You are on page 1of 1

Bakit Ako Nagsusulat?

Sulat, basa, sulat, sulat- tila hindi na mapaghihiwalay sa akin at sa pangaraw-araw kong gawain ang
pagsulat lalong lalo na sa tuwing ako'y nasa paaralan. Sa tagal Ng panahon ng aking pag-aaral ay hindi ko
na Rin namamalayan araw-araw ko nang ginagawa ang pagsulat na para bang Isa na itong mahalangang
parte Ng aking buhay. Ngunit nang aking mapagtanto, isang tanong ang sumagi sa aking isipan: Bakit nga
ba ako nagsusulat?

Kadalasang hindi na natin napapansing mga mag-aaral na kusa na lang tayo nagsusulat kahit pa pormal o
impormal pa iyan o kaya para sa kinakailangang gawain sa isang asignatura. Hindi na rin natin
napapansin na Kung ano nga ba ang tunay na dahilan at kahalagahan kung para saan Ang ating pagsulat,
kung para lang ba tumaas at magkaroon tayo Ng pasadong marka Ngayo'y aking ibabahagi Kung bakit
nga ba ako nagsusulat.

Ang pagsulat ay isang pangangailangan. Hindi ko lamang kailangang magsulat para marka ng aking
asignatura, kundi para sa sa mas mahalagang dahilan tulad ng pagpapahayag Ng impormasyon at
makapagbatid Ng mas mabisang komunikasyon sa aking mambabasa. Nagsusulat ako dahil Alam Ko na
pagdating Ng panahon, magagamit ko ito para sa iba't ibang uri ng larangan tulad sa pagtratrabaho at
pagiging propesyonal. Kailangan ko Rin ito upang masabi na ako ay isang literado at produktibong
mamamayan Ng Mundo.

Para maihayag Ang aking damdamin. Ako ay nagsusulat upang maihatid ang nilalaman Ng aking puso't
isipan nang epektibo sa aking mga mambabasa. Nais kong magbigay-inspirasyon sa kanila sa
pamamagitan Ng paggamit Ng mga salitang mabibigay sa kanila Ng lakas Ng loob. Nais Kong magbigay
ng sarili Kong opinyon sa isang isyu na magmumukhang katiwa-tiwala sa Mata Ng nakararami upang
magtulak Ng pagbabago para sa ikabubuti Ng lahat.

Ang pagsulat ay buhay. Hindi natin ito maiiwasan dahil ang pagsulat dahil parte na at nakatatak na ito sa
buhay Ng isang tao. Isa itong mahalang parte ng ating kasanayan

at pagkatuto upang maging instrumento ng pagkakaunawan, pagkakaintindihan, at pagbabago sa


mundo.

Ako ay nagsusulat at patuloy Kong nililinang Ang aking sarili na mas matuto at mas humusay sa
larangang ito.

You might also like