You are on page 1of 1

O Paruparo

O paruparo, Kay liit na nilalang ngunit kung titingnan, may angking kagandahang hawig Kay Maria
Magdalena. O paruparo, Kay liit na nilalang ngunit kung titingnan, Kay sarap pagmasdan kasama ng mga
damo't bulaklak na sabay-sabay sumasayaw sa ihip Ng hangin. O paruparo, kung ako'y mabibiyayaan
lamang ng pagkakataong makausap ka't makahalina sa tuwina, O kay liit mong nilalang, ngunit kay
Raming tanong Rin akong gustong ibatid sa iyo.

O paruparo, hindi man kasing tayog ng agila Ang iyong paglipad, Hindi man namin kinakailangan pang
tumingala upang makita lamang at hangaan ang Ang nakapatayog mong lipad, napakaaliwasas naman
tingan ang napakalikot na pagaspas ng iyong pakpak, gayong mababa lamang, habang iniikot ang isa
pang magandang hardin. Paano ka nakapagbibigay ng gaan ng loob sa mga taong pinamamasdan ang
iyong pagkilos? Alam ko na Hindi sa lahat Ng oras ay nakararamdam ka ng saya. Alam ko na hindi ka
lamang lumilipad sa hardin Ng walang dahilan. Ngunit sa kabila Ng lahat, maganda ka parin sa aming
paningin at sa bawat sandali na ika'y aking pagmamasadan, tila ba ay nakakalimutan ko ang aking mga
problema. Paano ka nakapagbibigay ng ganitong pakiramdam sa isang tao?

O paruparo, paano mong nagagawang lumipad ng malaya? Ako naiinggit dahil sa kabila Ng lahat,
nagagawa mo parin iwagayway Ang iyong mga pakpak ay patuloy na lumipad at gawin ang ninanais. Sa
likot at Ng iyong iyong pagpagaspas, halatang walang pumipigil at walang dumidikta sa iyong pagkilos
habang ginagawa mo ang iyong papel at tungkulin. Nakakapagtrabaho ka sa rin hardin nang walang
humuhusga kung tama ba o mali ang iyong nagagawa. Paano mo kaya nagagawa ito?

O paruparo, napakaganda ring tingnan ang tingkad ng iyong mga pakpak. Pero hindi lamang ito ang
kapangyarihang nagagawa ng ganitong kulay, nakapagtataboy Rin sila ng mga kaaway. Sa liit mong
nilalang, bakit ka may angking lakas? Hindi lamang sa pakpak, ngunit sa likot ng kanilang kilos,
mahihirapan Rin silang hulihin ng mga kalaban. Kaya walang makakapigil sa kanilang makapagtrabaho na
wari ay walang kapaguran. Humahanga ako na sa kabila ng iyong laki, ay may angkin kang lakas na
tinataglay.

O paruparo, paano kaya ako magiging katulad sa iyo na makakapaghatid ng saya sa iba sa kabila Ng
lungkot na aking nadarama? O paruparo, paano kaya ako makakikilos ng malaya at naayon sa aking
kagustuhan sa kabila ng mga matang mapanghusga na nakapalibot at pinamamasdan ang aking bawat
galaw. O paruparo, paano kaya ako magkaroon ng lakas laban sa mga pagsubok na aking nararanasan sa
buhay? O paruparo, Kung may nais man akong hilingin, nais kong matulad sa iyo na sa kabila ng mga
pagkukulang ay nangingibabaw parin Ang lakas at ganda sa paningin ng lahat. Gusto ko sanang masagot
mo Ang aking mga katangunan, subalit ika'y isang paruparo at ika'y abala pa sa iyong tungkulin.

You might also like