You are on page 1of 2

SA BAGONG PARAISO

I. BUOD

Magkababata sina Ariel at Cleofe. Musmos pa lamang sila ay kilala na nila ang isa’t isa. Itinuring nilang
isang paraiso ang kanilang lugar, kasabay ng kanilang gawain at paglalaro na labis nilang kinaaliwan
noon.

Walong taong gulang sila nang magkakilala at mahilig maglaro sa tabing-dagat at sa malawak na bukirin
sa kanilang lugar.

Ang magandang samahan nina Ariel at Cleofe ay nagtagal hanggang sa dumating ang panahon na sila ay
dalaga at binata na. Sa panahong ito, wala na ang kamusmusan at nag-iba na rin ang takbo ng kanilang
isip, maging ang kanilang damdamin.

Batid ng mga magulang nila na higit na sa pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa. Ang dating
magkalaro ay alam nilang mahalaga na ang tingin sa isa’t isa. Kaya naman gumawa ng aksyon ang
kanilang mga magulang

II. URI NG NOBELA - NOBELANG ROMANSA


III. MGA BAHAGI

A. TAGPUAN - Dalampasigan, malawak na looban, bayan (Maynila)


B. MGA TAUHAN - Ariel – matalik na kabigan ni Cleofe noong sila’y bata pa
Cleofe - matalik na kabigan ni Ariel noong sila’y bata pa
Mga magulang – magulang nila Cleofe at Ariel
C. PANIMULA - Mayroong dalawang magkababata na sina Ariel at Cleofe. Madalas
silang maglaro sa malawak na taniman at dalampasigan o ang kanilang munting
paraiso. Saglit na Kasiglahan: Nabanggit ng kanilang mga magulang at kanayon
na siguro, paglaki nila ay sila ay magkakapangasawahan. Narinig ito ng mga bata
at sila’y parehong nagtaka.
D. KASUKDULAN - Nahuli sila ng kanilang mga magulang na magkahawak-kamay sa
Luneta kaya sila’y pinadalhan ng liham ng mga magulang. Binantaan si Cleofe na
luluwas ang kanyang ama kung hindi nila ito ititigil. Kakalasan: Napagkasunduan
nina Cleofe at Ariel na sila ay magtatago at ililihim sa kanila ang lahat. Patuloy
silang nagkita sa bagong paraiso na sa halip na malawak na looban o
dalampasigan ay makitid, sulok-sulok, at malamig.
E. WAKAS - Isang araw ay dumagundong ang kalawakan at pumatak ang ulan. Ang
dalaga ay dumungaw sa bintana, may bagay sa kanyang katawan na ibig niyang
ilabas hanggang sa ito ay umakyat sa kanyang lalamunan. Ang lumabas sa
kanyang bibig ay sandaling kumalat at pagkaraa’y inanod ng ulan. Sa huli, ang
dalaga’y napabulalas ng iyak.
IV. REAKSYON - Marami sa kabataan ngayon ang naliligaw ng landas. Ang kwentong ito
ay naglalayong imulat ang mga kabataan na dapat maging maingat at sundin ang
payo ng mga magulang upang hindi magsisi sa huli.
V. SANGGUNIAN -

You might also like