You are on page 1of 8

7

Araling Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Quarter 4 - MELC 4 – Week 4 Ang
Kaugnayan ng Iba’t ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng
Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Araling Panlipunan - Grade 7
Ikaapat na Markahan – Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16
hanggang Ika-20 Siglo)
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names o trademarks, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi
ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may akda ang
karapatang-aring iyon.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Elena Fillo, Ma. Imelda J. Gabasa
Paul J. Silva, Fatima T. Acebuche
Editor: Paul J. Silva, Fatima T. Acebuche
Grace V. Ojeda, Liberty Rose T. Jalandoni
Tagalapat: Floura May Z. Gorero
Tagaguhit: Eros E. Endencio
Tagapatnugot: Liberty P. Lego, EPS – Araling Panlipunan
April Rose B. Buenafe
Ramon S. Castor
Joji A. Leonida
Schools Division Quality Assurance Team:
Liberty P. Lego, EPS – Araling Panlipunan
Leila G. Valencia, EPS-LR
Jezereel Grace G. Tiron, Program Development Officer II
Bernie P. Alcedo, Librarian II
Arnold Peńas
Division of Iloilo City Management Team:
Ma. Luz M. De los Reyes, CESO V, SDS
Danny Clark Ugail, CESO VI, ASDS
Arlo L. Villalva, CID Chief
Jerry M. Lego, SGOD Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Liberty P. Lego, EPS – Araling Panlipunan
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico, CESO IV, RD
Pedro T. Escobarte, Jr., CESO V, ARD
Elena P. Gonzaga, CID Chief
Donald T. Genine, EPS – LR
Mary Hazel Vivien P. Pineda, EPS – Araling Panlipunan

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Department of Education – Regional Office VI – Western Visayas
Office Address: Duran St., City Proper, Iloilo City, 5000
Telefax:
E-mail Address: region6@deped.gov.ph

2
AP 7
Aralin 3.2: Ikaapat na Markahan Ang Kaugnayan ng Iba’t ibang Ideolohiya sa Pag-
Ikaapat na Linggo usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista

ALAMIN

May iba’t ibang ideolohiya at paniniwala na niyakap ang mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya bilang kasagutan sa minimithing kalayaan. Ito ay nagdulot ng malaking
pagbabago sa bawat bansa.

Sa aralin na ito ay susuriin mo ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong


ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista.

SUBUKIN

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Nakapag-aral si Sun Yat Sen sa Hawaii at sa Hong Kong Medical School. Para sa
kanya, ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga
imperyalistang bansa. Anong ideolohiya ang isinulong ni Sun Yat Sen?
a. komunismo b. demokrasya c. pasismo d. sosyalismo
2. Lumakas ang impluwensiya ng komunismo sa bansang China kung kaya’t nabahala
si Chiang Kai Shek at naglunsad ng kampanyang militar laban dito. Marami ang nahuli
at napatay subalit ang iba ay nakaligtas at nakatakas patungo sa Jiangxi. Sila ay
naglakbay na may layong 6,000 milya. Ano ang tawag sa kaganapang ito?
a. Death March b. Long March c. Revolution d. People’s Power
3. Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa pagkakaiba ng ideolohiya. Alin
sa mga sumusunod ang ideolohiyang niyakap ng Hilagang Vietnam?
a. komunismo b. demokrasya c. pasismo d. sosyalismo
4. Alin sa mga sumusunod ang naging implikasyon ng paggamit ng iba’t ibang ideolohiya
ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
a. umunlad ang aspetong pangkabuhayan
b. naging masagana ang kanilang pamumuhay
c. nakamtan ng mga bansa ang minimithing kalayaan
d. nadagdagan ang kanilang kapangyarihang mamuno sa bansa
5. Ang hidwaan sa pagitan ng magkatunggaling ideolohiya sa bansang Vietnam ay nauwi
sa digmaan na tinawag na Vietnam War na nagsimula noong 1945. Anong bansa ang
sumuporta sa Timog Vietnam?
a. Russia b. China c. Japan d. United States

BALIKAN

Panuto: Iguhit ang thumbs up kung Tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at
thumbs down naman kung Mali. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Hirap, pagod at gutom ang naranasan ng mga Asyano sa panahon ng Una at


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Bumagsak ang sektor ng ekonomiya at agrikultura sa kasagsagan ng digmaan.
3. Mas lalong lumakas ang diwa ng nasyonalismo sa mga naging karanasan ng mga
taga-Silangan at Timog-Silangang Asya sa digmaang pandaigdig.
4. Naiba ang balanse ng kapangyarihan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na
kung saan namayagpag ang United States at Korea.
5. Naging tagapagtustos ng hilaw na materyales ang Timog-Silangang Asya sa bansang
Japan.

3
TUKLASIN

Panuto: Kopyahin ang crossword puzzle sa sagutang papel at punan ng angkop na letra ang
bawat kahon upang mabuo ng tamang salita.

Pababa:
1. ideolohiyang isinulong ni Mao Zedong sa China
2. ideya ng pambansang kamalayan na kung saan lahat ng pansariling kapakanan
ay nangingibabawang pambansang kapakanan na kakikitaan ng matinding
pagmamahal sa bansa
Pahalang:
3. pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng mga mananakop
4. ideolohiyang isinulong ni Sun Yat Sen sa China

SURIIN

Ang China sa Gitna ng Dalawang Magkatunggaling Ideolohiya


Hango sa aklat ni Blando, Rosemarie C., et. al. (2014)

Ang ideolohiyang komunismo ay naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang


antas o uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng
lipunan. Sa sistemang ito, tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan ang estado
kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng produksiyon ng lahat ng negosyo ng
bansa. Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad, kailangang pairalin ang diktadurya.

Tumutukoy ang ideolohiyang demokrasya sa kapangyarihan ng pamahalaan na nasa


kamay ng mga tao at ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan sa tingin ng batas at sa iba
pang pangunahing aspekto ng pamumuhay. Bukod pa rito ay karaniwang pumipili ang mga
tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan nila.

Ideolohiyang Demokrasya sa China

Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa


2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang
malaking hamon sa kanilang bansa – ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga
emperador.

Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si


Sun Yat Sen. Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong Medical School. Isinulong niya
ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang San Min
Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang

4
pantao. Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban
sa mga imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang pamunuan
niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution
na naganap noong Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-
sampung buwan ng taon (Oktubre) at ikasampung araw ng buwan. Sa araw ring ito, itinatag
ang bagong Republika ng China. Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si
Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama ng
Republikang Tsino”. Itinatag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party
noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon
(conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang
kaunlaran ng bansa. Naniniwala rin siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng
puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land
ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng
mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at
kaunlarang pang-ekonomiya.

Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang
mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek
ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa
na may sariling sandatahang lakas.

Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban –
ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na ipinalaganap ni Mao
Zedong sa China.

Ideolohiyang Komunismo sa China

Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918.


Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa
pamilya ng magbubukid sa probinsya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga
prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri
ng kapitalista o bourgeois. Sa tunggalian na ito, naniniwala ang mga komunista na mananaig
ang mga manggagawa at maitatatag ang isang lipunang soyalista. Sa lipunang ito, ang estado
ang siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa.

Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong kasama
ang iba pang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921. Lalo pang lumakas
ang komunismo sa China sa pagdating ng Russian advisers sa Canton. Lumaganap ang
ideolohiya hindi lamang sa mga pangkaraniwang mga magsasaka at manggagawa kundi pati
na rin sa mga opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga edukadong Tsino. Maraming Tsino
ang yumakap sa komunismo dahil sa mga panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay unti-
unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai Shek dahil sa laganap na
katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na dinaranas sa bansa.

Nabahala si Chiang Kai Shek sa lumalakas na impluwensiya ng komunismo sa China.


Iniutos niya ang paglulunsad ng kampanyang militar laban sa mga komunista. Maraming
komunista ang hinuli, pinahirapan at napatay. Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli,
pinamunuan ni Mao Zedong ang mga nakaligtas na Red Army, tawag sa mga komunistang
sundalong Tsino at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong Long March dahil sa
kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang taon kung saan marami
ang namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-shek.

Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-shek at Mao


Zedong dahil sa banta ng pananakop ng mga Hapones.

5
Mga Ideolohiya sa Vietnam

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandagigdig, nakipaglaban si Ho Chi Minh sa


Hilagang Vietnam laban sa mga Tsino at British. Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo
ang Hilagang Vietnam na pinamumunuan ni Ho Chi Minh at ang Timog Vietnam sa pamumuno
ni Bao Dai. Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa pagkakaiba ng ideolohiya.
Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa komunismo samantalang ang Timog Vietnam ay
naniniwala sa demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang Vietnam War na
nagsimula noong 1945. Sinuportahan ng United States ang Timog Vietnam subalit naging
madugo at magastos ito para sa kaniya. Nagwagi ang Hilagang Vietnam at naging isang
bansa na lamang ito noong 1975.

PAGYAMANIN
Panuto: Kopyahin ang tsart sa sagutang papel at punan ng tamang sagot batay sa tekstong
binasa.

Namuno/ Nagsulong
Rehiyon Bansa Ideolohiyang Isinulong
ng Ideolohiya
1. 1. 1.
Silangang Asya
2. 2.
Timog-Silangang 1. 1. 1.
Asya 2. 1. 1.

ISAISIP

Iba’t ibang ideolohiya at paniniwala ang niyakap ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. May naniwala na ang kasagutan sa minimithing kalayaan ay ang
ideolohiyang komunismo at ang iba ay naniwala sa idelohiyang demokrasya. Ang mga
ideolohiyang ito ay nagdulot ng pagbabago sa iba’t ibang aspeto sa mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

ISAGAWA
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang naging epekto ng pagsulong ng ideolohiyang komunismo sa bansang


Vietnam at China?

2. Paano nagbigay-daan ang mga ideolohiya sa pagpukaw ng damdaming


nasyonalismo sa Vietnam at China?

TAYAHIN
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang S kung sumasang-ayon at DS naman kung di
sumasang-ayon sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang China at Vietnam ay yumakap sa ideolohiyang komunismo bilang daan sa pagbuo


ng kanilang pamahalaan.
2. Ang pananakop ng mga Hapones sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
nagpatigil sa hidwaan sa pagitan ng komunista at nasyonalista sa China.
3. Nangibabaw ang demokrasya sa bansang China at Vietnam.
4. Si Mao Zedong ang pangunahing instrumento sa pagpalaganap ng ideolohiyang
komunismo sa China.
5. Ang tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o
bourgeois ay isa sa mga prinsipyo ng ideolohiyang demokrasya.

6
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng isang maikling talambuhay kung sino sa kasalukuyang panahon ang
iyong tinutularan sa pagsulong ng kaunlaran sa ating bansa. Sumulat ng isang
maikling deskripsiyon tungkol sa kanyang mga nagawa sa pagkakaroon ng isang
maunlad na bansa.

Larawan

Pangalan: _________________________________________
Araw ng Kapanganakan: ______________________________
Lugar ng Kapanganakan: _____________________________
Mga nagawa upang maisulong ang kaunlaran sa ating bansa:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Rubriks ng gawain
Puntos sa
Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos bawat
pamantayan
Nilalaman may tatlong May dalawang may isang
pangungusap na pangungusap na pangungusap na
angkop sa angkop sa angkop ang
gawain gawain gawain
Organisasyon napaka- organisado at hindi organisado at
ng mga ideya organisado at malinaw ang hindi malinaw ang
napakalinaw ng ideya ideya
ideya
Gamit tumpak ang may kaunting marami ang
istruktura ng pagkakamali sa pagkakamali sa
mga istruktura ng mga istruktura ng mga
pangungusap at pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga gamit ng mga gamit ng mga
salita salita salita
Kabuuang puntos

7
MGA SANGGUNIAN sa ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 4

MGA SANGGUNIAN sa ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 4

Sanggunian mula sa aklat:


Mateo, Grace Estela C., et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Vibal Publishing
House, Inc.
Mateo, Grace Estela C., et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Manwal ng Guro
sa Araling Panlipunan. Vibal Publishing House, Inc.
Blando, Rosemarie C., et. al. (2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.
Eduresources Publishing, Inc.
Samson, Maria Carmelita B., et al. (2017). Kayamanan: Araling Asyano. Rex Printing
Company Inc.
Project EASE Araling Panlipunan VIII

Sanggunian ng mga larawan


Mga iginuhit na larawan
Endencio Eros E. (2021)

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like