You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
Cabid-an, Sorsogon City

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7


Pangalan: _______________________ Antas/Seksyon: ______ Q:3 - Lesson 3

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

*Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng

mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-

usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

2. Napahahalagahan ang mga gawaing nasyonalismo bilang pangunahing

sangkap tungo sa paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

II. Pangkalahatang Ideya

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng

mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-

usbong ng nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding

pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan. Ang nasyonalismo ay may ibat

ibang manipestasyon tulad ng pagkakaisa, pagmamahal at pagtangkilik ng

mamamayan sa mga produkto ng sariling bayan, pagiging makatuwiran at

makatarungan, at ang kahandaan ng isang taong isakripisyo ang kanyang buhay

para sa kanyang bayan.

III. Mga Gawain:


BASA - SURI-TEKSTO

1
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India

Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-daan upang magising

ang diwa ng nasyonalismo rito. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian ang

di-pantay na pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang maisagawa

ang pag-aalsa ng mga Sepoy.

Tumutol din ang mga sundalong Indian, Hindu at Muslim sa pagpapagamit sa

kanila ng langis na pinaghihinalaang nagmula sa langis ng hayop para malinis ang

kanilang mga ripple at cartridge. Mas tumindi ang pagpapakita ng nasyonalismo

nang maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.

Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India.

Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non-violent means ng

pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa ahimsa o satyagraha.

Hinimok din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng mga produkto ng

mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa Ingles. Maituturing itong isang

manipestasyon ng nasyonalismo sapagkat nagkaroon ng pagtangkilik at mataas na

pagtingin sa sariling mga produkto, bagay, ideya, at kultura na nagmula sa sariling

bayan. Idagdag pa rito ang hindi nila pagbabayad ng buwis sa mga Ingles.

Sinimulan din ni Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa

pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga protesta, naranasan ni Gandhi ang mahuli

at maipakulong. Nabaril at namatay si Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa

ang Hindu at Muslim sa isang bansa.

Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng

pagkakataong mamahala sa India. Subalit ang mga Indian ay hindi nasiyahan sa

pagbabagong ito kung kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang sa ito

ay makamtan noong Agosto 15, 1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at

2
pinamunuan ni Jawaharlal Nehru. Kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang

Pakistan na nabigyan din kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni Mohammed Ali

Jinnah.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong

naipakita ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi kaagad naipakita ng mga bansa sa

Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng

mga dating malakas at matatag na Imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng

mga Kanluraning bansa noong 1918. Matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman,

nasakop at napasailalim sa mga Kanluraning bansa, naipatupad na sa mga bansa

sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato. Nagsumikap ang mga bansa sa

Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman

at mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng

mga Arabo, Iranian,at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.

Natamo naman ng Lebanon ang kaniyang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman

noong 1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato

ng bansang France.

Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa

Kemal na nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng

Kasunduang Lausanne noong 1923, naisilang ang Republika ng Turkey.

Taong 1926 din naipahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz,

matapos niyang malipol ang lahat ng teritoryo at pinangalanan niya itong Saudi

Arabia. Ang Iraq naman ay naging protektado ng England noong 1932.

3
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, naisagawa rin ng

mga Jew ang Zionism. Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestine ay nagsagawa

na ang mga ito ng modernisasyon sa industriya, agrikultura, pagnenegosyo, at

maging sa agham. Ito ang nagbigay-daan upang ang mga Jew ay magkaroon ng

mas mataas na antas ng pamumuhay kaysa sa mga Arabo. Ito naman ang naging

dahilan upang magkaroon ng hindi magandang samahan ang dalawang pangkat.

Kaya sa bandang huli ay hiniling ng mga Arabo na ihinto na ang pagbabalik ng mga

Jew sa Palestine. Simula nang maideklara ang Republika ng Israel noong Mayo 14,

1948 nagsimula na ang tension sa Palestine.

Pagsasanay 1
DATA RETRIEVAL CHART

Panuto: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolum ng Data Retrieval Chart.

Rehiyon Bansa Dahilan ng Pamamaraang Manipestasyon Epekto sa mga


Pagpapakita ng Ginamit Para ng Nasyona- Bansang Asyano
Nasyonalismo Matamo ang lismo
Kalayaan
Timog
Asya

Kanlurang
Asya

4
Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pangyayari at MALI kung hindi

wasto ang nakasaad.

1. Ang greased cartridge ay mariing tinutulan ng mga Muslim at Hindu dahil sa

paglapastangan sa kanilang relihiyon dala ng paglagay ng langis mula sa

taba ng baka at baboy sa bala ng sandata na kailangan munang kagatin bago

paputukin.

2. Ang pagbawal ng mga Ingles sa matandang tradisyon kagaya ng suttee o

pagsunog sa katawan ng biyuda sa ibabaw ng bangkay ng asawa ay malugod

na tinanggap ng mga Indian.

3. Ang Rebelyong Sepoy ay isang pag-aalsa ng katutubong sundalong Indian sa

mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.

4. Nahirapang maipakita ang nasyonalismo ng mga bansa sa Kanlurang Asya

dahilan sa karamihan ng mga bansa rito ay hawak ng malakas na Imperyong

Ottoman.

5. Ang Zionism ay ang pag-uwi sa Palestine ng mga Arabo mula sa iba’t ibang

panig ng daigdig, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945.

D. Repleksiyon

Panuto: Dugtungan ang pangungusap ayon sa iyong pagkaunawa sa aralin.

“Umusbong ang damdaming nasyonalismo sa mga Asyano

_____________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________”.

5
IV. Rubrik sa Paggawa ng Data Retrival Chart

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kulang sa Total


5 4 3 2 Kasanayan
1
Naipahayag ang detalye
ng natutunan sa paksa
Mahusay ang
pagkakagawa ng Output
Nasunod ng tama ang
hinihingi sa panuto
V. Susi Sa Pagwawasto
Pagsasanay 1 (Maaring sagot)
Rehiyon Bansa Dahilan ng Pamamaraang Manipestasyon Epekto sa mga
Pagpapakita Ginamit Para ng Nasyona- Bansang
ng Nasyona- Matamo ang lismo Asyano
lismo Kalayaan
Timog India Pananakop Mapayapang Pagboykot sa Napagkalooban
Asya ng mga paraan o non- lahat ng mga ng
Ingles violent means produkto ng pagkakataong
at mga Ingles mamahala
Civil
Disobedience
Kanlurang Palestine Paninirahan Paghiling ng Nagsagawa na Nagkaroon ng
Asya ng Jews mga Arabo ang mga ito ng hindi
na ihinto na modernisasyon magandang
ang sa industriya, samahan ang
pagbabalik agrikultura, dalawang
ng mga Jew pagnenegosyo, pangkat.
sa Palestine at maging sa
agham ang
mga Jew.
Pagsasanay 2
Inihanda ni:
1. TAMA
2. MALI LAZEL J. VERCHEZ
3. TAMA Panlayaan Technical Vocational School
4. TAMA Sorsogon West District, Sorsogon City
5. MALI
VI. Sanggunian

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 226-229


AP7 Prototype DLP, Mga Salik at Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong
at Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya

You might also like