You are on page 1of 2

Pangalan: Jannelle Kaye Veloso Petsa: Enero 14, 2020

Baitang at Pangkat: ST11A6 Filipino II

“Sa Bagong Paraiso”


Ni Efren Reyes Abueg
A. BANGHAY

a.1 Eksposisyon

- Mayroong dalawang batang matalik na magkaibigan na nagngangalang Ariel at


Cleofe. Ang kanilang mundo ay parang Paraiso na kawangis ng mapayapang puno ng saya
at walang iniisip na anumang problema kapag sila ay magkasama.

a.2 Tungo sa Komplikasyon

- Nagsimula na silang magdalaga at magbinata. Nagbago ang kanilang hitsura


maging ang kanilang pag-iisip at pagdedesisyon kung kaya’t pinagbabawalan na si Ariel
ng kaniyang mga magulang na makipagkita kay Cleofe.

a.3 Kasukdulan

- Mahigpit na pinagbabawalan si Ariel ng kaniyang ina na makipagkita kay Cleofe


upang makapagtapos siya ng pag-aaral ngunit dahil sa katigasan ng ulo, nilabag niya ang
utos ng kaniyang ina. Hindi nila mapigilan ang damdamin kung kaya’t kahit labag sa
kalooban ng kaniyang mga magulang patuloy nakikipagkita kay Cleofe.

a.4 Kakalasan

- Walang sikretong hindi nabubunyag kung kaya’t ang kanilang pagkikita nalaman
ng mga magulang ni Ariel, ngunit kahit na ganoon patago pa rin silang nagkikita.

a.5 Wakas

- Dahil sa katigasan ng ulo nilang dalawa, ang kanilang pagsuway sa bilin ng


kanilang mga magulang ay nagbunga. Nagdadalang-tao si Ariel na hindi pa nakapagtapos
ng pag-aaral.
TAUHAN

1. Ariel 4. Mga magulang ni Ariel 7. Mga guro


2. Cleofe 5. Mga magulang ni Cleofe 8. Mga kaklase
3. Mga ka-nayon 6. Isang batang lalaki

TAGPUAN

- Dalampasigan
- Malawak na damuhan
- Paaralan
- Restaurant
- Parke
- Bakuran

TUNGGALIAN

- Tao laban sa tao


- Tao laban sa sarili

SULIRANIN

- Ang pagtutol ng kanilang mga magulang sa kanilang pagmamahalan o pagkikita.


- Ang pagdedesisyon kung susundiin ang bilin ng mga magulang o susundin ang
bugso ng damdamin.
- Ang hindi pag-iisip nang masinsinan kung ano ang kahihinatnan kung gagawin
nila ang mga bagay na hindi dapat nila ginagawa dahil ito ay hindi naaayon sa
kanilang edad.

You might also like