Professional Documents
Culture Documents
Si Pedro ay pitong taong gulang. Siya ay punong puno ng mga pangarap ngunit sila
ay mahirap lamang. Ang kanyang ina ya mananahi at ang kanyang ama ay may
kapansanan. May mga pagakakataon na siya ay di makapasok sa paaralan dahil
walang pera at walang pamasahe. Madalas umiiyak si Pedro sa tabing ilog, at iniisip
kung papaano ang kanyang gagawin upang makatapos ng pag-aaral. Naisip ni Pedro
"Aha, pupunta ako ng bayan, maghahanap ako ng trabaho." ng pumunta ng bayan
sio Pedro, siya ay nakahanap ng trabaho bilang isang tindero sa palengke. Arawaraw siyang gumigising ng maaga at bago mag alas siyete ng umaga ay
naghahanda na upang pumasok sa paaralan at sa uwian naman ay balik trabaho
siya. Pagdating niya sa bahay, "Inay may uwi akong ulam at gamot para kay Itay."
Laking tuwa ng kanyang Ina sa mga naitutulong ng kanyang anak. Ganito na ang
naging buhay ni Pedro hanggang siya ay lumaki. Nakatapos ng pag-aaral si Pedro.
Siya ay kasalukuyang manager ng isang malaking kumpanya. Naging inspirasyon si
Pedro sa mga kabataan ngayon. Maraming tao na humahanga sa kanya.
Nakapagpatayo ng bahay si Pedro, naipagamot niya ang kanyang Itay at nabigyan
ng pinansiyal na tulong ang kanyang ina.
Ang Pag-ibig ni Rosa
Ang panahon ng kabataan ang pinaka masarap sa parte ng buhay ng isang tao. Dito
mo mararanasan ang ang maraming bagay tulad ng pakikisalamuha sa iba't-ibang
tao. Panahon na mas makikilala mo iying sarili. Ang pagbibinata at pagdadalaga, at
kung anu-anong mga bagay na ibig mong masubukan tulad ng pag-inom, ang pagattend sa JS Prom at pag-uwi ng dis oras ng gab kasama ang iyong barkada. Si Rosa
ay kasalukuyang nag-aaral bilang isang "4th year highschool", maganda si Rosa at
iniidolo ng maramingn kalalakihan. Kaklase niya si Adrian mula sila ay nasa unang
baitang pa lamang. Masyadong malapit si Rosa kay Adrian. Sila ay matalik na
kaibigan. Kilala na nila ang ugali ng bawat isa. Tampulan ng tuksuhan ng mga
kaklase nila sila parehas. Sa mga taong dumaan, nararamdaman ni Rosa na may iba
na siynag pakiramdam kay adrian. Di pa niya lubusang naiintindihan ang khulugan
ng pag-ibig. Si Adrian ay matipuno at makisig, marami ang nagkakagusto sa
kanyang mga kababaihan. At sa mga taon pang lumipas mas lalong lumalim ang
pag-ibig ni Rosa kay Adrian. Di niya alam ang kung paano ito ipagtatapat kay
Adrian. Isang gabi nagkayayaaan ang barkada, nalasing si Rosa. Inihatid siya ni
Adrian sa bahay nila. Dahil sa kalasingan at sa bigat ng nararamdaman niya kay
Adrian, di niya napigilang ipagtapat kay Adrain ang kanyang nararamdaman.
"Adrain, Mahal kita bakit ang Manghid mo?" wika ni Rosa. Di alam ni Adrian ang ang
magiging reaksiyon nito. Kinaumagaha pagapasok sa paaralan nagkakailangan ang
dalawa. Ngunit sa mga araw na dumating nagkamabutihan din ang dalawa at
naging magkasintahan. Mas lalong sumaya ang buhay pag-ibig ni Rosa.
Ang Kahalagan ng Pag-aaral
Sa Barrio ng San Carlos, kilala nag pamilya Santilyan bilang angkan ng mga
mayayaman. Kilala ang kanilang pamilya dahil sa kanilang mga negosyo. Si Romeo
Santilyan ang haligi ng tahanan, Si Hulyeta ang Santilyan ang ang kanyang kabiyak.
Mayroon na silang nag-iisang anak na si Markus. Sa kanilang kasikatan sa larangan
ng pagnenegosyo sa pagpapatakbo ng resturan, paupahan, tahian ng damit. Laging
naiimbithan sa mga pagtitipon. Sikat rin ang kanilang pamilya sa pagtulong sa mga
nangangailangan. Sabi ni Markus, sa kanyang mga kaibigan, "Maski di na ako magaral tiyak na maabot ko ang aking mga pangarap." laking pagyayabang ni Markus.
"Marami akong mamanahin mula saa aking mga magulang." Dahil lumaking
mayaman si Markus, lahat ng gusto niya ayu nasusunod, mula sa pagbili ng
mamahaling damit, sapatos, cellphone, at marami pang iba. Di niya natutunan ang
mag-ipon ng pera, l;agi lang siyang gastos ng gastos ng pera at tanbay sa paaralan.
Nagkasakit ang kanyang ama ng "Cancer". Unti-unting naubos ang kanilang
pera. Humina ang kanilang negosyo. Nagsra ang mga ito at ang perang naipon nila
sa bangko ang kanilang ginamit. Hanggang sa mamatyay ang kaniyang ama. Angf
knayang Ina naman ay matanda na upang magtrabaho. Noong mga panahon na
iyon si Markus ay 1st year college pa lamang at puro pagbabarkada ang inaatupag.
Ang kanyang Ina ay dinala na sa "Home for the Aged". Unit-unti an siyang nawalan
ng kaibigan si Markus. Dahil di natapos ni Markus ang kaniyang pag-aaral, naiisip ni
Markus na sana ay natutunan niya ang pag-iimpok ng pera nung sila ay mayaman
pa, at ang pagpapahalaga sa pag-aaral upang malayo ang marating s buhay.
Elsa. Nakakainggit nga po e, pero sabi ko naman po sa kanya na bibilhan nyo din
ako kapag nakabenta ng madaming gulay si Itay. Totoo ba yun Tay? patuloy ni tsi at
pagtatanong nito sa Tatay. Ahh e.. sige pagbubutihan ng tataysagot naman ni
Mang Tarding na may kasamang pagkabigla sa tanong ng anak. Ayan ang saya! da
best po talaga kayo tay! Sige po mag iigib na po ako pero po sa kabilang sapa na,
medyo malabo na kasi yung sa likod, isa pa ginagahan kasi ako mag-igib
e! masayang may kahalong pabida ng anak. Malabo na ba? Baka dahil yan sa
madalas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Sige mag-iingat ka paalalang
sabi ni Mang Tarding.
Dahil sa nagulat si Mang Tarding sa nabanggit ng anak tungkol sa sapin sa paa,
kaya nagkausap ang mag-asawa. Mahal, hindi mo dapat pinapangakuan ang anak
natin ng ganyan, sa kadahilanang baka hindi natin ito matupad, baka sumama pa
ang loob di ba? wika ni Mang Tarding. Alam mo namang binibigyan ko lang ng pagasa ang anak natin Tarding, sa ganoon mas lalo syang magsipag kahit pa ilang
kilometro ang nilalakbay nya makapag-aral lang paliwanag ni Aling Elsa. Haaay..
Alam mo Elsa parang gusto ko na ngang tanggapin yung alok ni Mang Isko sa itaas
ng bundok para magmina, nang guminhawa naman ang buhay natin salaysay ni
Mang Tarding. Naku Tarding, kakayanin mo ba iyon? Pag-aalalang tanong ng
asawa. Susubukan ko nang matupad naman natin yung kahilingan ng bata kahit
yung sapin man lang sa paa sagot ni Mang Tarding.
At di nga nagtagal tinanggap na rin ni Mang Tarding ang trabaho sa minahan. Kaya
laking tuwa ni Tsi isang umaga nang nakita nyang mayroong bagay nakabalot sa
tabi ng kanyang unan. Nagulat na lang siya sa kanyang pagbubukas nang nakita
nya ang isang asul na sapin sa paa. Agad nyang pinasalamatan ang kanyang mga
magulang at agad ding isinuot pangpasok sa eskwela.
Sa pagpasok sa eskwela, muli na naman silang nagkasabay ni Nel Aba Tsi!
Asensado na rin kayo ha! May sapin ka na rin sa paa masayang sinabi ni
Nel. Tama nga sabi mo, malaki nga ang kita sa minahan. Salamat sa Tatay mo
ha sagot ni Tsi. Sabi ko sayo e! Masayang tugon ni Nel.
Kasabay noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi lang ulan kundi mabilis na
pagtaas ng tubig isang mabilisang pagbaha. Naku Nel! Kailangan na nating
magmadali tumataas na ang tubig sa ilogpangambang sambit ni Tsi. Sa bilis ng
agos ng tubig sa Ilog, naging mabilis din ang pangyayari sa dalawang batang
magkaibigan. Sa pagmamadali nilang makatawid nadulas si Nel sa bato sa gilid ng
Ilog.Tsi, tulungan mo ko! nagmamakaawang sigaw ni Nel. Hindi naman
nagdalawang isip si Tsi para tulungan ang kaibigan nito. Hawakan mo kamay ko,
kumapit ka lang, huwag kang bibitaw! wika ni Tsi. Isa pang rumaragasang tubig
ang sumaklob sa magkaibigan upang kapwa sila lamunin ng tubig. Sa huli, hindi na
sila muling nasilayan maliban sa magkabilang pares ng sapin sa paa ni Tsi at Nel.
Ikinalungkot iyon ng buong baryo ng Bumod-Ok. Lalung-lalo na ang pamilya ni Tsi at
Nel. Wala silang ibang masisi bukod sa sarili kundi ang minahan na naging bunsod
ng sakuna. Nawala na kasi ang mga punong sumisipsip ng tubig tuwing umuulan.
Nadaragdagan pa ang lupa sa ilalim ng tubig mula sa pagmimina sa taas ng bundok
kaya mas lalong bumababaw ang tubig na nagiging sanhi upang maging mabilis at
tumaas ang mga agos ng tubig sa ilog.
Naging aral iyon sa buong baryo kaya gumawa sila ng paraan upang matigil at
maipasara na ang minahan. Nagkaroon naman ng ibang pagkakakitaan ang baryo
bukod sa pagtatanim, -ito ang turismo. Bumalik sa dating ganda ang ilog lalung-lalo
na ang talon ng Bumod-Ok at dumami ang turista. Naging dahilan ito upang
magkaroon ng pondo ang baryo para mabigyan ng mga sapin sa paa ang mga
masisipag na batang tulad ni Tsi at Nel ang mga batang kinuha ng kalikasan nang
madulas sa minsang pag-ulan sa baryo.
At ang mga sapin sa paang iyon ay tinawag na Tsinelas (Tsi+Nel+Dulas) bilang pagalala sa mga batang naging daan para lubos na maunawaan ng mga tao ang
delubyong pwedeng maging sanhi ng di responsableng pagmimina.
Si Mimi At ang Tatlong Bilog
Labing dalawang taong gulang na ang batang si Mimi at nasa ika-Limang baitang na
siya sa kanyang pag-aaral. Siya ang pinaka mahusay sa kanilang klase. Bata pa
lamang kasi siya ay tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang para mag-basa,
sumulat at bumilang. Kaya naman naging mahusay na siya sa kaniyang unang pag-
nadaanan niya. Tahimik siya umupo at kinuha ang isang bilog sa kanyang bitbit na
basket.
"Ano kaya ito?"
Muli niyang tanong sa kanyang sarili.
Habang pinag mamasdan ay naisip niyang ilagay sa kanyang harapan ang dalawa
pang nasa kanyang lalagyan. Humiga siya sa damuhan at humarap sa kanyang
nasa harapan. Hanggang sa makatulog siya sa kanyang posisyon.
Pahapon na ng siya ay magising,pag mulat niya ay nasa harapan pa rin niya ang
tatlong bagay sa kanyang harapan.
"Hinahanap na ako ng ina sigurado."
Pag-aalala niyang sambit.
Iiwanan sana niya ang makukulay na bilog na natagpuan niya kanina. Subalit naisip
niyang kunin na lamang ito at gawing palamuti sa kanyang silid. Nadatnan niyang
na-nanahi ng sirang bao ang kanyang ina sa harap ng pintuan. Agad siyang nag
mano at pumasok sa kanyang silid. Kasama niyang inakayat ang tatlong bilog at
inilagay iyon sa lamesita nasa tabi ng kanyang higaang kawayan. Matapos niyon ay
bumaba n siya at nagluto ng kanilang hapunan, pag-dating ng kanyang ama ay
sabay sabay silang nagsalo-salo sa hapag.
Matapos non ay nag-linis siya ng kanyang katawan at pumanhik na muli sa kanyang
silid. Nag-basa ng aklat at nag-aral sa kanyang mga aralin. Nananalagin na siya
para sa kanyang pag-tulog ng mapansin niyang muli ang tatlong bagay na napulot
sa bukiran.
Pinagmasdan niyang muli ang bagay na iyon. Inilagay sa kanyang mga kamay at
ipinatong ang isa sa kanyang sikmura. Hanggang sa mahimbing na siya.
Kalagitnaan iyon ng tulog ng bata ng magising siya. Nakarinig kasi siya ng hindi
kilalang ingay. Para iyong isang pagaspas ng malaking ibon sa tabi ng kanyang silid.
Dudungaw sana siya sa binatana ng mapansin niyang may-kakaiba sa mga bagay
na nakuha niya sa bukid. Maya liwanag kasi na nang-gagaling sa paligid nito.
Animoy parang mabibiyak. Lalong lumakas ang ugong sa labas ng kanyang silid,
kasunod nito ang isang huni na parang pito sa pandinig niya ng malaking ibon.
Napaupo siya sa isang sulok ng kanyang kwarto ng makitta niya na isang
dambuhalang ibon ang sumungaw sa kanyang bintana.
"Inay! Itay!"
Sigaw ni Mimi na may halong takot at kaba. Subalit parang hindi siya naririnig ng
mga ito. Napansin ni Mimi na nakatuon ang pansin ng malaking ibon sa mga bagay
na nasa kanyang higaan. Umiilaw ang mga ito na parang may lalabas mula sa loob
ng tatlong bagay na iyon. Humuhuni oa rin ang ibon. Lakas loob na lumapit ang
bata sa kanyang higaan dahan-dahang hinawakan ang umiilaw na bagay. Para
namang nagalit ang malaking ibon at sumigaw ito ng malakas. Napaatras si Mimi,
subalit muli siyang sumulong sa pag-lakad. Hinawakan niya ang mga ito at kinuha
ng dahan-dahan. Ganoon din ang ginawa niyang pag-lakad papunta sa ibon.
Marahan niyang inaabot ang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng malaking ibon
nkatoon ito sa hawak niya. Para namang nakaintindi ang ibon. Mula sa kanyang mga
tuka ay binit-bit ng ibon.
Mula sa kanyang silid ay marahang lumabas ng bahay ang batang si Mimi naroroon
kasi ang bata .Muli pa'y nakita ni Mimi ang napakalaking ibon na maaring sumakop
sa kanilang munting tahanan.
Tatlong maliliit na huni ang narinig ng bata. Mula sa tatlong bagay pala na napulot
niya ay may mga munting ibon na magmumula sa loob nito mabuti na lamag at
hindi niya naisipang pag-laruan ang mga iyon. Sa kanyang kinalalagayan ay muling
humarap sa kanya ang malaking nilalang at humuni ito ng marahan paharap sa
kanya.
Natuwa ang bata, ilang saglit pa'y muling kumampay ang pak-pak nito at marahang
inisakay ang tatlong maliliit pang ibon sa likuran nito. Umangat na ito sa lupa
marahang-marahan. Para namang nag papasalamat ang malaking ibon sa kanya.
Nginitian niya ito hanggang sa lumipad ito palayo ng palayo.
Naging maganda ang kinabukasan ni Mimi ng sumunod na araw ,hindi maalis sa
isipan niya ang mga pangyayari sa kanya ng nagdaang gabi. Umaasa siya na
makikita pa niyang muli ang mga nilalang na hinid nawala sa isipan niya..
Ang Inahing Manok
Sa silong ng isang puno ay mayroong isang inahing manok na nagli-limlim sa 5
itlog. Masayang-masaya ang inahing manok dahil malapit na ang pag-sapit ng pagpisa ng kanyang mga itlog. Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin ay makikita
na niya ang kanyang mga sisiw. Maging ang mga katabi niyang hayop na
naninirahan din sa malaking punong iyon ay tuwang tuwa para sa kanya.
"Sa saglit na araw na lamang ay makikita mo na ang iyong mga sisiw manok."
Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. ito na rin
ang kanyang naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon.
Ito rin ang naging katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya
ay nag hahanap ng makakain.
"Naku bibi napaka-saya ko sa aking mga itlog sana ay malulusog silang sisiw at
walang karamdaman sa kanilang mga katawan. "
Tuwang-tuwa namang sagot ng inahing manok.
Isang araw habang nag lalakad ang inahing manok sa bukid ay nakita niya na may
isang ahas na papunta sa malaking puno na tinitirhan niya kasama ang ibang mag
hayop na nandoon. Nakaramdam ng kaba ang inahing manok. Alam niya kasi na
kaaway ng lahat ang ahas na iyon. Marami na kasing tinakot na mga hayop ang
ahas. Dali dali siyang bumalik sa kanyang pugad upang tignan ang mga naiwan
niyang mga itlog, na binabantayan naman ng bibi ng mga sandaling iyon.
Tahimik naman niyang dinatnan ang ibang mga nakatira doon. Mga maliliit lamang
na uri ang mga hayop na kasama ng inahing manok. Pumasok siya sa kanyang
pugad, nakita niyang natutulog ang bibi kasama ang kanyang mga kiti na
nakapalibot sa inahing bibi.
Lulukuban na sana ng inahing manok ang kanyang mga itlog ng makita niyang nasa
likuran pala niya ang malaking ahas at nakangiting nakalabas ang matatalim na
ngipin nito. Natakot ang manok at nag-puputak ito. Nagising ang hayop na naroroon
na mga tahimik na nag papahinga. Naalarma ang lahat. Maging ang bibi ay natakot
din. Agad nilubukan inahing bibi ang mga kiti niyang takot na takot din sa malaking
ahas. Takot na takot ang lahat. Alam nilang wala silang laban sa malaking ahas na
naroroon. Hindi alam ng manok ang kanyang gagawin. Natatakot siya para sa
kanyang mga itlog, nag isip ng maigi nag manok.
Habang nag i-isip itoy biglang nag sungit ang panahon. Bumuhos ang malakas na
ulan. Lalong natakot ang inahing manok habang ang ahas naman na kanina pa
lumiligid sa kanila ay lumapit pa sa pugad ng inahin. Hin di naman hinayaang
makalapit ng inahin ang ahas, Sa halip ay hinampas niya ito ng papak sabay ng pag
kahig. Maging ang bibi ay tumulog din sabay nilang pinag tulungan ang ahas na
niya ito at nakalagay na lamang sa isang kubo , kung saan din niya nilalagay si
Ameng, ang kanyang bagong kabayo. Sa edad na dalawamput pito ay binata pa rin
si Karding. Wala kasi siya matipuhan sa kanilang lugar. Gayunman ay ayos lang sa
kanya. Mahirap daw kasi ang buhay at kailangang pagipunan muna at mag handa
sa pag-aasawa.
SA tagal ng kutsero ni karding ay alam na niya ang laht ng mga bagay na maari
niyang gawin upang mag karoon ng madaming pasahero . Isa na dito ang pagiging
mabait sa mga tao. Maasikaso at magalang. Subalit may isa lamang na hindi
kaayon ayon sa kanyang gawain. Kahit hindi naman maari ay kanyang ginagawa.
Isang turistang dayuhan ang nais sumakay sa kanyang karwahe ng araw na iyon.
Maaga pa lamang kasi ay handa na siya upang mag hanap buhay. Maaga siyang
gumising upang maaga din siyang makahapon sa kanyang tahanan at maagang
makapag pa hinga.
"Maari bang makisakay sa iyong kutsero iho?"
Wika ng matandang babae. Sa itsura pa lamang nito ay malalaman ng hindi ito taga
roon mula sa kanilang bayan. Makinis ang kutis nito, maganda ang kasuotan, at
maganda ang tindig. Propesyonal ito sa kanyang paningin. May edad man ay hindi
naman halata sa kanyang dating.
"Sige ho"
magalang niyang sagot sa pasahero.
"Saan ho ba tayo?"
Tanong niya sa babae.
"Nais kong dalhin mo ako sa magagandang pasyalan dito sa inyong lugar. Bago
lamang ako dito at nais kong maiba ang aking paningin. "
"Naku wala hong problema."
Sambit naman ng lalaki.
Inaalayan niya itong makasakay mula sa kalesa. Maingat ang knayang ginawang
paghatak sa lubid na kumokontrol sa babae. At ilang saglit pa'y lumalakd na sila.
"Marami hong magagandang lugar dito sa aming nayon"
Nakangiti niyang panimula sa Ale, habang nililingon niya ito mula sa kanyang
likuran.
Ngumiti naman ito sa kanya.
"Ang ama ko ho ay dating kapitan sa pook na ito, nag simula ho akong maging
kutsero ng yumao ang aking ama. "
Ano ito? Mali ang kwento ni Karding? Hindi naman na ito kataka taka, dahil isa ito sa
asal na hindi na nabago simula ng siya ay naging kutsero. Marami ang nakakakilala
sa kanya dahil sa kanyang mga gawa gawang kwento at walang katotohanan.
"Kilalang kilala ho ako rito. Oras na sambitin ninyo ang aking ngalan ay agad ho
akong makikilala"
Dugtong pa niya.
Tuwang tuwa lamang ang kagalang galang na ale mula sa kanyang likuran habang
Ayon sa mga matatanda lahat ng bagay daw na ginagawa ay may katapat na bagay.
Mabuti man o masama.
Isang matandang ermetanyo ang naglalakad ng araw na iyon . Papunta sa hindi
alam kung saan. Aksidente naman itong madadaanan ni Karding. Nakasuot ang
matanda ng sira sira at aduming kasuotan. Ang suot na sapatos nito ay butas sa
ilalim at ang sumbrero nito at nangungutim sa kadumihan. Sa anyong iyon ng
matanda ay nahabag ang matagal ng kutsero.
"Sakaya na ho kayo tatang, at madala ko kayo sa inyong paroroonan. "
Subalit tinignan lamang siya nito mula ulo hanggang paa. Animo'y sinusuri ang
kanyang itsura.
"Ah, dadalhin ko ho kayo sa inyong tirahan."
Pag mamagandang loob niya dito. Subalit hindi niya inaasahan ang sumunod na
sambit ng ermitanyo. Bumulong ito sa hangin at maya maya pa'y nanghina na
lamang ang kutsero at bumagsak sa lupa. Huling nakita na lamang niya ay ang pag
layo ng matanda.
Masakit ang ulo ng magising si Karding. Nakaramdam siya ng kagat ng lamok ng
siya ay bumangon. Nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ng
matandang nais niyang pag magandahan ng loob. Inikot niya ang kanyang mga
mata.
"Salamat naman at nandoon pa rin ang kanyang kabayo at ang karwahe nito.
tahimik na kumakain ang kanyang kabayo. Tatayo sana siya ng mapansin niyang
mabalahibo ang kanyang kamay. Dahan dahan niyang sinalata ang kanyang
katawan. Mula sa kanyang mga kamay nagulat siya ng makita niyang iba na ito.
Wala ang kanyang limang mga daliri, at mga kuko nito. Nagulat siya ng mpansin
niyang maging ang kanyang mga paa ay katulad din ng kanyang mga kamay.
Animoy nakasuot siya ng makapal na sapatos ang kulay kayumanggi niyang
mabalahibong kamay ay nakalapat sa lupa. Nakaramdam ng uhaw ang binata. Malui
siya tumayo. Tumayo na nakalapat ang parehas niyang mga paa sa lupa. Iinom siya
sa ilog ng makita niya ang kanyang sarili. mula sa repleksyon ng tubig.
Napaatras siya at muling bumalik sa harapan ng tubig. Hindi siya maaring
magkamali, hindi niya anyo ang nasa kanyang harapan. Mahaba ang mukha, may
buhok sa likuran ng ulo. Mbalahibo ang kanyang katawan. Isang Kabayo. Tama isa
nga itong kabayo. Naging kabayo si Karding, hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Natulala siya at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Umiiyak na siya,
"Ano ito? Anong nangyari sa katawan ko? Bakit ako naging kabayo? Huhuuh"
Tanong niya sa kanyang isipan.
Lumalalim na ang gabi. Kailangan na niyang umuwi. Nandoon pa rin ang kanyang
kabayo. Tinawag niya ang kanyang alaga. Subalit walang lumalabs ng letra sa
kanyang mga bibig. Tanging huni lamang ng isang hayop ang lumalabas sa kanyang
bibig. Lumapit naman ito sa kanya. Patakbo pa ang ginawa nito sabay hinto ng
malapit na sa kanya ang hayop.
Palakad na ang dalawang hayop ng may narining si Karding na pulotong ng isa pang
kabayo. At tinig ng isang lalaki.
"Hiyyaaaaa"
Sigaw nito. Maganda ito para kay Karding ay makakatulong nrin sa kanya sa wakas.
Nakita sila nito.
"Whoaa, Ano kayang ginagawa ng mga kabayong ito dito? Hindi bat kay Karding na
mapangimbento ang isang hayop na ito? "
Parang nanliit si Karding sa kanyang narinig. Hindi niya kilala ang lalaki at hindi rin
niya ito mukha. Kinuha ng lalaki ang lubid hintak nito ang Alaga ni Karding na
kabayo. Hindi sana siya susunod dito, nanghinayang lamang siya sa kanyang alaga.
Binigyan sila Karding ng pag kain. Tubig at silungan. Subalit hindi siya kumakain ng
damo, wala siyang nagawa kundi ang tiisin na lamang ang gutom para sa gabing
iyon. Tinitignan lamang siya ng ng ibang hayop na naroroon at tahimik na
kumakain. Sa laki kasi ng lugar na kanilang pinuntahan kay daming hayop din ang
naninirahan doon.
"Kumain kana."
Kinagulat na gumising sa kabayong si Karding. Walang tao na naroroon tanging mga
kabayo, baka , kalabaw at ibang hayop lamang ang tangi niyang mga kasama. Si
Ameng pala ang nag salita.
Parang nahihiya namang mag salita ito dito. Wari niya'y parang dapat nalang niya
itong itago.
"Huwag ka ng mahiya sa akin. Kaibigan mo ako't hindi ka dapt mag-alangan."
Nakangiti naman nitong banggit sa kanya.
"Ahm, kasi ano.,"
Namumulang panimula ng Dalagang pusa.
"Nag tataka lamang ako kung bakit sa tuwing kasama ko si Pgong may
nararamdaman akong kakaiba mula sa aking dib dib. "
Imbis na payuhan ay tumawa ang Aso at tumingin ito sa kanya na sobrang saya at
hindi maintindihang ibig sabihin.
"Kasi nag mamahal kana."
"Anu yon?"
Tanong niya dito.
"Iyon ang nadarama namin ng asawa ko. Masaya kami kasi parehas naming
nraramdaman yon. Pero ang sa iyo. Nagkibit balikat na lamang ang Aso at hindi na
kumibo. "
Hindi nakapunta sa ilog ang Pusa ng boung araw na iyon. Hindi kasi siya makalabs
dahil sa sama ng panahon. Subalit na gulat na lamang siya ng makita nyang may
nag lalakad na papunta sa kanya. Habang siya ay nakatanod sa pintuan ng kanilang
tirahan. Hindi siya nag kakamali . Si Pagong nga iyon. Papunta sa kanya. Palapit
iypon ng palapit sa kanya. Kasabay naman ang magkahalong tuwa at pananabik.
Kabog sa dibdib at ligaya.
"Kamusta ka?"
Masaya nitong bati sa kanya. Nakangiti ito ng sobra. Ganito din naman ang bungad
nya dito nakangiti rin siya dito.
"Mabuti naman. Ikaw kamusta kana? Halika. Pumasok ka. "
Anyaya niya dito sa loob ng kanilang tahanan.
"Naku hindi na . Kinamusta lamang kita. Nalungkot kasi ako at hindi ka makapunta
sa ilog ngayon,"
"Masama kasi ang lagay ng panahon. Pasensya kana ha?"
"Ayos lang, masaya na ako't nakita kita. "
Masayang dugtong pa nito.
Sa ganitong paraan lalong napalapit ang loob ni Pusa sa Pagong. Pakiramdam niya
ay lalong siyang nahuhulog dito at hindi na niya ito makontrol.
Isang araw masayang nag uusap ang Dalawang hayo sina Pagong at Pusa, Hindi nila
namalayan ang pag mamasid ng pangalawa sa pinakamataas ng hayop sa gubat. Si
Kwago! Nakadapo pala ito sa isang puno kung saan kitang kita ang bawat hayop na
nasa ilog at nasa tabi nito.
Nagulat ang lahat sa nabalitaan nila. Nakarating ito sa ibang mga hayop. Sa mataas
na hayop. Maging kay Haring Leon ay nakarating na rin ito. Ipinag babawal sa batas
ng Kagubatan ang pag- patol sa hindi mag- kauring hayop kapag napatunayan ito.
Maaring paalisin at palayasin siya sa gubat . Oras na mag kasala. Hindi iyon
maganda sa pandinig ng kapatid ng lalaking Pusa. Kapatid nya kasi mismo ang usap
usapan sa buong kagubatan. Pag kadatin na pagkadating nito'y isang kalmot ang
tumama sa mukha ng babaeng pusa. Napasimangot ito sa sakit.
"Alam mong bawal na bawal ang pakikipag mabutihan sa hindi natin kauring hayop.
At maari kang mapaalis oras na malaman ito at napatunayan. !"
Pasigaw na wika ng Lalaking Pusa.
Hindi na nakakibo ang babaeng Pusa sa halip ay tumalikod ito at humiga na lang sa
isang sulok.
Masama ang loob ni Pusa. Kinagabihay. Dali-dali syang pumunta sa ilog upang
hanapin si Pagong. Subalit hindi niya inaasahan ang makikita niya. Si haring Leon
ang nandoon. Nakita siya nito. Akmang tatakbo siya palayo ng harangin siya nito.
"Saan ka pupunta Pusa?"
Malaking boses na tanong nito. Nanginig ang katawan ni Pusa at sumagot.
"Dadalawin ko lamang poa ng kaibigan kong si Pagong. "
"Simula ngayon ay hindi kana maaring mag-punta at sumilip sa ilog na ito. Oras na
maulit pa ito'y paalisin ko kayong dalawa mula sa kagubatan na ito.'
Nalungkot ang Pusa at Pagong sa pangyayaring iyon. Hindi nila iyon inaashan na
mangyayari. At iyon ang isa sa mga kinatatakutan nila sa kanilang biuhay.
Subalit hindi sila sumuko. Sa isang liblib na lugar ng kagubatang iyon ay palihim
muling nag kikita ang dalawa. Kahit na mahirap para kay pagong iyon dahil sa uri
ng kanyang pagkilos ay kinakaya niya para lamang makita niya ang pinaka
mamahal niyang Pusa. Doon ay tahimik silang nag kikita at palihim na nag uusap.
Tanging ang inahing aso lamang ang naging katuwang ni pusa para sa pagkikita
nila. Naiintindihan kasi ito ng aso. Kahit na bawala at kahit na hindi maaari at
makakabuti sa kanila. Ninais pa rin nito, sapag kat alam niya ang nag mamahal.
"Ayokong mawala ka sa akin Pagong."
"Ayoko din mawala ka sakin pusa. Mahal na mahal kita't hindi ko makakaya oras na
mawala ka sakin. "
Minsang pag uusap nila sa pag tatagpo nilang iyon.
Kahit sa ganoong paraan lamang ay masaya pa rin sila. Kahit na lihim ito ,hindi pa
rin sila nag papadaig sa iba. Pinapakinggan pa rin nila ang tibok ng knailang mga
puso at damdamin. Nahihirapan ma'y patuloy pa rin sila. Dahil iyon sa sobrang pag
mamahal na nanaig sa knailang mga damdamin. Umiiyak na lamang ang Pusa
tuwing maaalala niya ang knailang napakahirap na sitwasyon .Tangi si Pagong na
lamang ang knayang nagiging lakas para mag patuloy ang kanilang pag
mamahalan sa isa't-isa.
Nagpatuloy ito ng nagpatuloy. Lalong lumalim asila sa isat isa. Kahit na minsan hindi
na nila kinakaya basta't iniisip lamang nila ang kanilang minamahal ay lumalakas pa
rin sila. Subalit hindi parin talaga maari ang kanilang mga nais.
Minsan ng minsang magkikita ang dalawa sa knailang tagpuan ay sinundan ang
Pusa ng kanyang nakatatandang kaptid. Bawat kilos nito ay hindi pinlampas.
Hangaang sa makarating ito sa kanilang tagpuan. Dali-dali namang tinwag ng Pusa
ang Leon. Ilang saglit pa'y nanduon na rin ang pagong ngunit. Nahuli sila. Nakita ng
pagong na nakagitna sa dalawa ang pusa. Bigla na lamang syang dinakma ng leon.
Dali naman siyang pumasok sa kanyang proteksyon upang hindi masaktan.
"Ito na ang huling pag kikita nyo dahil ikaw Paging. Ay hahatulan na makulong.
Hindi na kita papapalisin sa kagubatang ito dahil hiling iyon ng pusang lalaki.
Kapalit noon ay pag ka bilanggo at ang pagf puputol ninyo ng ugnayan ng pusang
ito."
Nakakatakot na sabi ni leon. Sabay alis habang kagat kagat ang Pagong. Iniwan ng
lalaking Pusa ang knayang kapatid. Ginawa niya iyon para lamang ma- protektahan
ang kanyang nakababatang kapatid mula sa pag papalayas sa kagubatang kanilang
tinutuluyan. Mahirap mag hanap ng tahanan. Katulad ng nagyari sa kanila bago sila
mapunta sa lugar na ito.
Tumulo na lamang ang luha ng dalaga at umiyak na lamang ito ng umiyak.
Pag- uwi'y hindi nag deretso sa bahay ang babaing Pusa sa halip ay pumunta ito sa
bahay ng aso.Upang makipag usap sa inahing aso. Umiiyak siya habang nag sasaad
ng mga nangyari ng sandaling iyon. Malungkot ang Aso para dito. Naiintindihan niya
ang nasa saloobin niya. Alam niyang mahirap talaga ang kanilang sitwasyon subalit
nauunawaan din naman nito ang nakakatandang kapatid. Nalala tuloy ng Inahing
Aso ang nangyari noon. Ang katulad ng pagmamahalan ni Pagong at Pusa. Noong
siya ay bata pa lamang at wala pang masyadong alam.
Nagmamahalan din sina Ibong Maya at Dagang . Madalas kasi itong mag kasama sa
pangunguha ng pag kain at pamamasyal sa gubat. Nalaman din iyon ng mataas na
antas ng hayop. Sina Leon at Kwago. Pinaalis nila si Daga subalit sinundan ito ng
Ibong Maya. Ang huling balita nila noon ay namatay ang daga dahil sa gutom sa
labas g gubat at napatay naman si Ibong Maya dahil sa isang taong naghuhuli ng
mga hayop sa gubat.
Ayaw iyon mangayari ng kapatid ni Pusa sa kanya kaya gnaun na lamang ang pag
protekta nito dito. Lumipas ang marmaing araw. Walang maisip na paraan ang
dalawa hanggang sa maisipan ng Pusa na pumuslit at makita man lang si Pagong sa
kulungan ng haring Leon.
Maraming nakabantay sa labas. Sari-saring hayop iyon. Nandoon din si kwago at si
Haring Leon. Katabi nila ang Ibong Loro na tahimik na nag mamasid at gumagala
ang paningin. Isa ito sa pinaka kinatatakutan nilang banaty dahil kakaiba ito sa
lahat ng hayop. Kumuha ng tyempo ang pusa para makalusot sa mga nag babantay
n mga hayop doon. Inabot siya ng mahabang oras subalit hindi siya napgod sa
kahihintay. Hanggang sa dumilim. Unti-unting nawawala ang mga bantay na hayop.
Nababawasan na ang mga ito. At hanggang sa makatulog na ang Loro. Nawala na
rina ng hari dahil ito ay bumalik na sa kanyang tahanan , maging ang Kwago ay
ganun din. Nakapasok ang Pusa. Dahil sa tahimik niyang pag lalakad at magaang
kilos ay napasok niya ang kulungan.
Hayun nakita na niya Ang pinakamamahal niyang Pagong. Matahimik niya itong
tinawag.Tuwang tuwa naman itong lalapit na kanya. Niyap niya ang Pagong sa
sobrang pag ka sabik. Umiyak siya. Hindi niya makontrol ang sarili sa harapan ng
Pagong. Ganun din ang Pagong. Malungkot na may halong tuwa ang kanilang
nadadama . Malungko dahil ang hirap ng lagay nila. Masaya sapagkat muli silang
nagkita.
Patago pa rin ang ginawa nila upang hindi mahalata ang pag puntang iyon ng pusa.
Ligtas naman itong nakalabas at nakabalik sa kanyang tahanan. Masaya itong
ibinalita ni Pusa sa Inahing Aso. Masaya naman ito sa nalaman. Naging kakampi na
rin niya ito at naging kunsinti para lamang sa kanya. Inilahad niyakung paano siya
nakapsok at nakalabas sa kulungan. Sa wakas ay mababawasan na rin ang kanyang
pag aalala sa kanyang minamahal na hayop. Kahit saang anggulo tignan ay
sadyang mahirap. Mali na kung mali sa paningin ng iba. Subalit, prara sa dalawang
nilalang na nag mamahalan .Hindi na iisipin ang mali at tama mahalaga ayang
kaligayahan sa piling ng isa't isa. Maipakita lamang na mahal talaga nila ang
nagpapakumpleto sa sandali ng buhay nila.
Mula sa labas ay nakatanaw ang pusa mula sa tanawin na makikita malapit sa
kanilang tahanan. Tahimik ito at nag-iisip ng malayo sa kuryosidad. Hindi na niya
namalayan na nasa tabi na pala niya ang kanyang nakatatandang kapatid . Katabi
na pala niya ito't pinakikiramdaman lamang siya.
"Mahal kita kapatid ko"
Iyon ang bumasag sa oag iisip ng dalagang pusa ng mga sandaling iyon.
"Ayaw ko lamang na ikaw ay mapahamak. Kaya ginagawa ko ang mga bagay na
iyon. "
Dugtong pa nito. Samantalang siya ay tahimik lamang na nakikinig at nakitingin sa
malayo.
"Ikaw na lamaang ang nag-iisang kayaman ko sa mundo. Kaya nais kong maging
mabuti ang lagay mo sa lahat ng oras."
Bigla na lamang tumulo ang luha ng kuya niya at napatingin siya dito.
"Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sa piling ko. Hindi ko na kakayanin
pa kung pati ikaw kukunin nila sa akin. Wala na tayong magulang . Ikaw na lang nag
papalakas sa akin. Ayoko ng mawawala kapa."
Sabay talikod ito sa kanya. Hahabulin sana niya ito, ngunit na huli siya nakalyo na
ito dahil mabilis na itong tumakbo. Naiwan siyang nag-iisa doon at naguguluhan.
Naguguluhan siya dahil mahal niya ang kuya nya ayaw niyang mawalay dito, subalit
ayaw din niyang mawalay sa kanyang pinakamamahal na pagong.
Wala na siyang nagawa kundi hintayin na lamang ang pag uwi ng kanyang
nakatatandang kuya . Hindi kasi niya alam kung saan ito nag punta at anung oras
babalik. Ngunit pahapon na'y wala pa rin ito. Inisip tuloy niyangsundan ito at
hanapin kung saan man ito naroroon. Lumabas ang pusa para hanapin ang kanyang
kuya . Pinuntahan niya ang madalas nitong puntahan ang puno ng nara na nasa
gawing gilid ng kagubatan. Subalit wala ito doon. Pinuntahan niya sa kaibigan
nitong kalapati. Subalit bigo pa rin ito. Wala pa rin ito doon. Wala siyang nagawa
kundi ang umuwi na lang at bumalik sa kanilang tahanan.
Habang nag lalakad siya pauwi ay hindi niya maiwasan ang mata na tumingin sa
mga hayop na nakamsid sa kanya. Animo'y inuuri siya nito at minamaliit.
Nakayukong nag lalakad ang pusa at sabay patakbong nag madali. Pag dating niya
sa bahay ay inabutan na niya ang kanyang kuya. Tahimik lamang ito at hindi
kumikibo.
"Kuya pasensya kana. Hindi ko lamang makontrol ang bugso ng damdamin ko.
Mahal ko si Pagong , alam kong bawal subalit hindi ko siya kayang mawala sa akin. "
Pag-uuna niya dito.
"Naiintindihan kita kapatid ko kaya nga hinayaan kita ng patago kang pumunta sa
kulungan ng mga nag kasala sa kagubatan."
Nagulat siya dito at niyakap niya ang kuya niya. Nauunwaan siya nito. Umiyak siya
ng umiyak. Niyakap siya ng kuya niya.
"Patawarin mo ako kuya. "
Nasa ganoong sitwasyon sila ng biglang may narinig silang mga pag putok.
Maingay, nakakatakot nakakagimbala sa lahat.nagulat ang mag kapatid. Napalabs
sila pati na rin ang mag asawang aso. Nakita nila ang isang grupo na may dalang
mga liwanag papunta sa kagitnaan ng kagubatan kung saan naroroon ang
kanayang pinakamamahal na pagong! Bigla siyang nakarmdam ng panganib.
Naalarma naman ang lahat ng hayop na naroroon lahat sila ay natakot.
Mabilis na tinungo ng Pusa ang gitna ng kagubatan . Hindi na siya nag paalam pa sa
kanyang nakatatandang kapatid. Alam niyang hindi siya nito papayagan. Subalit
nagulat siya ng nasa likuran pala niya ito at sumusunod sa kanya. Ikinagulat niya
iyon. Sa kabila nito ay masaya siya. Dahil sa ginagawa ng kanyang kapatid na lalaki.
Nakarating sila sa gitna ng kagubatan. Walang ng masyadong hayop na naroroon.
Maging ang Leon Kwago Loro at ibang matataas na antas ng hayop ay wala na rin.
Tanging naiwan ay ang mga nakabilanggong hayop kasama na si Pagong. Dalidaling nag punta ang mag-kapatid na Pusa sa kinalalagyan ng pagong . Itatakwa
nila ito upang hindi mapahamak. Hindi nila alma ang kanilang gagawin. Palapit na
ng palapit ang mga nilalang na may dalang maliwanag na bagay at maiingay sa pag
lalakad. Sa wakas nakatakas na ang tatlo subalit nagulat sila ng masulubong nila
ang isang tao! May hawak itong apoy at sa kabilang kamay nito ay mag nakahawak
ng parang isang matigas na bagay. Wala silang ideya kung anu iyon. Patakas silang
tumalon. Si Pagong naman ay marahang nag lakad. Dahil madilim hindi siya
masyadon kita, hindi katulad ng mga kapatid na Pusa na puting puti ang mga
balahibo.
Tumalon ang magakapatid subalit.biglang tumunog ang hawak ng tao sa kanyang
kamay. Malakas ang tunog niyon. Nakakabingi, nakakatakot. Naalarma ang Pusa.
Napalingon siya, dahil nakita niyang bumasak ang kaniyang kapatid. Ang kapatid
niyang babae, bumagsak! Babalikan sana iyon ng lalaking Pusa subalit. Akmang
sasaktan siya ng tao nakatalon naman na ito. Ilang oras pa ang lumipas. Nakita pala
ng pagong ang mga pangyayari. Nilapitan niya ang pusa. Naghihingalo na itong
subalit nakuha pang magsalita.
"Ma-ha-l n-a mah-al ki-ta Pa-g-ong"
Pa-putolputol nitong salita sa pagong Habang iyak naman ng iyak ang pagong. Hindi
niya alam kung ano ang nangyayari sa pinakamamahal niyang pusa. Tanging alam
lamang niya ay nasasktan ito at nahihirapan.
"Wag kang bibitaw mahal na mahal kita , huhuhuh!."
"Pa-ki sabi- sa ku-ya k-o maha-l k-o sy-a."
Pumikit na ang Pusa at hindi na nakapg salita. Pinipilit itong gisingin ng Pagong
subalit hindi na ito gumagalaw. Wala na siyang nagawa kundi umiyak na lamang at
yakapin ang pinakamamahal niya.
Dumating ang umaga hindi umaalis ang pagong sa tabi ng pusa. Dumating ang
kapatid nito. Lumapit ito sa nakakababatang kapatid at niyakap ito. Malamig na ang
kanyang katawan. Hinidi na ito humihinga at hindi na rin ito kumikibo. Tanging
bakas na lamang ng dugo ang makikita dito. Napahagul-gol na lang ang
nakatatandang pusa. Naawa siya at nag sisisi sa sinapit ng kaniyang kapatid.
Habang ang Pagong naman ay malungkot at hindi na lang matanggap ang nangyari
sa kanilang minamahal...
Si Mila At Ang Nuno
Nag-lalaro si Mila sa bakuran ng kanilang bahay isang hapon na iyon. Kahit mag-isa
lamang siya at walang kalaro masaya pa rin siya. Wala kasi siyang kapatid na
pwede nyang makalaro at makasaya. Subalit sabi ng kanyang ina ay hindi na siya
mag kakaroon ng kapatid dahil wala na siyang ama. Ang ama niya ay pumanaw
noong siya ay sanggol pa lamang. Inatake daw ito ng mabangis na hayop kaya hindi
na niya ito naabutan ng siya ay lumalaki na.
Tanging ang mga halaman at hayop na alaga nila ang mga nakakalaro niya arawaraw. Araw-araw din ay nag umaalis ang kanyang ina para magtrbaho sa bayan.
Tanging siya lamang ang naiiwan na mag-isa sa kanilang bahay para mag bantay at
mag asikaso dito. Nakatira sila sa gitna ng kabundukan, madalang ang mga bahay
pati na rin ang mga tao na naninirahan doon.
"Mila anak, huwag na huwag kang lalabas ng ating bakuran kapag umaalis ako. At
huwag kang pupunta sa mataas na bahagi ng kabundukan marami kasing hayop na
mababangis ang nandoon at baka saktan ka nila."
Laging paalala ng kanyang ina bago ito umalis. Ng hapong habang siya ay nakaupo
sa harap ay isang maliit na boses ang kanyang narinig galing sa mga halaman na
nasa harapan niya. Dahil sa murang isip niya, hinanap niya ang maliit na boses na
nag salita at tumawag sa pangalan niya. Hinawi niya ang mga halaman na nandoon
at nagsimulang igala ang kanyang paningin. Bigala siyang napaatras ng bumungad
sa kanya ang isang maliit na taong kasinlaki lamang ng kanyang hintuturong daliri
sa kamay. Naksuot ito ng kulay pulang maliit na damit, maliit na kulang itim na
sapatos, at maliit na sumbrerong matulis sa dulo na kulay pula din.
"Wag kang matakot. Ako si Berto"
Wika ng maliit na nilalang sa kanyang harapan.
"Ako ay matagal ng nag babantay sa iyo dito, lgi kita pinapanuod habang ikaw ay
nag lalaro. "
Dugtong pa nito.
Imbis na matakot ang bata. Ay hinarap nya pa ito. Inuri niya na parang tumitingin
ng isang di kilalang maliit na bagay.
"Ako si Mila. sampung taong gulang."
"Kilala na kita. Matagal na kitang kilala. Subalit ako ngayon mo lang ako nakilala,
dahil ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Ako ay isang nuno. Naawa kasi ako sa iyo.
Wala kang kalaro. Nais ko sanang makipag laro sa iyo."
Nakangiting wika ng nuno.
"Sabi ng nanay ko wag daw akong makipag usap sa mga estranghero. Baka daw
kasi mapahamak ako kung hindi ko kilala ang tao."
"Subalit hindi naman ako isang estranghero. Matagal na kitang kakilala. Kahit ako ay
ngayon mo lamang nakilala. "
Naglaro ang bata kasama ang nuno. Tuwang-tuwa siya habang ang maliit na tao ay
nag ku-kwento sa kanya ng mga nakakatawang bagay, Nagtatalon talon ito sa
harapan niya at umaarteng gaya ng isang artista sa entablado. Natapos ang araw
na iyon ni Mila na masaya, nag karoon siya ng bagong kaibigan at kalaro. Ilang
saglit pa'y dumating na ang kanyang ina, sinalubong niya ito at sabay humalik sa
kamay. Ganoon lamang ang kanilang buhay sa araw-araw ng dumadaan sa kanila.
Kinabukasan ay maagang nagising ang ina ni Mila para mag-luto ng kanilang
agahan sa umagang iyon. Maaga kasing aalis ito paara mag punta sa bayan at
maghanap buhay muli. Ginising na nito si Mila at sabay na silang kumain sa hapag.
Ilang saglit pay nag paalam na ito sa kanya at lumakad na. Maya-maya'y sumulpot
si Berto sa kanyang harapan. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya.
"Kamusta ka Mila. ? Halika't bilisan mong kumain. Maglaro na tayo sa labasan. "
"Naku mag lilinis pa ako ng bahay, binilin nya kasi iyon sa akin. Bago daw ako mag-
nabubuhay sa mundo ay wala parin siyang nakikilala ni wala siyang ideya kung ano
ang itsura ng tunay na tao. Narinig lamang niya iyon sa isang tikbalang na nakakita
daw ng tao sa isang kakahuyan nuong bata pa lamang siya. Simula nuon ay ninais
na niyang makakita ng tunay na tao.
Ang kaharian ng mga engkanto na gaya ni Wana ay sa likuran ng mga punong
malalaki at walang nkakapasok na kahit anong nilalang na galing sa labas ng
kanilang kaharian o kahit anong nilalang na may isip na galing sa gubat. Maganda
sa kanilang kaharian , masaya , walang problema. Ang lahat ng engkanto ay mag
kakasundo at masayang nag lalaro. Subalit ang engkantong si Wana ay nag nanais
ng kakaibang karanasan. Nais niyang lumabas sa kanilang kaharian at makita at
makakilala ng mga tao.
"Naku hindi kaba masaya dito sa ating kaharian Wana?:
Minsang tanong nga kaibigan nitong si Yumi, isa ring diwata.
"Masaya, kaso nag sasawa na kasi ako dito sa ating kaharian."
Sagot niya dito na walang kagatol-gatol.
Isang gabi habang nagpupulong ang pamilya ni Wana kasama siya at mga kapatid
niya. Ay nasambit nya sa kanyang ama na nais niyang lumabas ng kaharian at
makakita ng tao. Hindi niya inaasahan ang pag sagot nito sa kanya ng tinanong niya
kung maari ba.
"Hindi maari! Hindi mo ba alam na masasama ang mga tao at mapanakit sila sa
katulad nating mga engkanto? "
Ikinagulat ito ng diwata at hindi na lamang kumibo , subalit sa kanyang utak at
isipan ay hindi pa rin iyon naalis. Narinig niya noon na mababait daw ang mga tao
at hindi nanakit. Subalit bakit ganun ang sinabi ng kanyang amang engkanto?
Sa mga panahon at araw na lumilipas ay lalong nanabik ang diwata na makalabas
sa kanilang kaharian.
Naglalakad ang dalagang engkanto isang araw sa isang masukal na daanan upang
kumuha ng prutas at pagkain na dadalhin niya sa kanilang tanahan ng isang
mangkukulam ang nakasalubong niya at tinitigan siya nito ng matagal. Napahinto
siya sa pag lalakad at tinanong ang matanda kung bakit siya nito tinitignan. Subalit
iba ang sinagot nito sa kanya.
"Matutulungan kita sa pangarap mo. Kaya kong ibigay sa iyo ang daan upang
makalabas dito sa ating kaharian at makakilala ng mga tao na pinapangarap mo. "
Nagulat ang magandang diwata at nag tanong siya sa matanda.
"Paano nyo po nalaman iyon?"
Tumawa lamang ito at nag salita.
"Ang tahanan kpo ay nasa dulo ng gulod na iyon maari mo akong puntahan para
akin kitang matulungan."
Isang kisap lamang ay nawala na ito sa kanyang paningin. Dali dali na lamang
umuwi ang diwata sa kanilang tahanan at hindi na kumha ng pagkain.
Matagal na pinag isipan ni Wana ang pag punta sa bahay ng mangkukulam na
nakatira sa gulod. Nabuo ang kanyang desisyon na puntahan iyon. Naglalakad na
siya papunta roon ng makadama siya ng panlalamig sa katawan. Subalit hindi niya
iyon pinansin. Hanggang sa makarating siya sa gulod. Nakita niya ang munting
Padilim na subalit lakad pa din siya ng lakad. Gutom na gutom na sya subalit
walang pag kain siyang nakikita. Sa sobrang pagod at gutom na nararamdaman
niya ay nanghina siya at bumagsak sa tabi ng isang puno.
Nagising na lamang siya na nakatutok ang muka ng isang bata at isang matandang
babae sa kanya. Nakangiti ang dalawa sa kanya. Animoy nakikipag kaibigan sa
estrangherong hindi nila kakilala. Nginitian siya nito. Nagsalita ang matanda. Subalit
gaya ng nauna hindi rin niya ito naintindihan. Binigyan siya ng bata ng isang bagay.
Alam niyang bunga iyon ng punong kahoy. inamoy niya ito at dahan dahan niyang
kinagat. Kinain niya iyon at naubos niya ang binigay pa ng matanda sa kanya.
Matahimik siya ng bigla siyang kalabitin ng matandang babae. Nakangiti ito at nag
salita. Nagulat siya ng mag salita ito ng katulad ng kanilang lengwahe.
"Anong pangalan mo diwata?"
Tanong nito
"Wana po."
Kinuwento ng diwata kung paano siya napunta sa mundo ng mga mortal at kung
bakit siya nag punta dito. Lumongkot ang mukha ng matanda at humarap ito sa
kanya.
"Isa din akong diwata kami ng apo ko ay nakatira sa kaharian na pinaggalingan mo
din.Subalit umalis ako doon upang sundan ang aking yumaong anak dito. "
Lumongkot din ang mukha ni Wana. Nauunawaan niya nag matanda.
"Hindi maganda ang naging trato ng mga tao sa katulad nating engkanto. Muntik na
kaming mpatay ng mga tao. Mabuti na lamang at may natitira pa akong
kapangyarihan noon . Humina ng humina ang aking katawan simula ng umalis ako
sa kaharian. Sa ngayon ako ang katulad na lamang ng isang mortal. Subalit ninanais
ko pa rin na masilayan ang kaharian na aking pinaggalingan. "
Nakaramdam ng pagsisi si Wana hindi na sana niya ninais ang ganito. Lumipas pa
ng lumipas ang panahon., Nasa lugar pa rin ng mortal ang diwatang si Wana.
Nakakaramdam na siya ng panghihina. Nasa labas ng bahay si Wana ng bigla na
lamang may bumato sa kanyang ulo dahilan upang bumagsak ito. Nakita niya ang
isang lalaki na papalapit sa kanya may hawak itong matalim na bagay at patutuko
sa kanya..Kahit nanghihina ay dali daling siyang bumangon at nag tatakbo siya
paloob sa bahay ng matanda. Umiiyak ang diwata. pinag babato ng tao ang bahay
na pinag tataguan nito. Takot na takot ang diwata. Nawala na ang ingay sa labas.
Nawala na rin ang lalaking nais siyang saktan. Dumating ang matanda at yumakap
siya sa lola. Nais na niyang bumalik sa kanilang kaharian. Ayaw na niya sa mundo
ng mga mortal . Ayaw na niyang mag-tagal pa dito. Gusto na niyang umuwi kung
saan siya talaga nakatira.
Dumating na ang panahon para makabalik siya sa kanyang mundo. Sa tulong ng
matandang tumulong sa kanya. Nag-punta sila sa ilog na pinanggalingan niya ng
siya ay lumbas, ngunit hindi iyon naging mabuti sa kanilang pag alis. Isang grupo ng
mga tao ang nakakita sa kanya at tinatangka siyang hulihin papalapit ito sa kanila,
natakot ang diwata. Sinubukan sila nitong saktan sa pamamagitan ng pag babato
ng mga matitigas na bahay. Palapit na iyon sa kanila ng bigkasin ni Wana ang
sambit na tanda niya. Sa kamalasan ay tinamaan ang matandang diwata bumagsak
ito at umiiyak na nag salita.
"Umalis na kayo at isama mo na ang apo ko... malapit ng magsara ang pintuan. At
kayong dalawa na lamang ang may kakayahan upang makapasok sa pintuan.'
Umiiyak ang bata at ang diwatang si Wana. Ayaw niyang iwanan ang matanda
subalit, kailangan niyang maisalba ang buhay niya at ng bata. Dali dali niyang
"Hayaan mo na siya Sampaguitta ganyan talaga iyan. Ayaw niya ang natataasan ng
iba."
Singit ni Gumamela dito. Ngumiti na lamang ito at Tumalikod na.
Malakas ang hangin ng gabing iyon. Bababla na may parating na bagyo oras na
hindi ito huminto ay maaring masira ang ang ibang halaman kasama na si Rosas.
Subalit hindi ito pinansin ng Rosas hindi sya nakiipon sa mga halamang naruruon
upang hindi masira. Nilapitan naman ito ng Sampaguita ngunit tumanggi lamang
wala ng nagawa ito kundi hayaan na lamang.
Nagtuloy ang ulan at malaks na hangin ang nag iipon ipon na halaman ay hindi
nasisira habang ang Rosas ay nag iisa at unti-unting nalalagas ang mga talulot nito
at dahon. Iyak na ito ng iyak. Hanggang sa hindi na nito nakayanan at humingi na
ito ng tulong sa ibang halaman.
Hindi naman ito napahiya at niyakap ng malalalaking halaman.
Kinabukasan ay huminto na ang bagyo at nakit nilang si Rosas ay lagas- lagas ang
dahon. Iyak ito ng iyak. Nalungkot naman ang iba para sa kanya. Wala na ang
kanyang magagandang dahon at bulak-lak.
Nilapitan ito nila Gumamela at Sampaguitta. Akala ng halamang bulaklak ay lalaitin
sya nito subalit nag kamali sya ng yakapin ito ng dalawa at sabay na nagsabi.
"Hayaan mo na Rosas andito lang kami mga kaibigan mo. Wag kang mag alalay
babalik din ang mga nasira mong bulaklak. "
Naiyak ang rosas at nanghingi ito ng tawad sa mga halamang pinag mataasan niya.
Pinatawad naman siya ng mga ito at Naging magkaibigan silang lahat sa harding
iyon..