You are on page 1of 2

Osorio, Aica Ysabelle F.

BSE-III FILIPINO

Preliminaryong Pagsusulit

Malikhaing Pagsulat (Sed Fil Elective 1)

I. Gumawa ng isang maikling personal na sanaysay alinsunod sa sumusunod na paksa:

Mga katangian at personal na karanasan bilang manunulat/o sa pagsusulat.

Ang pagsusulat ay isang talento na maaring makapagpabago ng buhay ng isang tao. Ang
pagsusulat ay isang mabisang paraan upang isatitik ang bawat ideya at kaisipan. Ang talentong
ito ay maituturing na isang kayamanan na hindi kayang manakaw kahit sino man.

Bata palang ako ay hilig ko na ang pagsusulat. Nang Makita ng aking Ina ang aking
interes sa pagsusulat hindi siya tumigil sa pagtuturo at pagsusuporta sa akin. Hindi ko
malilimutan ang aking karanasan noong ako ay nasa elementarya pa lang. Ako ay isasabak sa
patimpalak sa pagsusulat ngunit hindi ko sineseryoso ang aking pagsasanay kung kaya’t
sinumbong ako ng aking guro sa aking Nanay dahil sa ugali kong hindi kanais-nais. Sinundo ako
ng aking Ina at siya ang nagturo sa akin sa aming bahay. Dahil sa katigasan ng ulo ko, gamit ang
lapis aksidente niya akong nasugatan malapit sa aking mata. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo
sa aking mukha kasabay ng mahigpit na yakap ng aking Ina. Paulit-ulit kong naririnig ang
paghingi niya ng paumanhin sa kaniyang nagawa. Simula noon, naging seryoso ako sa
pagsusulat ng iba’t ibang uri ng panitikan. Sa pagtungtung ko sa sekondarya, mas lalong
lumawak ang aking kaalaman patungkol sa pagsusulat dahil ako ay naging aktibo sa pagdalo ng
iba’t ibang seminar na patungkol sa pagsusulat. Malaki ang pasasalamat ko sa aking Ina
sapagkat hindi siya nagdalawang-isip na bayaran ang bawat seminar na aking dinaluhan bagkus
sinuportahan niya ako sa abot ng kaniyang makakaya. Bilang isang manunulat, masasabi kong
kailanman hindi magiging madali ang pagsusulat sapagkat nangangailangan ito ng malalim na
pag-iisip at malawak na imahinasyon. Ang kritikal na pag-iisip ay kinakailangan ding taglayin ng
mga manunulat. Gayundin, nararapat nilang mahalin ang pagbabasa sapagkat minsan, sa
pamamagitan ng pagbabasa nakakapulot tayo ng bagong ideya. Ang isang manunulat din ay
kinakailangang maging bukas sa opinyon ng iba. Gayundin, kailangang matutunan kung paano
tanggapin sa positibong paraan ang bawat negatibong komento na maririnig sa ibang tao. Isa sa
hindi ko makalimutan na naging karanasan ko sa pagsusulat ay ng masabihan ako isang guro na
hindi maganda ang aking akda. Aaminin ko, sa simula bumaba ang tingin ko sa sarili ko at
nagkaroon ako ng sama ng loob sa aking guro ngunit pinilit koi tong tanggalin. Sa mga panahong
iyon, nakita akong umiiyak ng aking Ina at sinabi niya sa akin na ang aking mga pagkakamali o
kabiguan ay isang hakbang upang makamit ko ang aking pangarap na maibilang sa mga
manunulat na tanyag. Simula noon, lahat ng naririnig kong mga negatibong komento ay
ginagawa kong motibasyon upang mapabuti ko pa ang aking pagsusulat at upang maabot ko ang
pamantayan ng bawat mambabasa sa lipunan. Isa sa pinakahindi ko malilimutang karanasan sa
pagsusulat ay nang manalo lahat ng aking akda sa aming paaralan at nakatanggap ako ng
sertipiko sa aking guro na isa sa mga naniwala sa kakayahan ko sa pagsusulat.

Sa tamang panahon, naniniwala ako na lahat ng pagod, puyat at paghihirap na aking


naranasan dahil sa pagsusulat ay magbubunga. Naniniwala rin ako na lahat ng mga masasakit na
salita mula sa ibang tao na siyang dahilan ng pagbuhos ng mga luha ko ay magiging daan upang
maabot ko ang aking pangarap na siyang magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay na matagal
kong inantay. Para sa lahat na nagnanais na magsulat, magpatuloy lamang kayo sa pagpupursigi
at huwag maniwala sa sinasabi ng iba. Nawa’y patuloy ninyong sundan ang inyong mga
pangarap sa pagsusulat sapagkat naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagsusulat nakakapag-
iwan ang isang tao ng mga aral na mananatili sa kanilang puso’t isipan kahit dumating ang
panahon na ikaw na ay lumisan. Ang iyong mga akda ay patuloy na magiging daluyan ng
karunungan at patuloy sa pag-iimpluwensya sa mga kabataan na mahalin at yakapin ang
pagsusulat. Masasabi kong ang pagsusulat ang siyang bumuo sa aking pagkatao at ito rin ang
dahilan kung bakit sa lahat ng aking laban wala akong inaatrasan.

You might also like