You are on page 1of 23

Katotohanan

Ni: Michelle Mae Villena

Ang katotohanan nagsisimula sa dulo

Ang isa'y pakanan, isa'y pakaliwa

Ngayon kalat-kalat, watak-watak

Simulan ng isa, epekto sa lahat

Sintas ay itinali, pinag-isa, ibinuhol

Matapos tawirin ang mga butas

Pinantay at hinati sa dalawa

Ang tulang iyong nabasa ay gumamit ng sintas sa pagtalakay ng kapayapaan at kaguluhan.

Kapag binasa ito simula sa unang dulo o mula taas paibaba, ang tinatalakay ay pagkakaisa o
kapayapaan. Sa ikalawa at ikatlong taludtod ay tumutukoy sa iba't ibang pananaw at pinaniniwalaan ng
mga tao. Ngunit sabi sa ikaapat na linya ay kapag may isang nag kusang namuno at nagsimulang
gumalaw, lahat ay maaapektuhan. Kaya sa mga sumunod na mga taludtod ay sinasabing lahat ay
maaaring magkaisa at maging pantay sa kabila ng kanilang pagkakaiba.

Kapag ang tula naman ay binasa paitaas, kaguluhan naman ang tinatalakay nito. Ang pinaka idea
lang naman ay lahat tayo ay ginawang patas katulad ng idea na nasa ikapitong linya. May iba't ibang
problema tayong dadaanan para marating ang tagumpay.Ngunit isang hatak lang sa isang dulo ng sintas,
kumbaga isang maling sinabi lang ng iba tungkol sa iyo, lahat ng pinaghirapan ay maaaring biglang
mawala at masira.
Kadto kapot an manibela pauli saimo,
Minabusina, minapreno, pairaya o pailahod man,
Iyo man an pagsalingoy ko sa pag-abot mo,
Ngunyan an pagtanaw digdi garo man lang pagsirip sa kawaran,
Huli ta ika mayo na sa enotan kundi nasa hurihan na,
“Salamat Ama ko sa paghatod sako asin ngunyan ako naman an
mahatod saimo”,
Hibi kan nguhod mantang kaulay an sana ngane sidemirror na
lang kuta

Ang tulang ito ay mayroon lamang isang saknong na


binubuo ng pitong taludtod na tungkol sa konsepto ng libing. Ito
ay ibinatay sa personal na karanasan ng sumulat. Ito ang ginamit
na paraan ng sumulat upang pasalamatan ang kaniyang ama na
kamamatay lamang, pasasalamat sa kabutihan nito sa anak.
Sidemirror ang ginamit na salita ng sumulat upang bigyang diin
ang pagbabaliktanaw ng anak sa mga kabutihan ng ama. Walang
pamagat ang tulang ito tulad ng kaniyang ama na wala na rin.

Melanie P. Sayangco 11-STEM


RUMAROM

Kan siya nagbaklay,


Motor an saiyang nilunadan,
Minapreno, minsan minapundo
Nagpapadagos miski mainiton an aldaw,
May side mirror man kuta,
Dai niya lamang nahiling an pagdangadang kan rumarom,
Sulnop na palan an aldaw.
PALIWANAG:
Ang tulang ito ay tungkol sa kamatayan. Ito ay naglalarawan sa realidad na hindi natin
malalaman kung kailan o paano tayo mamamatay. Ang unang linyang “kan siya nagbaklay” ay
nangangahulugang “noong siya pa ay nabubuhay”. Ang salitang “pagbaklay” (Filipino: paglakbay) ay
aking ginamit bilang representasyon sa ating ginagawa habang tayo ay nabubuhay bilang tao. Sa
pangalawa namang linya, tinutukoy nito na bilang tao ay nakikisakay tayo sa agos ng buhay.
Samantala, ang pangatlo at pang-apat namang taludtod ay tinatalakay ang pakikibagay ng tao
upang mabuhay sa kabila ng mga pagsubok at suliranin. Ang salitang “aldaw”(liwanag) ay ginamit
ko bilang simbolismo ng buhay at ang “rumarom”(dilim) naman ay kamatayan. Sa panlima at
ikaanim na linya naman, ginamit ko ang salitang “side mirror” bilang pantulong sa linyang “dai niya
lamang nahiling an pagdangadang kan rumarom”. Ito ay upang ipakita na hindi talaga natin
makikita o masasalamin ang pagdating ng kamatayan sapagkat ito ay biglaan. Sa ikapito at
panghuling linya naman na “sulnop na palan an aldaw” (literal na kahulugan sa Filipino: lubog na
ang araw) , isinasaad dito na nawalan nga nang buhay ang persona sa tula sa kabila ng pakikibagay
niya para mabuhay. Ipinapahiwatig ng tulang ito na bahagi ng buhay ang kamatayan. Kailangan
natin itong tanggapin. Isapuso at isip natin na napakahalaga ng buhay kaya’t gamitin natin ito ng
mahusay sapagkat baka bukas, sa sunod o sa susunod pang mga sandali ay bawiin na ito.

Inihanda ni:
ALMIN M. CALALO
11-STEM
SINTAS NG SAPATOS

Mahabang paglalakbay kung tutuusin,

Magkaibang landas ang s’yang binabagtas

Pinagtatagpo man, ngunit hindi itinadhana

Ganun na lamang ang kapalaran nitong dalawa

Mahabang pasensya ang gugugulin,

Upang dalawang tali ay mapag-isa

Taling animo’y ‘di pinagbati ng tadhana.

Kung iyong mapapansin sa una at ikalawang taludtod (Mahabang paglalakbay


kung tutuusin,Magkaibang landas ang s’yang binabagtas) ito ay nagpapakahulugan na
ang nagiging dahilan ng kaguluhan ay ang magkaibang paniniwala at paninindigan ng
isang tao, na kung saan s’yang pinagmumulan ng hindi pagkakaintindihan na
humahantong sa mahabang suliranin. Sa ikatlo at ika-apat na taludtod naman, may
pagkakataon na sila’y nagkakaroon ng panahon na magkalinawan at maayos ang
problema, ngunit may pagkakataon pa rin na hindi ito nagkakasundo sa kadahilanang
may sari-sarili silang paninindigan na pinanghahawakan. “Mahabang pasensya ang
gugugulin, upang dalawang tali ay mapag-isa, Taling animo’y ’di pinagbati ng tadhana.”
Dito naman mahabang pasensya ang kinakailangan upang katahimikan at kapayapaan
ay makamit. Katahimikan at kapayapaan na inaasam-asam ng bawat isa satin.

~Rose Ann S. Snow


"Putok

" by Anna Blessilla D. Perez

Isang binatilyo ang dumaan sa aming bahay,

Marami siyang kaibigang kasama.

Nanlaki ang mga mata ko at matalim ko siyang tiningnan

Siya'y tinakpan ng kaniyang barkada,

Alam naman siguro nila na aking naamoy

Ang kaniyang putok. 'Di na siya mabango,

Kahit deodorant hindi na siya kayang pahalimuyaking muli.

Ako ang nagsasalita sa tulang ito. Ang binatilyo ay sumisimbolo sa kababaihan. Hindi ko na ginamit ang
dalagita sa tula dahil magiging halata na na babae ang tinutukoy at ang binatilyo ay malakas sapagkat
siya ay lalake ngunit mahina pa rin sa paningin ng iba dahil siya ay bata pa. Ang mga babae ay malakas
dahil sila ay mas natututo nang lumaban ngunit sila ay mahina dahil sila ay babae. Ang pagdaan ng
binatilyo ay ang pagdaan ng problema sa mga mata ng mga sibilyan. Ang nga kaibigan naman ay
sumisimbolo sa society natin ngayon. Nanlaki ang mata ko parang lumuwa gaya ng sabi sa mga kwento
dahil namulat ako sa problemang naririto at buhay na buhay sa atin ngayon. Ang matalim na tingin
naman ay parang nanlilitis sa sitwasyon dahil alam kong mali ito. Tinakpan ibig sabihin tinago, tinatago
ng society ang problemang karahasan sa kababaihan, pati ang mga biktima ay tinatago rin mula sa iba
pang tao dahil nakakahiya na may nangyayaring ganito. Tinatago nila sapagkat alam naman nila na may
mali. Di NA siya mabango, ibig sabihin, oo, mabango siya dati. Ang bango ay sumisimbolo sa
kainosentehan at kawalang-malay sa mundo. Nabahiran na ang dating inosenteng babae ng malisya at
karahasan ng ibang tao. Ang deodorant ay sumisimbolo sa anomang hakbang o paraan na ginawa,
ginagawa, at gagawin ng society upang maalis o mabawasan ang mga kaso ng karahasan sa kababaihan.
Halimuyak naman ang ginamit kong salita sapagkat ito ay madalas na ginagamit ng mga manunulat
upang sumimbolo sa isang babae. Ang salitang ito para sa akin ay mabini kaya ito na ang ginamit ko.
Kahit anong gawin natin, hindi na maaalis ang karahasan sa kababaihan, palagi na itong mamamalagi sa
ating pamayanan.
"bigkis"

Ni: Venus Aguilar

parehong kapayapaan ang hihangad

ngunit sa magkaibang pamamaraan.

ang isa ay pakaliwa, isa ay pakanan.

ngunit tulad ng sintas ng sapatos

kailangan pagbigkisin,

matatag na pag-isahin

upang makamit ang iisang mithiin.

explanation:

ang tulang ito ay tungkol sa kapayapaan. sinisimbolo ng dalawang dulo ng sintas ang magkakaibang
paniniwala at paninidigan ng mga tao. dahil sa pag kakaibang ito, marami ang hindi nagkaka-unawaan sa
lipunan. kaya naman magkakaroon lamang ng kapayapaan at kaayusan kung pag-iisahin nating ang mga
dulong ito.

maari din itong maiugnay sa politika sa ating bansa ngayon. alam nating lahat ang dalawang pinaka-
mataas na lider ng ating bansa ay may magkaibang pananaw at pamanaraan sa pamamalakad ng ating
bansa.
JANITOR O DUTERTE

Ito namang janitor ng bayan ay malupit,

Ipinagbawal ang pagpunta sa langit

Walis ng kapalaran,

Umabot hanggang pintuan

Hangad niya ay kalinisan,

Kalinisang katumbas ay kamatayan

Siya ay si janitor, 'wag tularan

Ang tula ay pinamagatang Janitor o Duterte sapagkat tinatalakay nito ang laban kontra droga ng
kasalukuyang administrasiyon.

Sa unang linya ng tula, nabanggit ang janitor bilang tauhang malupit.

Sa pangalawang linya naman ay nakasaad na ipinagbawal ang paggamit ng droga o ang pagpunta sa
langit. Inihalintulad ito sa epekto ng ipinagbabawal na droga kung saan parang ang pakiramdam ay nasa
alapaap ang gumagamit (user).

Sa pangatlo at pang-apat na linya ay inilalarawan ang paraan ng administrasiyon sa pagsugpo sa


paggamit ng illegal drugs. Tinutukoy nito ang oplan tokhang na napapabalitang umaabot na lamang
hanggang sa katok sa pintuan. Ang katok na sana ay ang daan tungo sa pagbabago ngunit naidadaan sa
dahas.

Sunod ay ang pang-apat at panglimang linya na binanggit ang hangarin na maalis ang suliraning
kinakaharap ngunit naging dahilan na rin upang maalis ang karapatan ng taong sangkot na magbago.

Hinayaan ng tula na malaman ng mambabasa ang pagkakatulad ng isang janitor kay Duterte.

Upang mas magkaroon ng sipa ang tula, ginamitan ito ng sikat na mga kataga sa huling linya. 'Wag
tularan, naghahatid ng mensahe na mas magnilay at panatilihin ang kabutihan at katarungan sa lipunan.

BAGUIO, Abegail
LIBING

Katawan mong nakahimlay

Dinarayo kahit sa huling tanaw

Umaalingawngaw tinig ng hingpis

Napuwing ang matat’t bumaha ng luha

Naglagas ang iyong pilikmata

Nawalan ng kalasag

Nasilaw sa araw

Ang ibig sabihin ng una at ikalawang linya ay libing habang sa ikatlo at ika-apat na linya ay ang mga
kamag-anak niya na nasasaktan. Ang ibig sabihin ng tinig ng hingpis ay ang saloobin ng kanyang kamag-
anak sa kanyang pagkamatay habang ang napuwing ay sumisimbolo ng nasakatan o nasasaktan sa
kanyang pagkamatay kaya bumaha ng luha. Ang ika-limang linya naman ay nangangahulugan na nawalan
ng buhay dahil ang pilikmata ay sumisimbolo sa buhay. Ang ika-anim na linya ay nangangahulugang
nawalan ng hininga dahil hininga ang nagsislbing kalasag kaya patuloy na nabubuhay. Ang huling linya
naman ay ibig sabihin ay nasa langit na siya o kapiling ng Diyos dahil ang araw ay sumisimbolo sa langit.

Danah Marie Galon


TORO

isinulat ni: Mary E. Valenzuela

Tila ako’y toro at siya naman kulay pula.

Ilong ko’y naninigarilyo at ang sindi’y sa mata.

Lumapi’t sakanya’t araw ay nagdilim.

Pulang tinta’y kumalat at siya’y humandusay.

Kinabukasan, maitim na singit aking kinalagyan.

Kaya, paglubog ng araw, ‘wag nang hintayin pa.

Aking masamang kamay ay puputulin ko na.Ang konsepto ng tula ay galit. Ang unang linya sa tula ay
nagpapakita ng isang galit sa kapwa niya. Ang toro ay nagsisilbing siya at ang panyong pula naman ay ang
kinagagalitan niya .

Sea pangalawang linya tinutukoy ang sobrang galit na nararamdaman niya sa tuwing makikita ang
kinagagalitan niya. Na para bang isang toro na handang sumugod na.

Lumapit sa kanya't araw ay nagdilim. Ang pagdilim ng araw ay tumutukoy sa pagdilim ng kaniyang
paningin nang lapitan niya ang kaniyang kaaway.

Sa ikaapat na linya, ang pulang tinta ay representasyon ng dugo,"at siya'y humandusay"-- ay ang
pagkamatay ng kaniyang kaaway.Sa ikalimang linya sea tula, ang maitim na singit ay tumutukoy sa
kulungan- makipot, mabaho, madilim-.

Kaya paglubog na araw'wag nang hintayin pa- kaya wag nang hintayin na dumating sa punto na ang galit
na nararamdaman mo ay lumala dahil sea sobrang galit, ay Hindi mo maiiwasan na makagawa ng
masama.

Aking masamang kamay at puputulin ko na Puputulin Hindi sang literal na kamay kundi ang masamang
Gawain na ginagawa at ginawa ng kamay kagaya ng pagpatay.
"Parang"

May isang ulap na...

Parang libro,

Parang mall,

Parang makating paa.

Parang diyamante,

Akala mo totoo,

Puwet ng baso lang pala.

Kahulugan:

May isang taong parang libro kung magkuwento.Parang mall, nasa kaniya na ang lahat tulad
ng luho at iba pang materiyal na bagay.Parang makating paa, kung saan saan na nakapunta.
Parang diyamante, ang kinang at ang taas ng tingin sa sarili. Akala mo totoo, sa bandang huli
napagtanto mo na ang lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang. Puwet ng baso lang
pala, matapos mong mapagtanto ay naisip mong ang lahat ng ito'y kayabangan lamang.
Simbolismo:
Ulap - taong mayabang
Puwet ng baso - kayabangan

Bañas, John Lloyd C. 11 - STEM


Mariane Vi E. Danabar

Sakit
Madalas hindi mailabas

Pilit na pinipigilan

Wari'y binigkis ng Sintas ng sapatos

At parang bilanggo

Na pilit kumakawala

Animo'y sakit na nakakahawa

At kapag lumalala nakamamatay

Paliwanag:

Madalas hindi mailabas, sa buhay hindi maiaalis ang emosyong galit. Madalas natin itong
pinipigilan. Wari'y binigkis ng sintas ng sapatos, ngunit kahit sobra na tayong galit pilit tayong
nagpapasensya. Naakasakit sa dibdib ang kinikimkim ang galit maaari itong magdulot na sakit
saiyo. At kapag lumala nakamamatay kapag hindi naexpress ang galit maari ko iyong
ikapahamak.
NUMERO 32

(KAYABANGAN)

Pagdating sa kalendaryo sumusubra kana,

Nakaangat lagi ang iyong upuan,

Pumupuro kana sa ibang tao

Baliw ka naman sa bingo,

Nakahigit kaman sa ibang numero

May letrang x na hindi alam ang value

Kung sinong nasa baba, itinataas.

EXPLANATIONS:

Sa unang linya,tinutukoy dito ang isang

tao na sumusubra kagaya ng 32 sobra

Na sa kalendaryo.

Sunod na linya,laging pinagmamalaki

niya lagi ang sarili niya .

Akala niya masaya rin ang ibang tao

Makinig sa puro hangin niyang sinasabi

Pero sa loob ng kaibigan niya,naiinis na

Dahil puro sarili ang pinagbubuhat niya

ng upuan at wala siyang pakialam sa iba

Hindi niya alam may ibang tao na nakahi-

Higit sa kanya na mas pinili magpakumba

ba at maging inspirasyon sa iba.

Romel A. Bulawan 11-STEM


Deodorant
Putok dito! Putok doon!
Kili-kiling nangingitim at nangangamoy,
Ngayo'y tila sampaguitang nakikita sa mga santo't santa
At sa mga tao'y nag aanyayang magsimba.
Dahil sa deodorant na palaging inilalagay,
Mabangong singit na matagal nang inaasam,
Ngayon ay abot kamay.

Ang konsepto ng tula na aking ginawa ay tungkol sa kapayapaan. Sa unang taludtod na "Putok
dito! Putok doon!" kung iyong mapapansin, ito ay tumutukoy sa kaguluhang nangyayari sa lipunan, ang
putukan. Sa ikalawa hanggang sa ika-apat na taludtod na "Kili-kiling nangingitin at nangangamoy, Ngayo'y
tila sampaguitang nakikita sa mga santo't santa at sa mga tao'y nag aanyayang magsimba", ang kili-kili ay
sumisimbolo sa lipunan. Ang tatlong tuludtod ay hinalintulad ko sa lipunan na sobrang magulo na tila di
na pwedeng maging tahanan pa("Kili-kiling nangingitim at nangangamoy), ngayon ay payapa,
malinis(Ngayo'y tila sampaguitang nakikita sa mga santo't santa), at nag aanyaya sa mga tao na
pumunta(At sa mga tao'y nag aanyayang magsimba.). Sa ika-lima namang taludtodna "Dahil sa
deodorant na palaging inilalagay", ang sinisimbolo naman ng deodorant ay ang instrumento na magiging
dahilan ng pagbabago sa lipunan. Sa ika- anim at ika-pitong taludtod na " Mabangong singit na matagal
nang inaasam, ngayon ay abot kamay", ito ay tungkol na sa mabuting naidudulot ng instrumento na
madali na lang makamtan.

Joshua Sargento
ANINO
Nakilala ko siya sa apat na sulok,
Pagsikat ng araw daig niya pa ang manok.
Siya ay katulad ng naghahari-hariang leon,
siya ay malakas siya ay matikas,
ngunit sa kailaliman ay makikita
ang maitim na singit na hindi matutuklas ng mata,
pilit itinatago upang hindi mahalata.

PALIWANAG
kadalasan nakakatagpo tayo ng mga taong mayayabang sa loob ng paaralan o maging sa loob ng
tahanan. Sila ang mga taong kadalasan ay pinakamaingay.Sila ang mga taong akala mo ay alam ang lahat
at itinuturing nila ang kanilang sarili na pinakamalakas sa lahat.Nguniytsa kaibuturan ng kanilang mga
puso ay itinatago nila ang kahinaan sa pamamagitan ng pagmamayabang.Sila ang mga taong kadalasan
ay kulang sa atensiyon sila ang mga taong maituturing na mahihina kumpara sa mga taong lalampa-
lampa.Takot silang ipakita ang kanilang kahinaan dahil takot silang mahusgahan.

-----DUCA,ERICA B. 11-STEM
Tulad ng...

Ni: Steve Paynk Pineda

Tulad ng sintas ng sapatos

Bibitiw din sa pagkakabuhol

Mailalagay din sa tama ang lahat

Mahahanap din ang Pagkakapantay-pantay nga karapatan

Makakaalpas din sa sikip ng pagkakalaso

Gaganda rin ang imahe sa lipunan

Karahasan sa kababaihan matagal na dapat hinigpitan at sinulosyunan

Pagpapaliwanag:

Tinutukoy nito ang karahasan sa kababaihan, na dapat matagal ng sinulosyunan. Tayong mga Filipino ay
mapanghusga at mapanglait base sa kanyang nakikita sa panlabas na anyo. Ang nais ipariting ko ay
dapat tayung mga Filipino ay wag maging mapanghusga base sa panlabas na anyo, mabuting kilalanin mo
muna ang taong yun upang malaman ang kanyang tunay na katuhan lalong-lalo na ang mga kababaihan.
Giyera
Maitim na singit aking nasilayan

Nang ako'y lumapit, sobrang init ng awra

Mapakanan man o kaliwa, pareho ang itsura

Sa sobrang itim daig pa mga Arabo

Saanman tumingin madilim ang nakikita

Ika'y mapapaisip kung bakit nagkaganyan

Ngunit isang paraan lang ang aking alam, Belo ang solusyon diyan.

Paliwanag:

Ang tulang ito ay tumatalakay sa kaguluhan. Ang salitang aking ginamit ay maitim na singit at
ang aking konsepto ay kaguluhan. Ang napili kong pamagat ay giyera dahil ang giyera ay isang
uri ng kaguluhan. Sa unang linya, maitim na singit aking nasilayan. Ang maitim na singit ay
sumisimbolo sa kaguluhan, kaguluhang nasilayan. Sa pangalawa at pangatlong linya ay
tinatalakay dito ang nangyayari sa kaguluhan. Sobrang init ng awra ay sumisimbolo sa tensyon
ng magkabilang panig. Mapakanan mn o kaliwa pareho ang itsura. Ito ay sumisimbolo sa
magkabilang panig. Magkaiba ang kanilang mga kagustuhan ngunit isa ang nais makamtan,
pagbagsakin ang kalaban. Sa linyang sa sobrang itim daig pa mga Arabo. Tinatalakay dito ang
kaguluhang nangyayari, daig pa ang kaguluhan sa mga Arabong bansa.Sa linyang saanman
tumingin madilim ang nakikita. Sumisimbolo sa kapaligirang puro kaguluhan ang nangyayari.
Kaya ika'y mapapaisip kung bakit nagkaganyan? Bakit nangyayari ang kaguluhan? At sa huling
linya, tinatalakay dito ang solusyon sa kaguluhan. Ngunit isang paraan lang ang aking alam, Belo
ang bahala diyan. Ang Belo ay sumisimbolo sa kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan ng
bawat isa. At yan ang mga solusyon sa kaguluhan.

Paez,Christian B. 11-STEM
SAPATOS

Huwag mo sanang higpitan ng husto

Ang pagkakatali ng sintas ng sapatos mo

Sapagkat sisikip ito

At magmimistulang apoy sa iyong mga paa

Na kahit patakan man ng luha

Ay hindi na lalamig pa

-Sa unang dalawang linya, nabanggit ang salitang sintas ng sapatos, ito'y nangangahulugan sa
pasensiya na ating nilalaan sa bawat problema na ating kinakaharap araw-araw.Na dapat huwag
higpitan ng husto sa pagkakatali, kung sa pasensya natin,dapat maglaan ng sapat upang hindi ito
umabot sa sukdulan.Sapagkat sisikip ito,nangangahulugan ito na kapag hinigpitan mo ang
pagkakatali ng sapatos mo,ito'y magsisikip.Kung sa ating buhay,kapag hindi tayo naglalaan ng
mahabang pasensya,magreresulta ito sa galit,maaring sa kaaway, o sa problemang kinakaharap
araw-araw.At kung maubos man ang pasensya iyong inilaan,magmimistulang apoy sa loob ng
iyong mga paa,na kahit patakan man ng luha ay hindi na manlalamig pa.Kahit anong gawin ng
ibang tao sayo,kaibigan man o pamilya,na kapag ang galit mo ay sukdulan na,wala ng
makakalunas dito.

Simbolismo:

Sintas ng sapatos-pasensiya

Sapatos-buhay

Mico A. Pueca - 11 STEM


KALAPATING PUTI

Kanang kamay ay itinaas

Kaliwang kamay ay ukinuyom

Para sa kalapating hindi mahagilap

Para sa kalapating kay ilap.

Ngunit sa huli'y nadakip

At sa mga tao'y iniharap

Kalapating inaasam ng lahat ay kaya pa rin palang makatan.

Ang tula ay tungkol kay Pangulong Duterte at sa pangako niyang kapayapaan. Ang kanang kamay ay
sinisimbolo si Pangulong Duterte at ang kaliwang kamay ay ang pinangako niyang pagbabago. Ang
kalapating puti ay nangangahulugan ng Kapayapaan. Kapayapaan na inaasam ng lahat, kapayapaan na
sobrang kay ilap mahawakan. Ang kahulugan ng Kalapating Puti ay ang kapayapaan pa na ipinangako ni
Pangulong Duterte na sa dulo sana ay makita at mahawakan ng mga mamamatan ng Filipinas

Valenciado, alexandria T. Grade 11-STEM


BUHOL
James Daniel S. Baduria

An hawak na gayong magtiriko-tiko

Matagas asin napapatos an balyuhang puro

Idtong pirit na isusulok sa kasadit-sadit na manga labot

Tangarig dae makadulag manga kaarayon

Daeng patanid ang dae pagwalat sa mga labot

Kundi iaayon sa pagkagakod na ning gayo

Maabot sa puro, magibo iraray ning panibagong buhol.

Ang tulang ito ay patungkol sa taong may nagaganap na kaguluhan sa kanyang


sarili. Mababasang ganap itong nasasaad sa tula sa pamamagitan ng simbolismo ng
sintas sa tula.

Ang una at pangalawang taludtod ay nangangahulugan na tayo (sintas) bilang


tao ay may nagbabago-bagong prinsipyo sa buhay. At tayo ay may naturang matatag
na prinsipyo ( balyuhang matagas na puro). Sa ikatlo at ikaapat na taludtod, nasasaad
na tayo bilang tao ay haharap sa mga pagsubok at may espesyal na pagsubok na ating
haharapin na susuriin (itetest) ang ating pagkatao upang hubugin ang ganap na tayo
( mga kaarayon) . Sa sumunod na taludtod sinasabi na natural sa atin ang hindi
paglimot sa mga bagay na ating naranasan, subconciously, gumagawa ng paraan ang
ating sarili upang mangyari/maranasan ulit sa ating sarili ang mga naganap na ayon sa
kagustuhan ng ating pagiisip. Kung kayat itong mga pagsubok na humuhubog ng ating
pagkatao na maaring rumisulta sa pagkaiba ng ating pagkatao ay paulitulit nating
nararanasan. Sa ikaanim at huling taludtod, ang mga pagsubok na ito ay ganap na
sasalamin ng ating sarili ( define ourselves) at darating sa dulo (through this challenges)
ay tunay at ganap na sarili ang huling kalalabasan natin.
Buhay

Mark Lorenz Bertulfo

Sasakyang umaarangkada,

kalsada ay binabaybay.

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa,

Sidemirror ay hindi nawawala.

Ang pagsilip sa likuran ay huwag paka-dalasan.

Baka mabangga,

at hindi na makausad pa..

Ang tula ay tumatalakay sa buhay. Ang sasakyang umaarangkada ay ang tao. Ang kalsada ay ang buhay
na binabaybay ng tao. Iba't ibang uri ng tao ang nakakasalubong at nakakasabayan. Sidemirror sa kanan
at kaliwa ay hindi nawawala. Laging mayroong pagkakataon na tumingin sa dinaanan o kaya'y sa
nakaraan. Ang pagsilip sa likuran ay huwag paka-dalasan. Ang pagtingin sa nakaraan ay hindi
maiiwasan,ngunit huwag paka dalasan . Baka mabangga at hindi na makausad pa.

Minsan ay kailangan rin nating magbalik tanaw sa nakaraan, dahil ito ang dahilan kung bakit tayo nandito
sa kasalukuyan. Subalit ang nakaraan ay kailangan nang lisan, tulad ng kalsada, ang buhay ay mahaba pa.
Huwag manatili sa nakaraan upang makarating sa paroroonan.
PULA

Ni Jetson Tuprio

Sulot ang parakit na sapatos na pano ning laboy

Asin isinuksok sa malumoy na buol

Ang pulang sintas kang sapatos

Naglakaw, duminalagan nin paspas

Dikit-dikit pulang intas nag-uulwat

Hastang kuminalay, naghadok na sa daga

Napadilnas, si tuhod kakulay na kang sintas

Ang salita na aking napili ay ang sintas ng sapatos at galit ang napili kung konsepto. Ang tulang
ito ay nagkukuwento patungkol sa anak na nakaranas ng karahasan sa loob mismo ng kanyang pamilya.
Sa unang taludtod sinisimbolo ng “Sulot ang parakit na sapatos na pano ning laboy” na galing siya sa
isang pamilya na hindi nagkakaintindihan, magulo at puro pasakit lang ang araranasan ng bawat
myembro ng pamilya. May isang anak na sa murang edad ay nakaranas na sya ng karahasan na nagiging
dahilan upang magtanim ng galit sa kanyang mga magulang sa murang edad, ito ang sinasabi ng
pangalawa at pangatlong taludtod. “ naglakaw, duminalagan ning paspas, dikit-dikit pulang sintas nag-
uulwat” sinasabi nito na nagdaan ang panahon ng paunti-unti, marmi ng naranasan ang anak ngunit
patuloy niya paring nararanasan ang karahasan sa loob ng kanyang pamilya, at dahil dito unti-unti niya
ring nailalabas ang kanyang galit at mga at sama ng loob sa kanyang mga magulang. Sa patuloy na
karahasan, napuno ang anak, hindi na kaya pang itago ang kinikimkim na galit, nagawa niya ang isang
bagay na masama, ito ang ibigsabihin ng ika lima at ika anim na taludtod. Dahil sa sobrang galit, hindi
niya na alam kung ano na nga ba ang ginagawa niya, nawala siya sa kangyang matinong pag-iisip at
nagawa niyang patayin ang taong bumuhay sakanya, ito ang siansabi ng huling taludtod.
RIBBON

Sintas na halaba

Sa sapatos nagpapagayon

Sa bugkos na paekis –ekis

Sarong “ribbon” ang magigibo

Kung sa pagkakabugkos, minsan ini minasuwayan

Sa bandang huri, sinda man nanggad manumpunggan

Na sa utro magibo nin ribbon na mas matibay

Ang tulang ito ay pinamagatang “Ribbon” na nangangahulugang pagkakaisa at


samahan ng bawat miyembro ng isang pamilya. Sa unang at pangalawang linya ng tula
(Sintas na halaba/ Sa sapatos nagpapagayon), isinasaad dito na ang bawat miyembro
ng mag-anak ang bumubuo sa isang pamilya. Ang pangatlo at pangapat na linya (Sa
bugkos na paekis –ekis / Sarong “ribbon” ang magigibo), marami mang pagsubok ang
dumating sa isang pamilya; walang ibang magtutulungan sila’t sila lamang. Kung
kaya’t nakakabuo sila ng isang samahan o pagkakaisa sa loob ng tahanan.Sa panglima
at pang anim na linya (Kung sa pagkakabugkos, minsan ini minasuwayan /Sa bandang
huri, sinda man nanggad manumpunggan), kung minsan mayroon hindi
pagkakaintindihan marahil dulot ito ng pagkakaiba ng gusto o landas. Sa huli, walang
ibang magtutulungan o makakapitan kung hindi ang “pamilya”.

Edna Tabilog

PILIKMATA
Pilikmata'y mahalaga proteksiyon sa ating mata

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon at panahon

Isang pilikmata'y naalia sa kinalalagyan nya

Na parang buhay na nawala na lang bigla

Sa tindi ng sakit at pighati ng dibdib na nadarama

Nalilito at hinaganap kung nasaan na

Pero wag mag-alala dahil pilikmata'y marami pa.

Paliwanag:

Ang pilikmata ay tayong mga tao at ang mata ay ang mundo.Kung tayo ay mawala sa mundo gaya ng
pilikmata hindi natin alam kung kailan at kung papaano tayo mawawala sa mundo. At ang mga nawalan
ng mahal sa buhay matindi ang sakit at pighati na nararandaman nula at hinahanap-hanap pa rin nila
yung mahal nila sa buhay na nawala. Ang pilikmata ay tao at kung may mawala man sa atin na mahal
natin wag tayong mag-alala dahil marami ang nandyan pa sa tabi natin para mahalin, pasayahin at
makakasama natin dito sa mundong ibabaw.

Debbie Rose Toledano

You might also like