You are on page 1of 3

Maikling Kwento

Layunin: Maipabatid sa mga mambabasa na ang pagmamahal ng isang Pamilya ay hindi


matutumbasan nino man.
Paksa: Pamilya
Mga Tauhan: Samantha, Pamilya ni Samantha, Kaibigan ni Samantha, Ford, Barkada ni Ford.
Tagpuan: Bahay at Paaralan

" Tunay na Pagmamahal"


Sino, at kanino ba natin mahahanap at matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Sino nga ba
ang makapagbibigay nito? Naibibigay ba ito ng isang lalaking nagpakilig sayo pero panandalian
lamang? Ang kaibigan mo ba na lalapitan ka lang sa oras ng kagipitan? O sa mga taong
sinusuportahan ka sa anumang laban?
Kanino mo rin ba ibibigay at ipararamdam ang iyong tunay na pagmamahal? Sa mga tao ba na
nasasalubong lamang sa daan? Sa mga tao ba na nakakasalamuha araw-araw pero pakitang tao
lang? O sa mga taong laging nandiyan para alalayan ka sa hamon ng buhay?

Isang babae ang aking nakilala. Nakilala ko siya sa harap ng salamin. Salamin na tanging kami
lang ang nagmamay-ari. Ibinahagi niya sa akin ang kanyang problema sa salaming iyon na palagi
naming pinalalaminan. At doon ko siya lubos na nakilala. Siya yung babaeng tinuring na kaibigan
ang kanyang sarili, dahil pakiramdam niya nag-iisa lamang siya at walang nagmamahal sa kanya.
Mula pagkabatay hinahanap na niya ang tunay na pagmamahal, na sa tingin koy hindi niya pa
natatagpuan hanggang ngayon, ngunit umaasahang sa bandang huli ay mahahanap niya rin ito.
Nakapusod ang makapal at kulot niyang buhok, kitang kita ang malaki at bilugang mga mata.
Nakaaagaw pansin ang kanyang nakadapang ilong at manipis na labing naglalaman ng tila
naghahabulang mga ngipin. Malauling ang kulay ng kanyang balat. Tulad ng walis tingting ang
kanyang pangangatawan, at matangkad. Ganyan ang pisikal na anyo ni Samantha. Ngunit sa
kabila ng ganyang hitsura, siya ay palakaibigan, mabait, responsableng mag-aaral at mabuting
anak. Galing siya sa simple ngunit kumpleto at masayang pamilya. Mahal na mahal siya ng
kanyang mga magulang at ng kanyang nag-iisang kapatid.
Isang araw nagmamadali siya sa pagpasok sa paaralan. " Ma, pasok na po ako", paalam niya sa
inang abalang naghuhugas ng pinggan. " Sige anak, ingat ka sa pagpasok", tugon ng inang abala
pa rin sa ginagawa." Opo, ingat din po kayo dito sa bahay", sagot ni Samantha sa ina.
Alas syete na ng umaga ng makarating siya sa paaralan. Siya ay nasa unang taon na ng
kolehiyo. Mula sa bungad ng kanilang departamento, ay rinig na rinig na niya ang ingay ng mga
mag-aaral. Natanaw niya sa di kalayuan ang kanyang mga kaibigan. Abala sila sa
pagchichismisan. Ngunit ang nakapukaw at nakakuha ng kanyang atensyon ay si Ford, ang
kanyang crush. Bigla siyang natulala ng makita niya si Ford, nagising na lamang ang kanyang
diwa ng tinapik siya ng kanyang mga kaibigan. " Huy! Titig na titig ka na naman diyan", sabi ng
isa niyang kaibigan." Hindi ha", sagot niya. " Hhhmmm, palusot ka pa diyan" , dagdag pa ng isa.
Si Samantha at Ford ay naging malapit sa isat-isa magmula ng inamin ni Ford na nacucutan at
nagagandahan siya kay Samantha. Minsan magkatxt sila. Madalas siyang pinapakilig ni Ford.
Kapag nasa paaralan na siya, palagi siyang binabati ni Ford ng " Hi Samantha", at kapag uwian na
ng hapon, " Bye Samantha", naman ang maririnig niya galing kay Ford, dahilan para mas lalo pa
siyang kiligin. Madalas siyang tuksuhin ng kanyang mga kaibigan, pero hindi na lamang niya ito
binibigyan masyado ng pansin dahil mas inuuna pa rin niyang asikasuhin ang kanyang pag-aaral.
Ngunit aminado siya sa kanyang sarili na nahuhulog na ang loob niya kay Ford, pero hindi lamang
niya ito pinapahalata sa kanyang mga kaibigan at syempre kay Ford. Siya yung tipo ng babae na
hindi showy. Mas gugustuhin niya pang ibulong na lamang ito sa hangin kaysa ibahagi sa iba.
Pagkatapos ng maghapong klase, agad siyang umuwi para matulungan ang kanyang ina sa
anumang gawaing bahay. " Ma, andito na po ako" tugon niya sa inang abala sa pagluluto ng
hapunan. " Mabuti naman anak at nandito kana, kamusta ang eskwela?", tanong ng kanyang ina.
"Mabuti naman po, nakakuha po ako ng mataas na iskor sa aming pagsusulit kanina",
pagmamayabang niya sa ina". " Mabuti kung gayon anak, siya magbihis ka na".
Pagkatapos magbihis, ay agad niyang tinulungan ang ina sa pagluluto. Nakasanayan na ng
kanilang pamilya ang panonood ng telebisyon habang kumakain. Madalas din silang
nagkukuwentuhan habang nanonood ng teleserye dahil ito ang nagsisilbing libangan nilang
pamilya upang mas lalo pa silang mapalapit sa isat-isa. Nagdadamayan sila sa anumang pagsubok
na dumadating sa kanilang buhay. Palagi siyang sinusuportahan ng kanyang mga magulang
anuman ang nais niya. Hindi nagtagal, nauna ng natulog si Samantha dahil maaga na naman
siyang papasok bukas.
At sa kanyang paghiga, ay hindi niya maiwasang hindi isipin si Ford. Natanong niya sa sarili, "
Kay Ford ko na kaya matatagpuan ang tunay na pagmamahal?". At sa malayong pag-iisip ay agad
siyang nakatulog. Kinabukasan, tulad ng dati, ay maaga siyang pumasok sa paaralan. Masaya
niyang tinungo ang silid-aralan para sa una niyang asignatura. Isa sa naging paksa ng kanyang
guro sa Ingles ang tungkol sa pag-ibig. At nasambit ng kanilang guro na huwag maging assuming.
Hanggang sa napaisip siya at nasambit sa sarili " Oo nga no, dapat huwag palang maging
assuming", ngunit natanong niya sa sarili, " May gusto rin kaya sakin si Ford?".
Lumipas pa ang mga araw at ganoon pa rin ang trato sa kanya ni Ford. Palaging pinaparamdam
ni Ford sa kanya na espesyal siya sa buhay nito, kaya umasa si Samantha na baka nga may gusto
rin si Ford sa kanya. Umasa siya na baka si Ford na ang sagot sa mga tanong niya; kung kanino at
sino ang makapagbibigay sa kanya ng tunay na pagmamahal. Mula pagkabata, palagi kasi siyang
tinutukso ng kanyang mga kaklase na maitim, sungki, at laki mata, kaya pakiramdam niya wala ng
nagmamahal sa kanya pati pamilya niya. Inakala niya na kahit pamilya niya ay hindi siya tanggap
dahil naniniwala siya na kung kayang gawin ng iba na tuksuhin siya ay magagawa rin ito ng
kanyang pamilya, siguro hindi lamang nila ito sinasabi pero baka sa isipan ng mga ito ay ganoon
din ang nasa isip nila. Pakiramdam niya ayaw sa kanya ng mundo. Sanay na siya sa mga panlalait
at pang-aalipusta. Nandiyan siya pero para siyang hangin kung ituring ng iba. Yung tipo ng
pakiramdam na kahit wala na siya basta meron sila. Mula noon naniwala siya na wala na siyang
ibang malalapitan at kakampi kundi ang kanyang sarili.
Isang araw habang nasa paaralan, narinig ni Samantha ang mga barkada ni Ford na nag-uusap.
Narinig niya mula sa kanila na matagal na palang nililigawan ni Ford si Athena. Labis na nasaktan
si Samantha sa narinig. Gusto ng kumawala ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata pero pilit
niya itong pinipigilan hanggang sa makauwi na nga siya sa kanilang bahay.
Malungkot siyang umuwi ng bahay. Tahimik na parang may mabigat na problema. Wala siyang
pinagsabihan sa kanyang narinig ni isa. Ni kahit sa kanyang mga kaibigan dahil alam naman niya
na pagtatawanan lamang siya ng mga ito. Kahit sa kanyang pamilya na napansin ang pagiging
tahimik niya ay hindi rin niya magawang sabihin.
Nang makapasok na siya sa kanyang kwarto, doon niya ibinuhos lahat ng sama ng loob.
Napagtatanto niya na pinaglaruan lamang pala ni Ford ang kanyang nararamdaman. Tama ang
guro niya, na sana hindi na lamang siya bigla biglang umasa ng ganon ganon na lang. Doon niya
napagtanto na hindi niya mahahanap ang tunay na pagmamahal kay Ford.
Hirap man, ay iniwasan niya si Ford. Mas pinagtuunan niya lalo ng pansin ang kanyang pag-
aaral. Isang araw nagkasakit si Samantha. Labis na nag-alala ang kanyang pamilya. Agad siyang
pinainom ng gamot ng kanyang ina. Habang nakahiga, ay kwinekwentuhan siya ng kanyang
kapatid ng nakatatawang kwento para malibang siya ng kaunti at malimutan na may sakit siya.
Abala naman sa pagkakatay ng manok ang kanyang ama para siya ay may sabaw na mahigop ng
sa ganon ay maibsan ang kanyang lagnat. Kahit na may sakit ay nagawa pa rin ni Samantha na
makisali sa libangan nilang pamilya. Napapangiti siya sa mga kwento ng ama tungkol sa
panahong nililigawan pa lamang niya ang kanyang ina.
Dahil sa pag-aalaga sa kanya ng kanyang pamilya, ay mabilis siyang gumaling. Agad siyang
pumasok sa paaralan upang makabawi at makahabol sa aralin.
Isang gabi, natanong na naman niya sa sarili ang mga katanungang matagal na niyang gustong
mabigyan ng kasagutan. May tao pa kayang magmamahal at tatanggap sa kanya sa kabila ng
kanyang hitsura? Pagod man ang isipan sa paaralan ay hindi niya pa rin magawang alisin ang mga
tanong na ito sa kanyang isipan. Nawawalan na siya ng pag-asa. "Siguro kailangan ko ng
tanggapin ang katotohanan. Wala na talagang tatanggap sa akin", bulong niya sa sarili kasabay ng
pagtulo ng kanyang luha. Pagkatapos mailabas ang mga sama ng loob ay natulog na siya. At sa
gabing yaon nanaginip siya ng isang pangyayaring hindi pa nangyari sa buhay niya.
Napanaginipan niyang nalayo raw ang kanyang pamilya sa kanya. Nagising siya na puno ng luha
ang kanyang mga mata. Dahil doon, naalala niya ang mga masasayang ala-ala kasama ang
kanyang pamilya. Naalala niya ang pagmamahal at suportang binibigay sa kanya ng kanyang
magulang at kapatid. At doon niya rin napatunayan sa kanyang sarili na hindi niya kayang mawala
at malayo sila sa piling niya. Mula noon bumalik ang kanyang gunita sa nakaraan. Naalala niya
ang lahat ng sakripisyo at pag-aarugang ginawa sa kanya ng kanyang magulang. Naalala niya
kung paano siya alagaan ng kanyang ina at kung paano siya iligtas ng kanyang ama mula sa mga
batang mapanghusga. Nanariwa ang lahat sa kanyang isipan. Bumalik sa kanyang gunita ang
nakaraan. Hanggang sa napagtanto niya na ang tunay na pagmamahal na hinahanap niya ay ang
pagmamahal na galing sa kanyang pamilya. Nahinuha niya na hindi pala ito galing sa isang lalaki
o ibang tao. Nanghihinayang siya dahil bakit sa tagal ng panahon ngayon niya lng ito nakita at
nahanap.
Dahil sa isang masamang panaginip, nasagot lahat ang tanong ko. Natagpuan ko ang tunay na
pagmamahal sa aking pamilya. Oo, ako, dahil ang babaeng nasa salamin ay ako. Sa wakas,
nabigan ng kasagutan ang lahat ng tanong ko. Ngayon masaya ako na kasama ko sila. At
paniguradong susuklian ko rin sila ng tunay at wagas na pagmamahal.

You might also like