You are on page 1of 3

May A.

Mejillano
Bsed/ Fil. A
Pagsusuri ng Nobela

I. Pagkilala sa may Akda - Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista,
kuwentista,mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga
aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento.Siya rin ang
editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ngMga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga
Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino 1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973) . Iba pang Gawain.
Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit
hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikongpaaralan, mula sa elementarya,
sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito,malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento
sa mga teksbuk na sinulat ng iba. Nakilahok at nagwagi sa timpalak palanca. Isinulat ang
Novelang Ito na Ang bagong Paraiso.

II. Uri ng Papanitikan - Ang uri ng panitikan na ito na isinulat ni Efren abueg ay isang
nobelang katha na nabibilang sa romansang pakikipagsapalaran. Kweno ito ng
pakikipagsapalaran para sap ag-ibig ng isang dalagat binate na hindi naging madali at
matagumpay ang lahat. May mga kapupulutan na aral sa nobelang ito. Malalalim at hango
sa totong pinagdadaanan ng isang nag-iibigan.

III. Pamagat- Sa Bagong Paraiso


Katha ni: Efren Abueg

Pagsusuri

IV . Kahulugan ng Pamagat - Ang paraiso ay isang lugar na napakaganda, kasiya siya at


kaaya-aya. Ito ay maaring tumutukoy din sa damdamin ng kasiyahan at kaginhawaan. Ang
paraisong tinutukoy ng awtor sa pamagat ng kwento ay mundong ginagalawan ng dalawang
pangunahing tauhan dito. May dalawang mundo o Paraiso ang nabanggit “Sa bagong Paraiso”.
Sa pagtanda nina Cleofe at Ariel ay napalitan ang una at dati nilang Paraiso ang kanilang
bakuran at kalapit na dalampasigan na iniikutan ng kanilang kabattan at kawalang malay sa
buhay. Isang paraisong binubuo ng paghihimagsik at pagtatago ngunit puno din ng kaligayahan
at pagmamahalan ng dalawang tauhan sa kwento.

V . Istilo ng Paglalahad - Ang kwentong ito ay gumagamit ng karaniwang istilo ng


paglalahad upang maisalaysay ang kwento ng pangunahing tauhan. Ang pamamaraan na ito ay
ipinapakita sa unang bahagi ng kwento kung saan sinisimulan ng ator ang paglalahad sa
pagkabata nina Cleofe at Ariel hanggang sa kanilang pagtanda.
VI. Tauhan
Pangunahing tauhan
Cleofe – Ang babaeng kaibigan ni Ariel mula ng silay bata pa hanggang sa
kanilang pagtanda.

Ariel - Ang lalaking kaibigan ni Cleofe mula pagkabata pa.

Ikalawang Tauhan
Mga magulang - Ang tumututol sa pagkikita nina Ariel at Cleofe dahil sila ay
mga dalaga’t binata naat natukso sa isa’t isa.

Mga Guro - Ang nasabing matang nagbabantay sa mga pangunahing tauhan


kung sila ay nasa Eskwelahan.

VII. Tagpuan - Sa dalampasigan, sa Paaralan at sa bakuran at malawak na looban.

VIII. Banghay
Panimula - Mayroong dalawang magkababata na sina Ariel at Cleofe. Madalas
silang maglaro sa malawak na taniman at dalampasigan o ang kanilang munting Paraiso.

Saglit na kasiglahan - Nabanggit ng kanilang mga magulang at kanayon na


siguro, paglaki nila ay sila ay magkakapangasawahan. Narinig ito ng mga bata at sila’y parehong
nagtaka.
Tunggalian - Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao dahil sina Ariel at Cleofe
ay hindi sangayon sa bilin ng kanilang magulang kaya ito’y sinusuway nila.

Kasukdulan - Nahuli sila ng kanilang mga magulang na magkahawak-kamay sa


Luneta kaya sila’y pinadalhan ng liham ng mga magulang. Binantaan si Cleofe na luluwas ang
kanyang ama kung hindi nila ito ititigil.

Kakalasan - Napagkasunduan nina Cleofe at Ariel na sila ay magtatago at ililihim sa


kanila ang lahat. Patuloy silang nagkita sa bagong paraiso na sa halip na malawak na looban o
dalampasigan ay makitid, sulok-sulok, at malamig. Wakas: Isang araw ay dumagundong ang
kalawakan at pumatak ang ulan. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana, may bagay sa kanyang
katawan na ibig niyang ilabas hanggang sa ito ay umakyat sa kanyang lalamunan. Ang lumabas
sa kanyang bibig ay sandaling kumalat at pagkaraa’y inanod ng ulan. Sa huli, ang dalaga’y
napabulalas ng iyak.

IX. Tema : Maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas ang tema ng kwentong ito ay
nagpapakita ng tamang disiplina sa sarili at kahalagahan ng pagsunod sa magulang upang
walang pagsisihan sa huli.
X. Pananaw - “Sa Bagong Paraiso” ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan na babae at
lalaki na pilit pinaghihiwalay ng kanilang mga magulang dahil sa kadahilanang sila ay nais
munang makapagtapos ng pagaaral at ang lalaki raw ay tukso sa babae. Nais ipahiwatig ng may
akda na dapat tayong mga kabataan ay sumunod sa payo ng ating mga magulang dahil sila ang
mas nakakaalam sa kung ano ang makabubuti. Ngunit dahil sa tukso at bugso ng kanilang mga
damdamin sila ay kumawala sa hawla ng damdamin at hawla ng banta at bawal mula sa kanilang
magulang at tinahak ang kanilang naging bagong Paraiso na siyang naging dahilan ng pagdilim
ng kanilang mundo.

XI. Damdamin - Ang damdaming umiral sa kwentong ito ay panandaling kasiyahan at


kalungkutan. Umiral ang bugso ng damdamin ng pangunahing tauhan kung kaya’t ibat-ibang
emosyon ang umiral sa kwentong ito ni Efren Abueg.

XII. Aral na makukuha - Hindi masama na tayo ay umibig, ngunit lahat ay marapat na sa
tamang panahon. Walang masasaktan na tao lalo na ang ating mga magulang. Bawat magulang
ay hangad lamang kung ano ang makabubuti para sa kanilang mga anak at kanilang mga
pangarap. Ang bugso ng damdamin ay hindi maiiwasa ngunit dapat natin isaalang -alang ang
kahihinatnan nito sa ulo sa bawat desisyon na ating gagawin.

XIII. - Lubhang napakahirap labanan ng tukso lalo na kung pag-ibig ang nakasalalay. Maraming
kabataan ang naliligaw ng landas dahil dito. Ang payo ng magulang ay para sa atin din. Huwag
nating balewalain ang kanilang mga pangaral. Higit na unang nasasaktan ang ating mga
magulang kapag tayo ay napunta sa maling landasin ng buhay. Hindi natin kailangan madaliin
ang lahat ng bagay. Lahat ay may nakalaan at may tamang panahon. Manalig tayo sa panginoon
at magkaroon ng takot sa kanya. Humiling tayo ng gabay sa araw-araw gawin nating sento ng
ating buhay angf panginoon ng sa gayon makaisip tayo ng tama.

You might also like