You are on page 1of 2

Isa sa mga klasikong kuwento ng pag-ibig na nakamulatan ng mga Pilipino ay

ang Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg. Sumasaklaw ang kuwentong ito sa isang
usaping madalas nating mapanood sa mga telenobela na pag-iibigan ng mga
magkababata.
Nakatira sa isang simpleng lalawigan ang magkababata na sina Ariel at Cleofe.
Nagsimula ang kanilang magandang samahan bilang mga magkalaro.

Itinuring nilang kanilang paraiso ang kanilang lugar kabilang ang bukirin kung
saan sila naglalaro. Hindi namalayan ng dalawa na ang kanilang magiging
malapit ay magbubunga ng isang pagtitinginang magbubunga hanggang sa
kanilang pagtanda.

“Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?” –Cleofe
7 na Patok na Negosyo na Malaki ang Kita Ngayong 2023
Ito ang isa sa mga linya ni Cleofe habang tinititigan nila ang paglubog ng araw
na isang napakaromantikong bahagi ng kuwento.

“Naririning mo ba…..may tumutunog sa aking dibdib?” –Ariel habang kausap si


Cleofe at pinanonood ang dapit-hapon.
Sa linyang ito pa lamang ni Ariel ay malalaman nang noon pa man, bata pa
lamang sila ay espesyal na ang pagtitinginan nila ng kababatang si Cleofe.

“Siguro, paglaki ng mga batang ‘yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan.”


–Isang babaeng nakakita kina Cleofe.
Ito naman ang linya ng isang babaeng nakakita sa pagiging malapit ng dalawa.
Bata pa lamang sila ay batid na ng mga nakakikita sa kanila na espesyal ang
kanilang pagtitinginan.

Nang magbinata at magdalaga na sina Cleofe at Ariel, batid na nila ang kanilang
espesyal nilang pagtitinginan. Ngunit kontra ang kanilang mga magulang sa
kanilang pag-iibigan.

Ayon sa pamilya ni Cleofe, hindi raw si Ariel ang lalaking pinangarap nila sa anak.
Batid rin nilang abala ang pag-ibig kay Cleofe na gusto nilang makapagtapos ng
pag-aaral.
“Kahit na…kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin.
Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!” –Nanay ni
Cleofe
Pangarap kasi ng mga magulang ni Cleofe, lalo na ng kaniyang ina na maging
doktora ang kaniyang anak. Batid niyang ang pag-iibigan nina Cleofe at Ariel ay
isang malaking hadlang para sa kaniyang pangarap sa anak.

“Walang kwenta iyon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit


kayong muli. Hindi mo ba alam… na gustong- gusto ka ng mga magulang niya na
maging doktora siya?” – Sabi ni Ariel sa kaniyang sarili.
Maging si Ariel ay kinukumbinsi ang sarili na tama ang mga magulang ni Cleofe.
Sinasabi niya sa sarili na kailangan nilang sumunod dahil para naman sa kanilang
kinabukasan ito. Pero nanaig pa rin ang pag-ibig nila at hindi nila kayang
magkalayo nang mahabang panahon.

Dahil sa pagtutol nila sa kanilang pag-iibigan, tinangkang ilayo si Cleofe sa


kaniyang iniibig na si Ariel. Ngunit hindi ito nagustuhan ng dalawa. Gumawa pa
rin sila ng paraan upang makapagkita at damhin ang pag-ibig nila para sa isa’t
isa.

Natagpuan nila ang kakaibang paraiso sa piling ng isa’t isa. Narating nila ang
isang paraisong ngayon lang nila natuklasan, isang paraiso na para lamang sa
mga taong nagmamahalan.

Matapos ang ilang araw, nakaramdam si Cleofe ng kakaiba sa kaniyang katawan.


Nagbunga pala ang pagmamahalan nila ni Ariel. Ngayon ay may bago silang
biyaya mula sa bagong paraisong natuklasan nila.

Aral
Maraming magagandang samahan ang nabubuo mula sa pagkabata. Ang
pagiging musmos kasi ang pinakapurong paraan upang ipakita ang pag-ibig sa
kapuwa na walang malisya. Maaaring sa pagtanda ay dala pa rin ang pag-ibig na
ito, at maging dahilan upang mapunta sa ibang antas ang pagtingin ng mga ito
sa isa’t isa.

You might also like