You are on page 1of 1

Buwan Ng Wika Ipinagdiwang

Sa pagtutulungan ng dalawang Departamento ng Lupon ng Edukasyon na pinamumunuan ni


Mary Joy Alvarez (BSED) at Reymart Sulit (BEED) ay nagdaos ng taunang selebrasyon ng buwan ng wika
noong Agosto 24-28 ang Dalubhasaang Leon Guinto.

Gaya ng nakaraang pagdiriwang, kinapalooban ito ng pagpapakita mg ibat-ibang talento sa ibat-


ibang larangan.

Sa unang araw ay nagtagisan ang mga kalahok sa patimpalak sa wika at literatura na nahahati sa
tatlong kategorya. Ito ay ang pagsulat ng tula, slogan at pintados.

Nagwagi si Mary Ann Villanueva (IV-BEED) sa kanyang makabayang pagsulat ng tula. Binandera
naman ni Judy Marie Santidad (III-BEED) ang kanyang slogan upang makuha ang unang pwesto at
ipinakita ni Frank Cedric San Pascual (I-BSA) ang kanyang husay sa pagguhit upang tanghaling
pinakamaganda ang kanyang obra.

Ang ikalawang bahagi ng palatuntunan ay ang palihan ng Galing kung saan nilahukan ito ng
limang pangkat. Naging masaya ang lahat sapagkat sa bawat kategorya ng mga tanong ay may larong
inihanda ang samahan ng kumukuha ng mayor sa Filipino, ang Wikang Fil. Pinamagatan nila itong
“Hinugot ko ngunit Kulang, Linya ko to”. Nagwagi naman ang ikalimang grupo na nagmula sa mag-aaral
sa unang taon na kumukuha ng Edukasyong Pang-Sekundarya na kinabibilangan nina John Ian Ortiz,
Edwin Garin, Shaira Marie Albia at Harlene Yanela. Pinangunahan ang programa sa unang araw ng
Pangulo ng Wikang Fil na si Bb. Ann Mariz Nerier.

Naging masaya at makulay naman ang pangalawang araw ng pagdiriwang. Ipinamalas nina Jan
Sam Leal at Jezerelle Magsalin ang kanilang galing sa kategoryang tambalang pag-awit kung saan sila
ang nagwagi. Masigla namang ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa BSBA ang kanilang bilang sa
kategoryang malikhaing katutubong sayaw. Dito ipinakita nila kung gaano kasaya magdiwang ang mga
Pilipino, isang tradisyong talaga namang maipagmamalaki. Kaya naman nasungkit nila ang unang
gantimpala. Namayagpag naman ang BSED sa kanilang madamdaming pagsayaw at binigyang buhay ang
awiting pinaglabanan sa kategoryang Interpretatib.

Nagsagawa naman ng seminar sa pangatlong araw ang Lupon, kung saan tinalakay nina Gng.
Marina T. Dalay at Gng. Lolita M. Tierra ang paksang “Ethics and Values Formation for Holistic
Development of Future Educators.” Dito binigyan diin nila ang kahalagahan ng mabuting asal sa
magiging guro sa dadakuhing panahon.

Sa huling araw ng pagdiriwang isinagawa ang taunang Lakan at Lakambini na sinalihan ng apat
na pares. Lumutang naman ang kisig at ganda ng pambato ng BSED na sina Jhun Rold Alpay at remina
Lumida na humakot ng maraming parangal.

You might also like