You are on page 1of 3

Schools Division Office- Quezon City

Justice Cecilia Munoz Palma High School


Molave St., Payatas, Quezon City

Gawaing Pampagkatuto
IKATLONG MARKAHAN
IKATLONG LINGGO
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan ng Mag-aaral: ________________________________________ Petsa: _______________


Seksyon: _________________________________ Guro: _____________________________________

NASYONALISMO SA ASYA

I. Paunang Kaalaman ng Mag-aaral:

Ang Nasyonalismo ay hango sa salitang ugat na Nasyon na ang ibig sabihin ay bansa Ang
pananakop,pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano,
ang nagbigay- daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-


bayan,ayon sa aklat na SEDP Kabihasnang Asyano. Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang anyo tulad ng defensive
nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok
na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.

Pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa makikitaita sa pagtutulungan,pagkakabuklod sa iisang


kultura, saloobin at hangarin. Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal,pagtangkilik sa sariling
mga produkto,ideya at kultura ng sariling bayan.

Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatwiran at makatarungan.Ang kahandaang magtanggol at


mamatay ng isang tao para sa bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.

PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA


Nasyonalismo sa India

Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo dito. May
ibat- iba mang wika at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang
bansa.

Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India, ang nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi
ng kalayaan.

Pinakinabangan ng husto ng mga Ingles bilang among kolonyal ng India, ang mga likas na yaman nito. Dahil din sa
pananakop ay naranasan din ng mga Indian ang mga patakarang para sa kanilang kultura ay di angkop . Tulad na lamang
ng pagpapatigil ng mga Ingles sa Suttee o sati. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female infanticide. Naging dahilan din ng
paglaban ng mga Indian sa mga Ingles ang dipantay na pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang
maisagawa ang Pag-aalsa ng mga Sepoy. Minsang naipatupad ng mga Ingles ang di pantay na pagtrato sa mga sundalong
Indian malimit ay mataas na ranggo at suweldo ang ibinibigay sa mga sundalong Ingles kaysa sa mga sundalong Indian na
nasa mababang posisyon at suweldo.Tumutol din ang mga sundalong Indian,Hindu at Muslim sa pagpapagamit sa kanila
ng langis na pinaghihinalaang nagmula sa langis ng hayop para sa paglilinis ng kanilang mga riple at cartridge. Mas tumindi
pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.

FEMALE INFANTICIDE pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga magulang
pagdating ng panahon.

REBELYONG SEPOY - ito ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi
ng lahi o racial.

SUTTEE - ang pagpapatiwakal ng mga byudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.

AMRITSAR MASSACRE - maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga
sundalong Ingles.Sa kaganapang ito ay namatay ang may 400 katao at mayroong 1200 na mga nasugatan.

Naideklara ang kalayaan ng India noong Agosto 15, 1947, lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni
Jawaharlal Nehru, kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng
pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.

NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA


Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog Asya.
Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa dito ay hawak ng
dating malakas at matatag na imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong 1918.
Matapos bumagsak ang imperyong Ottoman masakop at mapasailalim sa mga Kanluraning bansa,naipatupad sa mga
bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting
makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman at mga Kanluraning bansa.Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay
pinasimulan ng mga Arabo, Iranians at ng mga iba pa.

Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na nagsulong sa pagkakaroon ng
isang republika. Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923 naisilang ang Republika ng Turkey.

Naranasan naman ng mga Jew o Israelite ang Holucaoust sa Europe.Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
noong 1945 naisagawa rin ng mga Jew ang Zionism. Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestina ay nagsagawa ang
mga ito ng modernisasyon sa larangan ng industriya,agrikultura, pagnenegosyo, at maging sa larangan ng agham. Ito ang
nagbigay-daan upang ang mga Jew ay magkaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay kaysa sa mga Arabo na
naging dahilan naman upang magkaroon ng hindi magandang samahan ang dalawang pangkat at sa bandang huli ay
hiniling ng mga Arabo na ihinto na ang pagbabalik ng mga Jew sa Palestina.Simula ng maideklara ang Republika ng Israel
noong Mayo 14, 1948 nagsimula na ang tensyon sa Palestina.

Holucaoust-ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelite. Mateo et al. Asya
Pag-usbong ng kabihasnan.
Zionism- Ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa ibat ibang panig ng daigdig. Mateo etal. Asya,
Pagusbong ng Kabihasnan
Sistemang Mandato -nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at
nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo, ayon kay Mateo et al.Asya, Pag-
usbong ng Kabihasnan

II. Tunguhin at Koda


a. Naipaliliwanag ang kahulugan ang kahulugan ng Nasyonalismo AP7HAS-Ia 1.1
b. Nasusuri ang mga salik,pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.
c. Napapakita o napapahayag ang damdamin para sa bansa o nasyonalismo.
III. Panuto/Tagubilin
 Pangkalahatang Panuto:
Gumamit ng isang buong papel sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay na itinalaga sa material na gawaing
pampagkatuto na ito. Isulat ang mga sagot mo nang malinaw at wasto.
IV. Gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pamprosesong mga Tanong. Sagutan ng malinaw.
1. Ano ang kahulugan nga Nasyonalismo?
2. Anu- ano ang mga dahilan sa pagpapakita ng Nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
3. Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at kanlurang Asya ang pagpapakita ng
damdaming nasyonalismo? Patunayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: PAGTAPAT-TAPATIN
1. A
HOLOCAUST

2. FEMALE B
INFANTICIDE

3. SUTTEE C

4. ZIONISM D

5. E
REBELYONG
SEPOY

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3: Magtala ng 5 paraan ng manipestasyon o pagpapakita ng damdaming Nasyonalismo. (3


pts. bawat isa)

Inihanda ni:

MA. THERESA V. MAGPUSAO


Teacher I

You might also like