Professional Documents
Culture Documents
Patimpalak ng pagandahan ang isa sa mga naging “highlight” ng pagdiriwang ng buwan ng wika
na naganap noong Agosto 28, taong kasalukuyan.
Tinanghal na Lakan at Lakambini ng Tanglaw 2015 sina Jhun Rold Alpay at Remina Lumida na
kapwa nagmula sa Batsilyer ng Edukasyong Pang-Sekundarya (BSED).
Sila rin ang nakakuha ng titulo bilang “Pinakamahusay na Talento” at naiuwi rin nila ang titulong
“Pinaka-Malikhaing Kasuotan”. Tatlong taon ng naghahari ang BSED sa nasabing patimpalak.
Nakamit naman ni Richard John De Ramos mula sa BSBA ang titulong Lakan ng Bararila,
samantalang nagmula naman sa BEED ang hinirang na Lakambini ng Bararila na si Pamela Vallesteros.
Ang mga naging hurado ng patimpalak ay kinabibilangan nina Mariz May Rico, Bryan Laude at
Kristine Bartolata. Naging masaya ang palatuntunan dahil sa mga mag-aaral na sumuporta sa kanilang
mga pambato.