
ito ang mga Tsino; sila ang higit na inapunterya ng mga Kastila. Iyan ang
historikal na dahilan kung bakit hindi pinapansin ng halos lahat ng mga
kritikong Filipino ang literaturang Tsino natin. Kahit na humigit-kumulang
sa dalawang daang Filipino ang nagsusulat sa wikang Map.darin 0 Hokkien sa
kasalukuyan ay hindi inaakala ng mga bobong iskolar na dugong Malay na
malaking bahagi ng literatura natin ang literaturang Tsino. Ito rin ang dahilan
kung bakit sobra ang pagpapahalaga natin sa mga akdang nakasulat sa wikang
banyaga. Noong ikalabing-anim na dantaon kasi 'y pinaalis sa sentro ng poder
ang mga nagsasalita ngwikang katutubo. Nagkaroon ngugnayang metapisikal
ang dapat na politikal na ugnayan lamang ngwika atkapangyarihan. Nasa loob
ng Intramuros at ng kanon ang wika ng dayuhan; nasa labas ng Intramuros at
ng kanon ang wika ng katutubo.
Sa panahon ng Kastila ay hindi tayo ang tinutukoy ng salitang Filipino.
Peninsulares ang tawag sa mga Kastilang ipinanganak sa Espana. Ang mga
purong Kastilang ipinanganak dito sa atin ang tinatawag na Filipino ; ito 'y
pangalang pangkutya, dahil inaakalang mas puro ang dugo ng Peninsular
kaysa sa Filipino. Dala ito ng doktrina ng limpieza de sangre. Noong una'y
bawal pumasok sa Intramuros ang mga hindi Peninsular 0 Filipino, pero di
naglaon ay pinapasok na rin ang tinatawag na mestizo, mga Kastilang
nahaluan ng dugong hindi Kastila. N akatutuwang isipin na dito lamang sa atin
hindi rninamaliit ang mga mestizo; sa ibang bansa ay may diskrirninasyon
laban sa mga mestizo 0 halung -dugo. Sa literatura at pelikula natin ay makikita
na tinitingala pa nga ang mestizo. Kung rninata ng mga Peninsular at Filipino
ANG KASAYSAY AN NG LITERATURANG FILIPINO 41

ang mga mestizo ay tiningala naman sila ng mga indio, na siyang tawag sa atin
noon ng mga Kastila. Bakit tayo tinawag na indio? Ang akala kasi ng mga
Kastila noon ay bahagi tayo ng tinatawag nalndies. Kinailangan pa na gamitin
ni Rizal at ng kanyang mga kapanahon ang salitang Fi lipino para tukuyin tayo
bago natin ito maangkin.
Sa simula'y walang epekto sa ating literatura ang pagdating ng mga
Kastila. Patuloy pa rin ang paglikha at pag-awit ng mga epiko, kwentong-
bayan, at tulang-bayan. Dapat sana ay magtaka tayo sa kawalang-epektong ito,
pero kung babalikan natin ang pananaw natin noon sa mga dayuhan ay
maliliwanagan tayo. Ayon sa isang kwentong Tingyan ay mga kapatid nating
matagal nang nawawala ang mga Kastila; samakatwid ay hindi sila banyaga
kundi kamag-anak. Maaaring dahilan ito kung bakit nakaya tayo ng mga
Kastila, kahit na iilan lamang sila noon. Sa katunaya 'y hindi sila humigit sa
5,000 kahit kailan dito sa atin, pero tayo ay higit na sa isang milyon noong 1565
at pitong milyon noong 1898. Siguro, dahil inakala nating kamag-anak natin
ang mga Kastila 'y hindi natin napansin na inaapi na pala nila tayo.
Walang mabuting dinala ang kolonisasyong Kastila sa atin. Mga Kastila
mismo ang nagsasabi nito noon pa man. Sagisag ng kapalpakan ng mga Kastila
noon ang sistema ng encomienda na agad nilang itinatag nang sila'y dumating.
Kinuha lamang nito ang mga di-kanaisnais na katangian ng lipunan noon at
pinalala pa ang mga ito. Pinalawak ang uri ng may-ari ng lupa para makasama
ang mga opisyal na Kastila at l1lga frayleng Katoliko. Ang nakararaming mga
indio ay naging alila, nagbabayad ng buwis at nagtratrabaho sa bukid para
lamang sa frayle o'may-ari ng lupa. Ang kinalabasan ng lahat ng ito'y isang
pyudal na lipunan na walang lugar para sa indibidwal. Natural lamang na
l1lagalit ang nakararami, at ang galit na ito ay umabot hanggang sa sarili nating
panahon. Naging pangunahing tema ng literatura sa ating panahon ang alitan
ng iilang may-ari ng lupa at ang nakararaming walang lupa.
Naging simbolo ng kapalpakan at katakawan ng mga Kastila ang frayle,
na karaniwa 'yang iisang Kastilang nakikita natin noon, dahil nga iilan lang
naman sila at napakarami natin. Hindi tama na sabihin natin na ang lahat ng
frayle noong panahon ng Kastila ay masama, dahil iyan ay m~tagal nang
idinikonstrak ng l1lga laban sa teoryang mimesis. Pero tama na sabihin natin
na sa loob ng literatura kung hindi man sa labas nito ay kontrabida ang frayle.
Dapat sigurong sabihin muli na apat lang talaga ng pangkat ng mga frayle:
Agostino, Fransiscano, Dominicano, at Recoleto, pero sa literatura ay
karaniwang hindi lamang sila ang frayle. Karaniwang lahat ng orden, pati na
ang mga Hesuwita na kalaban ng l1lga totoong frayle at pinatalsik pa nga ng
mga ito mula sa Filipinas, kahit na sila 0 kung minsa 'y kahit na ang mga secular
na mga pare, ay inaakalang frayle.
Higit pa sa dalawang daang rebelyon ang tinangka nating simulan noong
panahon ng Kastila. Pinakaimportante sa literatura ang rebelyon nina
42 ISAGANI R. CRUZ

Sulayman noong 1564 at ni Gabriela Silang noong 1762-63. Umalsa ang mag-
asawang Silang habang narito ang mga Ingles. Alam natin na dala ito ng
Pitong Taong Digmaan (1756-63). Nang ipadala rito ng goby..:rnong Ingles si
Lord Clive, na kasalukuyan noong nasa India, at ginulpi ng mga Ingles ang mga
Kastilanoong 1762, at isinauli lamang ito noong 1764 dahil sa Kasunduan sa
Paris (1763), ay namulat tayo sa katotohanang maaari palang matalo ang mga
Kastila. Isa ito sa mga dahilan kung baldt naglakas-Ioob tayong magtatag hindi
lamang ng lokal na rebelyon kundi ng pambansang rebolusyon sa pamumuno
ni Andres Bonifacio na isang makata. Ang talagang nakalsip ng lahat ng ito,
naturallamang, ay si Rizal. Nakatutuwang isipin na ang utak ng rebolusyon
ay isang taong tumanggi sa rebolusyon.
Nang naintriga si Bonifacio at patayin siya ni Emilio Aguinaldo ay
nanalo tayo sa mga Kastila. Itinatag natin ang unang Republika ng Filipinas
sa Kawit, Cavite, noong Hunyo 12, 1898. Nagpadala tayo ng mga embahador
natin sa Australia, Hong Kong, Inglatera, Fransya, Japan, at Estados Unidos,
pero pataksil pa rin tayong inagawan ng papel saParis. Bininyagan tayo bilang
The Philippine Islands, isang pangalang nakaiinsuIto, dahil hindi tayo noon
mga pulo na lamang, kundi ganap na bansa na na may sariling bandera,
konstitusyon, at gobyerno. Kaya nga nang angkinin tayo kuno ng mga Kano
noong 1897 sa pamamagitan ng isang pekeng pagsalakay sa Intramuros ay
ginyera natin sila.
Batid na natin ang buong kwento rito, dahil ilang beses na rin itong
nakasama sa ating literatura. Pinadala ni William McKinley si Commodore
George Dewey ng American Asiatic Fleet sa Maynila, at noong Mayo 1, 1898,
ay tinalo niya ang armada ng Kastila. Pero malapit nang sumuko ang mga
Kastila sa atin noon, dahil 13,000 na lamang ang mga sundalong Kastilang
nasa loob ng Intramuros at wala na silang makain. Pero naisahan nga tayo ni
Dewey. May problema sina McKinley noon. Ayaw kasing pumayag ang
Senado ng Estados Unidos sa Kasunduan sa Paris, dahil maraming Kano ang
ayaw sa imperyalismo. Kasama na sa malalakas ang boses noon na ayaw sa
ginagawa ni McKinley sina Mark Twain at iba pang mga sikat na manunulat.
Kaya ang ginawa ng mga Kano ay gumimik sila. Nakipagkasunduan sila
sa atin na kuno 'y kanya-kanya tayong lugar at wala tay-ong pakialaman. Pero
noong Pebrero 4, 1899, ay biglang pinaputukan ng mga sundalong Kano ang
ating mga sundalo. Alam na natin ngayon na walang dahilan sa pagpapaputok
na ito. Plano lamang palanina McKinley na pagalitin ang Senado nilaat pilitin
ito na iratifay ang Kasunduan sa Paris. At iyon na nga ang nangyari. Naghalo
ang balat sa tinalupan, at nawalan tayo ng una nating Republika. Ang
kabayaran ng desisyong iyon ni McKinley ay ito: 127,000 ang mga Kanong
sundalo na ipinadala rito at 4,000 sa kanila ang napatay. 200,000 na Filipino
ang napatay; ang sabi pa nga ng isang heneral ng Kano ay 600,000 raw sa atin
ang napatay. Tandaan na pitong milyon lamang ang populasyon natin noon.
ANG KASAYSAYANNG LITERATURANG FlliPINO 43

NahulI si AguinaldO' noong 1901, pero ang hu1ing heneral na FilipinO' ay


hindi nahu1i hanggang 1906, at nagkaroon pa ng malaking labanan noong
1912. Samakatwid ay rilu1a 1898 hanggang 1912 ang Digmaang Filipinas-
EstadO'S UnidO's, pero natalO' pa rin tayo dahil kumampi sa mgaKanO'ang dating
kampi sa mga Kastila -- ang mga kadugO' nating may-ari ng lupa.
Wala rin tayO'ng napala sa mga KanO'. Sa katunayan ay sumama pa lalO'
angtayO' ng ating literatura, dahil nauntO'l ang maganda na sanang hawak naUn
sa wikang Kastila. Sa halip ay napilitan tayO'ng mag-aral ng bagO'ng wikang
banyaga, at dahil napakahusay na sa wikang itO' ang mga lngles at KanO' ay
naging salimpusa na lamang tayO' sa literaturang pandaigdig~ Tandaan na sa
panahO'n ni Ri7al ay inakala ng maraming taO' sa Europa na malapit nang
maging pandaigdig ang ating literatura, pero dahil pinilit tayO'ng sumu1at sa
Ingles ay naging kulelat na naman tayO'. ItO' ang madalas tawaging katayuan
nating inchoate 0' urO'ng-su1O'ng.
Ang pagkampi saKanO' ng naghaharinguring FilipinO' ay nangyari dahil
sa lihis na edukasyO'n na sinimu1an ng mga KanO'. Sa paggamit ng banyagang
wika bilang wikang panturO' ay nahawakan ng mga KanO' ang utak at
imahinasyO'n natin. Hanggang ngayO'n ay may paisa-isa pa ring manunu1at na
hindi makalabas sa kulungang itinayO' ng mga KanO' at nagpupurnilit pa rin na
Ingles ang dapat nating itaguyO'd bilang wikang panliteratura.
Mabuti na lamang at hindi nagtagal ang mga KanO': S.la na rnismO' ang
nagpasya na hindi bagay sa kanilaang hayagang imperyalismO'. NagtayO' muna
sila ng kunwa 'y malayang gO'byemO' sa Filipinas, sa simu1a 'y CO'mmO'nwealth
at pagkataPO's ng Digmaan ay ganap na Republika kunO'. Ang mahalagang
tandaan natin para sa kasaysayan ng literatura ay ang pagkakahawig ng
itinatag na lipunan ng KanO' sa lipunang urniiral sa panahO'n ng mga datu at
sa lipunan ng encO'rnienda ng mga Kastila. PaJ.;ehO' pa rin ang istruktura ng
lipunan at ng mga uri. Ang mga may~ari pa rin ng lupa 0' ng negO'syO' ang
humawak at humahawak sa PO'litikal na kapangyarihan. Naantala lamang ang
ptanO'ng AtnerikanO' nang-dumating ang mga HapO'n nO'O'ng 1941 at Ipagpilitan
ng mga itO' na ang mga manunu1at sa Ingles ay magsulat sa TagalO'g, perO' kahit
na malaki ang papel ng HapO'IJ,.sa paglaganap ng literaturang TagalO'g ay hindi
itO' kasinlaki ng impluwensya ng istruktura ng lipunan ng ating mga ninunO'.
NO'O'ng EnerO' 1942 ay itinatag ni Heneral Masaharu HO'mma ang mga
kO'misyO'n ria lurnikha sa Ikalawang Republika ng Filipinas. Naging O'pisyal na
wika na naman ang TagalO'g, na unang ginawang pangunahing wika ng
kO'munikasyO'n nO'O'ng RebO'lusyO'n ng 1896. Pero hindi labat sa atin ay natuwa
sa mga HapO'n. Kararnihan sa atin ay lurnaban sa kanila dahil mas mahal natin
ang EstadO's UnidO's. Pero mayrO'O'n namang lumaban dahil mahal talaga nila
ang Filipinas. Isa na ritO' ang Hukbo ng Bayan Laban sa H apon (Hukbalahap
0' Huk) , na itinatag nO'O'ng Pebrero, 1942, sa gitnangLuzO'n. Alam nanatin kung
paanO' natapO's ang Digmaan. NatalO' ni MaO' Tse-Tung ang mga HapO'n sa
44 ISAGANI R. CRUZ

Tsina, at kinulang ng sundalo ang Japan. Talo na sila at talagang susuko na,
pero gaya ng ginawa nila noong panahonni Dewey, inangkin ng mgaKano ang
tagumpay. Naghulog sila ng dalawang bombang malaki sa Japan at pumatay
ng di-mabilang na tao, para lamang kunwari 'y sila ang dahilan kung bakit
sumuko ang Japan.
Bago nila ibinigay sa atin ang kalayaan kuno, siniguro ng mga Kano na
sila pa rin ang magpapatakbo ng ating bansa. Ginawa nila ito sa pamamagitan
ng maraming mga base militar na patuloy nilang pinatakbo sa loob ng ating
bansa. Napaalis lamang natin silanang tuluyan sa mga base militar, pero hindi
pa rin sa mga korporasyon ng negosyo, noong 1987 dahil inilagay natin ito sa
ating bagong Konstitusyon at noong 1991 nang bumoto ang Senado laban sa
mga Kano. Ang mga base militar na ito ay pangunahing isyu na tinatalakay
ng napakaraming mga akdang panliteratura.
Itinatag ang Ikatlong Republika ng Filipinas noong Hulyo 4, 1946, pero
walang pagkakaiba ito sa naunang dalawang republika kung mga mukha ng
mga lider ang pagbabatayan. Patuloy pa ring lumaban sa pamamagitan ng
armas ang mga Komunista at nagtatag pa nga ng bagong Partidong Komunista
ang makatang si Jose Ma. Sison. Nagdaan na ang panahon ng batas militar ni
Ferdinand Marcos (at nagtatag pa nga siya ng Ikapat na Republika kuno), at
nagdaan na rin ang panahon ni Corazon Aquino, na nagtatag din ng sarili
niyang Ikalimang Republika, pero pareho pa rin ang istruktura ng lipunan.
Kaya nga hindi nagbabago ang tema at estilo ng ating literatura, dahil wala
naman talagang pagkakaiba sa lipunang ginagalawan ac sinasalamin nito.
Itutuloy ko ang pagtalakay sa ating literatura sa susunod kong mga
sanaysay at panayam. Abangan.

You might also like