You are on page 1of 2

Semi – Detailed Lesson Plan

In Filipino 8
I. Objectives
Pagkatapos mapag-aralan ang leksyon na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nahuhulaan angmahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-
bayang napakinggan atnaiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan samga pangyayari sa tunay na
buhay at sa kasalukuyan.
II. Subject Matter
a. Topic: Mga Karunungang-bayan
b. Reference: DepEd module
III. Procedure
a. Motivation
- Prayer
- Greetings
- Recalling
b. Presentation
Ilalahad ng guro ang paksa tungkol sa Ekonomics.
c. Lesson Proper
Karunungang-bayan ay bahagi ng panitikang bayanna nagsisilbing daan upangmaipahayag ang mga kaisipan ng isang partikular na kultura o
pangkat.

Halimbawa ng Karunungang-bayan
1. Salawikain ay binubuo ng matalinghagang pahayag na ginagamit ng matanda noongunang panahon upang mangaral at akayin ang kabataan
tungo sa kabutihan at kagandahang asal.

Halimbawa:
• Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon.
• Gumawa ng mabuti sa kapwa, higit ang balik sa iyo ng ginhawa.
• Kung hindi ukol, hindi bubukol.
• May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
• Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot
• Ang pag-aasawa ay hindi biro, di tulad ng kanin na iluluwa kung mapaso.

2. Bugtong ay isang uri ng laro na nagpapatalas sa isip ng ating mga ninuno noon. Ito aybinubuo ng isang pangungusap o tanong na may
nakatagong kahulugan nanangangailangan ng tiyak na kasagutan
 
 Halimbawa:
• Limang puno ng niyog, isa’y matayog.
 Sagot: daliri
• Hinila ko ang baging, nag-iingay ang matsing.
Sagot: kampana
• Buto’t balat lumilipad
 Sagot: saranggola
• Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
Sagot: aso
• Isang balong malalim puno ng patalim
  Sagot: ngipin 
• Yumuko man ang reyna, hindi malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas

kahalagahan ng pag-unawa sa mga karunungang-bayan:


 Pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon
 Nagsisilbing tuntunin at patnubay sa pang-araw-araw na pamumuhay
 Pagpapaunlad at pagpapahalaga sa panitikan
 Pagpapalawak ng kaalaman at talasalitaan

Assessment

Hanapin sa hanay B ang kahulugan o sagot sa karunungang-bayan na nasa hanay A.

A  B

1. Itaga sa bato  a. Palaging kabutihan ang sabihinupang hindi mawalaangpagtitiwala.


2. Hinila ko ang baging,  b. Hindi makapagsalita
sumigawang matsing.
3. Ang pagsasabi ng  c. Mayaman
tapataypagsasama ng maluwat.
4.Nakabingwit ng “malaking isda” d. Kampana
5. Naumid ang dila e. Tandaan
6. Hindi lahat ng kumikinang ayginto. f. Ang sinumang umaako ngkasalanan ay siyangnapaparusahan
7. Isda ko sa Mariveles, nasa loobang kaliskis. g. Laging sinasabi
8. Bukambibig h. Posporo
9. Maliit na bahay, puno ng mgapatay. i. Huwag magtiwala agad sainaakalang mabuti dahil
bakanagpapapanggap ito.
10. Kung sino ang umako, siyangnapapako. J. Sili

You might also like