You are on page 1of 1

May A.

Mejillano
Bsed Fil. A
Maikling Kwento At Nobelang Pilipino
Ma’am Nerissa Macinas

Repleksyon Sa Asignatura

Umpisa pa lang ng aming klase ng makita ko sa aking mga subject na kukunin at pag-
aaralan namin ang Maikling kwento at Nobelang Pilipino ay hindi ako nagkaroon ng
pagaalinlangan at takot sapagkat bata pa lamang ako ay mahilig na ako magbasa ng mga
kwento at nobela. Naging interesado ako sa bawat paksa na itinuturo ng aming guro dito. Ngunit
napagalaman ko din na hindi pala basta basta pagbabasa lang ng nobela at kwento ang dapat ko
matutunan. May mga element at sangkap pala ng mga ito. Mabusisi ngunit hindi naman ganun
kahirap intindihin.

Ang aking mga natutunan dito ay aking babaunin hanggang sa ako aymaging isang
Guro sa hinaharap. Masaya ako sa aking mga natutunan lalo na nung tinalakay namin ang ibat-
ibang manunulat na nakilala sa larangan ng pagsulat ng nobela at maikling kwento na kapwa
namin Pilipino. Pumasok sa aking isipan na kung aking pagaaralan pa Mabuti at pagbubutihan
ang aking pag-aaral ay maari din akong isang manunulat at kahit sino man na may sapat na pag-
aaral at interes dito.

Ang aking bawat natutunan ay babaunin at ituturo ko din sa aking mga magiging mag-
aaral sa hinaharap kung papalarin na maging isang Guro.

You might also like