You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Paaralan PANOYPOY Baitang/Antas GRADE 7


INTEGRATED SCHOOL
Guro MARY ROSE P. PASACAS Asignatura Araling Panlipunan 7
Petsa/Oras February 14, 2024 Markahan Ikatlong markahan
9:45-10:45
I. LAYUNIN
 Naipaliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo
 Naipakita ang pagmamahal sa sariling bayan.
 Nasusuri ang mga salik na nagbigay daan sa pagusbong na nasyonalismo sa timog asya.
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay…naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon( ika-16 hanggang ika-20 siglo
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay…nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago,
pag- unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Asya
I. NILALAMAN : Pag-usbong ng Nasyonalismo Asya
A. KAGAMITANG PANTURO
 Sanggunian:
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro: N/A
2.Mga Pahina sa Kagamita ng Pang-Mag-aaral: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (LM 7)
Pahina: 222-234
3 .Mga PahinasaTeksbuk
4.Karagdagang Kagamitanmulasa portal ng Learning Resource:
5.Iba pang KagamitangPanturo: chalk , Eraser at Pisara
III.PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pambungad na Panalangin
2.Pagbati ng Guro
3.Pagtatala ng lumiban sa klase

B. Lunsaran/Pagganyak: Gawain 1: Hugot Mo, Sulat Mo!


Panuto: Lumikha ng tatlong “hugot lines” na may kinalaman sa
kahalagahan ng pagpapakita ng nasyonalismo.

Halimbawa:

“NASYONALISMO? Ito yung kapag mahal mo ipaglaban mo”

Ikaw naman:

C. Paglinang ng Gawain
1. Pagtatalakay Ano ang NASYONALISMO?

 Ito ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding


pagmamahal at pagpapahalaga sa inang bayan.

NASYONALISMO SA ASYA
 Ang panankop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at
pagsasamantala ng mga bansang kanluranin sa mga bansang
asyano, ang nagbibigay daan sa pagusbong ng nasyonalismo sa
asya.

Dalawang uri ng Nasyonalismo


 Defensive Nationalism- uri ng nasyonalismo na ipinagtatanggol ang
bayan laban sa mga manankop tulad ng ginawa ng mga Pilipino
laban sa mga kastila, amerikano at hapon.
 Aggressive Nationalism- itoy uri ng nasyonalismo na mapusok at
layong makapanakop o mapalaki ang teritoryo ng kanilang bansa
tulad na lamang na minsang ginawa ng mga hapon sa ating bansa.

MANIPPESTASYON NG NASYONALISMO
 Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa,
makikita sa pagtutulingan, pagbubuklod sa iisang kultura, saloobin
at hangarin.

 Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal,


apgtangkilik sa saliriling mga produkto, ideya at kultura ng sariling
bayan.

PAGUSBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA

Nasyonalismo sa India
 Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay daan upang
magising ang diwa ng nasyonalismo rito.
 May ibat ibang wika at relihiyon ang mga ito, sila ay kumikilos at
magkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
 Si Mohandas Ghandi ang nangunang lider ng nasyonalista sa India,
ang nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng Kalayaan.

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA PAG USBONG NG


NASYONALISMO SA TIMOG ASYA
1. Female Infanticide
Pagpatay ng mga batang babae upang hind imaging suliranin at
pabigat sa mga magulang pagdating ng panahon na ito ay mag
aasawa.
2. Suttee o Sati
Ang pagsama ng balong babae sa pagsunog sa labi ng kanyang
asawa hanggang mamatay.
3. Revelyong Sepoy
Ang pag aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang
pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
4. Amritsar Massacre
Nasawi ang 379 katao at 1200 namang sugatan sa pamamaril ng
mga sundalong Ingles habang nasa isang selebrasyon ang mga
ito.

ALL INDIAN NATIONAL CONGRESS


Naitatag ito sa panig ng mga hind una ang layunin ay matamo ang Kalayaan
ng india.

ALL INDIAN MUSLIM LEAGUE


 Naitatag noong 1906
 Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga
muslim ang binigyan pansin.
 Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado
para sa mga muslim.
Taong 1935 nang pinagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng
pagkakataong mamahala sa india.

2..Paglalapat Panuto: Kumpletuhin ang isang sanaysay gamit ang tanong sa ibaba.

“Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa sariling bayan?”

3. Pagtataya Panuto: sagutan ang mga sumosunod na katanungan.


1. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo?
2. Ano ano ang mga dahilan na nagbigay daan sa pag usbong ng
nasyonalismo sa timog asya?

6.Taldang Aralin
IV.MGA TALA
V.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B.Bilang ng mag-aaral
nanangangailangan ng iba pang
Gawain parasa remediation.
C.Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral nanakaunawa sa
aralin.
D.Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E.Alin sa mga istratehiyang
pagtutroang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARY ROSE P. PASACAS SHERYL JEAN M. GARCIA


SST 1 Ulong Guro

You might also like