You are on page 1of 5

3.

KRITICAL NA PAGBASA

3.1 PAGBIBIGAY NG REAKSIYON


3.5 PAG-UNAWA SA IMPRESYON O KAKINTALANG NADARAMA

Ang naging reaksiyon ko sa aking binasa ay halo-halo. Nakakalungkot isipin na maiksi


lamang ang oras ng kanilang pagsasama. Sa kabila nito, naging masaya naman ako na kahit
maiksi lamang ito ay nakabuo naman sila ng mga magagandang alaala. Nalulungkot ako na
iniwan ni Alex ang kaniyang mag-ina at hindi man lang lumaban sa gitna ng kaniyang pag-
aagaw buhay. Naawa ako kay Sam na sa kaniyang murang edad pa lamang ay pumanaw na
ang kaniyang ama. Nanghihinayang ako kay Sandra kung makakaya niya bang itaguyod ng
mag-isa ang kaniyang anak kahit wala na ang pinakamamahal niyang si Alex. Nagagalit ako
kay Lyka sa kabila ng walang-awa niyang pagpatay kay Alex at hindi iniisip ang kalalabasan
nito. Nakakalungkot, masaya, nakaka-awa, nakakagigil, nakakahinayang ang mga
pangyayaring ito,masakit sa damdamin at hindi ko matanggap ang naging wakas.

3.2 PAG-IISIP NG MASAKLAW AT MALAWAK

Nakulangan ako sa parte ng akda kung saan sina Alex at Sandra ay magkasintahan pa
lamang.

SANDRA POV.
“Alex, ang ganda pala rito.” namamangahang sabi ko.
“Patawad,ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kasintahan kaya hindi ko alam kung saan
kita dadalhin.” sabi niya habang kumakamot sa batok.

Nandito kami ngayon sa Luneta, walang masiyadong tao kaya magandang maglakad-
lakad.
“Ano ka ba, ayos lang sa akin kahit saan mo ako dalhin basta nag-eeffort ka.” sabi ko
sabay ngiti sa kaniya.

Bigla niyang hinapit ang bewang ko gamit ang kanang kamay niya dahilan para maglapit
ang mga mukha namin.
“Kaya ayaw kitang pakawalan eh,kasi ikaw lang ang babaeng nakilala kong walang
arte.”

Pinagpatuloy namin ang paglalakad at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“Gutom ka na ba? Kanina pa tayo naglalakad.”tanong niya.
“Hindi pa ako gutom pero medyo nangangalay na ang paa ko” sabi ko.

Nabigla ako nang bigla siyang umupo sa sahig at nagtataka ako nang ituro niya ang
kaniyang likod.
“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko.
“Nangangalay kana diba? Pumasan ka sa likod ko gusto mo?”tanong niya.

Mukhang masaya ito kaya sinang-ayunan ko ang kagustuhan niya sa pamamagitan ng


pag-ngiti ko dito. Sumakay ako sa likod niya, pero nagulat ako nang bigla siyang tumakbo.
“Wahhh, Alex ibaba mo na ako huhuhu” paiyak na sabi ko.

Nababaliw na ba siya? Itakbo ba naman daw ako. Hinampas-hampas ko yung likod niya
at ibinaba na ako nito.Naupo kami sa damuhan at pinapanuod ang mga taong dumadaan.
Bigla niya akong inakbayan at ipinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
“Sana palaging ganito, masaya at walang problema. Ang kaso nasa reyalidad tayo.”sabi
niya
“Tama ka, pero hanga’t magkasama tayo malalagpasan natin ito. Kahit ano mang
pagsubok ang dumating sa atin.” sabi ko at napatingin siya sa akin.
“Mahal kita Sandra.” sabi niya sabay halik sa akin noo.
“Mahal na mahal din kita” sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

3.3 PAGBIBIGAY NG PAGKAKAIBA AT PAGKAKATULAD

Ang dulang “ALAALA” ay inihahambing ko sa kuwentong “ITINADHANA”. Marami silang


pagkakaiba at pagkakatulad ayon sa mga pangyayari.

Ang pagkakatulad nila ay parehong ipinagkasundo ang bidang lalaki ng kaniyang mga
magulang sa hindi niya mahal kahit na may kasintahan ito. Ang mga magulang nila ay
makasarili at gustong ipakasal ang anak sa kaparehas nila ng estado sa buhay.

Ang pagkakaiba nila ay,sa kwentong “ITINADHANA” hindi naituloy ang kasal ng mga
pinagkasundo dahil ipinaglaban ng magkasintahan ang kanilang pagmamahalan at hinarap
ang lahat ng pagsubok sa buhay. Sila ay nagpakalayu-layo at nagbagong buhay. Sa huli, ay
nagkaroon sila ng anak at namuhay ng payapa. Samantalang sa dulang “ ALAALA” naman ay
natuloy ang kasal ng mga pinagkasundo at naiwang nagdurusa ang kasintahan ng lalaki.
Nagpakalayu-layo ito dahil siya’y nagdadalang-tao at sa huli lamang ito nalaman ng lalaki.
Sila ay pinagkatagpo ulit at namuhay ng puno ng pagmamahal pero sa huli ay namatay ang
lalaki dahil sa isang madugong pangyayari.

3.4 PAGDAMA SA PANANAW NG AKDA

Ang may-akda ng “ALAALA”na si Midred G. Bareno ay maaaring nakaranas ng matinding


problema habang isinusulat niya ito. Maaaring ang problemang pinagdadaanan niya ay
kaparehas o konektado dito. Ang mga masasaklap na pangyayaring parte ng kaniyang akda
ay maaring naging ideya niya sa mga magiging kalalabasan ng kaniyang problema. Ang
pananaw niya o paniniwala sa buhay ay nakaapekto sa kaniyang isinulat na akda. Maaaring
kagagaling ni Mildred sa isang masaklap na pangyayri tulad ng iniwan siya o ipinagpalit ng
taong minsan na niyang minahal. Ang karanasan niyang ito ay nakaapekto sa wakas ng
akda. Maaaring ang naging karanasan niya ang nagpabago sa kaniyang paniniwala, at
mahihinuha kong iniisip ng may-akda na hindi lahat ng wakas ay nagtatapos ng kasiyahan.
Hindi ako sumasang-ayon dito dahil hindi nagbibigay ang diyos ng malungkot na wakas.
3.6 PAGTATALAKAY SA MABUTING KATANGIAN NG KUWENTO

Nakakatulong ang kuwentong ito sa mga problemang ating dinadanas. Kagaya na


lamang ng huwag maging padalos-dalos at pag-isipan muna ng mabuti bago gumawa ng
aksiyon. Ang paghihiganti ay hindi maganda sa mata ng Diyos,dapat marunong tayong
tumanggap ng pagkatalo at pagkabagsak. Ang pagsisisi ay nasa bandang huli kaya kung
ayaw mong magsisi ay dapat pag-isipan muna bago gumawa ng aksiyon. Ang paghihiganti
ay hindi solusyon sa problema natin kaya dapat natin tanggapin ang ating pagkatalo. Hindi
ibig sabihin na kapag tumanggap tayo ng talo ay suko na tayo dahil isinuko lang natin ang
mga bagay na hindi para sa atin.

3.7 PAGPAPASYA TUNGKOL SA KABISAAAN NG PAGLALAHAD

Sa totoo lamang,nakakahikayat basahin ang simula nito. Ang pag-iisip ng may-akda ay


masiyadong malawak pero puro bitin ang mga pangyayari. Masiyado akong naging bilib sa
aking sarili at alam ko sa sarili ko na magkakatuluyan sila sa wakas nito. Pero nabulag ako sa
aking sariling pananaw at hindi naisip ang masaklap na kalalabasan nito. Nakakadismaya ang
naging wakas nito at mapapa-isip ka na lamang na sana hindi mo nalang ito binasa. Hindi ko
masisisi ang sumulat nito, maaaring kagagaling ito sa matinding problema kaya naapektuhan
ang wakas ng kaniyang isinulat.
4.PAG-UNAWANG INTEGRASYON

4.1 PAG-UUGNAY NG BINASANG KAISIPAN SA KANIYANG SARILING KARANASASAN AT


TUNAY NA PANGYAYARI SA BUHAY

BINASANG SARILING
KAISIPAN PAGKAKATULAD KARANASAN

*Si Ellah ay nanggaling sa *Ako ay nanggaling sa pantay


mahirap na pamilya. lamang na estado sa buhay.
*Ang ama ni Ellah ay iresponsable *Lagi kaming *Ang mga magulang ko ay
samantalang ang ina niya ay inaapi ng mga tita nangibang-bansa para matustusan
masipag at mapagmahal ng husto. at tito namin. kami ng kapatid ko sa pag-aaral.
*Pumanaw ang ama nito sa edad *May tiyahin na * Naiwan kami ng kapatid ko sa
niyang dose anyos. matapobre,matalas ang dila Lola at Lolo namin.
*Nag-aral siya ng mabuti at hindi at madalas nakakaiyak ang *Ang mga magulang ko ay
alintana ang pang-aapi sa kaniya. mga salita. nagkahiwalay.
*Siya ay nanilbihan sa kamag- *Pagkakaroon ng kompetisyon * Lumaki ako sa piling ng aking
anak nito kapalit ng tulong sa sa klase . Lola hanggang siya ay namatay.
kaniya upang makapag-aral *Nahiwalay ako sa aking mga *Nag-aral ako ng mabuti at laging
sa kolehiyo. magulang dahil sila ay may medalya sa leeg.
*Nagsumikap siyang nag-aral at nangibang-bansa kagaya ni *Bumalik ang aking mga
nakapagtapos sa kolehiyo. Ellah nung siya ay nagkolehiyo.mga magulang at sila’y nagkabati.
*Nakahanap siya ng lalaking * Ang pagkakaroon ng maliit *Ang kapatid ko ay nakapagtapos
nagmamahal sa kaniya at na baon kapag ako ay na ng pag-aaral dahil sa dahil
nagkaroon ito ng anak. pupunta sa skwelahan. sa determinasyon sa sarili.
*Nagkaroon siya ng magandang *Sa murang-edad * Samantalang ako naman ay
buhay at ang mga kamag-anak nasanay nang nag-aaral ng mabuti at naging
niyang umaapi sa kaniya dati ay mahubog sa inspirasyon ko ang aking mga
humihingi na ngayon ng tulong. trabaho. magulang.

Ang kahirapan ay hindi hadlang para makapagtapos ng pag-aaral. Kung gusto may
paraan,kung ayaw may dahilan. Kung hindi ka magsusumikap at hindi kikilos ay walang
patutunguhan ang iyong buhay. Nasa ating kamay kung gusto nating umangat,kaya samahan
natin ito ng pananalig sa Diyos upang tayo ay kaniyang gabayan. Gawin nating inspirasyon ang
kahirapan at maging matapang na harapin ang anumang pagsubok sa buhay.
4.2 PAGPAPAYAMAN NG TALAKAYAN SA ARALIN SA PAMAMAGITAN NG
PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA KARANASAN

Naranasan ko nang ma-api at mapagsabihan ng mga masasakit na salita. Ang mga


kamag-anak sa angkan ng mama ko ay halos masasama ang mga ugali. Lagi nila kaming
pinaparusahan ng kapatid ko habang wala ang mga magulang namin. Ang pagsubok na ito
sa aking buhay ay binalewala ko lamang. Ang mga mga masasakit na salita na sinabi nila sa
akin ay ginawa kong inspirasyon sa aking pag-aaral. Lagi akong naiiyak sa mga panahong
walang magsasabit ng aking medalye, mabuti na lamang at nandiyan ang lola ko noong
panahong iyon. Sa aking paglaki, natuto na akong sumambat sa kanila kapag pinagsasabihan
nila ako ng mga masasakit na salita. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wag na lamang itong
pansinin maliban na lamang kapag ito’y sumobra. Naging matatag ako sa oras ng pag-iisa,
natutunan kong hindi sa lahat ng oras ay nakadepende ako sa ibang tao at natuto akong huwag
magtiwala sa iba maliban sa aking sarili.

Ang mahiwalay sa magulang ng maraming taon ay naranasan ko na rin. Noong bata pa


lamang ako ay nahiwalay na ako sa aking mga magulang. Kada gabi ako’y tahimik na
umiiyak habang na sa isang sulok, kada gabi iniisip ko ang mga magulang ko, kada gabi
iniisip ko na bakit ganito ang sitwasyon ko at kada gabi ako’y humuhiling na sana panaginip
na lang ito. Sa panahong naubusan na ako ng luha at wala nang mailuha pa ay napagisip-
isip ko na para rin pala sa amin ng kapatid ko kung bakit sila nangibang-bansa. Sila ay
nagibang-bansa para matustusan kami at para kami ay makapag-aral. Sa panahong iyon,
nag-aral na ako ng mabuti at hindi na naisip na malayo ako sa pamilya ko. Mula
ngayon,natuto na akong mag-isa at hindi na nakadepende pa sa iba.

You might also like