You are on page 1of 10

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito

1
ALAMIN NATIN
Layunin:

Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa


daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)

SUBUKIN NATIN

Panuto: Hulaan ang salitang tinutukoy ng 4 pic 1 word.

1. 2.

3. 4.

BALIKAN NATIN
Magbigay ng 5 bansa bawat rehiyon sa Asya. Paano mo mailalarawn
ang katanigang pisikal ng mga rehiyong nabanggit.

TUKLASIN NATIN

I-sorbey at tanungin ang iyong mga kasama sa bahay anong wika ang marunong
sila at nakakaunawa nito. Itanong kung ano ang kahalagahan nito at ikinararangal
ba nilang gamitin ito? Isulat ang sagot sa kwaderno.

2
TALAKAYIN NATIN
Tunghayan ang ating paksa sa susunod na dalawang linggo.

● WIKA
Kaluluwa ng isang kultura
Nagbibigay ng pagkakilanlan o identidad sa mga tao sa isang pangkat
Nagiging daan upang maipasa ang kaalaman o paniniwala sa
sumunod na henerasyon
Lahat ng kultura ay may wika, bagama’t hindi lahat ng kultura ay may
Sistema ng panulat.
May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit
6,200,000,000 katao
LANGUAGE FAMILY- wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan
(136 language family)
AUSTRONESIAN- pamilya ng wikang Pilipino

Afro-asiatic
366 (buhay na wika) 5.81% (nagsasalita) NIGER-CONGO
1524 (buhay na 6.91% (nagsasalita)
wika)
*AUSTRONESIAN
1221(buhay na wika) 5.55% (nagsasalita)
SINO-TIBETAN
456(buhay na wika) 20.34%
INDO-EUROPEAN (nagsasalita)
436(buhay na wika) 46.77%(nagsasalita)

● RELIHIYON
Kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga
taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o
Diyos.
Nagmula sa salitang “RELIGARE” – “ buuin ang mga bahagi para
maging magkakaugnay ang kabuuan nito.”
Nagiging batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw
na pamumuhay.
Sa kasaysayan naging Malaki ang bahaging ginamapanan ng
relihiyon sa buhay ng tao,bilang indibidwal at kasapi ng lipunan.
Salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng kaharian, at pagkasawi ng
maraming buhay.
MONOTEISMO – paniniwala sa iisang Diyos
POLITEISMO – paniniwala sa maraming Diyos
HINDUISMO – matandang relihiyong umunlad sa India

3
● LAHI/PANGKAT-ETNIKO
LAHI – tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao
(pisikal o bayolohikal na katangian)
“ETNIKO” – nagmula sa salitang Greek na ethnos na
nangangahulugang “mamamayan”
Pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika at
relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling
pagkakakilanlan

Crossword Puzzle: Buuin ang puzzle tungkol sa hepgrapiyang pantao sa


pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Gawin ito sa
kuwaderno.

4
TALAKAYIN NATIN

Pamprosesong Tanong:

(Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong kuwaderno.)

1. Bakit sinasabing ang WIKA ay kaluluwa ng isang kultura? Ipaliwang.


2. Paano nagkaiba ang relihiyon ng mga sinaunang tao kung ikukumpara
natin sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.

PAGYAMANIN NATIN

Panuto: Unawain ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang


sagot at isulat ito sa inyong mga kuwaderno.

______ 1. Maraming paraan upang matukoy ang lahi o pagkakakilanlan ng tao sa


mundo.Ito ay itinuturing na kaluluwa ng isang kultura ng tao.
A.Lahi B. Relihiyon C. Salapi D.Wika

______ 2. Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao,gayundin


ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.
A. Etniko B. Lahi C.Lipi D.Tribo

______ 3. Paano napapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng ibat


ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
B. Magkaisa para magkaroon ng kaayusan
C. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang
relihiyon.

______ 4. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng relihiyon sa tao,alin sa mga


sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatunay dito?
A. Batayan ng kaligtasan ng buhay ng tao.
B. Batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na
pamumuhay
C. Ito’y kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga
tao na may kinalaman sa kanilang diyos.
D. Naging salik sa pagkakatagtag at pagbagsak ng mga kaharian at
pagkasawi ng maraming buhay

_____ 5. Matandang relihiyon umusbong sa India;


A. Budismo B. Confucianismo C. Hinduismo D. Taoismo

5
TANDAAN NATIN

● Malaki ang kaugnayan ng kultural na heograpiya sa pag-unlad ng


pandaigdigang kabihasnan.

ISABUHAY NATIN
MODELO NG KULTURA

(Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito)

1. Gupitin ang Manila Paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.


1.1. Kung walang manila paper sa inyong mga tahanan gumuhit na
lamang sa inyong mga kuwaderno ng kahugis ng isang damit.

2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o gumuhit ng mga


simbolo at bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang
pinili mo.

3. Isuot ang kasuotang gawa sa manila paper at picturan ito na iyong suot.
3.1. Para naman sa mga gumuhit sa kanilang kuwaderno ay picturan
ang damit na inyong iginuhit.

Rubrik sa Pagmamarka sa Modelo ng Kultura

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Wasto ang impormasyong nakasulat at mga bagay o


Nilalaman ng
simbolong nakaguhit sa damit. Nakapaloob ang tatlo o 20
kasuotan
higit pang konsepto ng aralin.

Malikhain ang mga gawang damit,angkop ang kulay at


Disenyo ng
laki ng mga nakasulat at nakaguhitsa damit,malinaw anh 10
kasuotan
mensahe ayon sa disensyo.

TAYAHIN NATIN
Sagutin ang pamprosesong tanong na may kaugnayan sa bansang iyong napili
sa MODELO NG KULTURA. (15 puntos) Isulat sa isang buong papel.

1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo at bagay na makikita sa


kasuotan sa lahi, relihiyon at wika ng napiling bansa?
2. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
3. Sa paanong paraan maipapakita ang paggalang sa ibang tao?

6
GAWIN NATIN

PANOORIN MO! – Kung kayo ay may internet o data maaring ninyong panoorin
ang mga sumusunod na video sa youtube para sa mga karagdagang kaalaman.

How languages Animated Map shows


evolve- Alex how the top 5 Religions
Gendler spread around the world
through history.

Gawin ang sumusunod na Gawain:

PICTURE COLLAGE: Gumawa sa isang bond paper ng isang malikhaing PicCollage


na nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa sariling wika, lahi at relihiyon. Maaring
kumuha ng mga larawan sa lumang magazine, limang diyaryo, lumang libro o print.

SANGGUNIAN
Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig REX
Modyul ng mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig
Google
Youtube (Ted Ed & Business Insider)

7
Development Team of the Module

Writers: Beverley S. Sulit


Editors:
Content EvaluatorS: Jocelyn C. Alvis, Araling Panlipunan - Head Teacher III
Elisa P. Apolis, Araling Panlipunan - Head Teacher III

Illustrator: Ma. Cristina Javier


Layout Artist: Robert M. Valera
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan ,maaring tumawag o sumulat sa …..

Schools Division of Taguig city and Pateros


Central Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

8
9

You might also like