You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 7

Ang mga Salik, Pangyayari, at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa


sa Timog at Kanlurang Asya
Quarter IV

Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng nasyonalismo; at
2. Nasusuri ang mga Salik, Pangyayari, at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa
Timog at Kanlurang Asya.

Pagmamahal Pagpapahalaga
Pagtatanggol

Nasyonalismo

Pananakop Pagpapasailalim sa Pangingikil


kapangyarihan

Tanong: Ano kaya sa iyong palagay ang dahilan bakit umusbong ang salitang Nasyonalismo?
 Kaya lumabas ‘yang salitang nasyonalismo dahil ang mga tao noon ay nakaranas ng
pananamantala, pagpapahirap, pagmamalupit, at pag-agaw sa kanilang kalayaan.
 Sinasabi rito na hindi lamang puro positibo ang tumutukoy sa Nasyonalismo. May mga
negatibong dahilan din kung bakit umusbong ang salitang ito.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: INDIA


Tanong: Ano-ano ba ang mga negatibong karanasan ng India bakit umusbong ang Nasyonalismo sa
kanilang bansa?
1. Naranasan ng India ang mga patakarang hindi angkop sa kanilang kultura tulad ng suttee at
Female Infanticide.
2. Nakaranas ang India ng hindi pantay na pagtingin sa kanilang lahi o racial discrimination.

Tanong: Ano ang mga paraan na ginamit ng India upang Ipaglaban ang kanilang karapatan?
1. Rebelyong Sepoy
 Maraming Sepoy ang tumangging gamitin ang riple na pinaniniwalaang nilagyan ng langis na
mula sa baboy at baka.
 Bakit ayaw nilang gamitin? Alam natin na ang mga muslim ay hindi kumakain ng baboy dahil
bawal ito sa kanilang relihiyong at ang mga baka ay sagrado para sa mga Hindu.
2. Amritsar Massacre
 Ipinag-utos ni Colonel Reginald Dyer na magpaputok ng mga riple sa mga grupo ng Indian na
nagtipun-tipon upang kondenahin ang pag-aresto at deportasyon ng dalawang pambansang
pinuno.
 Ayaw ni Dyer na may ibang sinusunod ang mga grupo ng Indian.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Kanlurang Asya


1. Karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag na Imperyong Ottoman.
2. Nang masakop at mapasailalim sa mga kanluraning bansa, naipatupad ang sistemang mandato.
 Ang nasyonalismo sa kanlurang asya ay sinimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko mula
ng unti-unting makamtan ang kalayaan mula sa imperyong ottoman at kanluraning bansa.
Mga Nasyonalistang Pinuno upang makamit ang Kalayaan mula sa kamay ng mga Kanluraning
bansa:
1. Mohandas Gandhi (Mahatma Gandhi)
 Nakilala sa tahimik at mapayapang paraan na pakikipaglaban o non-violent means.
 Ipinakilala ni Gandhi ang civil disobedience.
 Tinuruan ni Gandhi na humingi ng kalayaan nang hindi gumagamit ng karahasan dahil
naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha sa pakikipaglaban.
 Isinagawa rin nina Gandhi ang pag-aayuno o Hunger Strike upang makakuha ng atensyon
mula sa mga Ingles.
 Tinaguriang “Ama ng Kilusang Kasarimlan ng India” dahil inilaan ni Gandhi ang kaniyang
buhay upang makamit ang kalayaan mula sa mga Ingles.
 August 15, 1947 ay nagkamit ng India ang kanilang kalayaan.
2. Mohamed Ali Jinnah
 Kinilala bilang “Ama ng Pakistan”
 Siya ay namuno sa Muslim League na ang layunin ay magkaroon ng hiwalay na estado para
sa mga muslim upang maiwasan ang magkaibang pagtrato sa mga muslim at hindu.
 Kinilala si Ali Jinnah bilang “Great Leader” sa kaniyang panahon dahil na rin sa pagkamit nito
ng kalayaan mula sa mga Ingles.
Tanong: Kung ikaw ang magiging isang lider, upang makamit ang kalayaan ng iyong bansa, ano ang
gagamitin mong kaparaanan? Dahas o Mahinahon na paraan?
3. Mustafa Kemal Ataturk
 “Ataturk” o Ama ng mga Turko.
 Unang naging presidente ng Republika ng Turkey.
 Nang maging republika ang Turkey, nagpatupad ng mga programa at reporma na
naglalayong bumuo ng progresibong estado.
 Isa si Kemal sa hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France na hatiin ang Turkey.
4. Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
 Kasama si Ayatollah sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng mga
Shah (Iran) sa mga mamamayan.
 Siya ay gumawa ng isang talumpati upang batikusin ang mga namumuno sa kanilang bansa.
Ipinatapon si Ayatollah sa Turkey at Iraq dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa
pamunuang mayroon ang kaniyang bansa.
5. Ibn Saud
 Kauna-unahang Hari ng Saudi Arabia.
 Nahikayat ang mga nomadikong tribo na mapaayos ang kanilang pamumuhay at iwasan na
ang gawain na panggugulo at paghihiganti.
 Sinasabi rito na kinakailangang ayusin muna ni Saud ang kaniyang mamamayan dahil
naniniwala siya na sa kanila magsisimula ang progresibo at maunlad na lipunan.

“Mas malakas ang pwersa ng walang karahasang lumaban, malaya sa poot at


walang armas na kailangan” – Mahatma Gandhi

You might also like