You are on page 1of 1

Sa Bagong Paraiso

(Ni Efren Reyes Abueg)

HIMIG

Ang kwentong ito ay patungkol sa isang kawalang malay ng isang batang babae at isang
batang lalaki. Tumatakbo ang kwento sakanilang pamumuhay simula sa kanilang pagkabata
hanggang sa silay magkaroon na ng kamalayan sa mundo. Sa kawalang malay ay natuto silang
mag tago, naghimagsik sa kanilang mga magulang para sakanilang mga pangangailangan. Dito
ipinapakita ang reyalidad ng buhay, na kung saan sa pagbabawal ng mga magulang ay hindi
lubos na maintindihan ng mga anak. Dahil rito, nagiging suwail o nagrerebelde ang mga ito.

PANINGIN

Ang kwentong ito ay isinulat sa pangatlong tauhan sapagkat ito ay naisulat sa pamamagitan ng
salitang “siya” na kung saan ay malaya niyang naisalaysay ang bawat pangyayari sa kwento.

TANONG AT SAGOT

1. Bakit pinagbawalan sina Cleofe at Ariel ng kanilang mga magulang na magkita?

- Dahil tukso na magkita sila at masama ito.

2. Ano ang ginawa ni Cleofe at Ariel upang malihim ang kanilang pagkikita?

- Sila’y nagkita sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan.

3. Ano ang naramdaman ng kanilang mga magulang nang malaman na sila’y nakita nang
magkahawak ang kamay?

- Galit at tutol ang kanilang mga magulang sakanilang ginawa. Nais nilang matigil ang
kanilang pagsasama at pagkikita.

You might also like