You are on page 1of 7

I.

PAMAGAT: Sa Bagong Paraiso


Katha ni: Efren Abueg

II. KAHULUGAN NG PAMAGAT

Ang paraiso ay isang lugar na napakaganda, kasiya-siya at kaaya-aya. Ito


din ay maaring tumutukoy sa damdamin ng kasiyahan at kaginhawaan at ang
paraisong tinutukoy ng awtor sa pamagat ng kuwento na ito ay ang mga mundong
ginalawan ng dalawang pangunahing tauhan dito. May dalawang mundo o paraiso
ang nabanggit sa maikling kuwento ng “Sa Bagong Paraiso”. Sa pagtanda nina Cleofe
at Ariel ay napalitan ang una at dati nilang paraiso, ang kanilang bakuran at ang
dalampasigan, na inikutan ng kanilang buong kabataan at kawalang malay sa buhay,
ng isang paraisong binubuo ng paghihimagsik at pagtatago ngunit puno din ng
kaligayahan at pagmamahalan ng dalawang tauhan sa kuwento.

III. BUOD
Si Cleofe at Ariel ay kapuwa walong taong gulang na matagal nang
magkaibigan at parehong wala pang ganap na malay sa mundong kanilang
ginagalawan. Silang dalawa’y laging naglalaro sa kanilang bakuran at sa kalapit
nitong dalampasigan at ang mga lugar na ito ay ang kanilang paraiso. Kilala ang
dalawang magkaibigan sa kanilang nayon dahil sa kanilang pagkakaibigan at talino.
Kinaiingitan ng ibang bata ang kanilang pagkakaibigan at minsa’y narinig ng dalawa
mula sa mga saksi sa pagkakaibigan nila’y sila ang makapangaasawahan. Lumipas
ang panahon at sila’y nag-umpisa at nakapagtapos din sa hayskul. Noo’y kinausap
na sila ng kanilang mga magulang na panahon na upang sila’y maghiwalay at hindi
muna magkit dahil pinaniniwalaan nila na sila’y tukso para sa isa’t –isa lalo na at
sila ay mga dalaga’t binata na. Sinunod naman ng dalawa ang utos ng kanilang mga
magulang at sila’y nagtungo sa bayan upang magkoleheyo. Nagdaan ang madaming
taon simula nang sila ay tumigil sa pagkikita ngunit isang araw ay hindi sinasadyang
nagkita sina Cleofe at Ariel. Muling nagkabangga ang kanilang mga mundo at sila’y
hindi na nakatiis. Ang isang pagkikita ay nasundan pa ng madami. Ang kanilang
pagkikita’y ginagawa nila ng palihim sa takot na madiskubre ito ng kanilang mga
magulang. Ang mga lugar na kanilang naging lihim na tagpuan ay ang naging
kanilang bagong mundo, ang kanilang bagong paraiso. Ang paghihimagsik nilang ito
ay di naglaong humantong sa kinakatakutang pangyayari ng kanilang mga
magulang, ang sila’y masadlak sa isang kasalanang makakasira sa kanilang mga
pangarap at tuluyang magbubukas sa kanilang kamalayan.

1
IV. PAGSUSURI

A. Uri ng Pampanitikan

Ang maikling kuwento na ito na isinulat ni Efren Abueg ay nasa anyong


pampanitikan na maikling kuwento.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang kuwentong ito ay gumagamit ng karaniwang estilo ng paglalahad


upang isalaysay ang kuwento ng mga pangunahing tauhan. Ang pamamaraang ito
ay ipinapakita sa simulang bahagi ng kuwento kung saan sinimulan ng awtor ang
paglalahad sa pagkabata nina Cleofe at Ariel hanggang sa kanilang pagtanda.

C. Tayutay / Talasalitaan

1. Madalumat- magawang maglarawan sa isip o mag-isip.

2. Nagkalapak-lapak- napuit; nasira

3. Maaligasgas- magaspang

4. Nasaid- naubos; walang natira

5. Bubot- hindi pa hinog

6. Nanaog- bumaba sa hagdan

7. Ngumata- ngumuya

8. Tanikala- kadena

9. Nangatal- nanginig

10. Matutop- mahuli

V. MGA PANSIN AT PUNA:

A. TAUHAN

a. Pangunahing Tauhan

1. Cleofe- ang babaeng kaibigan ni Ariel mula ng sila’y bata pa hanggang sa


kanilang pagtanda.

2. Ariel- ang lalaking kaibigan ni Cleofe mula ng sila’y bata pa hanggang sa


pagtanda

2
b. Pangalawang Tauhan

1. Mga Magulang- ang mga tumututol sa pagkikita nina Ariel at Cleofe dahil
sila’y mga dalaga at binate na at tukso para sa isa’t isa.

c. Pantulong na tauhan

1. Batang lalaki- nanudyo kina Cleofe at Ariel dahil sa ‘di paghihiwalay ng


dalawa.

2. Mga guro- ang nasabing matang nagbabantay sa mga pangunahing tauhan


kung sila ay nasa eskuwelahan.

3. Mamamakyaw- bumibili ng mga prutas na ibinunga ng mga puno sa bakuran


ng mga pangunahing tauhan.

B. TAGPUAN

1. Bakuran ng kanilang bahay- laruan ng mga pangunahing tauhan noong bata pa


lamang sila.

2. Dalampasigan- pangalawang palaruan ng mga pangunahing tauhan kung sila’y


nagsawa na sa kanilang bakuran.

3. Bayan- lokasyon ng paaralan ng dalawang pangunahing tauhan noong sila’y


nagsipag-kolehiyo na.

4. Luneta- pook na pinagkitaan ng daalawang pangunahing tauhan matapos


maghiwalay nang mahabang panahon.

C. GALAW NG PANGYAYARI

Ang mga pangyayari sa maikling kuwento na ito ay sunod-sunod na


inilahad ng awtor mula sa panimulang pangyayari na unti-unting sumidhi o
tumaas patungo sa karurukan o kasukdula ng kuwento pababa sa kakalasan ng
mga pangyayari hanggang sa wakas.

3
VI. SARILING REAKSYON

Bilang isang kabataan na tulad nila Cleofe at Ariel, ako ay mulat na sa


katotohanang marami na ngang kabataang dalaga ngayon ang nagdadalang tao sa
maaga nilang edad. Ang isa sa mga dahilan sa suliraning ito ang nagdudulot sa
mabilis na paglobo sa populasyon ng ating bansa dahil na din sa pagrerebelde ng
mga kabataan sa kanilang mga magulang o maski ang simpleng pagsuway nila sa
mga ito. Makatotohanan ang komposisyong ito kaya’t marami ngang mapupulot na
aral at paunang babala ang mga kabataang mambabasa ng kuwentong ito. Naging
kawili-wili din ang aking pagbabasa sa maikling kuwento na ito dahil may
kabuluhan at hindi nakakasawa ang buod ng kuwento. Ang mga kuwentong ganito
ay dapat mabasa ng mga kabataan ngayon dahil ito’y makapag-bigay kaalaman
sakanila na ang bawat desisyon na ginagawa natin sa buhay ay maari nang
makaapekto o makasira sa ating mga pangarap at sa mga pangarap ng ating mga
magulang sa atin.

VII. BISANG PAMPANITIKAN

A. Bisa sa Isip

Ang aral na hatid ng maikling kuwentong “Sa Bagong Paraiso” ay


nagbukas sa aking isip at nagpaunawa sa akin na lahat ng desisyon at pagbabawal
ng ating mga magulang na minsa’y taliwas sa ating kagustuhan ay tunay ngang
para lamang sa ikakabuti natin na kanilang mga anak. Ang maikling kuwentong
ito ay nakatulong din sa pagpapalawak ng aking kaalaman sa bokabularyong
Filipino.

B. Bisa sa Damdamin

Sa umpisa ng maikling kuwento na ito kung saan inilahad ang kabataan


nina Cleofe at Ariel ay nakadama ako ng tuwa. Naalala ko ang aking kabataan
kung saan gaya ng mga pangunahing tauhan ay malaya akong nakakapaglaro
kasama ng aking mga kababata. Napaalala nito ang saya na aking nadama sa
simpleng paglalaro ng habulan sa damuhan noong ako’y bata pa lamang at wala
pang muwang sa mundo. Sa katapusan naman ng maikling kuwento na ito ay
nakadama ako ng lungkot para sa kinahinatnan ng paghihimagsik ng dalaga’t
binata sa kanilang mga magulang. Ito’y dahil siguradong ang kanilang
kinabukasan at mga pangarap ang kanilang isinugal para sa kanilang
pagmamahalan.

4
C. Bisa sa Kaasalan

Mula nang nabasa at naintindihan ko ang nais iparating na aral ng awtor sa


kanyang mga mambabasa ay napagtanto ko na hindi nga nakasasama ang
pakikinig sa payo ng ating mga magulang. Pinaintindi ng kuwentong ito na hindi
din kalian man magiging mali ang pagsasauna o pagpraprayoridad sa ating pag-
aaral at sa pag-abot sa ating mga pangarap. Bilang isang anak, aking isasabuhay
ang aral na aking napulot mula sa kuwentong ito. Iintindihin ko na lamang ang
lahat ng payo at bilin ng aking mga magulang at mas magiging responsible at
matalino na ako sa paggawa ng mga sarili kong desisyon mula ngayon.

VIII. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

A. Kahalagahang Panlipunan o Pangkabuhayan

Ang paggabay at minsang paghihigpit ng mga magulang sa kanilang mga


anak ay talagang kailangan at mahalaga upang hindi mapariwara ang mag ito.
Kapag hindi binigyang kalinga ng mga magulang ang kanilang anak ay maaring
mawawala sa landas ang takbo ng buhay ng mga ito dahil sa mga tuksong
pumapalibot sa mga ito habang silay tumatanda.

B. Kulturang Pilipino

Kung babasahin ang maikling kuwento na ito ay kapansin pansin naman


ang pagiging konserbatibo ng mga magulang ng dalawang pangunahing tauhan.
Ipinagbabawal ng mga ito ang pakikipagkita ng kanilang mga anak sa kasalungat
nilang kasarian at ito ay ang hindi direktang pagsasabi o pagbabawal ng kanilang
mga magulang sa pagkakaroon ng kanilang mga anak ng nobyo o nobya.
Naipakita ng kuwentong ito ang kulturang Pilipino na kung saan inuuna ng mga
kabataan ang pagtatapos ng pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon.

C. Pilosopiyang Pilipino

Ang ating mga magulag ang may higit na alam sa buhay kaya’t dapat
lamang na pakinggan natin ang kanilang mga payo dahil tulad nga ng kasabihan
nating mga Pilipino, “Habang ang mga kabataa’y papunta pa lamang, ang mga
nakakatanda ay pabalik na.”

D. Simbolismo

Ang simbolismong ginamit sa maikling kuwento na ito ay ang dingding na


sinimbolo ang lumaking agwat sa pagitan ng dalawang pangunahing tauhan buhat
ng kanilang pagtanda at unti-unting pagkakamulat sa tunay na mundo.

5
IX. IMPLIKASYON

A. Kalagayang Panlipunan

Ang maikling kuwentong ito ay nagsisilbing inspirasyon o nagbubukas sa


kamalayan ng mga mambabasa nito na ang pagiging padalos-padalos at mapusok
sa ating mga desisyon, lalo na sa pag-big, ay hindi kailan man magdudulot sa atin
ng kabutihan. Ito pa mismo ang magtutulak sa atin sa isang daan na maaring hindi
pa natin handing harapin. Sa katunayan ay marami nang kabataan sa ating lipunan
ang meron nang mga pamilya sa kabila ng kanilang murang edad. Ito ay dahil sa
mapusok na pagdedesisyon nila pagdating sa pagibig. Ito ang naglulugmok
sakanila sa isang responsibilidad na dapat ay hindi pa nila iniisip o kinakaharap sa
kanilang edad ngayon na minsa’y nagiging rason pa ng pagkasira ng kanilang
buhay.

B. Kalagayang Pangkabuhayan

Ang mensahe ng kuwentong ito ay maaring gawing inspirasyon ng mga


mambabasa nito pagdating sa kanilang pagkokonsidera sa mga payo ng mga
taong nasa paligid nila. Sa pagtanda natin at sa oras na naabot na natin ang nais
nating propesyon sa buhay ay kinakailangan na nating makisama o makihalubilo
sa ibang tao. Ang hindi pagiging maunawain at bukas sa payo ng iba ay hindi
makatutulong sa atin sa pagiging propesyonal sa ating trabaho kaya’t habang
maaga pa lamang ay dapat na nating sanayin ang ating sarili sa pakikinig sa ibang
tao.

C. Kalagayang Pansarili

Bilang mga kabataan na matatawag nang mga dalaga’t binata, minsan ay


nais nating tayo na ang gagawa ng desisyon para sa ating sarili. Dahil sa ating
murang edad ay matatawag pa tayong hindi bihasa sa buhay. Marami pa tayong
hindi alam at minsa’y hindi pa natin alam ang tama o mali. Ang labis nating
kagustuhan na maging malaya ay ang dahilan ng ating pagiging mapusok sa
paggawa ng mga desisyon para sa ating sarili. Ito ay dahil nais nating
mapatunayan sa iba na kaya na nating maging malaya. Dahil sa ating
pagpapadalos-dalos ay hindi na tayo nagkakaroon ng oras upang pag-isipan ang
ating bawat desisyon.

6
X. KABUOANG ARAL

Ang pinakamahalagang aral na napulot ko sa maikling kuwento na ito ay


ang pagsunod o pakikinig sa mga payo ng ating mga magulang. Ito’y dahil wala
namang magulang ang gustong mapasama ang kanilang mga anak. Ang ating mga
magulang ang may alam kung ano ang makabubuti o makakasama sa ating mga
kabataan dahil pinagdaanan na nila ang ating edad at ang pagkabinata’t dalaga. Kung
ninanais din ng ating mga magulang na tayo’y mag-aral nang mabuti at makapagtapos
ay dahil gusto nilang mas mapaigi ang ating kinabukasan. Tulad sa maikling kuwento
na ito, ang paghihimagsik sa ating mga magulang ang maglulugmok sa atin sa mga
kasalanan.

Pangalawa ay ang pagiging matalino at hindi padalos-dalos na


pagdedesisyon nating mga kabataan para sa ating sarili. Hindi masama ang umibig
habang nag-aaral. Ngunit dapat nating pakakatatandaan na ang pag-ibig ay dapat
gawin nating inspirasyon upang tayo’y mapabuti hindi isang distraksyon na
makasisira sa pangarap natin at sa pangarap ng ating mga magulang para sa atin.
Itinuro ng maikling kuwento na ito sa akin na hindi dapat laging puso ang ipinapairal
natin sa pag-gawa ng mga desisyon dahil ang puso ay bulag sa mga tukso. Dapat din
nating pakinggan ang sinsasabi ng ating isip upang ang mga desisyon na ating
gagawin ay hindi natin pagsisisihan sa huli.

Suring-Basa nina:

Cayago, Camila

Bilbao, Maria Irish

Gelido, Moira

Samson, Brix

Garcia, Geofer

You might also like