You are on page 1of 24

Proyekto

sa
FILIPINO

Inihanda ni:
PRINCESS MAE A. LAGASCA
GRADE VI- JUPITER

Ipinahanda ni:
GNG. YOLANDA GARAZA
(GURO)

ANG
AKING
TALAMBUHAY

Taong 2003 nagtagpo ang mga puso ng aking ama at ng aking ina.
Sila ay nagmahalan ng tunay at lubusan. Pagkaraan ng mg ilang buwan, nabuo ang
pagmamahalang iyon at laking tuwa ng aking ama at ina ng sabihin ng

manggagamot na ang aking butihing ina ay nagdadalang tao. Pagkalipas ng siyam


na buwan, iniluwal ang isang malusog na sanggol na babae noong Hunyo 13, 2004.
Tuwang-tuwa daw ang aking mga magulang noon, pati sina lolo at lola pagkakita
sa akin sa hospital. Hindi daw nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman ng
mga araw na iyon. Maag daw akong natutong maglakad. Unang paghakbang ko
daw ay noong pitong buwan pa lang ako. Maaga din daw akong matutong
magsulat ng panagalan ko, tatlong taong gulang pa lang ako noon. Habang
lumalaki ako ay naramdaman kong mahal na mahalako ni Tatay at Nanay. Kaya isa
akong napakaswerteng bata ng mga araw na iyon kasi hindi nila ipinagkait ang
pagkalinga at pag aaruga na hinahanap ng isang batang tulad ko. Pumasok akong
Kindergarten noong ako ay 5 taong gulang. Hindi ko naranasang mag-aral ng day
care. Kasi si nanay ang naging guro ko sa bahay. Siya ay nagturo sa akin kung
paano sumulat at magbasa. Ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ay noong
paalis ang kapatid ko papuntang Hawaii. Inihatid naming siya sa Laoag
International Airport at doon ko nakita ang pag-alis niya. Kumaway siya sa akin at
doon na ako lumuha. Hanggang ngayon ay miss na miss ko na si kuya, 5 taon na
ang nakakaraan mula nung umalis siya. Alam ko darating ang panahon na
magkikita kami ulit baling araw. Malakas ang tiwala ko sa Diyos. Naransan ko
ding mag-aral ng violin. Si Maam Violeta ang nagging guro ko. Napakagaling
niya. Kaya sa kanya ako natutong mag violin. Kaya kung wala akong ginagawa ,
yun ang madalas kong libangan. Mula kindergarten hanggan ngayon na nasa Ika-6
na Baitang na ako, masasabi ko sa lahat na pinagpala ako ng Diyos ng isang
mabuting pamilya. Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng ama at ina na
talagang maipagmamalaki ko sa ibang tao. Kaya bilang pagtugon sa pagmamahal
na ginagawa nila sa amin ng kapatid ko ay giagawa ko lahat ng akingmakakaya
para mapagbuti an gaming pag-aaral. Kasi alam ko na isa iyon sa nagpapasaya sa
kanila. Ang pinaka important ay ang pagtataglay na pagkamaka-Diyos sa anumang
oras. Yun ang lagging sinasabi nina ama at ina.

KUWENTONG
BAYAN

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino


rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang

pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang


nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.
Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit
si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa
pangalan niya. Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang
dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang
bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng
kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni
Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria
ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng
mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na
ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.
Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap. At inipon na nga ni Maria ang
itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At
isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela,
ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendengkendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at
BOG! Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa
kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay
ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay
maisakatuparan.
Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang

Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay


naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga
bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa
bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulangpula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala
pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong
Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya
nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas
ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng
mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

Nakalbo ang Datu


Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May
katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa
kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit

pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging


pamilya nila. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa
kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.
Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo
na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang
buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang
bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang
dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.
Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal
kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Ang isa sa dalagang pinakasalan ng
datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang
datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya
ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa
matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang
kasinggulang ko lamang siya. Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing
mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil
dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Mahal din ng datu si
Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng
datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit
maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda. Tuwing tanghali, sinusuklayan
ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na
buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyangsiya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung
bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla
nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili. Kalbo!
Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni
Farida.
Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto


niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito. Dahil si Bathala ang nagtanim,
kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang itinuturoy kalangitan, at
ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga. Sabik na sabik na akong
mamunga, wika ni Duhat. Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas.
Gumapang lang ito nang gumapang, hanggang sa itoy nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob niya
sa dalawang ito Matamang nag-isip si Bathala. Ang duhat na nilikha koy malaki,
nararapat lamang na malaki rin ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay
gumagapang lamang, at walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga
bunga nitoy maliliit lamang. Wika ni Bathala. Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat
ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat
nababali ang mga sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa namay hindi
bagay dahil maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalot natatakpan sa
malalapad na dahon. Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya
nasiyahan. Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At
napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog
man itoy hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang
ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay
berde ang kalabasa sa dahilang itoy malayo sa araw. At kulay itim naman ang
duhat. Pagkat itoy malapit sa araw. At sa kanyang ginaway nalubos ang
kasiyahan ni Bathala.

SALAWIKAIN

1.

Puri sa harap, sa likod paglibak

2.

Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

3.

Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

4.

Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

5.

Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

6.

Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan

7.

Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare

8.

Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo

9.

Ang taong tamad, kadalasa'y salat

10.

Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

11.

May pakpak ang balita, may tainga ang lupa

12.

Sagana sa puri, dukha sa sarili

13.

Buhay-alamang, paglukso ay patay

14.

Kasama sa gayak, di kasama sa lakad

15.

Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak

16.

Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili

17.

Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat

18.

Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili

19.

Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon

20.

Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula.

BUGTONG

1. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero.


Sagot: Sabitan Ng Sumbrero
2. Naligo si Adan, hindi nabasa ang tiyan.

Sagot: Sahig
3. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
4. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
5. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
Sagot: Salapi (pera)
6. Bagama't nakatakip, ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
7. Aling mabuting retrato ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)
8. Buto't balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola
9. Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan
10.Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok

PALAISIPAN

1. Nagkita sa Mall of Asia si Josh at ang dating classmate sa Mapua. "Oy, ang
tagal nating di nagkita, magmula pa nung graduation natin sa college," bati
ni Josh sa dating classmate. "Oo nga noh! Nag-asawa na ako pag-graduate
natin. Sana nakilala mo siya kung sumama ngayon. Pero nagpaiwan siya at
nagluluto ng dinner sa bahay. Heto, kasama ko ang anak namin," sagot ng

barkada ni Josh."Anong name mo?" tanong ni Josh sa batang babae."Pareho


po kami ng name ng Mommy ko," sagot ng bata."Anong age mo na, Lyn?"
tanong ni Josh."Ha, bakit po ninyo alam ang name ko?" tanong naman ng
bata.Paano nalaman ni Josh na Lyn ang name ng bata?
2. Nagka-camping ang 4 na magkakaibigan sa tabing ilog nang makita nila ang
isang mabangis na leon na pasugod sa kanila.Ang pagtawid sa malalim na
ilog ang tanging paraan upang matakasan nila ang leon nguni't walang
marunong lumangoy sa kanila.May maliit na balsang kawayan sa tabi ng
pampang na pwede nilang gamitin sa pagtawid sa ilog pero 3 lang ang
maaaring sumakay, kundi ay lulubog ang balsa sa bigat.ng dala. Walang
gustong magpahuli ng sakay at malapit na ang leon.Paaanong nakatawid sa
ilog ang 4 na magkakaibigan, gamit ang maliit na balsang kawayan?

3. Si Jim, isang bagong kawani ng pamahalaan, ay nagpunta sa isang maillit na


disyertong isla malapit sa Boracay, upang suriin ang tore ng parola dahil sa
mga nagdaang bagyo.Dahil napakaliit lang ng isla, tatlong tao lang ang
nakatira dito. Sinasabing may kunting tililing ang tatlo dahil kapag
tinatanong,ang isa sa kanila ay laging nagsasabi ng totoo, ang pangalawa
naman ay laging nagsisinungaling, ang pangatlo ay di malaman kung
nagsasabi ng totoo, o hindi.Noon lang narating si Jim sa isla at di niya alam
kung nasaan ang parola. Ilan sa tatlong tao ang dapat niyang tanungin upang
matiyak kung nasaan ang parola?
4. May lubid na 9 metro ang haba. Puputulin mo ang lubid ng paisa-isang
piraso, isang metro ang bawat haba. Ilang putol ang gagawin mo upang
makakuha ng 9 piraso?
5. May lubid na 9 na metro ang haba. Gusto mong putulin ang lubid sa isa at
kalahating metro (1-1/2 metro) ang bawat haba pero wala kang anumang
panukat. Paano mo puputulin ang lubid upang matiyak na 1-1/2 metro ang
haba ng bawat isa?

6. Ang isang tumpok ng tatlong kendi ay ipinagbibili ng P1.50 bawattumpok.


Magkakapareho ang mga kendi. Ilang kendi angmabibili mo sa P10.00 ?
7. Ano ang mas magaan - ang isang litro ng tubig, o ang isang litro ng yelo?
8. May 12 buwan sa isang taon. Pito sa mga buwan ang may 31 araw, at
apat,na buwan ang may 30 araw lang. Ilang buwan ang may 28th na araw?

9. May anim na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Tatlo ang
maya, dalawa ang pipit, at ang isa ay uwak. Binato ni Mart ang sanga.
Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?
10. Ano ang mas mabigat - ang isang galon na tubig sa Pilipinas, o ang isang

AWITING BAYAN

Bayan Ko
ni Freddie Aguilar
Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak


Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Bahay
Gary Granada

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan

Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan


Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong


Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata


Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko


At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
LERON LERON SINTA

Leron, Leron Sinta, buko ng papaya,


Dala-dala'y buslo sisidlan ng bunga

Pagdating sa dulo'y nabali ang sanga,


Kapos kapalaran, humanap ng iba.

Ako'y ibigin mo, lalaking matapang,


Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam,
Ang lalakarin ko'y parte ng ginulang,
Isang pinggang pansit, ang aking kalaban.

Halika na Neneng, tayo'y manampalok,


Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog,
Pagdating sa dulo, lalamba-lambayog,
Halika na Neneng, baka ka mahulog.

DOON PO SA AMIN

Doon po sa amin, bayan ng San Roque,


May nagkatuwaang apat ng pulubi,

Sumayaw ang pilay, umawit ang pipi,


Nanood ang bulag, nakinig ang bingi.

Doon po sa aming maralitang bayan,


May isang matandang nagsaing sa apoy,
Papel ang palayok, papel pati tuntong,
Tubig na malamig ang siyang iginatong.

Doon po sa aming maralitang bayan,


Nagpatay ng hayop, Niknik ang pangalan,
Ang taba po nito ay ipinatunaw,
Lumabas na langis siyam na tapayan.

Ang balat po nito'y ay pinakorte,


Ipinagawa kong silya't taburete,
Ang uupo rito'y kapitang pasado't
Kapitang lalaking bagong kahalili.

HARANA O PANANAPATAN

Tao, tao po may bahay na bato


Buksan ang bintana't tayo'y magpandanggo

Ang sadya po namin hitso't sigarilyo


HIndi pala hitso't ang dalaga ninyo.
Ang dalaga ninyo, ayaw paligawan
Pumasok sa silid nagsakit-sakit
Tinanong ng ina kung anong dahilan
Sumasakit daw po ang kaniyang tiyan.
Nagpatawag na siya, dalawang mediko
Pinagtig-isihan ang dalawang pulso.
Wika ng mediko, hindi sakit ito
Sinta ng binatang umakyat sa ulo.

Pilipinas Kong Mahal


Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal

Ang puso ko at buhay man


Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang

AKO AY PILIPINO

Ako ay Pilipino, ang dugo'y maharlika


Likas sa aking puso adhikaing kay ganda

Sa Pilipinas na aking bayan


Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino


Isang bansa, isang diwa ang minimithi ko
Sa bayan ko't bandila laan buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino, Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino, ang Pilipino ay Ako

PAGBABALIK

Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw


Ng ilaw na kay panglaw halos 'di ko makita
tulungan mo ako ituro ang daan sapagka't ako'y sabik

sa aking pinag mulan

chorus
bayan ko nasan ka ako ngayo'y nag iisa
nais kong mag balik sa iyo bayan ko
patawarin mo ako kung ako'y nag kamali
sa landas na aking tinahak

sa pag lipas ng araw hangga't dapithapon


malamig na hangin ang aking kayakap
huwag sanang hadlangan
ang aking nilalandas sapagka't

You might also like