You are on page 1of 1

ALAMAT NG DALAGANG PILIPINA

Noong unang panahon sa isang malayong bayan sa Gensan may tatlong magkakapatid na
nagngangalang Sharlene, Kristel at Miles na pawang naggagandahan. Ngunit sa kabila ng
kanilang pagiging maganda sila ring tatlo ay may kapansanan sa pananalita. Hirap silang
magsalita ng tuwid na kita sa kanilang mga reaksyon sa mukha. Sila ay pinaglihi ng kanilang
magulang sa kanilang tiya na may kapansanan din sa pananalita. Silang tatlo ay pawang nag-
aaral sa sekondarya. Ang panganay na si Sharlene ay magtatapos na ngayong taon, si Kristel
naman ay sa susunod pang taon magtatapos habang ang kanilang bunsong kapatid na si Miles ay
kasisimula pa lamang mag-aral sa sekondarya.

Marming lalaki ang nabibighani sa kagandahan ng tatlong dalaga ngunit bagay na


ipinagbabawal ng kanilang magulang na magkaroon ng kasintahan sa mura nilang edad, dapat
muna nilang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral na kanila naming bukal sa loob na sinusunod.

Ngunit dahil sa kanilang kapansanan maraming tao ang hinuhusgahan at pinipintasan ang
kanilang panlabas na itsura na kanila na lamang binabalewala payo na rin ng kanilang ina upang
hindi na magkagulo. Ang tatlong magkakapatid ay pawang mababait at matulungin sa magulang.
Gumigising ng maaga ang panganay na si Sharlene upang magluto ng kanilang agahan habang
ang dalawa naman ay tumutulong sa kanilang ina sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa
pagtitinda. Samanatalang ang kanila naming ama ay maagang umaalis sa bahay upang mangisda.
Ang tatlong magkakapatid ay nagtitinda rin ng mga kakanin sa paaralan upang matulungan pa
ang kanilang ina na kadalasan ay mga guro ang bumibili. Isang araw ang kanilang kamag-aral na
si Tessa ay tinapon ang kanilang paninda dahil hindi daw ito masarap at maaaring makasama pag
ito ay kinain. Nakita ito ng kanilang ibang kamag-aral at sinabi sa tatlong magkakapatid ang
ginawa ni Tessa ngunit ang tatlong magkakapatid ay pinulot na lamang ang kanilang mga
paninda at hindi na lamang pinansin si Tessa. Dito napagtanto ng ibang estudyante kung gaano
kabait ang magkakapatid na dapat sila ay magalit sa ginawa ni Tessa ngunit pinabayaan na
lamang nila ito dahil wala naman silang magagawa kung ganito na lamang ang tingin sa kanilang
magkakapatid. Dahil sa ipinakita ng magkakapatid mas lalo pang dumami ang mga lalaking
nagkakagusto sa kanila at tinawag din silang Dalagang Pilipina dahil sa kanilang kabutihang
loob na hindi lamang makikita sa panlabas na itsura kundi sa panloob kung paano sila makisama.
At simula noon marami na silang naging kaibigan ang ang dating Tessa na nanggugulo sa kanila
ngayon ay tinutulungan na silang magtinda at magkakakibigan na rin.

You might also like