You are on page 1of 3

Janelle Crysta T.

Pineda
Bsed Fil-3B

URI NG MAIKLING KUWENTO BATAY SA PAKSA

1. KUWENTO NG PAG-IBIG
“Malabituin mong Pag-ibig”
Isinulat ni : Jean Camille Aquino
Naging uri ng kuwentong pag-ibig ito dahil si Lhana ay umiibig sa iniidolo nitong
manunulat na si Raven.

2. KUWENTO NG ROMANTIKONG PAKIKIPAGSAPALARAN


“Estero”
Isinulat ni: Rosario De Guzman Lingat
Naging isang uri ng Romantikong pakikipagsapalaran dahil base sa aking nabasa
sinasabi sa romantikong pakikipagsapalaran, babae at kinasusuklaman ng babae ang
lalaki. Sa kuwentong estero kinasusuklaman ng lalaki ang babae pagkat lagi silang
nakatambay sa estero na kaniyang dinaraanan at tinutukso pa sya ng mga kaibigan
nito sakniya ngunit bandang huli ay nahulog din ang loob niya sa lalaki.

3. KUWENTO TUNGKOL SA HAYOP


“Ang Pagong at Ang Matsing”
Isinulat ni: Virgilio S. Amario
Naging uri kuwentong hayop ito dahil ang pangunahing bida dito ay mga hayop, na si
Pagong at Matsing dahil sa pagiging tuso ni Matsing ay nautakan sya ni Pagong.

4. KUWENTO TUNGKOL SA TAGUMPAY


“Pangarap at Tagumpay”
Isinulat ni: Sandy Rey.
Naging isang uri ng kuwentong tagumpay ito dahil sa tatlong magkakapatid na
nagsumikap upang maabot ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kahirapan.

5. KUWENTONG PANG-OKASYON
“Si Stella at ang mga Kaibigan niya sa araw ng Pasko”
Isinulat ni: Sandy Ghaz
Ang kuwento ni Stella ay naging isang uri ng kuwentong pang-okasyon dahil sa
palaging pumupunta sila Stella kasama ang kaniyang mga magulang upang magbigay
ng mga regalo sa mga bat at konting salu-salo dahil ang kaniyang ina ay lumaki rin sa
bahay ampunan katulad ng mga batang nandun.
MGA URI NG KUWENTONG BATAY SA NAMAMAYANING SANGKAP

1. KUWENTONG PANGKATAUHAN
“Ang kwento ni Mabuti”
Isinulat ni: Genoveva Edroza- Matute
Ang kuwento ni Mabuti ay isang uri ng kuwentong pangkatauhan dahil binibigyan
niya ng payo ang kaniyang estudyante na si Fe.

2. KUWENTONG KATUTUBONG KULAY


“Pag-aararo sa Bukid”
Isinulat ni: Jazel N. Gad
Ang Pag-aararo sa Bukid ay isang uri ng kuwentong katutubong kulay dahil
nasasabi sa kuwento ang ginagawa ng bawat karakter tulad ng paglalaba, pagwawalis
at pag aalaga ng hayop pati narin ang pagaararo sa bukid ng padre de pamilya.

3. KUWENTONG DRAMATIKONG PANGYAYARI


“Ang Alitaptap sa Gabing Maunos”
Isinulat ni: Lamberto E. Antonio

4. KUWENTONG NAPLANO
“Tatlong kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra”
Isinulat ni: Lualhati Bautista
Naging kuwentong naplano ito sapagkat malaya si Julian sa pagpili ng desisyon
sa kaniyang buhay. Kumbaga hindi na niya kailangan ng opinyon ng iba dahil may
plano siya para sa kaniyang sariling buhay.

5. KUWENTONG MAY BANGHAY


“Ang Kalupi”
Isinulat ni: Benjamin Pascual
Ang kuwentong Ang kalupi ay naging isang kuwentong may banghay dahil kay
Aling Martha na pinagbitangan ang batang pulubi na ninakaw ang kaniyang kalupi
dahil para mabangga ang bata at mamatay ngunit pag dating niya sa kanilang bahay,
nalimutan lamang niya pala ang kaniyang kalupi kaya naman nahimatay. Marahil
hanggang ngayon ay binabagabag parin si Aling Martha dahil sa nangyari.

URI NG MAIKLING-KUWENTO BATAY SA PAMAMARAAN NG


PAGKAKASULAT

1. KUWENTONG NAG DARAAN SA DALOY NG KAMALAYAN


“BANGKANG PAPEL”
Isinulat ni: Genoveva Edroza Matute
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang batang nagbabalik tanaw kasama ang
kaniyang kaptid na gumagawa ng bangkang papel ngunit pag gising niya isang araw
ay nakita niya ang kaniyang Ina na hinahaplos ang buhok ng kaniyang Ama na
namatay sa pakikipag digmaan kasama ang kaniyang kaptid.
2. KUWENTONG EPISTOLARYO
“Kay Estella Deenhandelaar”
Isinulat ni: Ruth Elynia S. Mabanglo
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Primsesang Javanese na nagpadala ng
sula kay Estella Zeehandelaar upang maipabatid sakaniya na gusto nitong maging
malaya upang makatayo sa sariling mga paa ng mag-isa, mag-aral hindi para pag-
asawahin nang sapilitan. Dapat ang batas para sakaniya ay pantay ang Babae at
Lalaki.

3. KUWENTONG PANAY DIYALOGO


“Moses, Moses”
Isinulat ni: Rogelio R. Sikat
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang dalagang si Aida na ginahasa ng anak ng
alkalde, kaya naman nag sampa sila ng kaso. Pumunta ang alkalde sa kanilang
tahanan upang pakiusapan silang iurong ang kaso ngunit hindi pumayag ang Nanay ni
Aida na si Regina. Nais patayin ni Tony (Kapatid ni Aida) ang anak ng alkalde dahil
sa paraan lamang na iyon nila makukuha ang hustisya kaya nang gabing pinapabili
siya ng gamot ay dinala niya ang kaniyang baril, napatay niya ang anak ng alkalde
ngunit hinabol sila ng mga ito pagkarating sa tahanan ng binata ay tinutukan siya ng
baril ng mga pulis, hinarang ito ni Regina at nakipag agawan sakanila kaya naman
napindot ni Regina ang baril at natamaan si Tony kaya siya ang hinuli ng mga Pulis.

4. KUWENTONG WALANG DIYALOGO


“Miliminas: Taong 0069”
Isinulat ni: Nilo Par Pamonag
Ang miliminas, isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kalagitnaan ng
dagat Pasipiko. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan
nito. May batas ang pamamaraan nila ng pagbibihis.

5. KUWENTONG KUSANG PINUPUTOL


“Estero”
Isinulat ni: Rosario De Guzman Lingat
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang babaeng nahulog sa isang lalaki dahil sa
lagi silang tinutukso ng mga barkada nito. Isang araw pumunta ang babae sa bahay ng
binata upang pag-usapan nila ang nararamdaman nila para sa isa’t- isa. Ngunit may
narinig ang dalaga na boses ng isang babae sa bahay ng lalaki kaya kumaripas ito ng
takbo at jan na nagtatapos ang kuwento.

You might also like