You are on page 1of 30

ni Amado Hernandez

Akoy ikinulong ng walang


sala ng dahil lamang sa
kanilang kagustuhan
Wala akong nagawa sapagkat
akoy mahina
Mga pangarap koy biglang
nawala
Akoy nakulong sa piitang
mapangahas
SA lugar na siguradong
hindi makakatakas
Hiwalay sa mundo at tila
walang silbi
Bintana ng aking mundoy
puno ng pagdadalamhati
Aking nararanasan ang labis
na pighati
Dahil lamang sa bayan na
aking pinaglingkuran ng
mabuti
Kalupitan ang aking
dinaranas sa kamay ng mga
tanod
Tila hayop kung ituring
kaming bilanggo
Mga panaghoy ng
pagpapakasakit ditoy
maririnig
Bawat segundo, minuto at
oras na lumilipas ay tila kay
bagal
Paghihirap ay lalong
tumatagal
Puno ng pagluluksa itong
bilangguan na tila isang
kabaong
Ang tanod kapag dumaan,
kamiy ilalabas
Sa init ng araw kami ay
ibibilad
Pag kagat ng dilim kamiy
ibabalik
Balik sa lugar na aking
kinasusuklaman
Kapag batingaw ay
narinig
Hudyat ito ng pagtakas
Kapag siyay nahuli,
bibitayin o babarilin
Ito ang aking mundo sa
kasalukuyan
At marahil hanggang
kamatayan
Buong buhay ko na yata
ako dito mamamalagi
Sa piitan ng pighati
Ngunit ako ay hindi
natatakot
Loob koy tatatagan at
magtitiis
Ang pangyayaring ito ay
parte ng buhay
Kahit akoy nakakulong,
pag-asa parin sa akin ay
nabubuhay
Ang Diyos ay hindi
natutulog
At and naapi ay di laging
api
May araw din ng pagtuos
At ang bayan ay
maghihiganti
Luha koy naubos na,
panahon na upang ako ay
bumangon sa putik na
malagkit
Tila kay sarap ng sikat ng
araw na dinadaluyan ng
tagumpay
Ako ay malaya na,
salubungin mo ako,
bayang walang laya!

Mga Elemento
ng tula
1st-3rd tayutay: 12
4th: 14 at 12
5th: 12
6th-7th: 12 at 13
8th: 10 at 12
9th : 12 at 13
10th: 12
11th: 11 at 12

Karaniwan
a.Katinig
Ikinulong ako sa kutang malupit
bato, bakal, punlo, balasik ng
bantay,
lubos na tiwalang sa buong
daigdig
at inaring kahit buhay man ay
patay

b.Patinig
Ang maghapong tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang
madugo
ang buong magdamag ay
kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng
bilanggo
A. Simili
Sintalim ng kidlat and mga
mata ng tanod
B.Hayperboli
Sa munting dungawan, tanging
abot-malas
ay sandipang langit na puno ng
luha



C.Personipikasyon
Kung minsan, and gabi'y
biglang magugulantang
D.Pagwawangis
At ito ang daigdig ko ngayon--
bilagguang mandi'y libingan ng
buhay

Pagsusuring
pampanitikan
Uri ng Tula Maaari
itong masabing isang
tulang elihiya, dahil
ito ay nagsasaad ng
matinding
kalungkutan


Matalinhagang salita:
Simili anakiy atungal ng
hayop sa yungib
Hayperboli Sanlibong aninong
iniluwa sa dilim

Pagtatao kung minsay
tumatangis ang lumang
batingaw
Pagwawangis Ang buong
magdamag ay kulambong
luksa ng kabaong waring
lungga ng bilanggo.

Ipinapakita ng tulang ito ang
kalungkutan na nadarama ng
nagsasalita dahil sa
kanyang pagkabilanggo.
Ipinararamdam ng tula ang
hirap na dinaranas ng isang
bilanggo at ang kanyang
hangaring makalaya.

Dahil sa pagpapakita nito sa kahirapan ng
pagiging isang bilanggo, nagbigay ito ng
mensahe na ayusin ang ating mga ugali o
kilos dahil hindi makakabuti sa atin ang
kasamaan. Ipinahiwating ng tula na dapat
tayong gumawa ng mabubuting asal para sa
kapakanan ng ating pamilya lalo na sa atin,
at sa ating mga gusto pang gawin sa buhay.


Nagbigay ito ng mensahe na
ayusin ang ating mga ugali o kilos
dahil hindi makakabuti sa atin
ang kasamaan. Ipinahiwating ng
tula na dapat tayong gumawa ng
mabubuting asal para sa
kapakanan ng ating pamilya lalo
na sa atin, at sa ating mga gusto
pang gawin sa buhay.


1) Oo, karapat-dapat na tularan si Amado V.
Hernandez bilang isang matapang na lider ng
manggagawa sapagka't ginawa niya ang lahat
upang mawala ang hindi pagkakapantay-pantay
ng mga tao o ang tinatawag na "social
injustice". Isa siya sa mga kasama na gumawa
ng pinakakontrobersyal na strike noong
panahon niya. Ginawa niya ang alam niyang
tama kahit na alam niyang ikapapahamak niya
ito.
2) a. Kung ako/kami ay dumating sa
ganoong sitwasyon kung saan ay
pagbibintangan na ako ang
kumuha ng aklat ng aking kaklase
at ako'y isinumbong, ang una kong
gagawin ay kakausapin ko muna
siya kung ano ang kanyang
batayan upang pagkamalan na ako
ang kumuha. Sigurado man siya o
hindi sa kanyang hinala ay
kakausapin namin ang guro upang
maayos ang problema.
b. Kahit na tinakot niya ako at
alam ko na maaapektuhan ang
aming pagkakaibigan, ay
sasabihin ko pa rin ito sa aming
guro. Ang una kong gagawin ay
kakausapin ko ng kalmado ang
aking kaklase tungkol sa bagay
na ito at tatanungin ko kung ba't
niya iyon ginawa. Sa aming pag-
uusap, ipapaalam ko sa kanya na
makakarating ang kanyang
ginawa sa guro.
c. Kung siya ang sa tingin ko ang
kumuha ng aking pitaka, ang una
kong gagawin ay hindi muna ako
maghuhusga na siya ang kumuha
sapagka't wala naman akong
sapat na katibayan. Aantayin ko
na lamang na siya mismo ang
mag-aabot sa akin ng aking
pitaka at kusang
magpapaliwanag.

You might also like