You are on page 1of 3

"Panambitan ng munting paslit"

ni: Efraim Dagmil

Sa daluyong ng mainit na hangin

At libo-libong bitwing pumupukaw sa madilim na himpapawid

Nasaksihan ang di mapaliwanag na pag-uunahan

Kasabay sa daloy ng tubig at buhos na may pitik

Habang rinig ang tuwa, kasabikan, at pagmamahalan

Na bumabalot sa aming walang muwang na kaisipan.

Balat at haplos aming nararamdaman,

Mga labing sumasagi sa hubog ng katawan,

Mga bulong at boses ng lalaking pawisan,

At pagputok ng aming sagradong kinalalagyan.

Ngunit may tila puwang na pumipigil sa amin,

Harapin ang mundo't harapin ang bukas.

Sinagupa ang kapalaran, pinigil ang kinahantungan

Pinalayas na pala sa nilalagihang tahanan.

Sa munting butas ng lilim at maliit na pintong kinalalagyan,

May labas pasok na bagay na di namin maintindihan,

May boses ng babaeng tila nasaniban ng kaligayahan,

At kaliwanagan sa bawat hugot ng pwersang aming nasaksihan.

Sa paglipas ng araw, may pintig ng mabigat na damdamin.

Tila pipit, humikikbi't nagdurusa sa pait.

May kumakalabog, may humahampas at suntok,

Tumutusok, dumidiin sa di pormado naming katawan.


May malakas na lindol sa aming masikip na tahanan,

May bagyo't buhos ng maalat na tubig,

Sunog at usok na di namin kayang iwasan,

Mga butil na tila pumipigil sa aming paghinga.

Mga matapang na halamang gamot ang pinaligo sa amin

Mga langis na pumapatay, at tabletas na pampalaglag

Sa simulay walang malay, walang hugis, walang kulay.

Kami'y sanhi ng isang palag ng kasamaan,

Bunga ng mga kasidhian!

Nanatili ng ilang buwan, kumapit sa sinapupunan

Nagkaroon ng buhay at panandaliang hininga

Ngunit winasak, dinurog, tinaboy, sinaklit!

Humantong sa ilalim at di na kayang kumapit.

Nawalan ng pag-asa't nanakawan ng karapatan

O diyos ko! Diyos ko! Patawarin ang ina!

Patawarin ang ina, kung sino man siya.

Inay,Mahal na mahal kita!

Sobrang sabik sana aking nadarama

Na makita, mahagkan at mahalikan ka.

Mapagsigawan sa buong mundo na ikaw!

Ikaw ang magulang ko!

Ikaw sana ang aking magiging lakas,

Ikaw sana ang magiging kapitan ko, karamay at sandalan.

Ngunit wala na! Di na mangyayari lahat iyon! Wala na!


Wala nang puwang ang pagnanais na ito.

Ngunit di lang maiaalis ang paghihinayang na makita ang mundo.

Masilayan man lang ang mga mukha niyo,

Makita man lang ang ganda ng buhay

sa labas ng sinapupunang aming pinagmulan.

Nay, kung nabuhay ako anong ipapangalan mo sakin?

Anong isasambit at itatawag mo?

Kung naging babae ba ako, Maria ang pangalan ko?

Pwedi ding Kate, Lea, Michelle! Wow inay!

Kung lalaki kaya, Sam ang pangalan ko?

O kaya, Brian, kenneth, pwede ding Ian!

Kay ganda sana ng buhay na nakahanda sa akin.

Ang buhay na nais ko, pinangarap ko.

Buhay na gusto kong maranasan, kahit saglit lang.

O diyos ko, kahit isang saglit, kahit isang gabi lang.

Kahit isang gabi lang dinggin aming panambitan

Makita ang ganda ng mundo at ng sanlibutan

Isang gabi lang, maranasan ang saya't kalungkutan

Makita man lang ang ningning ng tala sa kalangitan.

Habang ang mundo ay naiidlip sa katahimikan.

Dinggin mo aming panambitan diyos ko!

panginoon ko! Dinggin mo ang panambitang ito.

You might also like