You are on page 1of 7

FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

Brgy. Narra Francisco Homes City of San Jose del Monte, Bulacan

II. PAGBASA NG MAPA:

1. Kung si Isabelle ay magmumula sa Shanghai, at tutungo sa bansang may kabiserang Colombo


anong direksyon ang tatahik niya?
2. Anong bansa ang makikita sa pagitan ng 60 degrees timog Latitude, at 30 degree silangang
Longitude?
3. Sa anong karagatan natin matatagpuan ang Isla ng Maldives at Sri Lanka.
4. Kung ako ay magmumula sa bansang may kabiserang Ulaan Bataar at pupunta ako sa bansa na
may kabiserang Kathmandu, anong direksyon ang tatahakin ko
5. Anong bansa natin matatagpuan ang Burj Khalifa, ito ay ang pinaka mataas na gusali sa buong
mundo.

II. Maramihang Pagpili:


`
PANUTO: Piliin ang TITIK ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

6. Ang sibilisasyon ay hango sa salitang Latin na civitas na ang ibig sabihin ay “siyudad” at civilis
nangangahlugan naman ________________.
A) mamamayan C) batas
B) trabahador D) mangangalakal

7. Ang kabihasnan nagmula sa salitang ugat na Hasa na ang kahulugan ay _______ upang maging bihasa.
A) pagpapalakas C) talino
B) sanay D) matatag

8. Ito ay pagsamba sa kalikasan gaya ng hangin, ulan, at bagyo na katangian din ng relihiyong Sumer.
A) polytheismo C) atheismo
B) animismo D) wala sa nabanggit

9. Kung ang pinakamamabang uri sa pamahalaan ng kabihasnang Sumer ay mga Alipin, ano naman ang
pinakamataas na katungkulan sa kanilang pamahalaan?
A) artisano C) panginoong may lupa
B) pari D) sundalo

10. Ito ay ang systema ng pagsulat ng kabihasnang sumer upang itala ang kanilang kasaysayan.
A) Cuneiform C) Hiragana
B) Alibata D) Kaligrapo

11. Naging malaking ambag sa teknolohiya ng daigdig ang pagkakaimbento ng gulong ng mga Sumerian. Alin
sa mga sumusunod ang hindi kapakipakinabang nito sa tao.
A) ito ay ginanagamit sa paggawa ng mga palayok upang maging ibakan ng mga pagkaen at
mamahalagang bagay.
B) ito ay nakatulong sa mga sasakyan para mapadali ang transportasyon ng mga tao.
C) naging armas ito ng mga sinaunang tao.
D) naging produktong pangkalakal sa ito sa mga karatig nitong bansa.

12. Ito ay nangangahulugang lupain sa paggitan ng dalawang ilog. Dito ay matatagpuan ang dalawang ilog na
Tigris at Euphrates.
A) Babylonia C) Mesopotamia
B) Persia D) Aeonia

13. Ang ilog may malaking ang naging ambag tungo sa pag unlad ng sinaunang kabihasnan ng sinaunang
Asyano. Alin sa mga sumusunod ang naging malaking ambag nito sa tao.
A) ito ay naging rutang trasporatasyon upang magkaroon ng ugnayang pangkalakal ang mga ibat-ibang
malalaking siyudad.
B) ito ay nakatulong sa para mabuhay ang mga tao na nakatira sa may tabi ng ilog.
C) naging daan ito sa pag-unlad ng mga ibat-ibang kabihasnan.
D) naging silbi itong huling hantungan sa mga sinaunang reilihiyon sa asya.

14. Isang systema na nagmula sa India na kung saan binatay ang katayuang panlipunan ng mga tao sa bansa.
A) Caste system C) monarkiya
B) Pyramid system D) wala sa nabanggit

15. Ang pinakamalakas sa tatlong kaharian ng Korea ay ang Goguryeo na tinatag ni haring Tan Gun. Ano sa
naman ang pinaka mapayapang kaharian na unang tumanggap sa Budismo na pangunahing relihiyon nito.
A) Silla C) Baekje
B) Koryo D) Joseon

16. Heneral ng Kaharian ng Silla na kung saan ay pinigilan ang mga Hapon sa tangkang pananakop sa Koryo.
A) Wang Geom C) Seon dok
B) Tan Gun D) Yu Sun Shin

17. Siya ang lider na idiniklara ang Hangul ay ang pambansang Alphabeto ng buong Koryo.
A) Haring Sejong C) Kim Yu Shin
B) Reyna Seon Dok D) Wang Geon

18. Imperyo na nasakop ang ibat-ibang kaharian sa Asya, kasama na ang Tang sa China at ang kaharian sa
Korea.
A) Sumer C) Mongol
B) Shang D) Hapon

19. Sa kaharian ng Silla ang sinasabing pinaka mahina sa tatlong kaharian sa Korea. Ano ang naging dahilan
upang masakop nito ang dalawang kaharian upang mapagbuklod ang sa iisa ang bansa.
A) naging agresibo ang kaharian ng Silla at sinakop ang ibat-ibang mga bayan.
B) tumulong ang kaharian ng Tang sa China upang masakop ang ibang kaharian.
C) namatay ang hari ng Goguryeo at naging dahilan nito ang paghina ng kaharian.
D) nagkaroon ng malaking pagkakautang ang dalawang sa kaharian ng Silla, at naging dahilan nito ang
paghina ng kanilang ekomiya at pag bagsak ng kaharian.

20. Anak ni Genghis Khan na matagumpay na nasakop ang buong kaharian ng China at nagtatag ng
Imperyong Yuan na unang dayuhang imperyo sa China.
A) Kublai Khan C) Mongul Khan
B) Ahmir Khan D) Wala sa nabanggit

21. Ito ay ang Banal na hangin na Pimigil sa pag sakop ng mga Mongol sa bansang Japan.
A) Kamikaze C) Kami
B) Izanagi D) Bento

22. Kung ang mga Samurai ay nangangahulugang “Siya naglilikod” dahil iniaalay nito ang kanilang buhay
para sa kanilang pinaglilingkodan. Ano naman ang kodigo na karangalan ng mga Samurai.
A) Seppuku C) Harakiri
B) Kamikaze D) Bushido

23. Ito ay nangangahulagang “Humans” na unang tribong nanirahan sa mga Isla ng Japan.
A) Kojiki C) Yayoi
B) Ainu D) Jomon

24. Ito ay marangal na pagpapatiwakal ng mga Samurai, na kung saan ay pagtatarak ng matalas na bagay sa
kanilang tagiliran.
A) Seppuku C) Bento
B) Kamikaze D) Kojiki

25. Pamahalaang sentralisado na pinamumunuan ng isang pinunong militar. Tinatawag din itong Bakufu o
tent government.
A) Emperyo C) Shogunate
B) Kojiki D) Samurai
26. Pinakaunang ng Shogunate sa Japan matapos ang pagkakaroon ng digmaang Genpei na kung saan ay
nanalo ang pamilyang Minamoto laban sa pamilya ng Taira
A) Tokugawa C) Ashikaga
B) Kamakura D) Asoka

27. Ito ay ang banal na hangin na dalawang beses pumigil sa mga Mongol upang masakap ang bansang Japan.
A) Kamikaze C) Asoka
B) Harakiri D) Rounin

28. Sa paniniwalang “mandate of heaven” ang pamumuno ng isang emperador ay may pahintulot o basbas ng
langit. Ano ang pinaka malaking responsibilidad ng isang emperador sa kanyang nasasakupan?
A) Ang emperador ay nagsisilbing diyos sa lupa dahil siya ay pinaniniwalaang pinadala mula sa langit.
B) Ito ay magkakaroon ng prebelehiyo na panghawakan ang yaman ng lahat ng nasasakupan at gagamitin
lamang sa pang sariling kapakanan.
C) Pagpapanatili ng kaayusan ng kanyang mga nasasakupan.
D) Ito ay nagiging insperasyon ng bawat nasasakupan upang ipag pa tuloy ang kanilang gawain sa buhay.

29. Ang kammu restoration ay ang pagbabalik ng kapangyarihan ng emperador upang pamunuan ang mga
nasasakupan sa bansang Japan na mahigit 200 taong pinanghawakan ng Shogun. Sino ang emperador na
nagpatalsik sa dating lider ng Kamakura Shogunate.
A) Go Daigo C) Minamoto Yoritomo
B) Ichiro Kubayashi D) Oda Nabunaga

30. Ang pagpapamana o pagsalin-salin ng kapangyarihan ng namumuno mula rin sa loob ng kanilang pamilya
o angkan.
A) dinastiya C) anarkiya
B) mandate of heaven D) wala sa nabanggit

31. Panahon kung saan ipinagawa ang Forbidden city. Ito din nagpatupad ng isolationism o patakarang
pumuputol ng ugnayan ng China sa lahat ng mga dayuhan.
A) Han C) Sui
B) Qin D) Ming

32. Ito ay ang imbensyon ng mga Tsino na siyang nagpabagsak imperyong Yuan at pagkakatag sa dinastiyang
Ming. Sa pagkakadiskubre nito, ay siya namang malaking ipekto sa pagbabago ng daigdig.
A) baril C) crossbow
B) tanso D) pulbura

33. Malamat na tribo na unang namayagpag, namahala sa bansang Tsina.


A) Shang C) Xia
B) Xiao D) Song

34. Isa sa ginintuang panahon ng Tsina ay ang pagkakatatag ng dinastiyang Han. Ito ay pinamunuan ng
dalawa sa pinaka dakilang emperador na sina Gaozu at Wudi. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa
pangyayari na naganap sa panahong ito.
A) itinakwil ang marahas na batas ta pagpaparusa sa mga taong nagkakasala.
B) naimbento ang papel at palimbagan at umunlad ang sistema ng pagsulat.
C) pagkakadiskubre sa pulbura ng mga monghe.
D) pagkakaroon ng daan pangkalakal o tinatawag ding “silk road”

35. Ito ay ang dinastiyang unang pinangisawaan ng mga dayuhan o ang pinangasiwaan ng Mongol.
A) Song C) Sui
B) Tang D) Yuan

36. Sa panahon na pingasiwaan ni Kublai Khan ang Tsina, ang siya namang pag dagsa ng dayuhang
mangangalakal, kagaya ni Marco Polo na naglakbay mula Europa patungo ng Tsina. Ano ang pinaka
malaking naging ambag ng ekspidisyon ni nito sa iba pang bansa sa Europa upang manggalugad sa iba
pang mga bansa?
A) ang aklat na isinulat nito ay naging batayan ng mga eksplorasyon nila Cristopher Columbus at
Ferdinand Magellan upang libutin ang daigdig
B) ito ay nag bukas ng daanang pangkalakal sa iba pang karatig bansa sa Asya
C) nagbigay daan ito upang masakop ng mga tiga kanluran ang mga bansa sa silangan tulad ng Tsina.
D) nagkaroon ng malaking ugnayan ang bansang pinag-mulan ni Columbus at ang bansang tsina.
37. Isang admiral sa bansang tsina na nangunguna sa mga paglalayag sa pagitan ng mga taong 1405-1433. Sa
kaniyang paglalayag, mayroon siyang 62 barko at halos 28,000 tauhan.
A) Yu Sun Shin C) Chi Wang Zu
B) Chen Ho D) Toyotomi Hideyoshi

38. Sa gulang na 29 na taong gulang, itinakwil niya ang karanyaan at itinatag ang isang relihiyon na lalaganap
bansang Tsina, Korea, Thailand at bansang Hapon.
A) Siddharta Gautama C) Lao Tzu
B) Confucius D) Shotoku Taishi

39. Isinilang ang relihiyong ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng India at naging pangunahing relihiyon sa
bansang ito.
A) Buddhismo C) Hinduismo
B) Judaismo D) Jainismo

40. Sinasabing ang “samsara” o ang reincarnation ay ang walang hanggan at pasalit-salit na buhay ng tao base
sa naging buhay nito sa daigdig. Pano mapipigilan ang ganitong pangyayari ayun sa paniniwala ng
relihiyong Hinduismo?
A) tamang pagkilos, panalangin, at pag bibigay ng alay sa kanilang mga diyos.
B) pag punta sa ilog ng Ganghes at paliligo sa tuwing 12 taon
C) paglaya ng kaluluwa at kaligtasan nito na tinatawag din nilang “moksha”
D) pananampalataya sa kanilang 330 milliong diyos.

41. Ang dinastiyang Song ay natalo ng hukbo ni Genghis Khan at naitatag ang dinastiyang Yuan. Ano ang
naging malaking dahilan ng pagbagsak at pagkatalo ng dinastiyang Song?
A) naging agresibo ang dinastiya nito sa pagsakop ng ibang bansa at napabayaan nila ang kanilang
kaharian.
B) dahil sa malawakang pagkalat ng sakit, at pagkakamatay ng kanilang emeperador.
C) mas pinagtuunan ang mga proyektong pang-impraestruktura tulad ng lansangan, kanal at patubig sa
halip na pagpapalakas ng hukbo.
D) pagkakaroon hindi pagkakasundo ng mga sundalo ng hari, dahilan ng pagkakaroon ng digmaang sibil
sa buong kaharian.

42. Sa pamamayagpag ng dinastiyang Ming sa loob ng dalawang daang taon, ay siya naming pag aasam ng
tribo na nasa hilaga. Anong tribo ito na itinulungan din ng mga Mongol na mapabagsak sa taong 1644.
A) Manchu C) Ainu
B) Koryo D) Turko

43. Ito ay pagsamba sa kalikasan gaya ng hangin, ulan, at bagyo na katangian din ng relihiyong Sumer.
A) Polytheism C) Atheism
B) Animism D) Wala sa nabanggit

44. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging ambag ng dinastiyang Tang sa Tsina?
A) ibinalik ang katanyagan ng kabisera ng CHANG’AN
B) pagpapalawak ng teritoryo at pagpapagawa ng mga liwasan, templo, palasyo at pamilihan
C) pagkakaroon ng civil service exam sa mga skolar na nag nanais maging empleyado sa gobyerno.
D) pagtatayo ng mga “great wall of China”

45. Ayun sa turo ni Buddha, ang Nirvana ay paraiso o kaluwalhatian. Sa paanong paraan natin ito
makakamit?
A) makakamit lang natin ito kung susundin natin ang walong tamang landasin o “8 fold paths”.
B) sa pagtulong sa kapwa at pagbibigay sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong.
C) pag-aayuno at pag samba sa kalikasan.
D) pag-aalay at pagbubuhos ng gatas sa bawat ribulto ni Buddha na madaanan.

46. Aling katangian ng Sibilisasyon ang tumutukoy sa pagkakaroon ng organisadong institusyon na


kinapapalooban ng mga pinuno na siyang magpapatupad ng batas na dapat sundin ng mga nasasakupan
upang magkaroon ng isang maayos at mapayapang lipunan?
A) Pamahalaan C) Sistema ng Paniniwala
B) Teknolohiya D) Kultura
47. Ang Sumer ay nakilala sa pagkakaroon ng pamahalaang Theocracy. Alin ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A) pamahalaan ng nakararami.
B) Pamahalaan na pinamumunuan ng makapangyarihang may-ari ng lupa
C) pamahalaang nasa ilalim ng pamumuno ng puno ng simbahan.
D) pamahalaang malupit at walang pagpapahalaga sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
48. Sa ating panahon, si Emperor Akihito ay walang politikal na kapangyarihan sa Japan ngunit labis pa rin
ang paggalang at pagmamahal sa kaniya ng mga Hapones. Aling kaisipan ang naglinang nito?
A) Divine Origin B) Mandate of Heavend C) Devaraja D) Sinocentrism

49. Makikita sa watawat ng bansang Japan ang “Hinomaru”(circle of the sun). Alin ang kahalagahan ng araw
sa kanilang mitolohiya at relihiyon?
A) Ang kanilang unang emperador ang pinaniniwalaang unang nakarating sa araw.
B) Ang kanilang unang emperador ay nagmula sa diyosa ng araw na si Ameterasu.
C) Paggunita ito sa kanilang alamat tungkol kay Sasuke at ang Sharingan na nakita sa araw.
D) Paggunita ito sa ikasiyam na tanda ng katapusan ng mundo, ang paglamon ng araw sa daigdig.

50. Ang mga Korean ay nainiwala rin na banal ang pinagmulan ng kanilang emperador. Masasalamin ito sa
aling alamat?
A) Alamat ni Jimmu
B) Alamat ng Oso at Tigre
C) Alamat ni Hakuna Matirala
D) Alamat ni Tangun Wanggeom

51. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo ukol sa kasalukuyang emperador ng Japan?
A) May mataas na pagtingin, paggalang, at pagmamahal ang mga Hapon sa kanilang emperador
B) Ang emperador ay hindi maaaring tanggalin sa katungkulan
C) Itinuturing pa ring diyos ng karamihang mga hapon ang kanilang emperador
D) Nanatili ang emperador ng Japan bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapon

52. Ang Dinastiyang Ming ay kilala sa pagpapatupad nito ng Isolationism. Alin ang kahulugan ng salitang may
guhit?
A) Patakarang pumuputol ng ugnayan ng China sa lahat ng mga dayuhan.
B) Patakarang makapaghihikayat ng mas maraming dayuhang makikipagkalakalan sa China.
C) Patakarang magpapasapit ng mabigat na kaparusahan sa mga hindi susunod sa pamahalaan.
D) Patakarang pagpapatapon sa mga misyonaryong katoliko buhat sa iba’t ibang bansa sa Europe.

53. Ayon sa paniniwala ng mga sinaunang Tsino sa mandato, aling babala ang maaaring magbagsak sa mga
zhou?
A) Ang katiwalian ang magdadala ng kalagiman sa kanilang kanunununuan.
B) Ang mabuting pamamahala ang magbibigay sa kanila ng kamalasan.
C) Ang pagpapairal ng demokrasya ay isang oportunidad upang abusuhin ng mga mamamayan ang
kanilang karapatan.
D) Ang pagsiyasat sa katiwalian ng mga nasa pamahalaan ay magbubunga ng kamatayan sa nagsagawa
nito.

54. Alin sa mga sumusunod na katangian ng sibilisasyon ang naglalarawan sa natuklasang maayos na plano ng
lungsod ng Mojenho-daro at Harappa sa Indus?
A) Pagkakaroon ng maayos na pamunuan
B) Mayroon ng metatag na sistemang relihiyon
C) Ito ay mayroon ng mga mahuhusay na arkitekto
D) Sila ay mayroon ng Sistema ng pagsusulat

55. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bunga ng migrasyon ng mga Indo-Aryan sa sinaunang
kabihasnan ng Indus?
A) Naipakilala sa Timog Asya ang relihiyong Hinduism.
B) Pinaalis ang mga katutubong Dravidian paibaba sa dulong bahagi ng India.
C) Nagkaroon ng pagkakahati-hati sa lipunang ito bunga ng Caste System.
D) Pagkakaroon ng systemang pag sulat ang mga Indo-Aryan.

II. PAGSURI SA PAHAYAG: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sitwasyon. Isulat ang

A. Kung ang unang pahayag ay tama at ang pangalawa naman ay mali.


B. Kung ang unang pahayag ay mali at ang pangalawa ay tama.
C. Kung ang dalawang pahayag ay parehong tama
D. Kung ang dalawang pahayag ay parehong mali
56.
A) Ang kakayahang buamasa at sumulat ay tanda ng isang sibilisadong tao.
B) Sa pamamagitan ng Sistema ng pagsusulat, naitala ng mga sinaunang tao ang kanilang mga nagawa at
karanasan.

57.
A) Ang Dinastiya ng Zhou ang may pinakamahabang pamamahala sa China.
B) Ang Dinastiya ng Sui ang may pinakamaikling pamamahala sa China.

58.
A) Ang emperador sa Japan ay simbolikong pinuno lamang at walang kapangyarihang politikal noong
Panahon ng Shogunate.
B) Ang Shogun ang pinakamataas na pinuno at may tunay na hawak ng kapangyarihan sa Japan.

59.
A) Ang Forbidden City ay itinayo noong Dinastiyang Ming.
B) Ang Great Wall of China ay itinayo noong Dinastiyang Qin.

60.
A) Ang Dinastiyang Yuan ang unang dinastiyang hindi ipinangalan sa isang sinaunang lalawigan sa China
B) Pinangasiwaan ang Dinastiyang Yuan ng banyagang si Kublai Khan na isang Mongol.

Para sa ekslusibong gamit FCPC, TP 2018 – 2019

Nenita B. Ballescas
Araling Panlipunan Koordineytor

You might also like