You are on page 1of 16

Fil 122 Poklor ng Pilipinas

______________________________

Pananaliksik
na Iniharap sa Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University, Fatima
Lungsod ng Heneral Santos

_____________________________________

Iniharap nina:
Bryan John Lumingkit
Stephanie Rose Fernandez
Janice Tangge

Iniharap kay:
Prof. Carmela G. Ong

Departamento ng Filipino
JUNE, 2018
TSAPTER 1

Lower Mainit, Malungon, Sarangani Province

Tagakaolo- ang tagakaolo ay isang pangkat etniko sa bansang pilipinas na isa

sa tribo ng Mindanao. Ang kanilang tradisyonal na teritoryo ay matatagpuan sa

Davao del sur at Sarangani Province. Partikular sa lokalidad ng Malalag, Lais,

Talaguton River, Sta.Maria at Malita ng Davao del sur at Malungon Sarangani

Province.

Kaligirang Kasaysayan ng Brgy. Lower Mainit

Ang Mainit ay nanggaling sa salitang Tagakaolo, na ang ibig sabihin ay

ilog. Ang Brgy. Lower Mainit ay kinapapalooban ng apat na pinagsama-samang

maliliit na ilog. Sa Hilagang banda ay matatagpuan ang Malasbang Creek, sa


may Timog na bahagi ng lugar ay matatagpuan ang Pulakayo Creek, sa

Silangang banda naman ay makikita ang Magakemal Creek at sa may Kanlurang

bahagi ay makikita ang Pangasawan Creek.

Pinamumunuan ang mga tribong Tagakaolo ng kanilang makabatog o

kung tawagin ng iba ay datu, kung saan ay nakatira mismo sa Lower Mainit.

Ang kanilang unang naging makabatog ay si Makabatog Balco Malon, hanggang

sa sinundan na nina dating Makabatog Sanday Malcon, Ontic Bayato at Pacay

Catao. Ang ibig sabihin ng salitang makabatog ay ang pagkakaroon ng maraming

asawa kung saan ay kaya nitong buhayin lahat, matapang, maraming mga

alagang kabayo, may mga kagamitang pangmusika kagaya ng agong at may iba`t

ibang sandata o baril.

Ang Brgy. Lower Mainit ay kilala sa pangangaso. May dalawang kilalang

mangangasong tao sa kanilang panahon ito ay sina Owen Kilo at Nonggod Guili.

Si Owen Kilo ay kilala bilang mangangaso ng araw at si Nonggod naman ay kilala

bilang mangangaso ng gabi. Kinikilala rin ang katapangan ng dalawang

magkapatid na sina Opong Balco Tiwado at Macalanggan Balco Tiwado.

Sapagkat isa sila sa mga opisyal ng tribong Tagakaolo kung saan

pinangangalagaan nila at pinoprotektahan ang karapatan ng mga LUMAD.

Noong 1965, si Ginoong Agapito M. Guili ang kauna-unahang Tagakaolo

na tumayo bilang guro sa pampublikong paaralan ng Lower Mainit. Siya ay

nagbalat ng buto upang makabuo ng paaralan na mapapakinabangan ng lahat


at upang mahimok ang mga estudyante na mag-aral. Mula sa maliit na paaralan

ay napalaki niya ito sa tulong mag-asawang Palacious, kung saan nagbigay sila

ng anim (6) na ektarya ng lupa at nagbigay rin ng dalawang (2) ektarya ang mag-

asawang Sanday upang lalong mapalaki ang paaralan at mabigyan ng lupa ang

mga nangangailangang pamilya.

Noong 1982, ang kauna-unahang naging kapiyan ng Brgy. Lower Mainit

ay si Ginoong Julian Angos. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang pagkakaroon

ng eleksyon. Dahil diyan ay sinundan naman ni Ginoong Arman U. Guili ang

yapak ng kanyang lolo Julian Angos noong 2004 ang pagiging kapitan. Kinilala

si Arman U. Guili bilang pinakabatang kapitan sa Sarangani Province at sa

buong Pilipinas. Siya ay nanalo ng tatlong sunod-sunod na termino sa Lower

Mainit.

Noong 2004 naman ay kinilala bilang Vice Mayor ng Malungon ang purong

dugong Tagakaolo na si Benjamin M. Guilley. At si Ginoong Agapito Guili naman

na isang teacher in-charge noon ay kinilala bilang officer of OSCC/NCIP sa Brgy.

Lower Mainit.

Sa pagpupursigi ng mga opisyales sa Brgy. Lower Mainit, makikita na

malaki na ang ipinagbago ng barangay. Gaya ng pagkakaroon ng elektrisidad sa

mga nasasakupan, pagkakaroon ng Barangay Hall, Kasfala Hall, Day Care

Centers, Multi-Pupose Building, Health Center at kompletong hanay ng


elementarya na pinamumunuan ngayon ng bagong prinsipal na si Ginoong

Elmer Calcaben.

Sa pagkapanalo ni Arman U. Guili bilang municipal council ng Malungon

noong 2004 ay ipinasa niya ang tungkuling ito sa barangay kagawad na si Eddie

T. Tiwado. Mula 2004 hanggang 2013 ay nanatiling kapitan ng barangay si Hon.

Eddie T. Tiwado. Dahil wala siyang nakakalaban tuwing eleksyon ay nagpatuloy

ang kanyang serbisyo magpahanggang ngayon.

Ang brgy. Lower Mainit ay mayroon itong walong (8) sitio, ang Proper, Sitio

Tuna, Sitio Campo, Sitio Calcam, Sitio Banganga, Sitio Malinao, Sitio Kawayan

at Sitio Pangasawan.
TSAPTER II

KULTURA NG MGA TRIBU

Mga Paniniwala

Ang mga paniniwala ng mga Tagakaulo sa pagbubuntis ay Una, bawal ang

tumambay sa pintuan kapag may buntis sa loob ng bahay. Pangalawa, bawal

tumawid sa lubid ang babaeng buntis. Pangatlo, bawal magbuhat ng mga

mabibigat na bagay ang isang buntis. Ang Paniniwala naman kapag may

namatay. Una, Ang pamilya ng namatayan ay bawal silang maligo. Pangalawa,

Ipinagbabawal ang pagwawalis. Pangatlo, bawal makatawid ang isang pusa sa

kabaong ng isang patay. Pang-apat, kapag kabilang ka o pamilya sa namatayan

ipinagbabawal ang panunuklay. Para naman sa namatayan ng asawa,

ipinagbabawal ang muling pag-aasawa sa loob ng isang taon. Ipinagbabawal din

ang paglabas ng bahay sa loob ng tatlong araw ang isang naulilang asawa at ang

asawang lalaki ay ipinagbabawal na tumingin o makikipag-usap sa ibang babae.

Sa paglilibing, ang paniniwala naman ng mga Tagakulo ay ipinagbabawal

na lumiko o dadaan sa ibang daanan kapag nanggaling sa libingan. Kapag


nailibing na ang isang patay ay bawal tumingin o lumingon sa lugar na kung

saan nakalibing ang isang patay.

Pagdidisiplina

Sa pagdidisiplina ng mga Tagakaulo ay binibigyan ng payo ang kanilang

mga anak at ang mga hindi dapat at dapat gawin.

Batas

Sa batas naman ng mga Tagakulo ay kapag mayroong nahuling nagnakaw

at hindi naibalik ang ninakaw ay papatayin ito. Kapag nagkasala naman ang

babae sa kanyang asawa, ibabalik ito ng doble ang dowry o ang mga nagasto ng

lalaki sa kanya.

Tradisyon sa Pagpapakasal

Dapat kumpleto ang mga pagkaing ihahanda at lalatagan ng isang banig

at lagyan ng unan para upuan ng ikakasal at pagkatapos, ang datong

magpapakasal sa kanila ay susubuan ng kanin ang ikakasal.

Mga Gamot/ Paniniwala

Ang mga Tagakaulo rin ay naniniwala sa mga halamang ugat na sa tingin

nila’y nakakapagpagaling sa may sakit. Naniniwala rin sila na kapag nag-alay

ng isang puting manok sa punong balite ay gagaling ang may sakit.


Mga Pampaganda

Para sa pagpapaganda ng mga babaeng Tagakaulo ay ngumunguya sila

ng “mamah” para maging mapula ang kanilang mga labi. Ang paggamit ng “atal”

para sa kilay at ang kanilang ginagamit para gawing shampoo ay ang “biyaw” o

lumbang at ang ginagawa nilang conditioner ay ang katas ng niyog habang ito’y

nginunguya nila. Para naman sa kanilang pabango ay itinatali nila sa kanilang

baywang ang dahon ng “banayaw” o ilang-ilang.

Pagluluto

Para naman sa kanilang pagluluto ay gumagamit sila ng dahon ng pandan

para pambango o pabango sa kanilang pagkain at pang spices pampalasa

naman ay dahon ng “sangig” ang ginagamit nila.

Mga Kagamitan sa bahay

May mga iba’t ibang kagamitan ang mga Tagakaulo, sa pagkuha ng tubig

may ginagamit silang “Kabong” at ang pansandok nila ay tinatawag nilang

“Bagol” o mula sa niyog. Para naman sa Pagluluto, ginagamit nila ang “kolon”.

Pamahiin

Ang paniniwala nila sa pagtatanim, Habang nagtatanim sila at para magkaroon

ng bunga o maraming bunga ang isang tanim ay ilalagay ito sa balikat ng

kanilang anak. Kapag humuni naman ang tinatawag nilang


“Kwahaw” ay maaari na silang magtanim at kapag mayroong regla ang isang

babae ay bawal magtanim dahil hindi mabubuhay ang isang tanim. Ang

konsepto naman sa kanilang oras, malalaman nila kapag gabi na kung titilaok

ang isang manok at malalaman din nila kung madaling araw na kung titilaok

ang “kwahaw” at ang araw ang kanilang binabasihan o tinitingnan kapag umaga

na.

Mga Taboo o Bawal

May mga bawal din ang mga tagakaulo ito ay ang mga salitang “tunglo” O

bad words.
TSAPTER III

ANG WIKANG GINAMIT NG TRIBU

Ang wikang ginagamit ng tribong Tagakaulo ay halo-halo na sapagkat


naimpluwensiyahan na ito ng ibang lenggwahe ng ibang katutubo katulad ng
Cebuano, Kalagan, B’laan, Ilokano at Filipino

Ang lugar na tinitirhan ng mga Tagakaolo sa Brgy. Lower Mainit,


Malungon Sarangani, Province ay napalibutan ng iba’t ibang tribo kung kaya’t
naaaplay din nila ang ibang wika. Mahirap para sa kanila ang matuto ng wika
ng iba sa kadahilanang hindi sila nakapag-aral at matagal silang natututo kung
turuan.

May mga Tagakaulong hindi alam ang ibang lenggwahe kundi ang
lenggwahe lang nila. Karamihan sa mga katutubong hindi alam ang ibang mga
linggwahe ay ang kanilang ninuno at ang mga matatanda sa kanila na ngayon
ay buhay pa rin.

Mas natutunan ng mga Tagakaulo ang ibang linggwahe sa pamamagitan


ng pakikipaghalubilo sa iba. Sinusubukan nilang makipagkaibigan ng sa
ganoon ay madagdagan ang kanilang kaalaman ng ibang linggwahe. Kung noon
ay hindi pa nila masyadong kabisado, ngunit ngayon ay maraming linggwahe na
silang nalalaman sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa iba pang katutubo.

Isa rin sa mga paraan nila ay ang mag-aral, ngunit kakaunti lamang sa
kanila ang nag-aaral kung kayat kaunti rin sa kanila ang nadagdagan ang
kaalaman sa iba pang linggwahe.
TSAPTER IV

PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Hindi kayang palitan ang kaugalian noon at kaugalian sa kasalukuyan.


Ngunit ito’y may pangambang ang mga katutubong tradisyon ay possible sa
modernisasyon ngayon, sapagkat naibahagi ng mga Tagakaulo mas
maipalaganap ang tradisyon noon gamit sa paggabay ng mga magulang na kung
saan ihemplo ito ng bagong henerasyon ng mga batang Tagakauolo.

Ang mga Tagakauolo ay hindi malayo sa pagbabago ng kultura dahil sa


makabagong tradisyon at kaalaman sa pagkilala sa nasasakupang may higit pa
sa teknolohiya kundi ang edukasyon. Sa tulong ng mga aktibidades ng mga mag-
aaral sa kolehiyo, kung saan nagtuturo sa kaalaman ng tungkol sa kulturang
kagamitan sa modernisasyong teknolohiya.

Tulad na lamang sa pakikipag komunikasyon gamit ang mga lenggwahe


sa sariling wika at Filipino, mga panawag pansin sa gawaing pang-araw-araw,
at mga kagamitan na sariling tinatangkilik ng sa kasalukuyang mga tribo.

Nakatutulong ang pagbabago sa modernisasyong panahon lalo na sa


urban area na kung saan sa pagpapalaganap sa makabagong sosyalidad.

Magiging mapaunlad ang pamumuhay ng mga tribu sa hinaharap dahil


na rin sa tulong ng mga teknolohiya, edukasyon at bagong henerasyon.

Masasabi na halos 75% ang magiging puwang ng modernong panahon,


sapagkat ito’y tumutukoy sa mga kabataan sa kaisipang mapapaunlad ang
maling Gawain sa kasalukuyan.subalit nakakasira sa tribu ang bagong
modernong panahon dahil nakakaligtaan na ng mga kabataang nahubog sa
mga bagong teknolohiya, mga gawaing dapat na isasampalataya at wikang
maskilala silabilang tibung katutubo na ninais lamang ng kapayapaan at pabor
sa mga nais nilang mithiin sa lupain, pagkain, tirahan atbp.

Ang mga kaugaliang dapat panatilihin ng mga Tagakaulo ay ang pagiging


isang mabuti sa kapwa tao. Ang kanilang pagiging masipag sa pagtatrabaho
kahit umaraaw man o umulan nagtatrabaho pa rin sila dahil iyon lamang ang
kanilang paraan upang mabuhay at makakain.

Ang wikang kihihinatnan ng pagpasok ng modernisasyon sa wikang


kanilang sinasalita ay maaaplay nila ang pagiging modernisado lalong lalo na ng
mga kabataan ngayon. Maaaring may magbago sa kanilang sinasalita o
madadagdagan ngunit mananatili at hindi mawawala ang kanilang sariling mga
salitang ginagamit.
APENDIKS

Mga Impormante
Ang Pakikinayam namin sa mga matatandang Tagakaulo
Ika-5 ng Abril, 2018

G. EDDIE TIWADO
Brgy. Captain, Lower Mainit
Malungon, Saranagani Province

Mahal na G. Tiwado:

Isang mapagpalang araw!


Kami ay mga mag-aaral na mula sa Mindanao State University, General Santos
City at kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino (AB
FILIPINO) na nasa ikaapat na taon. Magalang po naming ipinababatid sa inyo
ang aming kahilingan na makapanayam ang ilan sa mga matatandang
Tagakaulo na may kaalaman sa mga poklor ng inyong tribu. Hinggil po nito,
hinihiling po namin ang inyong pahintulot na payagan kami na sila’y
makapanayam.
Ang inyo pong positibong pagtugon ay makatulong nang malaki sa isinagawang
pag-aaral.
Pinapauna na po namin ang aming marubdob na pasasalamat!

Lubos na gumagalang,

JANICE TANGGE
Mananaliksik

BRYAN JOHN LUMINGKIT


Mananaliksik

STEPAHANIE ROSE FERNANDEZ


Mananaliksik
BIBLIOGRAPI

Internet:
http://www.slideshare.net/PNFSP/pnfsp-ip-customarylaws
http://www.philippines.hvu.nl/mindanao2.htm
https://www.google.com.ph/maps/@6.0993602,124.403219,2277m/data=!3m1!1e3

You might also like