You are on page 1of 48

10

Filipino

LEARNING ACTIVITY SHEET

LAS
DEPARTMENT OF EDUCATION-SOCCSKSARGEN
Pangalan:________________________________Baitang at Seksiyon: _________________Iskor:__________
Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 10
Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM, HERMIE M. JARRA
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Quarter 4 Week.1, LAS 1
Mga Layunin: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (F10PN-IVa-b-83)
a. Nababasa at naututukoy ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela,
b. Naipapahayag ang sariling damdamin sa mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,pp.433, 460

Nilalaman

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo ay tumatalakay sa mga pangyayaring naganap sa

kung paano nailimbag ang nobela. Isinasaad dito ang mga pagsusumikap ni Rizal at ang mga suliraning
kaniyang pinagdaanan sa mga panahong pinagsisikapan niyang matapos ang nobela. Makikilala rin dito ang
mga taong kaniyang nakasalamuha at tumulong upang mailimbag ang nobela maging ang mga lugar na
kaniyang pinuntahan. Sa kabuuan, ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo ay mga alaala na
sumasalamin sa mga paghihirap at pagsubok ni Jose Rizal sa paglimbag ng nobela.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Ang pangalawang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman na inialay ni
Jose Rizal sa tatlong paring martir na mas kilala sa tawag na Gomburza o Gomez, Burgos, at
Zamora. Ang kahulugan ng Filibusterismo ay Ipinaliwanag ni Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt.
Ang salitang Filibustero ay narinig ni Rizal nang siya ay Labing-isang taong gulang. Sa pagnanais
na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop isinulat niya ang nobela.

Noong 1890, sa London, England, sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo. Ayon
kay Maria Odulio de Guzman, binalangkas niya ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan
ng 1884 at mga unang buwan ng 1885. Napag-isipan niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium
upang matutukan at mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng nobela. Halos lumiban siya sa
pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla na rin siya ng kanyang mga alahas. Gusto niyang
matapos agad ang nobela dahil napapanaginipan niyang may namamatay sa kanayang mga mahal
sa buhay. Ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang
lalaki. Mababakas ang pighati niya sa pangyayaring ito sa El Fili sa bahaging nagpakasal kay
Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita. Nabatid ni Rizal ang kanyang mga magulang at mga
kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa
maling paratang. Maiuugnay ito kay Kabesang Tales sa El Fili at Simoun nang nag-urong-sulong
siyang isagawa ang katuparan ng kanyang mga plano. Lumayo rin sa kanya ang mga kasama niya
sa La Solidaridad.

Pinagtibay ni Rizal ang kanyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela. Nang
matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng murang palimbagan (F. Meyer Van Loo) sa
Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Mahigit na
isangdaang pahina pa lamang ang aklat nang maipahinto ito sa paglilimbag dahil naubos na ang
salaping pambayad dito. Sa oras ng pangangailangan, tumulong ang kaibigang niyang si Valentin
Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang pagpapalimbag ng nobela noong Setyembre
1891.

Iniaalay niya ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi
bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking na utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura.
Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ang iba naman ay sa Pilipinas.
Ngunit sa kasamaang palad, nasamsam ang mga kopyang ipinadala. Ipinagbawal ng
Pamahalaang Espanyol ang mga babasahin na sumasalamin sa kalagayan ng mamamayan,
kinontrol ang pagpapalabas ng mga babasahin, pinarurusahan ang mga manunulat at mga
palimbagan, pinararatangan na tulisan ang mga nagbabasa ng ipinagbabawal na akda at ipinasira
ng ang mga sipi ng nobela, ngunit may ilang nakalusot at nagbigay ng inspirasyon sa mga
nanghihimagsik. Noong 1925, binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay
Valentin Ventura kahit na mas maraming kabanata ang hindi isinama si Rizal sa El Fili. Halos
apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago.
Gawain
Ilahad ang iyong kaisipan at damdamin hinggil sa kasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa sumusunod na mga pahayag at pagsagot sa mga katanungan.

Gabay sa Pagwawasto
Napakahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay
(5) (3) (1)
Nilalaman Naipapahayag ang Walumpong porsyento Halos lahat ng ideya ay
sariling ideya gamit ang (80%) ng ideya ay hindi angkop
angkop na pananalita makabuluhan at angkop
ang pananalita

1. Ang mga aral na aking napulot sa paglalakbay ni Rizal mailimbag lamang ang El Filibusterismo ay,
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Mahalagang mabasa at mapahalagahan ng lahat ng kabataan ang nobelang El Filibusterismo sapagkat

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Mababakas sa mga pinagdaanan ni Rizal ang pagsusumikap at katapangan habang isinusulat ang
bawat kabanata ng nobela. Ano ang kaniyang naging layunin upang tapusin ito?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Kung may tao kang maihahalintulad kay Rizal sa modernong panahon, sino ito at bakit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

5. Ang mga ito ay mga katangian ni Jose Rizal na dapat kong tularan upang ako ay magtagumpay:

.
. .
MGA
KATANGIAN
NI RIZAL

. .
Pangalan:________________________________Baitang at Seksiyon: _________________Iskor:__________
Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 10
Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM, HERMIE M. JARRA
Paksa: Kondisyon sa Panahong Isinulat ang Akda_____ Quarter 4 Week.1, LAS 2
Mga Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
kondisyon sa panahong isinulat ang akda. (F10PB-IVa-86)
a. Nababasa at naututukoy ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela.
b. Natutukoy ang mga pangyayari sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El
Filibusterismo.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc., pp. 433, 438-439
Nilalaman

Hindi madali ang mga pinagdaanan ni Jose Rizal mailimbag lamang ang El Filibusterismo. Siya rin ay
dumaan sa maraming suliranin. Napakahalaga na maunawaan natin at matukoy ang iba’t ibang kondisyon sa
panahong isinulat ang akda upang lubos nating maintindihan at mabigyang halaga ang nobela.

Kondisyon sa Panahong Isinulat ang Akda

El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman

Ang pangalawang nobelang isinulat ni si José Rizal na karugtong ng Noli Me Tangere inialay sa
tatlong paring martir na mas kilala sa tawag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.

Matinding takot na hatid na mensahe ng El Filibusterismo

Ipinaliwanag ni Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt ang kahulugan Malinaw pa sa kanyang alaala ang
matinding takot na hatid na mensahe ng salitang ito dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang
pagsambit sa salitang Filibusterismo. Ang salitang Filibustero ay narinig ni Rizal nang siya ay Labing-isang
taong gulang. Naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng buhay ng ating mga
ninuno. Sa pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop isinulat niya ang nobela.

Ang pagsisimula ng pagsulat ng nobela

Noong 1890, sa London, England, sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo. Ayon kay Maria
Odulio de Guzman, binalangkas niya ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at mga unang
buwan ng 1885. Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris. Napag-isipan niyang lumipat muna
sa Brussels, Belgium upang matutukan at mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng nobela.

Suliraning pinagdaanan ni Jose Rizal

Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla na rin siya ng kanyang mga alahas.
Gusto niyang matapos agad ang nobela dahil napapanaginipan niyang may namamatay sa kanayang mga
mahal sa buhay. Naging balakid din ang suliranin ni Rizal sa puso, sa pamilya, at sa mga kaibigan. Ang
kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki.

Ang pagtulong ni Valentin Ventura

Siya ang gumastos upang maituloy ang pagpapalimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Iniaalay
niya ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at
pagtanaw ng malaking na utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura.

Ang pagtatapos ng nobela sa kabila ng balakid

Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain subalit siya’y
nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El Filibusterismo na
nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at maging sa Pilipinong nasa iba’t
ibang bahagi ng mundo.
Gawain: 😊😔 Iguhit sa loob ng bilog ang 😊kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa
panahong isinulat ang El Filibusterismo at Iguhit naman ang 😔 kung hindi.

1. Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang

pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na
si José Rizal.

2. Ang El Filibusterismo ay inialay ni José Rizal sa tatlong paring martir na

lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.

3. Ipinaliwanag ni Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt ang kahulugan ng

Filibusterismo.

4. Labing-pitong taong gulang pa lamang si Rizal nang marinig niya ang

salitang Filibustero.

5. Naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng

buhay ng ating mga ninuno kaya tumimo sa kanyang puso ang
pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop.

6. Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa Germany noong 1890.

7. Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris, kaya, napag-

isipan niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium upang matutukan at
mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng nobela.

8. Ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang

nito sa ibang lalaki.

9. Valentin Ventura ang gumastos upang maituloy ang pagpapalimbag ng

nobela noong Setyembre 1891.

10. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang

El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat
ng Pilipino sa bansa at maging sa Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng
mundo.
Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksiyon: __________________ Iskor: ________
Paaralan: ______________________________ Guro: _________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: MARIA MAE M. MACATANGAY Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Quarter 4 Week 1 LAS 3
Mga Layunin: Naiiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.
( F10PT-Iva-b-82)
a. Nalalaman ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
b. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang mula sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House,Inc., pp. 433-437;
De Laza, C., Sanchez, M.W. ,Camba, M. at Infantado, R., 2018. Baybayin 10 Paglalayag sa Wika
at Panitikan. Manila, Philippines: Rex Book Store, Inc. pp. 393-397;
De Juan, G., 2013. Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Available at:
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/comment-page-1/
[Accessed 21 April 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Sa bahaging ito ng aralin, malalaman ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Sa
pagbabasa ng akda, may mga salitang ginamit na bago sa pandinig o mahirap unawain. Ngunit sa patuloy na
pagbabasa at paggamit sa loob ng akda, mas lubos mo pang maunawaan ang kahulugan ng bawat salita o
ang kasingkahulugan nito.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay nangangahulugang “Paghahari ng Kasakiman”. Ito ay isang nobelang

pampulitika na nag-aalab ang poot at paghihimagsik. Ang nabanggit na akda ay ang pangalawang nobela na
isinulat ni Jose P. Rizal. Iniaalay niya ang isinulat sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos
at Padre Zamora, na kilala ring GOMBURZA.

Tanging kay Dr. Ferdinand Blumentritt naipaliwanag ni Rizal ang ang kahulugan ng Filibusterismo.
Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid na mensahe ng salitang ito dahil mahigpit na
ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang pagsambit sa salitang Filibusterismo. Labing-isang taong gulang pa
lamang si Rizal nang marinig niya ang salitang Filibustero. Naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at
madidilim na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumatak sa kanyang puso ang pagnanais na mailantad
ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit nyang sandata ang kanyang talino at kakayahang sumulat sa
pagkamit ng pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.

Taong 1890, sa bansang England nang sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo. Binalangkas nya
ito noong mga huling buwan ng taong 1884 at mga unang buwan ng taong 1885, ito ay ayon kay Maria Odulio
de Guzman. Lumipat sa Brussels, Belguim si Rizal upang matutukan niya at mapag-isipan pang Mabuti ang
pagsusulat ng nobela.

Dinanas ni Rizal ang maraming paghihirap sa kanyang pagkatha ng El Fili. Naghigpit ng sinturon at halos
lumiban siya sa pagkain makatipid lamang at maitaguyod ang kanyang isinusulat. Nais ni Rizal na matapos
kaagad ang nobela sapagkat napapanaginipan niyang may namamatay sa kanyang mahal sa buhay. Naging
balakid din ang suliranin ni Rizal sa puso, sa pamilya, at sa mga kaibigan. Ipinakasal ng magulang ang kanyang
pinakamamahal na si Leonora Rivera sa ibang lalaki. Ang pighating ito ni Rizal ay mababakas sa isang
pangyayari sa El Fili sa bahaging nagpakasal kay Jaunito ang katipan ni Isaganing si Paulita. Napag-alaman din
ni Rizal na pinasasakitan at pinag-uusig ang kanyang pamilya ng mga Espanyol dahil sa maling paratang may
kaugnayan sa usaping lupa. Ang naturang sitwasyon ay maiuugnay sa nobela kay Kabesang Tales na
nagkaroon nang suliranin sa mga prayle sa pagkamkam nila sa kanyang lupaing pinagyaman kahit walang
katibayan ng pag-aari. Sa patuloy na pagsusulat ni Rizal nagkaroon sya ng iba’t ibang pangitain. Ganito rin ang
pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag-urong-sulong siyang isagawa ang katuparan ng kanyang mga plano.
Lumayo kay Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din nya ang kawalan ng pagkakaisa ng
mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na sila sana ang inaasahang pag-asa ng mga mamamayan ng Pilipinas.
Sa mga suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na lamang ang kanyang isinulat.

Noong Marso 29, 1891, natapos niya ang nobela at nakahanap sya ng murang palimbagan ang F. Meyer
Van Loo sa Ghent, Belguim. Ipinadala niya ang nabuong manuskrito sa kaibingang si Jose Alejandro ngunit
mahigit sa isandaang pahina pa lamang ang naililimbag nang maipahinto ito dahil sa kakapusan ng salaping
pambayad sa pagpapalimbag.
Tinulungan si Rizal ng kaibigang si Valentin Ventura upang maipagpatuloy ang pagpapalimbag ng nobela
noong Setyembre 1891. Bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kanyang kaibigan,
inialay niya sa kaibigan ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi.
Ipinadala ni Rizal sa Hongkong ang mga aklat at ang iba naman ay sa Pilipinas ngunit sa kasamaang palad
nasamsam ang mga naturang kopya. Ipinagbawal ng pamahalaang Espanyol ang mga babasahin na
sumasalamin sa kalagayan ng mga mamamayan, kinokontrol ang pagpapalabas ng mga babasahin,
pinaparusahan ang mga manunulat at palimbagan, ipinagbabawal ang pagbabasa ng akda at pinaparusahang
tulisan, at ipinasira ang mga sipi ng nobela, ngunit may iilang kopya ang nakalusot at naging inspirasyon sa mga
nanghihimagsik. Maraming kabanata ang hindi isinama ni Rizal sa El Fili, halos apatnapu’t pitong (47) pahina
ang tinanggal , nilagyan ng ekis, binura at binago. Taong 1925, binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng
nobela kay Valentin Ventura sa kabila ng mga kulang na pahina at kabanata nito.

Napagtagumpayan ni Dr. Jose P. Rizal ang napakatinik at baku-bakong daan tungo sa kanyang adhikain.
Napakapalad niya at nakarating sa kinauukulan ang kanyang ikalawang obra maestrang El Filibusterismo na
nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga pariralang ginamit sa binasang kaligirang pangkasaysayan. Hanapin sa hanay B ang
kahulugan/kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa mga pariralang nasa hanay A. Isulat sa
patlang ang titik ng wastong sagot.

Hanay A Hanay B
_____ 1. pagkatha ng El Fili a. nakuhang kopya ng akda
_____ 2. mailantad ang kabuktutan b. pinaghahanap ng batas ng Espanya
_____ 3. lumiban sa pagkain c. paglikha; pagbuo ng El Fili
_____ 4. balakid sa pagsusulat d. nag-udyok sa pakikipaglaban
_____ 5. katipan ni Isagani si Paulita e. sagabal; hadlang sa pagsusulat
_____ 6. pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol f. patunay sa karapatang pag-aari
_____ 7. katibayan ng pag-aari g. kopya ng nobelang El Fili
_____ 8. suliraning naranasan h. kasintahan; nobya
_____ 9. sipi ng mga nobela i. maisiwalat ang maling gawa ng mga Kastila
_____10. nasamsam ang mga kopya j. problemang kinakaharap
k. hindi kumain ng tama

Gawain 2

Panuto : Mula sa mga salitang may salungguhit sa gawain 1, isa-isang gamitin sa pangungusap ang nakatalang
salita sa ibaba may kaugnayan sa isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

1. suliranin
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2. nasamsam
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3. balakid
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon:_____________________ Iskor:_______
Paaralan: ______________________________ Guro: __________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: MARIA MAE M. MACATANGAY Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Quarter 4 Week 2 LAS 1
Mga Layunin: Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan ng
pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline.
(F10PD-Iva-b-81)
a. Natututo kung paano gawin ang isang timeline.
b. Naaayos ang mga inilaang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo gamit
ang timeline.
Sanggunian: De Laza, C., Sanchez, M.W. ,Camba, M. at Infantado, R., 2018. Baybayin 10 Paglalayag sa Wika
at Panitikan. Manila, Philippines: Rex Book Store, Inc. pp. 408-409;
Listmann,E., 2020.How to Make a Timeline. [online] Available at: https://www.wikihow.com/Make-
a-Timeline [Accessed 6 May 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Paano Gumawa ng isang Timeline

Ang timeline ay nagbibigay ng representasyong visual ng mga pangyayari na makakatulong sa iyo

upang mas maunawaan ang pangyayari sa kasaysayan, isang kuwento, isang proseso o anumang anyo ng
isang pagkakasunud-sunod ng kaganapan o pangyayari. Iba’t ibang paksa ang maaaring paggagamitan ng
timeline.
Narito ang mga hakbang upang makabuo ng isang timeline:

a. Mangalap ng impormasyon sa iyong napili o itinalagang paksa. Sa pangangalap ng

impormasyong may kaugnayan sa paksa, simulan sa paggawa ng mga tala tungkol sa mga
posibleng kaganapan na isasama. Isama lamang ang pinakamahalagang kaganapan o pangyayari
at nakapokus lamang sa paksang ginagawan ng timeline. Maaring buuhin ang timeline na may himig
ng pagkukwento, dapat maayos ang daloy nito , nakakaengganyo at nakahihikayat na basahin.

b. Lumikha ng isang famework. Sa bahaging ito , kinakailangang alamin at suriin ang mga halimbawa
ng timeline. Upang makakuha ng ideya kung ano ang karaniwang anyo ng mga timeline, gumawa ng
isang paghahanap sa Internet para sa "timeline." Tumingin sa maraming mga resulta upang mayroon
kang magandang ideya kung paano magpatuloy sa proyekto. Iguhit ang iyong timeline. Lagyan ng
label ang timeline ng pamagat ng proyekto at ang mga taon ng hangganan. Pumili ng isang panimula
at pagtatapos na punto. Kailangan mong magtakda ng mga hangganan para sa iyong timeline.
Mahalagang pagpasyahan kung paano ipapakita ang mga kaganapan.

c. Pagpuno sa Iyong Timeline. Bigyan ng pamagat. Pumili ng isang nakaaakit na pamagat na

nagsasabi sa manonood kung ano ang tungkol sa iyong timeline. Tiyaking saklaw ng iyong
pamagat ang lahat ng iyong isinama sa iyong proyekto, sa halip na ang paksa lamang. Magdagdag ng
mga detalye at mahalagang impormasyon tungkol sa bawat kaganapan. Para sa bawat pagpasok,
sumulat ng isang maikling paliwanag tungkol sa kung ano ang nangyari, kabilang ang mga katotohanan
tulad ng kung sino ang kasangkot, ang epekto ng kaganapan, at anumang mga bilang na nauugnay sa
kaganapan, tulad ng bilang ng mga napatay sa isang giyera. Sumulat nang malinaw at maigsi. Ang
iyong mga salita ay kailangang madaling basahin, kaya't isulat nang malinaw. Gumamit ng ilang mga
salita hangga't maaari upang ipaliwanag ang mga pangayayari upang maiwasan ang pagkuha ng labis
na puwang sa isang kaganapan. Magdagdag ng mga larawan. Maaari kang magdagdag ng visual na
interes sa iyong timeline na may ilang mga larawan upang sumabay sa mga kaganapan na isinasama
mo. Maaring maghanap ng mga imahe sa online, kopyahin ang mga ito mula sa mga libro, o maging
malikhain at iguhit ang mga ito sa iyong sarili.

Gawain

Panuto: Mula sa nakatalang mahahalagang pangyayari ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo,

ayusin ang pagkasunod-sunod nito gamit ang timeline na ibinigay upang maipakita ang buod ng akda.
Maging malikhain sa paggawa. Maaring gumamit ng hiwalay na bond paper kung kinakailangan.
* Huling buwan ng taong 1884 at mga
unang buwan ng 1885 binalangkas ni
Rizal ang isinulat na akda.

* Marso 29, 1891 nang matapos ni Rizal

ang pagsusulat ng nobela at nakahanap
sya ng murang palimbagan sa F. Meyer
Van Loo sa Ghent, Belguim.

* Taong 1890, sinimulang isulat ni Rizal

ang El Filibusterismo sa bansang
Englad.

*Taong 1925, binili ng pamahalan ang

orihinal na kopya ng akda kahit na ito ay
kulang sa mga pahin at kabanata

*Setyembre 1891,tinulungan si Rizal ng

kanyang kaibigan na si Valentin Ventura
upang maipagpatuloy ang
pagpapalimbag ng nobela.

*Ang El Filibusterismo ay
nangangahulugang “ Paghahari ng
Kasakiman” at iniaalay ito ni Rizal sa
tatlong paring martir na sina Padre
Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora
o kilala sa tawag na GOMBURZA.

Mga Pamantayan ng Pagwawasto ISKOR

KAILANGAN NG
NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN PAGSASANAY
5 4 3 2

Lahat ng Walumpong Animnapung Halos lahat ng

Nilalaman impormasyong porsyento (80%) porsyento (60%) ng impormasyong _____
( pagsasaayos) iniayos ay tama. ng impormasyong impormasyong iniayos ay mali.
iniayos ay tama. iniayos ay tama.

Kasiningan Kitang- kita ang Kita ang kalinisan Bahagyang nakita Hindi nakita ang
kalinisan at at kaayusan ng ang kalinisan at kalinisan at _____
kaayusan ng timeline na ginawa kaayusan ng kaayusan ng
timeline na timeline na ginawa timeline na ginawa
ginawa

Kabuuan _________________
Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________________ Iskor: __________
Paaralan: ____________________________ Guro: ____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: SHERYL R. OLEGARIO Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Quarter 4 Week. 2 LAS 2
Mga Layunin: Naisusulat ang buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa
ginawang timeline. (F10PU-Iva-b-85)
a. Nakikilala ang mga taong tumulong kay Jose Rizal sa pagbuo at pagpalimbag ng El
Filibusterismo.
b. Naitatala ang mga taong tumulong kay Jose Rizal at mahahalagang pangyayari sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 433-437;
Listmann, E., 2020. How to Make a Timeline. [online] wikihow.com. Available at:
<https://www.wikihow.com/Make-a-Timeline> [Accessed 6 May 2021]

Nilalaman

Ang timeline ay nagpapakita kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung ano-ano ang mga bagay
na nagbabago sa itinakdang panahon. Ginagamit ito upang mas madaling maunawaan ang pangyayari sa
kasaysayan o anumang anyo ng kaganapan. Maaaring gamitin ang timeline sa iba’t ibang paksa. Sa pagbuo ng
timelime, kinakailangang mangalap ng impormasyon patungkol sa napili o nitalagang paksa, gumawa ng
framework at punan ang mga ito, at lagyan ng pamagat.

Ang timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo ay kakikitaan ng mga taong naging

bahagi ng pagtatagumpay ng nobelang El Filibusterismo. Kilalanin ang mga taong tumulong kay Jose Rizal sa
pagbubuo at pagpapalimbang ng nobela. Pagtuonan ng pansin ang mga mahahalagang pagyayari sa timeline
na magagamit sa sariling buod gamit ang ginawang timeline.

Timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Sa oras ng pangangailangan, tumulong

ang kaibigan niyang si Valentin
Binalangkas niya ang pagkatha sa El Ventura. Siya ang gumastos upang
Fili noong mga huling buwan ng 1884 maituloy ang pagpapalimbag ng nobela
at mga unang buwan ng 1885. Napag- noong Setyembre 1891. Ito ay isang
isipan niyang lumipat muna sa Belgium himala na nagpaligtas kay Rizal sa
upang matutukan at mapag-isipan pagkakagipit. Iniaalay niya ang orihinal
nang lubusan ang pagsulat ng nobela. na manuskrito ng El Fili kasama ang
Habang siya ay nasa Ghent Belgium, isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang
Si Jose Alejandro ang kahati niya sa pasasalamat at pagtanaw ng malaking
upa at sa pagkain. na utang na loob sa kanya.

1885 1890 1891

Sinimulang isulat ni Rizal ang El

Filibusterismo sa London, England
noong 1890. Sa panahong ito, higit na
kinapos si Rizal nang sinusulat niya
ang El Fili. Halos hindi na siya kumain
makatipid lamang. Nagsanla na rin siya
ng mga alahas. Gayunpaman,
pinagtibay niya ang kanyang loob
upang ituloy ang nobela kahit kulang sa
panustos mula sa pamilya.
Gawain
Panuto: Gumawa ng sariling buod sa pamamagitan ng pagtatala ng mga taong tumulong kay Jose Rizal at ang
mahahalagang pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Gawing gabay ang
timeline sa ibaba.

Timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

1885 1890 1891

Natapos, Paglimbag ng sulat-kamay na

Pagbabalangkas ng nobela
nobela at Pagpapadala ng nobela

Simula ng pagsulat
ng nobela

____________________________________________________________________________________

Pamantayan Puntos
Napakalinaw ng buod dahil kompleto ang nilalaman at nagamit nang maayos ang timeline sa 5
pagbubod
Malinaw ang buod dahil nagtataglay ng impormasyon at nagamit nang maayos ang timeline sa 4
pagbubod
Di-gaanong malinaw ang buod dahil kulang ang tinataglay nitong impormasyon at di-gaanong 3
nagamit ang timeline sa pagbubod
Hindi malinaw ang buod dahil kulang ang tinataglay nitong impormasyon at hindi nagamit ang 2
timeline sa pagbubod
Walang koneksiyon sa paksa ang ginawang buod 1
Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________________ Iskor: __________
Paaralan: ____________________________ Guro: ____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: SHERYL R. OLEGARIO Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Quarter 4 Week. 2 LAS 3
Mga Layunin: Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo.
(F10PS-Iva-b-85)
a. Natutukoy ang mga karanasan ni Jose Rizal bago maipalimbag ang El Filibusterismo.
b. Naisusulat ang mga pangyayari sa pagbubuod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo gamit ang nakahandang timeline.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 433-437

Nilalaman
Ang timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo ay naglalaman ng mga karanasan
ni Jose Rizal habang isinusulat ang nobela hanggang sa maipalimbag ito. Pagtuonan ng pansin ang
magkakaugnay na pangyayari na magagamit sa pagbubuod gamit ang nakahandang timeline.

Timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa

London, England noong 1890. Binalangkas niya ang
pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 Kinapos si Rizal nang isinusulat niya ang El Fili.
at mga unang buwan ng 1885. Minsan na lang siyang kumain upang makatipid.
Nagsanla ng kanyang mga alahas. Napapanaginipan
Pagbabalangkas ng nobela niyang may namamatay sa kanyang mga mahal sa
buhay. Ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera
ay ipinakasal sa ibang lalaki. Ang kanyang mga
Sa pagpapatuloy ng pagsusulat, nagkaroon siya ng magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-
iba’t ibang pangitain na katulad kay Simoun. Lumayo uusig ng pamahalaang Espanyol.
sa kanya ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Habang isinusulat ang nobela
Ikinalungkot ang nakitang kawalan ng pagkakaisa
ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya. Adhikain ni
Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang
damdamin ng mga Pilipino laban sa Pamahalaang
Espanyol. Ipinagpatuloy ang nobela kahit kulang sa Natapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng
panustos mula sa pamilya. murang palimbagan (F. Meyer Van Loo) sa Ghent,
Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa
Pagpapatuloy sa pagsusulat ng nobela
kaibigang si Jose Alejandrino. Mahigit na isangdaang
pahina pa lamang ang aklat nang maipahinto ito sa
paglilimbag dahil naubos na ang salaping pambayad
Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng dito.
mga aklat at ang iba naman ay sa Pilipinas. Pagtatapos nang pagsusulat ng nobela
Nasamsam ang mga kopyang ipinadala.
Ipinagbawal ng Pamahalaang Espanyol ang mga
babasahin na sumasalamin sa kalagayan ng
mamamayan, kinontrol ang pagpapalabas ng mga
babasahin, pinarurusahan ang mga manunulat at
mga palimbagan, pinararatangan na tulisan ang mga
nagbabasa ng ipinagbabawal na akda at ipinasira ng
Noong 1925, binili ng pamahalaan ang orihinal na
ang mga sipi ng nobela.
kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura kahit
Pagpapadala ng nobela na mas maraming kabanata ang hindi isinama si
Rizal sa El Fili. Halos apatnapu’t pitong (47)
pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at
.
binago.
Pagbili ng nobela
Gawain
Panuto: Isulat sa pagbuo buod ang mga pangayayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo gamit
ang timeline sa ibaba.

Timeline ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Pagtatagumpay
ng Nobela
Pagpigil sa Pagsulat
Mga dahilan/pangyayaring
at Paglathala ng Nobela
naganap upang matapos
Habang Isinusulat
ang nobela Mga Hakbang na Ginawa ang Nobela
_________________________ ng mga Espanyol
_________________________ _________________________ Mga suliraning naranasan
_________________________ _________________________ ni Jose Rizal
_________________________ _________________________ _________________________

3 _________________________
_________________________ _________________________
M _________________________
____________________ _________________________
g _________________________
____________________ 2 _________________________
a _________________________
p M _______________________
_________________________
a g
1 _________________________
n a
M _________________________
g p
g
y a
a
a n
p
y g
a
a y
n
r a
g
i y
y
/ a
Pamantayan a Puntos
d r
Napakalinaw ng buod dahil kompleto ang y
a i nilalaman at nagamit nang maayos ang timeline sa 5
pagbubod a
h /
Malinaw ang buod dahil nagtataglay ngd impormasyon at nagamit nang maayos r ang timeline sa 3
i
pagbubod i
l a
Di-gaanong malinaw ang buod dahil kulang / at di-gaanong
ang tinataglay nitong impormasyon 1
a h
nagamit nang maayos ang timeline sa pagbubod d
n i
Hindi malinaw ang buod dahil kulang ang a
u l tinataglay nitong impormasyon at hindi nagamit nang 2
maayos ang timeline sa pagbubod h
p a
Walang koneksiyon sa paksa ang ginawang buod i 1
a n
l
n u
a
g p
n
m a
u
a n
p
t g
a
a m
n
p a
g
o t
m
s a
a
a p
t
n o
Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:__________________ Iskor: _________
Paaralan: ____________________________Guro: __________________________ Asignatura: FILIPINO 10
Manunulat ng LAS:CHERRY ROSE E.ESCOLLADA Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Iba’t Ibang Pinagkukunang Sanggunian Quarter 4 Week 3 LAS 1
Mga Layunin: Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang
sanggunian. (F10WG-IVa-b-75)
a. Natutukoy ang iba’t ibang pinagkukunang sanggunian.
Mga Sanggunian: Philnews, 2020. Pangkalahatang Sanggunian, Kahulugan at Halimbawa. Available at:
<https://www.philnews.ph/2020/12/08/pangkalahatang-sanggunian-kahulugan-at-
halimbawa/> [Accessed 23 April 2021];
SlideShare, 2021. Iba’t Ibang Sanggunian. [online] Available at:
Official Gazette, Kasaysayan ng Official Gazzette. Available at:
<https://www.officialgazette.gov.ph/kasaysayan-ng-official-gazette/>[Accessed 23 April 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman

Iba’t Ibang Pinagkukunang Sanggunian

Mahalagang magkaroon ng sangguniang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon upang maging

tiyak at balido ang paksang nais talakayin at nais bigyang-pansin. Maging sa gagawing pananaliksik ay
kailangang ng mga sangguniang ito upang maging makatotohanan ang nais idepensa, at maging matibay sa
pinapanigang ideya. Narito ang iba’t ibang uri ng sangguniang maaaring gamitin sa paglikom ng mahahalagang
impormasyon sa partikyular na paksa:

1. Atlas – isa sa mga sangguniang mapagkukunan ng kaalaman hinggil sa lawak, lokasyon, at distansya ng
isang lugar. Makikita rito ang kalawakang sakop ng tubig at lupa sa buong mundo. Ito rin ay maituturing
na aklat ng mga mapa.
Halimbawa: World Atlas

2. Almanac – isang sangguniang naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa mga punto ng kawilihan, mga
panyayari sa isang bansa, rehiyon, politika, industriya, at iba pa sa isang taon.
Halimbawa: World Records

3. Diksyunaryo – ito ay maituturing na isang pangkalahatang sanggunian sapagkat sinasakop nito ang mga
salita mula sa titik “A” hanggang “Z”. Ginagamit ito sa pagtukoy at pag-alam ng kahulugan ng isang
salita.
Halimbawa: Merriam Webster Dictionary

4. Encyclopedia – isang aklat na nagtataglay ng mga impormasyon hinggil sa mga makatotohanang bagay-
bagay at artikulo sa isang bagay, tao, pook, at pangyayari.
Halimbawa: Coller’s Encyclopedia

5. Internet – ito ay pinakatampok na sangguniang ginagamit ng karamihan sapagkat ito ay may dagliang access
sa iba pang sanggunian tulad ng mga nabanggit sa itaas.
Halimbawa: Google

6. Pahayagan
a.) Tabloid – isang impormal na uri ng pahayagang mas maliit kaysa broadsheet na mapagkukunan ng
mga impormasyong lokal. Binibigyang-diin nito ang mga kwento, istorya, artikulo, kolumn o kahit na
ang mga impormasyong karahasan at sexual kung kaya itinuturing itong sensationalized journalism.
Makikita rin dito ang resulta sa lotto, ang mga horoscope, at iba pa.
Halimbawa: Abante, Bandera

b.) Broadsheet – isang pormal na uri ng pahayagang sumasaklaw sa mga impormasyon at balitang
internasyunal. Mas maliki ito kumpara sa tabloid at gumagamit ng wikang Ingles.
Halimbawa: Daily Inquirer

7. Magasin – isang peryodikong publikasyong naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa mga artikulo, kwento,
larawan, anunsyo, produktong iniindorso ng mga sikat na artista, at iba pang impomasyong kalimitang
pinopondohan ng mga patalastas.
Halimbawa: Mens Magazine, FHM

8. Gazette – isang opisyal na pahayagang may malawakang sirkulasyon sa bansa na naglalaman ng mga
patakaran, kautusan, polisiya, programa, gawaing opisyal, mga batas at iba pa hinggil sa nais ipaalam
ng isang organisasyong gobyerno.

9. Jornal – isang uri ng sulating naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa mga personal na karanasan ng
isang tao. Maaaring mapagkukunan ito ng mga impormasyon hinggil sa prosesong naitala ng isang
nagpakadadalubhasa sa isang bagay. Maaring gamitin din itong batayan sa mga pananaliksik na
isinasagawa ng mga mananaliksik.

10. Radyo at Telebisyon – makukuha ang mga impormasyon nais ng isang mananaliksik batay sa mga
programang inilalabas ng mga ito tulad ng Brigada, ABS-CBN, at iba pa. Maririnig at mapanonood sa
mga ito ang mga balitang may kinalaman sa mga kinasasangkutan ng tao saanman sa mundo.

Gawain
Panuto: Tukuyin ang mga sangguniang maaaring tumugon sa hinihiling at ipinakikita ng bawat sitwasyon. Piliin
sa loob ng kahon ang mga ito at isulat lamang ang mga titik ng iyong napiling sagot. Maaaring sumagot ng
dalawa hanggang tatlo. Patunayan ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil
sa mga sangguniang ito.
A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo E. Encyclopedia F. Internet G. Tabloid
H. Broadsheet I. Magasin J. Gazette K. Jornal L. Radyo at Telebisyon

_______________1. Nais mong tukuyin ang mga lugar sa mga bansang nilibot ni Jose Rizal.
Patunay: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

_______________2. Naitala ni Jose Rizal ang bawat karanasan niya hinggil sa pananakop at pagmamalupit ng
mga Kastila sa kapwa niya Pilipino. Isinalaysay niya ang lahat ng mga pangyayaring nagpapakita ng
mga sitwasyong napagdaanan niya. Naniniwala siyang magiging batayan ito ng ilan pang mga Pilipino
sa pag-alam ng mga panyayari sa bansa na lumipas na.
Patunay: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

_______________3. Nagpalabas ng bagong patakaran ang pamahalaan. Nais nilang ipatupad ito sa lalong
madaling panahon.
Patunay: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

_______________4. Naglalaman ito ng mga kakaiba at di-kapani-paniwalang bagay o pangyayari sa bansa.

Patunay: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

_______________5. Nasa malayong lugar si Padre Florentino ngunit nabalitaan pa rin niya ang nangyari kay
Simoun dahil sa babasahing kanyang pinagkunan ng impormasyon.
Patunay: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:__________________ Iskor: _________
Paaralan: ____________________________Guro: __________________________ Asignatura: FILIPINO 10
Manunulat ng LAS:CHERRY ROSE E.ESCOLLADA Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Paggamit ng Iba’t ibang reperensya/batis ng impormasyon Quarter 4 Week 3 LAS 2
Mga Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang reperensya/batis ng impormasyon sa pananaliksik.
(F10EP-IIf-33)
a. Nababatid ang kahulugan ng reperensya/batis ng impormasyon.
b. Nagagamit ang iba’t ibang reperensya/batis ng impormasyong nasaliksik sa pagkilala sa mga
tauhan sa El FIlibusterismo.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. et.al, 2019, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 473 – 482;
Newspaper, 2020. Anapora at Katapora. [online] Available at:
<https://www.newspaper.ph/2020/11/anapora-at-katapora-halimbawa-at-kahulugan-nito/>
[Accessed 23 April 2021]
Nilalaman

Paggamit ng Iba’t Ibang Reperensya o Batis ng Impormasyon

Higit na mapagtitibay ang isang ideya ng isang paksa kung gumagamit ng mga sangguniang
magpatutunay sa nais ilantad ng isang mananaliksik. Mula sa mga sangguniang ginamit sa pananaliksik,
kinukuha lamang dito ang pinakapayak ngunit pinakapunto ng kaisipan o paksang pinag-aaralan. At upang
maging tiyak sa kukuhaning kaisipan, kailangang taglayin ang kaparaanan sa pagkuha ng tinatawag na
reperensya mula sa mga sanggunian.

Ano nga ba ang tinatawag na reperensya o batis ng impormasyon? Paano ito ginagamit

Ang reperensya ay mga batis ng impormasyong nakuha mula sa mga ginamit na sanggunian. Ito ay
mga paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy sa paksang pinag-uusapan sa isang pangungusap. Maari
itong maging reperensyang anapora o katapora.

Kung ang mga reperensyang kalimitan ay mga panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan
ng teksto o pangungusap, ito ay anapora.
Halimbawa: “Si Simoun ay mayamang mag-aalahas. Siya ay matalik na kaibigan at tagapayo ng Kapitan-
Heneral.”

Katapora naman ang tawag sa reperensyang bumabanggit o tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan
pa ng teksto o pangungusap. Ito ay kabaliktaran ng anapora.
Halimbawa: “Siya ang kaibigang matalik ni Simoun. Siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Si
Kapitan-Heneral ay larawan ng mga pinunong pabigla-biglang humatol, salungat lagi sa pasya at hatol ng mga
kawani.”

Upang lubosang maunawaan ang paggamit ng mga reperensya, subukang unawain at pagnilayan ang
pagpakikilala ng may-akda sa ilang piling tauhan sa nobelang El Filibusterismo.

Mga piling tauhan sa El Filibusterismo

1.) Siya ay mayamang mag-aalahas na kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral. Siya ay si
Crisostomo Ibarra mula sa nobelang Noli Me Tangere. Si Simoun ay nakasuot siya ng salamin bilang
pagbabalat-kayo sa kanyang totoong pagkakilanlan upang makapaghiganti sa mga kastila.

2.) Si Kapitan - Heneral ay kaibigang matalik ni Simoun. Siya ay pinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
Siya ay larawan ng mga pinunong pabigla-biglang humatol, salungat lagi sa pasya at hatol ng mga
kawani.

3.) Siya ay kastilang kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan. May
mabuti siyang kalooban para sa mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Ang mataas
na Kawani ay salungat sa mga pasyang hindi pinag-iisipan, at tumutuligsa maging sa Kapitan-heneral
kung ang pasya nito ay hindi marapat at mabuti.

4.) Si Placido Penitente ay mahinahon at mapagtimpi ang ibig sabihin ng kanyang pangalan kaya
pinaninindigan niya ito kahit na lubhang kinaiinisan din niya ito. Siya’y estudyanteng ayaw nang mag-aral
dahil sa bulok na sistema ng pagtuturo.

5.) Si Pecson ay magaling sa pakikipagtalo sa sagutan sa iba’t ibang usapin. Hindi siya naniniwala sa mga
bali-balita lamang kaya para sa iba, siya’y mapangambahin.
6.) Siya ay isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino kahit na pinilit lamang siya ng kanyang ina
na maglingkod sa Diyos dahil sa panata nito. Si Padre Florentino ang kumupkop sa pamangking niyang
si Isagani nang maulila ito.
7.) Si Juli o Juliana ay pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales at apo ni Tata Selo.
Siya ay larawan ng Pilipinang matiisin, madasalin, masunirin, at mapagmahal na anak at apo.

8.) Si Basilio ay anak ni Sisa at nakatatandang kapatid ni Crispin sa Noli Me Tangere. Siya ay kasintahan ni
Juli, at nagpaalipin kay Kapitan Tiago upang malampasan ang hilahil ng kanyang buhay.

9.) Tinagurian siyang isang magaling na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo, at matapang
siya sa pagpapahayag ng kanyang mga pinaniniwalaan. Si Isagani ay ang pamangkin ng butihing si
Padre Florentino.

10.) Si Macaraig ay isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya

sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag sap ag-aaral at mahusay sa pakikipagtalo.

Gawain

Panuto: Pumili ng dalawang tauhan mula sa mga nabanggit ang sa tingin mo’y sumasalamin sa kilos at gawi ng
ilang Pilipino. Gamitin ang mga reperensya o batis ng impormasyong makikita sa itaas upang masagot ang mga
tanong.

1.) _____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

2.) _____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay Iskor:

5 4 3 2 1
Angkop ang paksa, Angkop ang paksa, May kaunting paglayo May kalayuan sa Walang
wasto ang paggamit may kaunting mali sa sa paksa at may paksa at punto sa
ng balarila, malinaw paggamit ng balarila, kamalian sa paggamit maraming mali sa mga sagot.
ang pagkasusunod- malinaw ang ng balarila. May balarila, at may
sunod ng mga pagkasusunod-sunod kaunting pagkalito sa kalituhan sa
kaisipan ng kaisipan pagkakasunod-sunod kaisipan.
ng kaisipan.
Pangalan:________________________________Baitang at Seksiyon: _________________Iskor:__________
Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 10
Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM, HERMIE M. JARRA
Paksa: Elemento ng Kuwento Quarter 4 Week.3, LAS 3
Mga Layunin: Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtunton
sa mga pangyayari; pagtukoy sa tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, at
pagtukoy sa wakas. (F10PB-IVb-c-87)
a. Nailalapat ang elemeto ng kuwento tungkol sa Kabanata VI ng El Filibusterismo sa
pamamagitan pyramid organizer.
b. Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtunton
sa mga pangyayari; pagtukoy sa tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, at
pagtukoy sa wakas
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,pp. 521-527, 529;
Ghaz, S., 2019. Elemento ng Maikling Kwento. [online] philnews.ph. Available at:
< https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-elemento-kahulugan/>
[Accessed 5 May 2021]
Nilalaman

Ang mga elemento ng kuwento ay nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang mas maintindihan
nila ang kwentong binasa.
Elemento ng Kuwento
1. TAUHAN Ito ang mga tao/bagay/hayop o mga tauhan kung kanino nakasentro
ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON Ito ang iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang panahon kung saan at kailan
nagaganap ang mga pangyayari.
3. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa
kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
4. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
5. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
6. WAKAS Ito ay ang huling pangyayari kung paano nag tapos ang storya ng
kuwento.

Gawain 1
Basahin ang buod ng kabanata VI ng El Filibusterismo na may pamagat na “Si Basilio”. Bigyang pansin ang
papel na ginagampanan ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari; pagtukoy sa
tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, at pagtukoy sa wakas.

Kabanata VI: “Si Basilio”

Si Basilio sa Gubat
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit
na ang buwan kaya’t paaninaw siyang tumungo sa libingan ni Sisa, ang kanyang ina. Ipinagdasal niya ang
kaluluwa ng kanyang ina ng nakaraang may 13 taon. Namatay ang kanyang ina at may dumating na lalaking
sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipinasusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating
pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
Si Basilio sa Maynila
Umalis siya sa gubat at lumuwas ng Maynila na maysakit at gulanit na damit. Natagpuan niya sina
Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Pinag-aral
sa Letran. Minaliit si Basilio dahil sa luma at gulanit na suot ngunit lagi siyang nagsasaulo ng mga leksyon.
Nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na
sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang
taon ay aprobado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat. Sa ikatlong taon niya,
naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa
klase. Natugon ni Basilio ang tanong na parang loro sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Nawalan
siya ng sigla sa pag-aaral ngunit isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete
sa isang pasyalan. Namayani siya sa labanan. Nakilala ng propesor, Nang matapos ay sobresaliente na siya,
may mga medalya pa.
Si Basilio sa Ateneo
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio at nagsulit siya sa
pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina.
Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay
nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y nagpakasal na sila ni
Huli.

Gawain 2
Isulat ang nakapaloob sa bawat elemeto ng kuwento batay sa Kabanata VI ng El Filibusterismo sa pamamagitan
pyramid organizer.

TAUHAN

TAGPUAN/PANAHON

SULIRANIN O TUNGGALIAN

KASUKDULAN

KAKALASAN

WAKAS
Pangalan:________________________________Baitang at Seksiyon: _________________Iskor:__________
Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 10
Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM, HERMIE M. JARRA
Paksa: Matalinghagang Pahayag Quarter 4 Week.4, LAS 1
Mga Layunin: Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa kabanata ng
nobela. (F10PT-IVb-c-83)
a. Natutukoy ang kahulugan at gamit ng matalinghagang pahayag.
b. Naisusulat ang mga matalinhagang pahayag at kahulugan nito base sa nabasang talata.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,pp. 530-540, 542;
Course Hero, 2021, Matalinhagang Pahayag. [online]Available at: <https://www.coursehero.com/-
file/83025777/Matalinghagang-pahayagdocx/> [Accessed 5 May 2021]
Nilalaman
Matalinghagang Pahayag
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang matatalinghagang pahayag ay may
malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang
Filipino.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga matatalinhagang mga salita at ang kahulugan nito.
Matalinghagang Pahayag Kahulugan Gamit sa Pangungusap
1. Anak Dalita mahirap Nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak
dalita upang makatulong sa kanilang pamilya.
2. Hindi makabasag pinggan mahinhin Si Maria ay ang natatanging babae sa klase na tila hindi
makabasag pinggan.
3. Pinagbiyak na bunga magkahawig Si Allan at Peter at magkakaklase na parang pinagbiyak na
bunga sa taglay nilang maamong mukha.
4. Usad pagong mabagal Usad pagong ang mga sasakyan sa kahabaan ng Alunan
Avenue dulot ng mga taong nagpoprotesta.
5. Makapal ang palad masipag Tanyag si Juan sa kaniyang mga narating sa buhay. Tunay na
makapal ang palad ni Juan sa pagtatrabaho at pag-aaral.

Gawain 1: Basahin ang piling talata ng kabanata VII ng El Filibusterismo na may pamagat na “Si Simoun”.
“Kabanata 7: Si Simoun”
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at
Basilio.Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa
paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun. Si Basilio ang
unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang
kumukulo ang dugo na binabalak ni Simoun na himagsikan na laban sa mga mapang-aping kasapi ng
pamahalaan. Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang
pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si
Huli. Ang mga layunin na ito ay buwayang lubog ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan
ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga
mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay.

Gawain 2: Hitik sa matatalinghagang salita ang nobela. Naging marikit at lalong makahulugan ang mga
pahayag dito kaya unawain at ipaliwanag ang mga matalinghagang pahayag na binasa sa talata. (10 puntos)

Matalinghagang Pahayag Kahulugan

1.

2.

3.

4.

5.
Pangalan:________________________________Baitang at Seksiyon: _________________Iskor:__________
Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 10
Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM, HERMIE M. JARRA
Paksa: Pagsusuri ng Akda Quarter 4 Week.4, LAS 2
Mga Layunin: Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay
sa katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian sa
kabanata. (F10PS-IVb-c-86)
a. Nababasa ang suring akda batay sa katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari, tunggalian sa kabanata.
b. Natutukoy ang katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian
sa kabanata base sa binasang talata o pangungusap mula sa kabanata.
Sanggunian: Marasigan, E. at Del Rosario, M, 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,pp.553-562, 572;
Desabelle, K., 2017. Pagsusuri sa Akdang Panitikan. [online] slideshare.net. Available at:
< https://www.slideshare.net/kimdesabelle/pagsusuri-ng-akdang-pampanitikan>
[Accessed 5 May 2021]
Nilalaman
Pagsusuri ng Akda
Ang pagsusuri ng akda ay isang malalim na paghimay sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang
ideya ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Sa pagsusuri,
kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, katangian ng mga
tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, tunggalian, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng
awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong
pananaw.
Pagsusuri ng Akda

Katangian ng Tauhan Pagkamakatotohanan ng Pangyayari Tunggalian sa Kabanata

Ito ay ang malinaw na Ito ay sumasalamin sa mga Ang tunggalian ay nagiging

kilos o gawi na pangyayari sa tunay na buhay o base instrumento para sa
ipinapakita ng tauhan. sa karanasan ng isang mambabasa. madudulang tagpo. Ito’y
Mas nakikila ang tauhan Nagpapakita ito ng mga pangyayari na ginagamit para
sa taglay na katangian pinagdaanan ng isang tauhan na makapagbigay ng kapana-
nito. Ito ang maaaring maging makatotohanan panabik na mga pangyayari.
naglalarawan sa buhay sapagkat napagdaanan narin ng mga Ito ang pakikipagsapalaran o
ng isang tauhan. Maari mambabasa. Gumagamit ito ng iba’t pakikipagtunggali ng mga
na siya ay masayahin, ibang simbolo. sentrong tauhan laban sa
mabait, may busilak na mga hamon na kanyang
puso, masama ang kinakaharap.
budhi, at iba pa.

Gawain 1
Basahin ang bawat talata ng kabanata X ng El Filibusterismo na may pamagat na “Kayaman at Karalitaan”.
Bigyang pansin ang katangian ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtunton sa mga makatotohanang
pangyayari; at pagtukoy sa tunggaliang naganap.

Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan

Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber
kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at
asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun.
Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang
kapahamakan.

Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Tinanong si Kabesang
Tales kung may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Limandaang piso o ipagpalit ng Kabesa sa alin
mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon
dahil minabuti pa ni Huli ang pagpaalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak
ang bagay na iyon. Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang
bagong nagtatrabaho ng lupa. Nagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales.

Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at

ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa
pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-
ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito.
Dinakip ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo. Natuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng
gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong
pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na
kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

Gawain 2
Sa tulong ng graphic organizer, tukuyin ang katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari,
tunggalian sa kabanata base sa binasang talata.
Gabay sa Pagwawasto
Napakahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay
(10) (6) (2)
Nilalaman Natutukoy ang katangian ng Walumpong porsyento (80%) natukoy Hindi angkop ang natutukoy ang
mga tauhan, na katangian ng mga tauhan, katangian ng mga tauhan,
pagkamakatotohanan ng mga pagkamakatotohanan ng mga pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari, tunggalian sa pangyayari, tunggalian sa kabanata pangyayari, tunggalian sa
kabanata base sa binasang base sa binasang talata kabanata base sa binasang talata
talata

Pagsusuri ng Akda

Katangian ng Tauhan Pagkamakatotohanan ng Pangyayari Tunggalian sa Kabanata

Ilarawan ang katangian Magbigay ng pangyayari na Ano ang naging instrumento

ni Simoun at Kabesang maihahalintulad mo sa tunay na para sa madudulang tagpo o
Tales buhay. pakikipagtunggali ng mga
____________________ _______________________________ sentrong tauhan laban sa
mga hamon na kanyang
____________________ _______________________________ kinakaharap.
____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________

____________________ _______________________
_______________________________
Pangalan:________________________________Baitang at Seksiyon: _________________Iskor:__________
Paaralan:________________________________Guro:_______________________Asignatura:FILIPINO 10
Manunulat ng LAS: EMIL PATRICK N. BALQUIN Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM, HERMIE M. JARRA
Paksa: Pagbubuod___________________________ Quarter 4 Week.4, LAS 3
Mga Layunin: Naisusulat ang buod ng mga binasang talata. (F10PU-IVb-c-86)
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsusulat (baybay, bantas, at iba
pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata. (F10PS-IVb-c-86)
a. Natutukoy ang mga alituntunin at gabay sa pagbubuod.
b. Nakasusulat ng payak na pagbubuod ng Kabanata IX gamit ang tamang mekaniks sa
pagsusulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga
pangungusap/talata.
Sanggunian: Marasigan, E. at Del Rosario, M, 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,pp.572-573;
Constantino, P. et. al, 2017. Pagbuo, Pag-uugnay at Pagbubuod ng mga Ideya. [online]
slideshare.net. Available at: < https://www.slideshare.net/RochelleNato/pagbuo-pag-uugnay-at-
pagbubuod-ng-mga-ideya> [Accessed 5 May 2021]
Nilalaman
Paggawa ng Buod o Pagbubuod
Ang pangunahing layunin ng buod ay mapaikli ang kabuuan ng isang kwento. Ngunit, hindi sapat na ito’y
mapaikli lamang. Ating tandaan na ang paggawa ng isang buod ay ganun rin kahalaga sa paggawa ng buong
kwento. Ito rin ay isang paraan upang maturuan ang mga mambabasa kung paano mag pokus sa mga
mahahalagang impormasyon sa isang teksto. Kasama na rito ang pag-aaral sa mga mahahalagang keywords
na dapat nating tandaan.

Ang sumusunod ay ang mga dapat aalahin na mga tanong sa paggawa ng isang buod:
 Ano ang pangunahing paksa ng kwento?
 Ano ang mga mahahalagang detalye para sumuporta sa paksa?
 Ano ang mga impormasyon na hindi kailangan?

MGA GABAY SA PAGSULAT NG BUOD

1. Tukuyin ang simula, tauhan, tagpuan, 5. Ilahad ito sa maliwanag at magalang na
tunggalian, at wakas. pamamaraan.
2. Basahin at unawaing mabuti ang binasa 6. Gawing payak at tuwiran ang paglalahad.
o pinakinggan. 7. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal
3. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na na akda.
ano, saan, sino, kailan, at bakit. 8. Gamitin ang tamang mekaniks sa pagsusulat
4. Iwasan ang pagdaragdag ng sariling ng buod (baybay, bantas, at iba pa)
opinyon.

Gawain 1
Basahin ang kabanata IX ng El Filibusterismo na may pamagat na Ang mga Pilato

Kabanata IX
Ang mga Pilato
Kumalat sa buong bayan ang pagkapipi ni Tandang Selo. Ang iba ay naawa sa matanda, ang iba’y
nagkibit lamang ng balikat.
Ang tinyente ng mga guwardiya sibil ay hindi tumanggap ng sisi. Pagtupad lamang sa tungkulin ang
ginawa niyang pagsamsam sa mga sandata. Nang bihagin ng mga tulisan si kabesang Tales ay inusig niya
agad ang mga iyon. Inuwi niya sa bayan ng Baliti ang lima o anim na taong bukid na kanyang pinaghinalaan
saka binugbog na mabuti ang mga ito.
Nagwalang bahala si Padre Clemente, ang paring tagapangasiwa ng asyenda. Tumupad lamang siya
sa tungkulin nang siya’y magsumbong laban sa mga armas. Ang sa kanya’y isang pag-iingat lamang pagka’t
si Kabesang Tales ay tila humahanap ng matutudla ng kanyang punlo: Hindi na niya kasalanan kung si
Kabesang Tales ay binihag ng mga tulisan sapagka’t ang ginawa niya’y isang pag-iingat lamang. Kung
namalagi sa kanyang tahanan si Kabesang Tales ay hindi sana siya nabihag ng mga tulisan. Ang nangyari sa
kanya’y parusa ng langit sa sumasalungat sa mga utos ng korporasyon.
Ang matandang panginoon ni Huli, si Hermana Penchang ay bumigkas ng dalawang o tatlong
susmeryosep at nag-antanda.
“Kaya tayo pinaparusahan ng Diyos ay sapagka’t makasalanan tayo, o hindi kaya’y may kamag-
anak tayong makasalanan na dapat nating turuan ng kabaitan ngunit hindi natin tinutuan.” ang
kanyang wika.
Si Huli ang tinutukoy na kamag-anak na makasalanan ni Hermana Pechang, pagka’t gayong dalaga
na’y hindi pa marunong magdasal.
Kung bigkasin ni Huli ang Dios de Salve ay hindi tumigil sa es contigo, at hindi pinapatlangan ang
pecadores kung binibigkas ang Sta. Maria. Hindi rin batid ni Huli ang oremus gratiam at ang bigkas sa
menitibus ay mentibus kaya aakalian ng sinumang makakarinig sa kanya na suman sa ibus ang sinabi niya.
Nag-antanda si Hermana Penchang at nagpasalamat sa Diyos pagka’t sa pagkakahuli ng mga tulisan
sa ama ay mahango ang anak sa pagkakasala. Hindi niya pinadalaw si Huli sa nayon upang alagaan ang
nuno sapagka’t kailangan niya ang mag-aral ng pagdarasal, basahin ang mga maliliit na aklat na ikinalat ng
mga prayle, at gumawa sa bahay hangga’t sa mabayaran ang utang na dalawang daa’t limampung piso.
Nagsaya ang mga pari dahil sa panalo nila sa usapin. Ang pagkakabihag ng mga tulisan kay Kabesang
Talis ay sinamantala nila upang ibigay sa humihingi ang lupain ng Kabesa. Nang dumating si kabesang tales
sa sariling tahanan ay tumanggap siya ng isang utos na bigay ng tinyente sa nayon na alisin ang lahat ng
laman ng bahay at iwan ito sa loob ng tatlong araw. Siya’y naupo sa tabi ng kanyang ama at hindi nagsalita
sa buong maghapon.

Gawain 2
Ayon sa binasang kabanata, sumulat ng payak na buod na lalagom sa mahahalagang kaisipang taglay ng mga
ito. Nararapat gamitin sa gagawin mong pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat tulad ng tamang baybay,
bantas, gayundin ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa bawat talata.
Gabay sa Pagwawasto
Napakahusay Katamtaman Kailangan ng Pagsasanay
(10) (6) (2)
Nilalaman Nakasusulat ng buod na Walumpong porsyento (80%) ang Hindi angkop ang pagkasulat ng
lalagom sa mahahalagang pagkasulat ng buod na lalagom sa buod na lalagom sa
kaisipang gamit ang tamang mahahalagang kaisipang gamit ang mahahalagang kaisipang gamit
baybay, bantas, gayundin ang tamang baybay, bantas, gayundin ang ang tamang baybay, bantas,
wastong pagkakaugnay-ugnay wastong pagkakaugnay-ugnay ng gayundin ang wastong
ng mga pangungusap sa bawat mga pangungusap sa bawat talata. pagkakaugnay-ugnay ng mga
talata. pangungusap sa bawat talata.
Kasiningan Kitang-kita ang kalinisan at Kita ang kalinisan at kaayusan ng Hinidi nakita ang kalinisan at
kaayusan ng buod na ginawa buod na ginawa kaayusan ng buod na ginawa

Buod ng Kabanata IX: Ang mga Pilato

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksiyon: _____________________ Iskor: ________
Paaralan: ______________________________ Guro: __________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: MARIA MAE M. MACATANGAY Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kabanata XIII – Ang Klase sa Pisika Quarter 4 Week 5 LAS 1
Mga Layunin: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda. (F10PN-IVd-e-85)
Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng
mga kaisipang namayani sa akda. ( F10PU-IVd-e-870)
a. Nababatid ang mga kaisipang namayani sa binasang kabanata.
b. Nakapagpapahayag ng sariling paniniwala o opinyon sa pagbuo ng isang solusyon.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 601-609;
De Juan, G., 2017. Buod ng El Filibusterismo. [online] Available at:
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/comment-page-1/
[Accessed 21 April 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Sa araling ito, matutukoy natin ang kaisipang namayani sa akda na nagpapakita kung ano ang
sinasalamin ng mga pangyayari sa tunay na pamumuhay sa panahong binuo ito. Maraming nakapaloob na mga
kaisipan sa akda, maaring ito ay nagpapakita ng positibo o negatibong kaisipan. Ilan sa mga kaisipang makikita
sa akda ay ang pagtatanggol sa karapatan, paninindigan sa sariling prinsipyo, pag-aaral ng mabuti, maling
sistema ng edukasyon sa panahon ng mga Espanyol, ang panunuhol at pandaraya. At mula sa mga kaisipang
ito, bilang mag-aaral maari kang magbigay ng sarili mong solusyon kung paano ito mapaunlad pa o mawala ang
ganitong sakit ng lipunan.

Ang Klase sa Pisika

(Kabanata XIII)

Ang silid aralan ay isang silid na taluhaba. Nakahagdan sa tatlong baitang ang mga upuan at nakapaligid
sa tatlong panig ng silid. Sa isang sulok ng silid ay ang mesa’t upuan ng guro at sa likurang bahagi nito ng pisara
ay may naksulat na Viva! na hindi pa nabubura mula pa nang nagsimula ang unang araw ng pasukan. Walang
kahit anong dekorasyon ang dingding ng silid. May isang aparador na may salamin na nakasusi at puno ng
kagamitan sa pisika. Kapag ginagamit ang mga kagamitang ito ay ipinapakita lamang sa klase mula sa malayo.
Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa
sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang
katalinuhan.
Isang batang Dominiko at napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran ang siyang
gurong nagtuturo at ito ang kauna-unahang pagtuturo niyang pisika.
Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong
leksiyon na ukol sa salamin. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Pinatigil uli ang
estudyante, muling tinanong sa wikang kastila. Binulungan ito ni Pelaez na mali naman ang idinikta at sinunod
naman nito. Natawa lahat pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Nagtanong muli ang guro, nalito
ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo,
Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante. Naganong uli ng prayle at pabulong na sumagot si
Pelaez. Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa
paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y
murahin at taguring espiritu sastre. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan
ni Placido. Napalatak na patuya ang kura,tinawag siyang Placido suplado at pinagsabihang lalapatan niya ito
penitencia/ penitensiya. Hinanap ng guro sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. Pinagbantaan itong may
labinlimang pagliban na at isa na lamang ay aalisin na ito sa kanyang klase.
Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Sinabi ng kaniyang guro
na bihira lamang itong tumingin sa talaan ng kaya’t sa bawat huli ng kanyang estudyante ay katumbas ng limang
liban ang inilalagay niya. Dagdag pa ng guro na nakatalong beses nang nahuli sa klase si Placido kung kaya’t
mayroon na itong labinlimang tala ng pagliban. Nangatwiran si Placido sa guro na kung ang isang mag-aaral ay
wala sa klase , paano raw itong makasasagot sa paksang pinag-aaralan nila. Nagalit ang guro, tinawag niyang
pilospong metapisiko at pilisopastro si Placido.
Nagpanting ang tainga ni Placido,ipinagtanggol ang sarili at sinabing, maari siyang markahan ng ilang
beses ngunit wala raw karapatan ang guro na insultuhin ang pagkatao nito,sabay alis na walang paalam.
Natahimik ang buong klase. Hindi nila akalaing magagawa iyon ni Placido. Nagsermon ang Pare. Isang suwail
daw si Placido sa mga tumataguyod ng paaralang kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumunog na
ang kampanilya hudyat na tapos na ang klae. Nagsilabasan na ang 234 na estudyanteng pumapasok na walang
alam at lumabas na wala pa ring nalalaman.

Gawain

Panuto: Mula sa mga kaisipan sa akda, anong paraan o solusyon ang naiisip mo upang makatulong
at mapaunlad o mawala ang ganitong sakit ng lipunan?

a. Pagtatanggol ng karapatan
paraan o solusyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. Paninindigan sa Sariling Prinsipyo
paraan o solusyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
c. Pagiging masigasig sap ag-aaral
paraan o solusyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

d. Maling Sistema ng edukasyon ng edukasyon sa panahon ng Espanyol

paraan o solusyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
e. Pandaraya at Panunuhol sa panahon ng Kastila
paraan o solusyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan ng Pagwawasto

Napakahusay Mahusay Kailangan pang Linangin

(5) (3) (2)
Naipahahayag nang Naipahahayag nang Kulang at nangangailangan
napakahusay ang sariling mahusay ang sariling pang paunlarin ang ideya o
Nilalaman ideya o opinyon hinggil sa ideya o opinyon hinggil sa opinyon hinggil sa
pagbibigay ng paraan o pagbibigay ng paraan o pagbibigay ng paraan o
solusyon para mapaunlad solusyon para mapaunlad solusyon para mapaunlad o
o mawala ang sakit ng o mawala ang sakit ng mawala ang sakit ng
lipunan lipunan lipunan
Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksiyon:_______________ Iskor:_________
Paaralan: ______________________________ Guro: __________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: MARIA MAE M. MACATANGAY Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: _________Kabanata XI- Los Baños Quarter 4 Week 5 LAS 2
Mga Layunin: Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda( Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang).
(F10Pb-IVd-e-88)
Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng: karanasang
pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa, pangyayaring pandaigdig.
( F10PN-IVf-90)
a. Nakasusuri ng pahayag ng mga tauhan mula sa binasang akda.
b. Nakapagpapahayag ng kabuluhan o epekto ng kaisipang nangibabaw sa kabanata.
Sanggunian: Marasigan, E. at Madayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoeni xPublishing
House, Inc., p. 577-588;
De Juan, G., 2017. Buod ng El Filibusterismo. [online] Available at:
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/comment-page-1/
[Accessed 21 April 2021]
_________________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Ang kaisipang lutang sa sa bawat akda ay sumasalamin sa emosyon o diwa na namumutawi sa mga
kaganapan o pangyayari sa loob ng akda. Dito umiikot ang kwento o kung ano ang nais na ipabatid ng
manunulat sa mambabasa. Ipinapakita dito ang sentro ng kwento maging ang layunin hinggil sa pagmamahal
sa Diyos, bayan, kapwa-tao o sa pamilya.

Los Baños
(Kabanata XI)

Nangaso sa Bosoboso ang Kapitan Heneral. Naglaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Baños ang
Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene noong ika-31 ng Disyembre. Habang nagsusugal, pinag-aaralan
at pinagpapasyahan ng Kapitan Heneral ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim ang
pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa
Sinadyang magpatalo ni Padre Irene sa pagsusugal upang manalo ang Kapitan Heneral, nagalit si Padre
Camora at tumayo na. Hinalinhan siya ni Simoun na biniro pa ni Padre Irene na itaya ang kanyang mga brilyante
at pumayag naman ang mang-aalahas. Wala raw namang maitataya ang kura. Sabi ni Simoun: “Ako’y
babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala
sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay
at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang
asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa,
at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante”. “At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa
limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang
limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na
pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa isang taong pipiliin ko at iba pa”. Sa kakaibang
kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang
huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Para raw luminis ang bayan at
maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.
Sinabi ni Simoun, marami raw baril ang mga tulisan, kaya pinag-utos ng Kapitan Heneral na ipagbabawal
na ang mga sandata. Ani Simoun: “Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita
ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ?
Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad”.
“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa. “Gaya natin” , ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-
hayagang tulisan”.
Ipinag-utos ng Kapitan Heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa salas).
Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang
patayin niyon. Laging sinasalungat ang Heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli.
Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang
nabibili noon. Ito ang nasunod.
Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan.
Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok.
Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang
guro. Tumutol ang Mataas na Kawani. Sabi ng heneral ay “di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan
pa sa Pilipinas”. “Sa susunod” , dugtong pa nito, “lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin”.
Iminungkahi ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan dahil kung pyesta at linggo lamang ito
ginagamit, kung simpleng araw nakatiwangwang lamang at pinakamaayos na gusali pa ito. Isinunod ang balak
na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Tinanong ng Kapitan Heneral ang kawani kung sang-ayon ito
sa balak ng kabataan, sang-ayon siya at pinuri pa ang balak ng mga kabataan. Tumutol naman si Padre Sibyla
dahil wala raw sa panahon at ito ay isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang
balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan.
Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita.
Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko, “Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo
nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit
tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang
bayan. Ngunit bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila
sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita”.
Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang Hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap
at di naunawaan ang lahat. Binulungan ng Kawani sa Heneral na ang anak noong si Kabisang Tales ay
humihiling na palayain ang kanyang nuno na nabilanggo kapalit ng ama.
Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga pahayag at tukuyin kung anong kaisipan ang nangingibabaw dito. Isulat ang titik PD
kung tungkol sa pagmamahal sa Diyos ; PB kung pagmamahal sa bayan; KT kung sa kapwa-tao; o PM
kung sa pagmamahal magulang.
______ 1. “ Gusto kong iwan ang bayan at buwagin ang pinagmulan ng masasama, wika ni Simoun”
______ 2. “ Ang kanilang hinihingi ( pag-aaral ng wikang Kastila) ay mahalaga at tayo ay walang karapatang
pumigil dito dahil lamang sa ating mga kuro-kuro”, sabi ng isa sa may mataas na katungkulan.
______ 3. “ Kapitan Heneral, ang dalagang anak po ni Kabesang Tales ay bumalik muli upang hilinging palayain
ang kanyang pamilya. Tatlong araw na po syang pabalik-balik”, dagdag ng kawani.
______ 4. “ Pinakamatapat na mamamayan sa buong bayan ang mga tulisan sapagkat pinagkakayuran nila ang
pang-araw-araw nilang pagkain”, ang pagtatanggol ni Simoun
______ 5. Naawa ang may mataas na katungkulan sa nangyari sa isang guro na humingi ng tulong dahil sa
halip na ito ay bigyan ng tulong siya ay tinanggal pa sa serbisyo.

Gawain 2

Panuto: Mula sa binasang kabanata, ilahad ang epekto ng mga kaisipang ibinigay pokus sa iyong sarili, sa
komunidad, bansa at sa daigdig. Maaring magbigay ng mga sitwasyong nakikita, napapanood o
nababalitaan natin.
Epekto sa: Malasakit sa Bayan Pagsusugal
sarili

komunidad

bansa

daigdig

Pamantayan ng Pagwawasto
Mga Krayterya 5 4 3 2
Pagpapahayag ng Napakahusay na Mahusay na Di-gaanong Hindi naipamalas
Saloobin ipinamalas ang ipinamalas ang naipamalas ang ang
pagpapahayag ng ang pagpapahayag ng pagpapahayag ng
saloobin pagpapahayag ng saloobin saloobin
saloobin
Pagkakabuo Napakahusay ang Mahusay ang Di-gaanong Hindi nabuo ang
pagkakabuo ng pagkakabuo ng mahusay ang gawain
gawain gawain pagkakabuo ng
gawain
Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksiyon:___________________ Iskor_______
Paaralan: __________________________ Guro: _____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: MARIA MAE M. MACATANGAY Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: _________Kabanata XII- Si Placido Penitente ____ Quarter 4 Week 5 LAS 3
Mga Layunin: Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad sa
pamahalaan, pagmamahal sa (Diyos, Bayan, Pamilya, kapwa-tao, kabayanihan,
karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at
pagsasamantala sa kapwa,kahirapan, karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa,
paninindigan sa sariling prinsipyo) at iba pa. (F10PB-IVd-e-89)
a. Nababatid ang mga kaisipang masasalamin sa kabanata.
b. Nakapagpapahayag ng sariling damdamin sa mga kaisipang namayani sa akda o kabanata.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag , A., 2015, Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.,p. 591- 601;
De Juan, G., 2017. Buod ng El Filibusterismo. [online] Available at:
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/comment-page-1/
[Accessed 21 April 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Sa kabanata XII na may pamagat na Si Placido Penitente ay may mga kaisipang nakapokus sa
kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad sa pamahalaan, pagmamahal sa (Diyos, Bayan, Pamilya, kapwa-tao,
kabayanihan, karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at pagsasamantala
sa kapwa, kahirapan, karapatang pantao, paglilibang, kawanggawa, paninindigan sa sariling prinsipyo. Ang mga
kaisipang ito ay atin ding masasalamin hanggang sa kasalukuyan na maari nating gawing inspirasyon sa araw-
araw na pamumuhay bilang mag-aaral, anak, magulang o taong may katungkulan at iba pa.

Si Placido Penitente
(Kabanata XII)

Walang ganang pumasok si Placido Penitente sa Santo Tomas sapagkat nais na niyang tumigil ng pag-
aaral tulad nang nasabi niya sa kanyang dalawang sulat sa ina. Napakiusapan na lamang siya ng kanyang ina
na kahit batsilyer sa artes lamang ay matapos niya sapagkat nasa ikaapat na taon na siya ng pag-aaral. Naging
palaisipan sa mga kababayana ni Placido sa Tanawan ang kanyang nais na tumugil ng pag-aaral sapagkat siya
ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio noon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang
magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.
Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) nang siya’y tapikin
ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mahangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastilang
mayaman at may pagkakuba. Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang
pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala
raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido ang binate na ikinagulat nito. Tanga raw si Basilio
sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.
Pagkatapos nito, nagtanong si Pelaez kay Penitente ng leksyon sapagkat noon lamang siya papasok.
Laging walang pasok noong nakaraang mga araw, may kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong
umaambon. Matipid na sinagot ni Penitente si Pelaez na tungkol sa salamin ang kanilang leksyon. Sa kanilang
paglalakad, naalala ni Pelaez na manghingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko at agad
na nagbigay si Placido upang matigil na si Pelaez. Alam din nyang makatutulong ang pagbibigay ng abuloy sa
pagpasa ng estudyante. Nang malapit na sila sa unibersidad, nakita niya si Isagani na nakikipagtalo ukol sa
aralin kasabay ng mga estudyanteng nagbabantay ng mga magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at
namula sa tuwa si Isagani nang magsiksikan ang mga mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na
victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya
Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung
may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa ngunit sa pagkakataong
iyon ay napasunod ang binata sa simbahan.
Nagsipagpasok na ang mga estudyante nang tinawag si Placido at pinalalagda siya sa kasulatang
tumututol sa pagpapatayo ng paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido dahil walang panahong basahin
ang kasulatan. Naalala pa niya ang isang amain na nawalan ng pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang
hindi binasa. Dahil sa tagal na pagpipilit kay Placido nahuli siya sa kanyang klase ngunit pumasok pa rin siya
na hindi patiyad kundi pinatunog nya ang takon ng kanyang sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay
pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Mahigit na 150 silang mag-aaral sa klase.
At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin.
Gawain
Panuto: Suriin ang mga pahayag mula sa kabanatang binasa. Pumili ng kaisipang masasalamin sa pahayag.
Isulat sa espasyong nakalaan sa loob ng kahon ang napiling kaisipan at ipaliwanag ang iyong
damdamin hinggil dito.

Kaisipan
Kabuluhan ng Edukasyon Pagmamahal sa Diyos Karuwagan Paglilibang
Kapangyarihan ng Salapi Pagsasamantala sa Kapwa Paninindigan sa Sariling Prinsipyo

Ayaw na ni Placido Penitenteng ipagpatuloy ang “Isinisumpa ko! Wala silang magagawa! Isa
kanyang pag-aaral. Sinasabi niyang ibig na lamang angal sa kanila, mawawala ang
niyang umuwi at magtrabaho na lamang. kanilang ama, asawa o anak. Pagkatapos,
masayang Pasko! Wika ni Pelaez.
Kaisipan:______________________________
Damdamin at Paliwanag: Kaisipan:_____________________________
______________________________________ Damdamin at Paliwanag:
______________________________________ _____________________________________

Naalala ni Placido ang isang mag-aaral na Hindi pumirma si Placido sa pinapipirmahan sa

pumasa lamang sa asignatura dahil sa kanya. Naalaala niya ang tagapangulo sa
pagreregalo ng kanaryo sabay bigay ng tatlong kanilang bayan na pumirma nang hindi binabasa
piso. ang isang dokumento at dahil doo’ynabilanggo at
napatapon. Ganoon din ang kanyang tiyo
Kaisipan:______________________________
Damdamin at Paliwanag:
Kaisipan:______________________________
______________________________________
Damdamin at Paliwanag:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Batayan ng Pagwawasto
Napakahusay Mahusay Kailangan pang Linangin
(5) (3) (2)
Tumpak na naipahahayag Di-gaanong na Hindi naipahayag ng
ang kaisipan at naipahahayag ang maayos ang kaisipan at
Nilalaman damdaming namayani sa kaisipan at damdaming damdaming namayani sa
akda. namayani sa akda. akda.
Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksiyon: ____________________ Iskor: ____
Paaralan: ______________________________ Guro: _________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: MARIA MAE M. MACATANGAY Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: ___ ___ Kabanata XI- Los Baños Quarter 4 Week 6 LAS 1
Mga Layunin: Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga
kaisipang namayani sa binasang akda. (F10PD-IVd-e-83)
a. Nakapag-uugnay ng mga kaisipang namayani sa nabasa o napanood na bahagi ng akda.
b. Nakabubuo ng simpleng talata na nagpapaliwanag ng kaugnayan ng binasa napanood na
akda.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag,A. 2015, Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 577-588;
De Juan, G., 2017. Buod ng El Filibusterismo. [online] Available at:
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-filibusterismo/comment-page-1/
[Accessed 21 April 2021]
_________________________________________________________________________________________________________________________
Nilalaman

Maraming kaisipan ang namamayani sa bawat akdang nababasa. Sa kabanatang ito, mababatid ang
iba’t ibang kaisipang makikita, maaring ito ay ang pagpapahalaga sa pamilya, paglalaban ng katwiran/ prinsipyo,
pagsusugal o bisyo, kawalan ng respeto sa kapwa-tao atbp. Unawain ang akda at mag-isip ng mga pangyayaring
napanood mula sa balita sa telebisyon o post sa social media na maaring maiuugnay sa nangingibabaw na
kaisipang taglay ng akda.

Los Baños
(Kabanata XI)

Nangaso sa Bosoboso ang Kapitan Heneral kasama ang banda ng musiko. Walang nabaril na ibon o
usa ang Kapitan Heneral, gusto na sana niyang pagbihisang-usa ang isang tao at magkunyaring natamaan niya.
Dinahilan na lamang ng Kapitan Heneral na siya ay maawain sa mga hayop pero ang totoo’y hindi siya talaga
nakatatama ng ibon o usa.
Naglaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Baños ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene
noong ika-31 ng Disyembre. Nagpapatalo ang dalawang kura dahil nais nilang magkaroon ng pagkakataon na
makausap ang Kapitan Heneral ang tungkol sa paaralang balak ipatayo ng mga kabataan. Habang nagsusugal,
pinag-aaralan at pinagpapasyahan ng Kapitan Heneral ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim
ang pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. “Saka na ang tungkol sa paaralan
ng Kastila”, sambit ng kapitan heneral. Naroon din sa bahay-aliwan si Don Custodio at isang prayleng Dominiko
na si Padre Fernandez.
Sinadyang magpatalo ni Padre Irene sa pagsusugal kaya’t nanalo ang Kapitan Heneral, nagalit si Padre
Camora at tumayo na. Hinalinhan siya ni Simoun na biniro pa ni Padre Irene na itaya ang kanyang mga brilyante
at pumayag naman ang mang-aalahas. Wala raw namang maitataya ang kura. Sabi ni Simoun: “Ako’y
babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala
sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay
at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang
asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa,
at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante”. “At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa
limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang
limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na
pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa”. Sa kakaibang
kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang
huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Para raw luminis ang bayan at
maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun.
Sinabi ni Simoun, marami raw baril ang mga tulisan, kaya pinag-utos ng Kapitan Heneral na ipagbabawal
na ang mga sandata. Ani Simoun: “Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita
ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas ?
Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad”.
“Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa. “Gaya natin” , ganti ni Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-
hayagang tulisan”.
Ipinag-utos ng Kapitan Heneral na ipagbawal ang armas de salon (sandatang pampalamuti sa salas).
Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang
patayin niyon. Laging sinasalungat ang Heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli.
Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang
nabibili noon. Ito ang nasunod.
Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan.
Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok.
Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang
guro. Tumutol ang Mataas na Kawani. Sabi ng heneral ay “di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan
pa sa Pilipinas”. “Sa susunod” , dugtong pa nito, “lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin”.
Iminungkahi ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan dahil kung pyesta at linggo lamang ito
ginagamit, kung simpleng araw nakatiwangwang lamang at pinakamaayos na gusali pa ito. Isinunod ang balak
na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Tinanong ng Kapitan Heneral ang kawani kung sang-ayon ito
sa balak ng kabataan, sang-ayon siya at pinuri pa ang balak ng mga kabataan. Tumutol naman si Padre Sibyla
dahil wala raw sa panahon at ito ay isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang
balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan.
Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita.
Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko, “Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo
nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit
tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang
bayan. Ngunit bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila
sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita”.
Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang Hesuwita. Nagsabad- sabaran ang magkakaharap
at di naunawaan ang lahat. Binulungan ng Kawani sa Heneral na ang anak noong si Kabisang Tales ay
humihiling na palayain ang kanyang nuno na nabilanggo kapalit ng ama.
Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.

Gawain:

Panuto: Iba’t ibang kaisipan ang mamayani sa akda, iugnay ang mga kaisipang ito sa mga napanood na balita
sa telebisyon o social media sites o di kaya’y narinig sa radyo. Bumuo ng isa o dalawang talata na
nagpapaliwanag ng kaugnayan nito sa araling tinalakay.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN NG PAGWAWASTO

Pamantayan Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina(1)

Kaisipan
Tiyak ang pagtalakay sa Hindi masyadong angkop Hindi natalakay ng wasto
paksa ang pagtalakay sa paksa ang paksa

Kaugnayan Angkop ang pag-uugnay ng Hindi masyadong angkop Hindi angkop ang pag-
mga pangungusap. ang pag-uugnayng mga uugnay ng mga
pangungusap pangungusap
Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________________ Iskor: __________
Paaralan: ____________________________ Guro: ____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: SHERYL R. OLEGARIO Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kabanata XXI – Mga Ayos ng Maynila Quarter 4 Week. 6 LAS 2
Mga Layunin: Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa Wikang Espanyol. (F10PT-IVg-h-
85)
a. Natutukoy ang mga salitang hiram sa Kabanata XXI.
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang hiram na ginamit sa akda.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 687-696;
Ki, 2020. Mga Halimbawa Ng Hiram Na Salita Na Ginagamit Sa Pangungusap. [online]
philnews.ph. Available at: <https://philnews.ph/2020/08/08/hiram-na-salita-sa-pangungusap-
kahulugan-at-halimbawa/> [Accessed 6 May 2021]

Nilalaman
Ang mga Salitang Hiram ay mga salitang mula sa wikang dayuhan. Maaring ang mga salita ay mula sa
wkang Kastila, Ingles, at iba pa. Hindi tahas ang pagsasalin nito sa wikang Filipino. Kapag ganito ang sitwasyon,
iniiba ang palatitikan nio.
Mga Halimbawa:

Kastila Filipino Ingles

liquido likido liquid
educacion edukasyon education
dialogo diyalogo dialogue
imagen imahen image
litro litro liter

Ang Kabanata XXI ay naglalaman ng mga salitang hiram. Alamin ang mga ito at ibigay ang kahulugan
ng bawat isa.
Kabanata XXI – Mga Ayos ng Maynila

Ang samahan ng Operatang Pranses sa pamamahala ni Mr. Jouy ay magtatanghal ng Les Cloches de
Corneville sa theatrum de Variedades. Ang mapapanood ay bantog at ilang araw nang inilalathala sa mga
pahayagan. Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala nang makuhang upuan kahit para kay Padre Salvi
na nagnanais na makapanood. Tila walang patid ang pila sa entrada general. Nang labinlimang minuto na
lamang bago mag-ikawalo, malaking halaga na ang iniaalok para sa mga upuan.

May dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa
mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, mabagal kung maglakad na parang kinakaladkad
ang isang paa na tila naninigas, ang kanyang mahabang buhok ay kulay abo at kulot sa dulo na parang buhok
ng isang makata. Ang kanyang suot na amerikana ay kulay-kape at pantalong suot-suot ay may pari-parisukat
na guhit at mayroon din siyang sombrerong hongo de arte. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila
ngunit ang pamumuhay ay parang isang pulubi.

Ang ikalawang tauhan ay si Tiyo Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Kabaligtaran
ni Camarococido. May takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ng lebitang napakahaba at maluwag. Ang
kanyang pantalon ay napaka-ikli, nakasapatos ng malaki, may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang
balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.

Ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni Don Custodio, ay
tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa
pagtatanghal. Ito ay ayon kay Camarococido. Ang ilan ay sang-ayon daw katulad ng mga opisyal ng hukbo at
pandigmang-dagat, adiutor ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa Paris, mga
lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Nagtutungayaw sa operatta si Padre Irene. Makikita rin dito si Ben Zayb na natatakot na mahulian ng kamalian
sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses. Napuna rito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-
aligid sa theatrum. Nakita niya rito ang isang pulutong na tila may kausap na nakaanyong militum at ito ay si
Simoun. Maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang
signum est bang ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.

Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang
bagong kasama. Ipinanghahalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan
ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tessera. Sa bandang huli, dumating sina
Makaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kaya’t hindi ito nakasama, dahilan
upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.

Gawain
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang hiram na nakatala sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
____________ 1. Les Cloches de Corneville a. sombrerong hugis kabute na suot ni
Camaroncocido.
____________ 2. militum b. dito ipinalabas ang nakatatawang palabas.
____________ 3. theatrum c. sangay ng ginaganap na sining na may
kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa
harap ng mga nakikinig o nanonood.
____________ 4. signum est bang d. alalay o kasama ni Mr. Jouy.
____________ 5. hongo de arte e. isang piraso ng papel na ginagamit upang
makapasok o makalahok sa isang kaganapan
sa teatro.
____________ 6. adiutor f. bahagi ng teartro kung saan
pumapasok/madaan ang mga manonood.
____________ 7. sombrero de copa g. isang nakatatawang palabas na may tatlong
tagpo.
____________ 8. entrada general h. taong nagbibilang ng nakolektang pera.
____________ 9. tessera i. isang pelikula na nakatuon sa mag-inang
Espanyol.
____________ 10. Theatrum de Variedades. j. sombrerong panglalaki na suot ni Tiyo Kiko.
k. isang samahan na pinapahintulutan na gamitin
ang puwersa, kadalasang kinabibilangan ng
paggamit ng mga sandatang militar.
l. ang ginawang hudyat ni Camarococido ay isang
putok.
Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________________ Iskor: __________
Paaralan: ____________________________ Guro: ____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: SHERYL R. OLEGARIO Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kabanata XXIII – Isang Bangkay Quarter 4 Week. 6 LAS 3
Mga Layunin: Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na akdang
binasa. (F10PU-IVg-h-88)
Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing. (F10WG-IVg-h-81)
a. Nababatid kung ano ang paghahambing.
b. Naihahambing ang pinakamahalagang pangyayari sa Kabanata XXI at pinakamahalagang
pangyayari Kabanata XXIII.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 715-721;
Ki, 2020. Dalawang Uri Ng Paghahambing: Mga Halimbawa at Kahulugan. [online] philnews.ph.
Available at: <https://philnews.ph/2020/03/05/dalawang-uri-ng-paghahambing-mga-halimbawa-
at-kahulugan/> [Accessed 23 April 2021]

Nilalaman
Ang Paghahambing ay ginagamit kung naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip. Binibigyang-diin ang katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
Dalawang uri ng Paghahambing
1. Paghahambing na Magkatulad – paghahambing sa dalawa o higit pang (tao, bagay, ideya, pangyayari,)
na pareho ang katangiang taglay. Ginagamit ang mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing,
magkasing, at mga salitang-paris, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/
kamukha.
2. Paghahambing na Di-Magkatulad – paghahambing sa dalawa o higit pang (tao, bagay, ideya,
pangyayari) na magkaiba ang katangiang taglay.
Uri ng paghahambing na di-magkatulad
a. Pasahol – ang inihahambing ay kulang o mas maliit ang katangian sa pinaghahambingan. Ginagamit
ang mga kataga/salitang di-gasino, di-gaano, di-totoo atbp.
b. Palamang - ang inihahambing ay mas nakahihigit o mas malaki sa pinaghahambingan. Ginagamitan
ito ng mga lalo, higit/mas, labis, di-hamak atbp.

Ang Kabanata XXIII ay nagtataglay ng mga mahahalagang pangyayari. Bigyang-pansin ang mga ito na
gagamitin sa isasagawang paghahambing.

Kabanata XXIII – Isang Bangkay

Dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nang mag-iikawalo, nakita siya ni
Makaraig sa may daang Ospital na malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nang mag-iikasiyam ay nakita siya ni
Camarroncocido sa may dulaan na parang may kausap na estudyante.

Si Basilio ay nagrerepaso sa bahay dahil siya ay ‘di rin naman nanonood. Mula nang tubusin si Huli sa
pagkakaalila sa kanya ay hindi na siya sumasama sa mga kapwa mag-aaral. Ang pagpapagaling kay Kapitan
Tiyago ay pinag-aralan nang mabuti dahil lalo itong naging mahirap pakibagayan. Kung minsan ay mahal na
mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait. Lalong lumalala ang kanyang karamdaman. Nababawasan na ang
paghithit nito dahil sa tulong ni Basilio. Kapag nasa lalawigan o paaralan ito, ay may nagbibigay ng labis na
apyan sa matanda. Laging sinasabi nina Simoun a Padre Irene kay Basilio na pagtiisan sap ag-aalaga at
pagalingin ang may sakit.

Dumating si Simoun habang nagrerepaso si Basilio. Sila ay muling nagkita sa San Diego. Ang may sakit
ay kinamusta ni Simoun. Sinabi naman ni Basilio na ang sakit nito ay lalo pang lumalala sa paglipas ng panahon.
Inihalintulad naman ito ni Simoun sa Pilipinas dahil malala na raw ang pagkalat ng lason sa katawan nito.
Inanyayahan ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila. Itinuturing na kaaway
at papatayin ang sinumang hindi kakampi sa kanila. Habang nagkakagulo ang buong lungsod, inatasan ni
Simoun si Basilio na iligtas si Maria Clara mula sa Kumbento. Sinabi ni Basilio na huli na ang lahat dahil
nagpakamatay na si Maria Clara.

Nakita ni Simoun ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa kay Kapitan
Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara. Ang isip ni Simoun at litong-lito at tumakbo
papalabas ng bahay. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Biglang niyang naisip ang kahabag-hagbag na
sinapit nina Ibarra at Maria Clara.
Gawain
Panuto: Balikan ang Kabanata XXI. Piliin ang pinakamahalagang pangyayari sa Kabanata XXI at ihambing sa
pinkamahalagang pangyayari sa Kabanata XXIII. Gamitin ang mga panlapi/kataga/salitang
naghahambing.

Pinakamahahalagang Pangyayayi sa Kabanata XXI:

_______________________________________________________________________________________

Pinakamahahalagang Pangyayari sa Kabanata XXIII:

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Paghahambing ng Pinakamahalagang Pangyayari sa Kabanata XXI at Pinakamahalagang Pangyayari sa

Kabanata XXIII

Napakalinaw ng paghahambing dahil kompleto ang mga pangyayari at nagamit nang maayos ang 5
angkop na mga salitang naghahambing
Malinaw ang paghahambing dahil nagtataglay ng mga pangyayari at nagamit nang maayos ang 4
angkop na mga salitang naghahambing
Di-gaanong malinaw ang paghahambing dahil kulang ang tinataglay nitong mga pangyayari at di- 3
gaanong nagamit ang angkop na mga salitang naghahambing
Hindi malinaw ang paghahambing dahil kulang ang tinataglay nitong mga pangyayari at hindi 2
nagamit ang angkop na mga salitang naghahambing
Walang koneksiyon sa paksa ang paghahambing ng mga pangyayari 1
Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________________ Iskor: __________
Paaralan: ____________________________ Guro: ____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: SHERYL R. OLEGARIO Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kabanata XXIV – Mga Pangarap Quarter 4 Week. 7 LAS 1
Mga Layunin: Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang
hudyat sa paghahayag ng saloobin/damdamin. (F10WG-IVd-e-80)
a. Nakikilala ang mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin.
b. Nagagamit ang mga salitang hudyat sa pagpapaliwanag ng mga kaisipang nakapaloob sa
akda.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 725-733;
Ki, 2021. Salitang Nagpapahayag Ng Damdamin – Halimbawa At Kahulugan. [online]
philnews.ph. Available at: <https://philnews.ph/2021/04/20/salitang-nagpapahayag-ng-
damdamin-halimbawa-at-kahulugan/> [Accessed 23 April 2021]

Nilalaman
Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – mga pangungusap na naglalaman ng matinding emosyon o

damdamin. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa: Nakupo, hindi ko kayang makita na sinasaktan niya ang kanyang lola!
Ang sakit isipin na ang sariling ang ama ang nagsagawa ng karumaldumal na krimen!
2. Maikling Sambitla – ito ay maaaring iisahin o dadalawahing pantig na naglalaman ng matinding emosyon
o damdamin.
Halimbawa: Wow! Ang ang ganda ng gising mo ngayon.
Aray! Naapakan mo ang aking paa.
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao – mga
pangungusap na pasalaysay na hindi naglalaman ng matinding emosyon ngunit kakikitaan ng tiyak na
emosyon o damdamin.
Halimbawa: Kasiyahan: Napakasayang isipin na gumagawa ng aksiyon ang Pamahalaan upang
matulungan ang mga taong apektado sa pandemya.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip na patuloy pa rin ang pagdami ng nagpopositibo sa sakit na
COVID-19.
Pagkalungkot: Nakalulungkot ang balitang patungkol sa pagdami ng nagkakaroon ng COVID-
19 sa Timog Cotabato.
Pagkagalit: Hindi dapat binabalewala ang utos Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa
pagsunod sa Health and Safety Protocols.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng ating Pangulo na ibalik ang General Community
Qurantine (GCQ).
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at negatibo ang resulta ng kanyang Swab Test.
4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan – mga pangungusap
kinapalolooban ng matatalinghagang salita o pahayag. Hindi tuwiran ang pagpapahayag ng emosyon o
damdamin.
Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko kapag may nakikita akong tao na sinasaktan ang mga hayop.
(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)
Ang Kabanata XXIV ay kakikitaan ng iba’t ibang kaisipan. Alamin ang mga lumutang na kaisipan sa
Kabanata na gagamitin sa paglalahad ng sariling pananaw at pagpapahalaga rito.

Kabanata XXIV – Mga Pangarap

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa pagbabagsak ng kaniyang

galit sa gabi. Panay ang tingin ni Isagani sa mga babaeng Pranses. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para
nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.

Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig
raw niya ang kaniyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang
kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Paulita ay naging parang may
kulang sa kaniya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita. Ngunit ayaw ni Paulita na tumungo
roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng
tren.
Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun
at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa huli’y ni walang pumapansin. Ngunit kay Simoun ay nabahala
ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi
pati ang Espanya.

Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Napangiti na rin ang binati at napawi ang lahat ng
kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kaniyang tuwa nang itanong sa kaniya ni Donya
Victorina kung nakita ng binata ang pinaghahanap na asawang Kastila. Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil
sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nagtatago si De Espadaña. Sinabi ng Donya na nais niyang
mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kung bakit siya papakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman
ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamag-aral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung
matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.

Gawain
Panuto: Pumili ng dalawang (2) kaisipang lumutang sa Kabanata XVIII at ilahad ang sariling pananaw at
pagpapahalaga gamit ang mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin o damdamin.

Unang kaisipan: Pananaw at Pagpapahalaga:

_________________________________________ ___________________________________________

___________________________________________

Ikalawang kaisipan: Pananaw at Pagpapahalaga:

Napakalinaw ng buod dahil kompleto ang nilalaman at nagamit nang maayos ang mga salitang 5
hudyat sa pagpapaliwanag
Malinaw ang buod dahil nagtataglay ng impormasyon at nagamit nang maayos ang mga salitang 4
hudyat sa pagpapaliwanag
Di-gaanong malinaw ang buod dahil kulang ang tinataglay nitong impormasyon at di-gaanong 3
nagamit ang mga salitang hudyat sa pagpapaliwanag
Hindi malinaw ang buod dahil kulang ang tinataglay nitong impormasyon at hindi nagamit ang mga 2
salitang hudyat sa pagpapaliwanag
Walang koneksiyon sa paksa ang ginawang buod 1
Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________________ Iskor: __________
Paaralan: ____________________________ Guro: ____________________________ Asignatura: Filipino 10
Manunulat ng LAS: SHERYL R. OLEGARIO Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Kabanata XXV – Tawanan at Iyakan Quarter 4 Week. 7 LAS 2
Mga Layunin: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ibang
pangyayari sa kasalukuyan. (F10PB-IVg-i-92)
a. Nababatid ang mga pangyayari sa Kabanata XXV na may kaugnayan sa kasalukuyang
pangyayari.
b. Naiuugnay ang mga pangyayari sa Kabanata XXV sa kasalukuyang mga pangyayari.
Sanggunian: Marasigan, E. at Dayag, A., 2015, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 736-745

Nilalaman

Ang Kabanata XXV ay naglalaman ng mga mahahalagang pangyayari. Basahin at unawain ang buod
ng Kabanata upang matukoy ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari.

Kabanata XXV– Tawanan at Iyakan

Ang handaan ang idinaos sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval.
Ang lahat ng mga mesa ay ukopado ng grupo. Ang pagdiriwang ay ukol sa pagpapasya ni Don Custodio tungkol
sa akademya o sa pagtuturo ng wikang Kastila.

Ang mga salitang ginamit ng mga mag-aaral ay ay matatalim. Nagsitawanan sila nang pilit at may himig
ng paghihinakit. Nagtawanan at nagbiruan ang mga binatang naroon, ngunit yaon ay pilit lamang sapagkat
dinaramdam nila nang labis ang naging kapasyahan ni Don Custodio. Totoong sinang-ayunan ang pagattayo ng
Akademya, ngunit ipasasailalalim ng korporasyon, at ang mga mag-aaral ay gagawin lamang tagapaningil ng
mga ambagan at abuloy.

Dumating na ang lahat at si Pelaez na lang ang kulang. Sinabi ni Tadeo na si Basilio na lang sana ang
inanyayahan sa halip na si Juanito. Sana ay malalsing pa nila si Basilio upang magtapat ito patungkol sa isnag
batang nawawala – isang mongha.

Inihanda na ang mga pagkain. Bawat ulam na kanilang handa ay may pinatutungkulan. Ang sopas ay
inihandog kay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala; lumpiang intsik ay inalay kay Padre
Irene; ang tortang alimango ay ibinigay sa mga prayle (torta de Frailes). Biglang tumuol si Isagani at sinabing
may isaraw na prayleng hindi dapat isama sa panunupa. Tumutol din si Tadeo. Hindi raw magandang ihambing
ang alimango sa mga prayle. Ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Sinabi ni Makaraig na
ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May gustong mgabigay ng pansit kay Quiroga na itinuturing na isa raw
sa apat na makapangyarihan sa Pilipinas. Ang isa pang pansit ay dapat daw na ialay sa Eminencia Negra
(Simoun).

Nagkaroon ng mga talumpatian. Nagsimulang magtalumpati si Tadeo kahit hindi ito nakahanda.
Sinigawan siya ng mga kasamahan. Binanggit sa kniyang talumpati ang pagiging bahagi ng mga Prayle sa
buhay ng mga Pilipino buhat sa pagbibiyag hanggang sa paglilibing.

Pawang maingay ang kabataan. Maraming nakalapit sa durungawan at manonood sa kanila. Mayroon
ding mga nagmamanman. Nakita ng mga mag-aaral ang isang binatang palingon-lingon na kasama ang isang
taong di-kilala na lumulan sa isang sasakyang naghihintay. Ang sasakay ay si Simoun.
Gawain
Panuto: Pumili ng dalawang (2) pangyayari sa Kabanata XXV at iugnay ito sa kasalukuyang mga pangyayari.

Tawanan at Iyakan

Pangyayari sa Kabanata Pangyayari sa Kabanata

_____________________________ _____________________________

Pangyayari sa Kasalukuyan Pangyayari sa Kasalukuyan
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

Ugnayan ng mga Pangyayari sa Kabanata Ugnayan ng mga Pangyayari sa Kabanata

at Kasalukuyan at Kasalukuyan
_____________________________________ _____________________________________

Napakalinaw ng pagkakaugnay ng lahat ng pangyayari at nagamit nang maayos ang format 5
Malinaw ang pagkakaugnay ng pangyayari at nagamit nang maayos ang format 4
Di-gaanong malinaw ang pag-uugnay dahil kulang ang mga pangyayari at di-gaanong nagamit 3
ang format
Hindi malinaw ang pag-uugnay dahil walang pangyayari at hindi nagamit ang format 2
Walang koneksiyon sa paksa ang ginawang pag-uugnay 1
Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:__________________ Iskor: _________
Paaralan: ____________________________Guro: __________________________ Asignatura: FILIPINO 10
Manunulat ng LAS:CHERRY ROSE E.ESCOLLADA Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Pagpapakahulugan Quarter 4 Wk. 7 LAS 3
Mga Layunin: Nabibigyan ng kaukulang pagpakakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/ mga
tauhan. (F10PT-IVi-j-86)
a. Nababatid ang uri at mga paraan ng pagpakakahulugan.
b. Nabibigyang kahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan gamit ang uri at
paraan ng pagpakakahulugan.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. et.al, 2019, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc., pp. 732 – 739;
Gabay ng Mag-aaral, 2013. Ano ang Pagpapakahulugan. [online] Available at:
<https://www.teksbok.blogspot.com/2013/01/pagpapakahulugan.html?m=I>
[Accessed 23 April 2021]
Nilalaman

Pagpapakahulugan

Ayon kay Albert Einstein, ang tao ay “rational being”. Ibig sabihin, ang tao ay may angking galing at talino
kung kaya’y nagagawa nilang gumawa ng sariling pagpakakahulugan at pag-unawa hinggil sa mga bagay-
bagay. Sinasabing may kaparaanan ang tao sa pagbibigay kahulugan at katwiran sa isang kaisipang nais
bigyang-diin upang makahikayat, mang-akit, at mapaniwala ang kapwa tao.

Narito ang mga uri at mga paraan ng pagpakakahulugan:

Dalawang Uri ng Pagpakakahulugan

1.Konotasyon – ito ay maituturing na subjektib at may kalaliman sapagkat ito ay batay sa sariling
pagpakakahulugan. Ang pagpakakahulugang ito ay maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan,
at sitwasyong kinalalagyan ng isang tao o di kaya’y ng isang pahiwatig.
Halimbawa: Ang ahas ay isang taong traydor o tumitira ng patalikod.

2.Denotasyon – ito ay payak at tiyak na pagpakakahulugan. Ibig sabihin, naglalaman ito ng pangunahing
kahulugan hinggil sa isang salita, o pahayag.
Halimbawa: Ang ahas ay isang hayop na gumagapang.

Mga Paraan ng Pagkakahulugan

1. Literal – ito ay paraan ng pagkakahulugan sa pinakatunay at pinakamababang kahulugan ng salita o pahayag.
Halimbawa: Ang tinapay ay pagkain.

2. Konseptwal – ito ay paraan ng pagkakahulugan sa konsepto, tunay na impormasyon, detalyado at may

siyentipikong pinagbabatayan.
Halimbawa: Ang tinapay ay mula sa mga pinaghalong sangkap tulad ng harina, asukal, asin, itlog, at
minsan ay may palaman.

3. Kontekstwal – ito ay paraan ng pagkakahulugan batay sa paraan ng pagkagagamit ng salita sa pangungusap

at natutukoy sa pamamagitan ng “context clues”.
Halimbawa: Si Hesus ay tinapay ng buhay sapagkat siya ang bumubusog sa mga kaluluwa ng tao.

4. Proposisyunal – ito ay paraan ng pagkakahulugan batay sa pagbibigay ng sitwasyon at pagbibigay ng

halimbawa.
Halimbawa: Ang tinapay ay ginagamit sa kakulangan ng bigas dahil mas mura ito.

5. Pragmatik – ito ay paraan ng pagkakahulugan batay sa aktwal na karanasan ng naglalahad at naglalarawan

sa kaisipan at ideya.
Halimbawa: Ang baon kong tinapay ay nakabubusog dahil siksik sa laman at palaman.

6. Matalinghaga – ito ay paraan ng pagkakahulugan na hindi lantaran ang kahulugan ng isang salita.
Halimbawa: Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
Gawain

Panuto: Ang mga pahayag o pangyayari sa bawat bilang ay binanggit ng ilang tauhan sa kabanata XXXIV – Ang
Paskin. Bigyang-kaukulang kahulugan ang mga nakasulat nang madiin ayon sa uri ng pagpakakahulugan, at
ibigay ang paraan ng pagpakakahulugang hinihiling. Isulat sang iyong sagot sa linya.

1. “Alam kong mamamatay na si Kapitan Tiago. Dinadalaw na siya ng mga uwak at buwitre.” – propesor sa
Patolohia
Ang ibig sabihin ng pahayag na dinadalaw na siya ng mga uwak at buwitre
Konotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Denotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Paraang konseptwal: ______________________________________________________________________

2. “Ang pakana! Anong pakana?” – Basilio

Ang ibig sabihin ng salitang pakana
Konotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Denotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Paraang literal: ___________________________________________________________________________

3. “Hindi tayo ang dapat magsiyasat niyon. Hayaan ninyo sila. Bago alamin kung ani ang nakasulat sa mga
paskin, hindi kailangang magpamalas ng pagpanig sa kanila sa sandaling katulad ngayon.” – Isagani
Ang ibig sabihin ng salitang paskin
Konotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Denotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Paraang Proposisyunal: ____________________________________________________________________

4. “Nakatipid kami ng isang lakad. Kayo’y aming dinarakip.” – Kabo

Ang ibig sabihin ng pahayag na nakatipid kami ng isang lakad
Konotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Denotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Paraang kontekstwal: ______________________________________________________________________

5. “Huwag kang matakot, kaibigan. Lumulan na tayo sa karwahe. Ibabalita ko sa iyo ang nangyari sa piging
kagabi.” – Makaraig
Ang ibig sabihin ng salitang lumulan
Konotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Denotasyong pagpakakahulugan: ____________________________________________________________
Paraang Matalinghaga: _____________________________________________________________________
Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:__________________ Iskor: _________
Paaralan: ____________________________Guro: __________________________ Asignatura: FILIPINO 10
Manunulat ng LAS:CHERRY ROSE E.ESCOLLADA Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Artistikong Paglalarawan Quarter 4 Week 8 LAS 1
Mga Layunin: Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinasaalang-
alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan. (F10PU-IVi-j-89)
a. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa kabanata XXVIII.
b. Nakasusulat ng isang paglalarawan sa mahahalagang pangyayari sa kabanata XXVIII gamit
ang artistikong paraan.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. et.al, 2019, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc., pp.751 – 759;
CFRS, 2020. Paglalarawan: Mga Halimbawa Isang Artistikong Paglalarawan. [online] Available
at: <https://cfrs.ru/tl/sovety./opisanie-primery-hudozhestvennoe-opisanie-prirody-
osnovnye.html> [Accessed 23 April 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman

Artistikong Paglalarawan

Ang Paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang nakikita
ng mata, ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o ng katawan, ang nalalsahan ng dila o kaya naman
naririnig ng tainga. Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa
isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan, gaya ng
pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita,
naririnig o nadarama. Napaiikot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng
paningin at pansin ng mga mambabasa.

Dalawang uri ng Paglalarawan

Karaniwan o konkretong Paglalarawan (teknikal) Masining o abstraktong Paglalarawan

Layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil Naglalayung pukawin ang guni-guni at
sa isang bagay ayon sa pangkalahatang damdamin ng mambabasa. Higit na
pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na
tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang larawang nakikita kundi ang makulay na
fisikal o konkretong katangian. Higit na
larawang nililikha ng imahinasyon. Gumagamit
bibinibigyang - diin sa paglalarawang ito kung
ano ang nakikita at hindi ang nilalaman ng ito ng mga salitang nagpapaganda rito gaya ng
damdamin o kuru-kuro ng manunulat. mga tayutay at iba pang mga salitang
Payak ang paggamit ng mga salita upang patalinhaga.
mabigay kabitiran sa ayos at anyo ng tao o
bagay na inilarawan nagbibigay lamang ng
impormsyon sa inilalarwan

Gawain 1
Panuto: Basahin ang piling talata ng kabanata XXVIII ng El Filibusterismo na may pamagat na “Ang Pagkatakot”.
Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas
ang pagkatuto ng mga kabataan. Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral,
at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari. Nais namang konsultahin ng takot
ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng
mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito. Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng
bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga
dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad. Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang
ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan
na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari. May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa
isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon. Hinabol
ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga
sibil habang isang beterano naman ang napatay.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa kabanata XXVIII. Ilarawan ang talata gamit ang dalawang
uri ng panlarawan sa artistikong paraan na gumagamit ng mga salitang panlarawan (mga pang-uri).

Pamantayan sa Pagbibigay Iskor sa Bawat Bilang

Malinaw na malinaw ang pakalahad sa mga pangyayari, at gumamit ng artistiko sa paglalarawan (may 10
mga gamit ng pang-uri, at matatalinghagang salita)
Di-gaanong malinaw ang pagkalahad ng iilang pangyayari ngunit nakagamit ng artistikong paraan sa 8
paglalarawan ng mga ito.
Maraming pangyayari ang hindi masyadong malinaw sa pagkalahad, ngunit nakagamit ng ilang 6
artistikong paraan sa paglalarawan
Hindi malinaw at kaunti lamang ang ginamit na salitang panlarawan at matatalinghagang salita bilang 4
paraan sa artistikong paglalarawan
May naisulat ngunit hindi nakuha ang nais ng Gawain. 2

Dalawang uri ng Paglalarawan

Karaniwan o konkretong Paglalarawan (teknikal) Masining o abstraktong Paglalarawan

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________
Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:__________________ Iskor: _________
Paaralan: ____________________________Guro: __________________________ Asignatura: FILIPINO 10
Manunulat ng LAS:CHERRY ROSE E.ESCOLLADA Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Paglalarawan Quarter 4 Week 8 LAS 2
Mga Layunin: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin.
(F10WG-IVg-h-82)
a. Nababatid kung ano ang paglalarawan at ang dalawang uri nito.
b. Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan sa tauhang nabanggit sa kabanata XXX.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. et.al, 2019, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc., pp. 765 – 774;
Dorothe Emabasa, 2018. Paglalarawan. [online] Available at:
<https://www.slideshare.net/dorotheemabasa/paglalarawan-119125198>
[Accessed 23 April 2021]
________________________________________________________________________________________
Nilalaman

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan
sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan, gaya
ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating
nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw at napaiikot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni at
imahinasyon.

Dalawang uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan - layunin nito ang magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon
sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Gumagamit ng mga payak na mga salita upang magbigay
kabatiran sa ayos at anyo ng tao o bagay na inilarawan ang pisikal na anyo; antas ng pamumuhay; pag
uugali; mga nakasanayan atbp.
Halimbawa: Si Juli ay magandang anak ni Kabesang Tales at apo ni Tata Selo. Siya rin ay kasintahan ni Basilio.

2. Masining o abstraktong Paglalarawan - naglalayong pukawin ang guniguni at damdamin ng mambabasa.

Higit na nabibigyang-diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha
ng imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay o
matatalinghagang-salita at pang-uri.

a. Tayutay – ito ay mga salita o pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang salita. Gumagamit ito
ng mga talighaga o di-karaniwang salita sa paraan ng paggamit ng mga uri nito tulad ng, pagwawangis,
pagtutulad, pagmamalabis, at iba pa.
Halimbawa: Si Juli ay larawan ng kababaihan.

b. Pang-uri – bahagi ng panalita na naglalarawan.

Halimbawa: Si Juli ay maganda.

Gawain

Panuto: Basahin ang Kabanata XXX – Si Juli. Sumulat ng pagsasatao o dramatikong monologo ng tauhang si
Juli gamit ang mga uri ng paglalarawan upang maging angkop at masining ang gagawin ayon sa pangyayari sa
kabanatang binasa. Gamitin ang pamantayan sa ibaba.
Kabanata XXX – Si Juli

Napakasaklap na balita ang dumating kay Juli patungkol sa pagkakakulong ng kasintahang si Basilio.
Labis ang kanyang pangamba na maaring bitayin din ito tulad ng nangyari sa tatlong paring martir sa Kabite.

Nangyari umano ito kay Basilio sapagkat hindi nag-aagwa bendita sa simbahan kaya narurumihan daw
ng tubig. Ngunit marami rin ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio sapagkat ito ay tahimik na klase
ng tao, at bunga lamang ito ng paghihiganti ng mga prayle sa pagkakatubos niya kay Juli na anak ng tulisang si
Tales.

Nawalan ng malay ang dalaga nang maibalita sa kanya ni Hermana Bali ang tungkol kay Basilio.
Sapagkat patay na si Kapitan Tiago, tiyak na mabibilanggo o mabibitay si Basilio kaya umisip si Juli ng paraan
upang matulungan ang kasintahan. Gaya ng nasabi, kailangan kumapit sa mataas na tao upang maging madali
ang lahat. Lalapit siya kay Padre Camorra na minsan nang tumulong sa kanya upang mapalaya ang kanyang
lolo na si Tandang Selo. Subalit ang pagtulong na iyon ng padre ay nangangailangan ng ibang uri ng kapalit, at
iyon ay ang pagpapahirap sa kanya. Mula noo’y pinilit niyang iwasan ang pare sapagkat matindi ang nais nito
sa kanya.
Dahil sa kalungkutan ay naitanong ni Juli kay Hermana Bali kung totoo bang mapupunta sa impyerno
ang taong nagpakamatay. Dahil sa takot na ganoon ang mangyari sa kanya, ay napipigilan ang balak niyang
gawin ito, at napagdesisyunang humingi na lang ng tulong kay Padre Camorra gaya rin ng payo ng hukom sa
kanila ni Hermana Bali. Takot man ang dalaga ngunit susubukan niya. Una’y pinakiusapan niya si Hermana Bali
na hindi na siya sasama sa pagpasok sa kumbento, ngunit ang wika ng hukom ay mas magiging mabisa kung
sasama siya. Habang naglalakad, nanginig na naman sa takot si Juli. Ayaw talaga niyang lumapit sa pari ngunit,
kailangan niya ng tulong nito. Ayaw niyang pagdirian siya ng tao maging ni Basilio kung sakali.

Binangungot ma’y hindi pa rin tumungo si Juli sa kumbento. Ayaw niyang mamatay si Basilio kaya’t iniasa
ang lahat sa isang himala. Ngunit hindi nawawala sa kanya ang kanyang pangamba. Lalong nawalan na ng pag-
asa ang dalaga nang malamang si Basilio na lang ang hindi nakalalaya sa bilangguan, ipatatapon umano siya.
Dahil sa lumaganap na balita, ito ang nag-udyok sa dalaga na sulungin ang kumbento at pumayag sa gusto ni
Padre Camorra. Kumalat ang balita, pinandidirian niya ang kanyang sarili. Hindi nakayanan ang lahat kaya
tumalon siya sa bintana ng kumbento. Nagpakamatay ang dalaga.

Patakbong nagsisigaw sa pinto ng kumbento sina Herman Bali at Tata Selo, ngunit itinaboy sila at
sinarhan ng pinto.

Pagsasatao kay Juli

PAMANTAYAN PUNTOS
Naipakita sa monologong sinulat ang katangiang hayag at di hayag ng tauhang ginawan ng
5
pagsasatao.
Nakagamit ng angkop at masining na paglalarawan sa katangian at damdamin ng napiling tauhan
5
at ng mga pangyayaring naganap sa kanya.
Kabuoang Puntos 10
5 – napakahusay 3 – katamtaman 1 – maraming kakulangan
4 – mahusay 2 – Di gaanong mahusay
Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksiyon:_______________ Iskor: ____________
Paaralan: ____________________________ Guro: __________________________ Asignatura: FILIPINO 10
Manunulat ng LAS:CHERRY ROSE E.ESCOLLADA Tagasuri ng Nilalaman: LEA I. MACANIM HERMIE M. JARRA
Paksa: Katangian ng Akdang Klasiko Quarter 4 Week 8 LAS 3
Mga Layunin: Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda (F10WG-IVg-h-82)
a. Nababatid ang mga katangiang klasiko.
b. Nabibigyang-pansin sa tulong ng mga tiyak na bahagi ng katangiang klasiko sa kabanata
XXXIX.
Mga Sanggunian: Marasigan, E. et.al, 2019, Pinagyamang Pluma 10, Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc., pp. 837 – 847
Nilalaman

Maituturing na buhay hanggang ngayon ang pambansang bayani na si Jose P. Rizal sa pamamagitan
ng kanyang mga akdang patuloy na inilalantad at ibinabahagi sa buhay ng mag-aaral. Ito ay isa sa nagpapatunay
na ito ay akdang klasiko.

Ang akdang klasiko ay itinuturing na akdang walang kamatayan sapagkat maraming taon na ang lumipas
buhat nang maisulat ang nobela ngunit malinaw, buhay, at masasalamin pa rin sa akdang ito ang maraming
pangyayari sa lipunan at maging sa buong bansa.

Tulad ng El Filibusterismo ni Rizal sa huling kabanata, mababatid at makikita rito ang ilang bahagi ng
kulturang Pilipino na nabubuhay pa rin hanggang ngayon. Narito ang mga piling bahagi ng kabanata XXXIX –
Ang Katapusan.
1. Magiliw na tinanggap ni Padre Florentino si Simoun sa kanyang tahanan.
Patunay: Si Padre Florentino ay sumasalamin sa katangian ng Pilipino na pagiging hospitable.

2. Lubos ang pag-aalala ni Padre Florentino kay Simoun.

Patunay: Ipinakikita ni Padrea Florentino ang pagiging malalahanin ng mga Pilipino.

3. Ang pari ay lumuhod at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo.

Patunay: Makikita sa bahaging ito ng akda ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino hanggang ngayon.

4. Buong-pusong nakinig si Padre Florentino sa maysakit na si Simoun habang hawak-hawak ang mga
kamay nito.
Patunay: Pinatutunayan ni Padre Florentino na bukod sa maalalahanin, ang mga Pilipino rin ay may
pagrespeto at pagmamalasakit sa kapwa.

Gawain
Panuto: Basahin ang Kabanata XXXIX – Ang Katapusan. Maliban sa mga nabanggit sa itaas, tumukoy pa ng
ilang bahagi ng kabanata na nagpapakita ng pagiging akdang klasiko ng nobelang El Filibusterismo. Isulat ito
sa loob ng mga kahon na makikita sa ibaba.

Kabanata XXXIX – Ang Katapusan

Sa tahanan sa may tabing-dagat, matatanaw sa nakabukas na bintana ang along humahampas sa

dalampasigan. Ang malungkot na si Padre Florentino ay nag-aaliw sa pagtutog ng kanyang armoniyum. Kaaalis
lang ng kaibigang si Don Tiburcio sapagkat nakatanggap ng sulat na sa pag-aakalang iyon ay galing sa kanyang
asawang si Donya Victorina. Hindi napigilan ang Don sa paniniwalang siya ang tinutukoy sa sulat na iyon, ngunit
ang totoo’y para ito kay Simoun. Nagkamali ito sa pagkaunawa hinggil sa Cojera na marahill ang ibig sabihin ay
cogera. Ang cogera ay walang iba kundi ang pagkapilay ni Simoun sapagkat sugatan itong pumunta sa kanya.
Gaya ng ugaling Pilipino, magiliw na tinanggap niya ang mag-aalahas. Palibhasa’y hindi pa nakararating sa
kanya ang balita mula sa Maynila kaya hindi niya maintindihan ang pangyayari. Ang tanging pumasok lamang
sa kanyang isip ay ang umalis na Kapitan-heneral na kaibigang tagapagtanggol ni Simoun.

Pumasok siya sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha nito at waring patagong
tinitiis ang nararamdamang sakit nito. Nalaman niyang uminom ito ng lason kaya dali-dali siyang naghanap ng
lunas. Pinigilan siya ni Simoun at sinabing huwag na siyang mag-aksaya ng panahon dahil mamamatay na rin
siya, na dala-dala ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod at nanalangin na lamang sa paanan ng imahen ni
Hesukristo at pagkatapos ay inilapit ang isang silyon sa maysakit, at matamang nakinig rito.

Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Mahaba ang pagtatapat ni
Simoun at inabot nang gabi. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling sa kanya na
igalang ang kalooban ng Diyos. Maraming katanungan ang sinagot ng pari at ipinaliwanag na ang Diyos na
mabuti ang Siyang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Naghari ang katahimikan matapos ang madamdaming pag-uusap ng dalawa. Napuna ng pari na hindi
na umiimik ang maysakit. Tumulo ang kanyang luha at binitiwan ang kamay nito. Nabatid niyang patay na ito
matapos niyang hipuin. Pinatawag niya ang mga utusan upang lumuhod at magdasal. Pagkatapos ay umalis
siya at kinuha ang takbang bakal si Simoun upang dalhin sa talampas na laging inuupuan ni Isagani. Doon ay
inihagis niya ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Pinagmasdan niya ito habang unti-unting nilalamon
ng tubig.

1.) _______________________________________________________________________________
p Patunay: _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_
2.) _______________________________________________________________________________
Patunay: _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_
3.) _______________________________________________________________________________
Patunay: _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_

Pamantayan sa Pagbibigay Iskor

5 4 3 2 1
Wasto ang Wasto ang Hindi tiyak ang Hindi tiyak ang Wala sa kabanata
nakuhang bahagi nakuhang bahagi nakuhang bahagi bahaging nakuha ang binanggit na
sa kabanata. sa kabanata. Di- sa akda. Di rin sa bahagi ngunit sagot.
Komprehensibo gaanong malinaw gaanong malinaw hindi malinaw ang
ang patunay na ang paglalahad ng ang paglalahad ng paglalahad ng
ginawa. patunay. patunay. patunay.

You might also like