You are on page 1of 9

7

Activity Sheet sa
Araling Panlipunan 7
Quarter III – MELC 2
Nasusuri ang mga Salik,
Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

“Una sa tanan, BATA: Buligan, Amligan, Tudluan, Alalayan!”

DIVISION OF BACOLOD CITY


Araling Panlipunan 7
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
SDO-Bacolod City
Rosario-San Juan Sts., Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaringmagkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng Gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


inilimbag upang magamit ng mga paaralan sa Division of Bacolod City.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Division of
Bacolod City.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet-Araling Panlipunan 7


Manunulat: Metusela Joy S. Alera
Editor: Farlene T. Pretta
Tagasuri: Pinky Pamela S. Guanzon
Tagaguhit: Luna Lou D. Beatingo
Tagalapat: Mary Grace N. Prologo
Jo-Ann V. Alparito
Division of Bacolod City Management Team:
Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn B. Navarro
Pinky Pamela S. Guanzon
Ellen G. De La Cruz
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo


ng Kagawaran ng Edukasyon, SDO-Bacolod City. Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan
at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kanikanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga


panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 7 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain
Kuwarter 3, Linggo 3

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan: _______________________ Grado at Seksiyon: _______________


Petsa: _________________________

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7

Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang
Asya

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa Learning Activity Sheet (LAS) na ito, malalaman at mauunawaan
mo ang kahalagahan ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang asya.

Nasyonalismo sa Asya

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipapakita sa


matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan, ayon sa aklat
ng Kabihasnang Asyano (SEDP Edisyon).

Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo tulad ng defensive


nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang
Pilipinas at aggresive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang
ginawa ng bansang hapon.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India

Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-daan upang


magising ang diwa ng nasyonalismo rito. May iba’t iba mang wika at
relihiyon ang mga Indian, sila naman ay kumilos at nagkaisa upang
umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.

Mga dahilan ng pag-aalsa ng mga Indian laban sa mga Ingles una,


ay ang Suttee o ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama
sa libing ng namatay na asawa. Pangalawa, Rebelyong Sepoy o pag-alsa
ng sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o
racial discrimination at pangatlo, Amritsar Massacre na maraming
Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga
sundalong Ingles.

1
Naitatag naman ang All Indian Muslim League noong 1906.
Pinangunahan ito ni Mohamed Ali Jinnah na kung saan ang interes ng
mga Muslim ang binigyang-pansin. Layunin ng mga kasapi nito na
magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan


ng India. Nakilala siya sa kaniyang matahimik at mapayapang paraan
o non-violent means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.
Naniniwala siya sa ahimsa at satyagraha. Sinimulan din ni Gandhi
ang civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan. Nabaril at
namatay si Mohandas Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa
ang Hindu at Muslim sa isang bansa.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng


nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad
naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil
karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag na
Imperyong Ottoman, bago pa man nasakop ng mga Kanluraning bansa
noong 1918. Matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman, masakop at
mapasailalim sa mga kanluraning bansa, naipatupad na sa mga bansa sa
Kanlurang Asya ang sistemang mandato. Nagsumikap ang mga bansa sa
Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong
Ottoman at mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya
ay pinagsimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko bago pa man ang
Unang Digmaang Pandaigdig.

Mga Salik at Pangyayari sa Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Sistemang Mandato. Nangangahulugan Zionism. Ito ang pag-uwi


ito na ang isang bansa na naghahanda sa Palestine ng mga Jew
upang maging isang malaya at isang mula sa iba’t-ibang panig
nagsasariling bansa ay ipasasailalim ng daigdig.
muna sa patnubang ng isang bansang
Europeo.

Holocaust. Ito ang sistematiko at


malawakang pagpatay ng mga German
Nazi sa mga Jew o Israelite.

2
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 195, naisagawa
ng mga Jew ang Zionism. Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestine ay
nagsagawa na ng mga ito ng modernisasyon sa industriya, agrikultura,
pagnenegosyo, at mang sa Agham.

III. Mga Sanggunian

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Araling Panlipunan
Modyul Para sa Mag-aaral
pahina 222-234.

IV. Gawain
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat katanungan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang hindi kabilang sa manipestasyon ng nasyonalismo?


A. Pangtangkilik ng sariling produkto
B. Paggamit ng iisang wika
C. Hangarin na uunahin muna ang sarili bago ang iba
D. Pagtulung-tulungan

2. Si Mohandas Gandhi ay nakilala sa kaniyang matahimik at


mapayapang paraan o __________.
A. Civil Disobedience C. Holocaust
B. Non-violent means D. Zionism

3. Alin sa mga sumusunod ang maituturing pinakamataas na


manipestasyon ng nasyonalimo?
A. Pag-alay ng buhay sa bansa
B. Pagtangkilik sa sariling produkto
C. Maboto tuwing eleksyon
D. Pagiging marangal at matulungin sa kapwa

4. Siya ang nagpatupad ng layunin na magkaroon ng hiwalay na


estado para sa mga Muslim.
A. Mohandas Gandhi C. Mohammed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Ataturk

5. Ano ang tawag sa pagpapatiwakal ng mga biyudang babae bilang


pagsama sa libing ng namatay na asawa.
A. Amritsar Massacre C. Suttee
B. Rebelyong Sepoy D. Zionism

3
Gawain 2
Panuto: Tama o Mali: Basahin ng maigi ang mga sumusunod na
pangungusap at tukuyin kung ito ay tama o mali.

______1. Ang nasyonalismo ay ang damdaming makabayan at matinding


pagmamahal sa Inang-bayan.
______2. Si Mohandas Gandhi ay kinilala na may magulong paraan ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.
______3. Ang pangyayari kung saan maraming mamamayang Indian ang
namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga
sundalong Pinoy ay Amritsar Massacre.
______4. Ang Holocaust ang sistematikong at malawakang pagpatay ng
mga German Nazi sa mga Jew o Israelite.
______5. Zionism ang tawag sa ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew
mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Gawain 3:
Panuto: Gamit ang graphic organizer na ito ay isulat sa loob ang
mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa
pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

NASYONALISMO

TIMOG ASYA KANLURANG ASYA

4
V. Repleksiyon

Bilang isang Pilipino, paano mo maipagmamalaki ang iyong pagiging


isang Pilipino at maipakita ang pagmamahal sa ating bayan sa gitna ng
ating laban sa COVID 19? (Magbigay ng sagot na hindi bababa sa limang
(5) pangungusap).
Sagot:

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik


Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto at makabuluhan ang nilalaman 5
ng sagot
Sapat ang mga nabigay na detalye at 3
halimbawa
Maayos, organisado at wasto ang 2
gramatika at mga bantas
Kabuuang puntos 10

5
Gawain 1:
1. C
2.B
3.A
4.C
5.C
Gawain 2:
1.TAMA
2.MALI
3.MALI
4.TAMA
5.TAMA
Susi sa Pagwawasto VI.

You might also like