You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE
LOPEZ WEST DISTRICT
JONGO NATIONAL HIGH SCHOOL

JUNIOR HIGH SCHOOL

LEARNING ACTIVITY SHEETS


(PANGKASANAYANG GAWAING PAGKATUTO)
in
ARALING PANLIPUNAN 7
Quarter 3 – Week 5

Pagwawakas ng imperyalismo at ang mga


LESSON Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang
Asya

Name of Student: Grade Level


& Section:

Layunin/Objective/s: Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


a. nasusuri ang iba’t-ibang pamamaraan kung paano nilabanan ng mga
Asyano ang mga mananakop sa Timog at Kanlurang Asya
b. napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang
aspeto ng pamumuhay

FOR THE LEARNER: Read carefully and understand the content of this Activity
Sheet which is prepared for you.

PARA SA MAG-AARAL: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng Acivity Sheet na


ito na inihanda para sa iyo. Tayo na at simulan ang mga gawain. 😊😊😊

I. ACTIVITY / GAWAIN:
Task 1 / Unang Gawain: PAUNANG PAGTATAYA!
1. Tumutukoy ito sa pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa, isang damdamin na
naghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan.
A. Kolonyalismo C. Nasyonalismo
B. Imperyalismo D. Ahimsa
2. Ang layunin ng samahan na ito ay ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa
mga Muslim na pinamunuan ni Mohamed Ali Jinnah?
A. State League C. Jinnah League
B. Muslim League D. System League
3. Saang bansa minsang nangibabaw ang pangkat ng mga Taliban?
A. Afghanistan C. Iran
B. India D. Arabia
4. Namuno sa pagkilos sa Iran at bumatikos sa kanilang Shah dahil sa mga karahasan sa
mamamayan, pagpanig nito sa mga dayuhan at pag-suporta sa Israel.
A. Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini C. Mohandas Gandhi
1
B. Ibn Saud D. wala sa mga nabanggit

II. ANALYSIS / PAGSUSURI:


Task 2 / Ikalawang Gawain: BASAHIN AT UNAWAIN!
Panuto: Basahin at unawain ang hapyaw na pagtalakay sa araling Pagwawakas ng imperyalismo at ang
mga Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang Asya

Nasyonalismo ang isa sa may pinakamalaking impluwensiya sa naging paglaya ng mga


bansang Asyano mula sa imperyalismo at kolonyalismo ng mga dayuhang bansa.

Mohandas Gandhi
Humingi ng ng kalayaan ng India na hindi gumagamit ng karahasan, pag boycott sa mga
produktong Ingles, pagsasagawa ng civil disobedience o di pagsunod sa pamahalaan
at hunger strike.

Mohammad Ali Jinnah

Namuno sa Muslim League na may layunin ng hiwalay na estado para sa mga Muslim at
ihiwalay o makalaya ang Pakistan sa India.

Mustafa Kemal Ataturk

Nagbigay daan sa Kalayaan ng Turkey sa kabila ng pagbabalak na paghati-hatian ng


mga Europeo ang bansa. Nagpatawag ng pambansang halalan at namuno sa turkong
militar na hingiin ang Kalayaan ng Turkey sa mga Europeo.

Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini

Namuno sa pagkilos sa Iran at bumatikos sa kanilang Shah dahil sa mga karahasan sa


mamamayan, pagpanig nito sa mga dayuhan at pag-suporta sa Israel.

Ibn Saud
Tinalo ang kanyang katunggali sa pa-mumuno at tinipon ang halos ka-buuan ng tangway
ng Arabia at iti-nalagang hari ang sarili at pinangalanang Saudi Arabia ang kanyang
kaharian. Binigyangn ng oil concession ang isang kompanya ng bansang United States.
Naging neutral siya noong Ikalawang Digmaang Pan-daigdig at hindi rin seryosong
nakialam sa digmaang Arab-Israel.

RELIHIYON AT KULTURA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Karamihan sa mga pangunahing relihiyon at pilosopiya sa mundo ay nagmula sa Asya. Malaki ang
ginampanan ng relihiyon sa naging pamumuhay ng mga Asyano at maging sa kasalukuyan.
2
Sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala ang ilang mga relihiyon na malaki ang naging epekto sa
kasaysayan at pamumuhay ng mga mamamayan nito, partikular na sa India at Afghanistan.
Sa India, noong 1829 ay ipinagbawal ng mga Ingles ang pagsasagawa ng suttee o sati. Ito ay
isang tradisyong Hindu kung saan isinasama ang byuda sa pagsunog ng labi ng asawang lalaki.
Ikinuwento sa aklat ni Mateo na Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan si Roop Kanwar na isang 18 taong
gulang na babae na nagsagawa ng sati. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan ng pagtatalo sa usaping
modernisasyon at tradisyon. Binatikos ng mga bansang Kanluranin ang gawaing ito, maging ng mga
feministang Hindu. Subalit, kinilala naman at sinamba ng mga debotong Hindu si Roop Konwar bilang
diyosa. Ipinadakip ang mga tumulong kay Kanwar na isagawa ang sati ngunit makalipas ang 9 na taon ay
nakalaya rin ang mga ito dahil pagkilala ng korte sa sati bilang isang tradisyon ng lipunan.

Afghanistan
Sa bansang ito naman ay minsang nangibabaw ang pangkat ng mga Taliban.
Ang Taliban ay grupo ng mga radikal na Muslim na nagpapatupad ng mga kautusan laban sa mga
kababaihan tulad ng pagsuot ng bruka o ang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan,
pagsusuot ng mga belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata. Sa panahon ng pamamayagpag ng
grupo ng mga Taliban, inalis ang mga karapatan ng mga kababaihan sa pagboto, pag-aaral, pagtatrabaho
at pagtanggap ng mga benepisyong pangkalusugan.

III. ABSTRACTION / ABSTRAKSYON


Task 4 / Ikaapat na Gawain:
c. PANUTO: suriin ang iba’t-ibang pamamaraan kung paano nilabanan ng mga Asyano ang mga
mananakop sa Timog at Kanlurang Asya.Piliin sa hanay B ang titik ng tamang sagot.

A B
a. Mohandas Gandhi
_____1. nagpatawag ng pambansang halalan at namuno sa
turkong military na hingiin ang Kalayaan ng Turkey sa mga b. Mohammad Ali Jinnah
Europeo
_____2. Namuno sa Muslim League na may layunin ng hiwalay c. Mustafa Kemal Ataturk
na estado para sa mga Muslim at ihiwalay o makalaya ang
Pakistan sa India. d. Ayatollah Rouhollah
_____3. tinalo ang kanyang katunggali sa pa-mumuno at Mousari Khomeini
tinipon ang halos ka-buuan ng tangway ng Arabia at iti-nalagang
hari ang sarili e. Ibn Saud
_____4. Namuno sa pagkilos sa Iran at bumatikos sa kanilang
Shah dahil sa mga karahasan sa mamamayan, pagpanig nito
sa mga dayuhan at pag-suporta sa Israel.
_____5. Humingi ng kalayaan ng India na hindi gumagamit ng
karahasan, pag boycott sa mga produktong Ingles,
pagsasagawa ng civil disobedience o di pagsunod sa
pamahalaan at hunger strike.

IV. APPLICATION / PAGLALAPAT


Task 5 / Ikalima na Gawain:
PANUTO: Sagotin ang katanungan.
Sa Paanong paraan mo pinapakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong relihiyon?
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

3
V. REFLECTION / PAGNINILAY
Panuto: Isulat sa ibaba ang iyong mga natutunan mula sa aralin..

Natutunan ko sa araling ito na


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

REFERENCES / SANGGUNIAN:

Jessica C. Gastala, Jerick DL. Teodoro & Joey P. Cenidoza. 2021. Araling Panlipunan-Ikapitong
Baitang, PIVOT 4A Learner’s Material, Ikatlong Markahan. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON. http://www.deped.gov.ph/

Signature: Signature: Signature:

Prepared by: SHEENA V.ANACION Checked: ASELA LOREEN V. DEMDAM Noted: DAISY A. ZAMORA
Position: Teacher 1 Position: Master Teacher I Position: Teacher-in-Charge
Date: Date: Date:

You might also like