You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
SCIENCE AND TECHNOLOGY EDUCATION CENTER
SENIOR HIGH SCHOOL

ULAT KATITIKAN NG PULONG

Preperasyon Para sa Presentasyon ng Asignaturang CPAR

Petsa: 13 NG Oktubre, 2022

Lugar ng Pagpupulong: Silid-aralan ng Ika-12 na Baitang, Seksyong ABM Pounds

Layunin ng Pulong:

Makapagbigay at makabuo ng musika para sa gaganaping “Music Theater Film” na presentasyon

sa asignaturang Contemporary Philippine Arts from the Region (CPAR).

Petsa/Oras:

Ika-13 ng Oktubre taong 2022, alas otso hanggang alas nwebe ng umaga (8:00 AM - 9:00 AM)

Tagapanguna:

Bb. Mere Vine Ompad

Bilang ng mga Taong Dumalo:

Mga Dumalo:

Gilig, Dwyane

Paradero, Ivann James

Aldas, Claire Anne

Caña, Alyanah Margaret

Medico, Raxzyle Marie

Morada, Jiezah Carla


Moralde, Althea Grace

Ompad, Mere Vine

Russell, Shanna Mae

Suralta, Nadezna Mikhaela

Mga Liban: Wala

I. Call to Order

Sinimulan ang pagpupulong, alas otso ng umaga (8: 00 AM), sa pamamagitan ng

pagtawag ng atensyon ng lahat.

II. Panalangin

Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Shanna Mae D. Russell

III. Pananalita ng Pagtanggap

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaaang Katitikan ng Pulong

Ito ay pinangunahan ni Bb. Jiezah Carla B. Morada na kung saan ay ibinahagi ay

napagkasunduan na ang ‘Mythical Creature” o gawa-gawang nilalang na pagtutuunan

ng pansin ay ang manananggal at ang magiging balangkas nito ay patungkol sa

pinagmulan ng mga manananggal na umiikot sa panahon ng espanyol. Ipapakita rito

ang mga komadronang noon ay masayang tumutulong sa mga buntis upang mailuwal

ang kanilang mga anak nang maayos at ligtas. Subalit, nang dumating ang kalupitan

ng mga Espanyol, nagkaroon ng isang pangyayaring nakapagbago sa asal ng mga

komadrona sa mga buntis at mga anak nila. Sa halip na tulungan ang mgabuntis,

kinukuha ng mga komadrona ang mga anak nila at kinakain nang walang pagsisisi.

Kaya nabuo ang nilalang na ‘Manananggal’ sa Pilipinas. Ang pagtatalakay sa

nakaraang pulong ay ipinagtibay ni G. Ivann James Paradero at sinang-ayonan ni Bb.

Althea Grace Moralde.


V. Pagtatalakay sa Agenda ng Pulong

A. Pagpipili ng mga kakantahin batay sa: tono, tema, emosyon.

Ang mga kakantahin ay nangangailangang piliin nang mabuti at angkop sa paksang

nakapaloob sa presentasyon. Unang nagmungkahi ay si Bb. Althea Grace Moralde at

ang kaniyang suhestiyon ay ang musikang “Carinosa (Slowed and Reverb)” sa

kadahilanang ito ay pasok sa tema ng nabuong storyline ng presentasyon. Ang

kantang ito ay angkop sa mga elementong pang-tradisyunal at panahon ng espanyol

na may halong kakatakutan at misteryo. Ikalawang nagmungkahi ay si Bb. Claire

Anne Aldas at ang kanyang suhestiyon ay ang musikang “Ili Ili Tulog Anay”. Ito ay

dahil ang temang napili ay nakakatakot at ang musikang ito ay isa sa pinakasikat at

nakakatakot na kanta sa Pilipinas. Pero, sa halip na gawin itong pampatulog ng mga

bata, gagamitin ito bilang palatandaan sa mga buntis na malapit sa kanila ang

manananggal.

Ang panghuling nagmungkahi ay si Bb. Nadezna Mikhaela Suralta at ang musikang

kaniyang suhestiyon “Old Doll (Mad Father OST)”. Ito dahil ang musika ng

soundtrack ay may tonong music box na ginagamit upang patulugin ang isang

sanggol at mayroon ding climax ang musika na pwedeng gamitin. Sa kabuuan, ang

mga suhestiyong musika ay ang “Carinosa (Slowed and Reverb)”, “Ili Ili Tulog

Anay”, at “Old Doll (Mad Father OST)”.

B. Pagtatalaga ng mga komite sa pag-eedit, paggawa ng lirika batay sa mga

napiling musika, at pagbubuo sa mga napiling musika.

Mahalaga ang pagtatalaga ng mga komite upang magkaroon ng organisadong

daloy ng preparasyon para sa darating na presentasyon. Ang unang komiteng

tinalakay ni Bb. Mere Vine Ompad ay ang komite sa pag-eedit na

nangangailangan ng isang miyembro lamang. Unang nagtaas ng kamay para

magmungkahi ng kandidato ay si Bb. Alyanah Margaret Cana at ang kaniyang

pinili ay si G. Dwyane Gilig. Ang pangalawang nagtaas ng kamay para


magmungkahi ng kandidato naman ay si Bb. Raxzyle Marie Medico at ang

kaniyang pinili ay si G. Ivann James Paradero. Si Bb. Nadezna Mikhaela Suralta

ang nagsarado sa nominasyon at sinang-ayunan naman ito ni G. Ivann James

Paradero. Sa oras ng pagboboto, nagkaroon ng lima (5) boto si G. Dwyane Gilig

at tatlong (3) boto naman para kay G. Ivann James Paradero, kaya ang opisyal na

itinahangal bilang komite sa pag-eedit ay si G. Dwyane Gilig.

Ang pangalawang komiteng tinalakay ni Bb. Mere Vine Ompad ay ang komite sa

paggawa ng lirika batay sa mga napiling musika na nangangailangan ng dalawang

miyembro. Unang nagtaas ng kamay para magmungkahi ng kandidato ay si G.

Ivann James Paradero at ang kaniyang pinili ay si Bb. Shanna Mae Russell. Ang

pangalawang nagtaas ng kamay para magmungkahi ng kandidato ay si Bb. Claire

Anne Aldas at ang kaniyang pinili ay si Bb. Raxzyle Marie Medico. Ang pangatlo

at panghuling nagtaas ng kamay para magmungkahi ng kandidato ay si Bb. Althea

Grace Moralde at ang kaniyang pinili ay si Bb. Nadezna Mikhaela Suralta. Si G.

Dwyane Gilig ay nangsarado sa nominasyon at sinang-ayunan naman ito ni Bb.

Shanna Mae Russell. Ang nanalo para sa magiging miyembro ng komiteng

paggawa ng lirika ay sina Bb. Shanna Mae Russell at Bb. Nadezna Mikhaela

Suralta.

Ang panghuling komiteng tinalakay ni Bb. Mere Vine Ompad ay ang komite sa

pagbubuo sa mga napiling musika na nangangailangan ng isang miyembro

lamang. Ang unang nagtaas ng kamay para magmungkahi ng kandidato ay si Bb.

Raxzyle Marie Medico at ang kaniyang pinili ay si G. Ivann James Paradero. Ang

pangalawang nagtaas ng kamay para magmungkahi ng kandidato ay si G.

Dwyane Gilig at ang kaniyang pinili ay si Bb. Alyanah Margaret Cana. Si Bb.

Raxzyle Marie Medico ang nagsarado sa nominasyon at sinang-ayunan naman ito

ni Bb. Nadezna Mikhaela Suralta. Sa oras ng pagboboto, nagkaroon ng lima (5)

boto si G. Ivann James Paradero at tatlong (3) boto naman para kay Bb. Alyanah
Margaret Cana, kaya ang opisyal na itinahangal bilang komite sa pagbubuo sa

mga napiling musika ay si G. Ivann James Paradero.

Sa kabuuan, ang pagtatalaga ng mga komite sa pag-eedit, paggawa ng lirika batay

sa mga napiling musika, at pagbubuo sa mga napiling musika ay nagkaroon na ng

opisyal na mga miyembro. Para sa komite sa pag-eedit ay si G. Dwyane Gilig,

para sa komite sa paggawa ng lirika batay sa mga napiling musika ay sina Bb.

Shanna Mae Russell at Bb. Nadezna Mikhaela Suralta, at para naman sa komite sa

pagbubuo ng mga napiling musika ay si G. Ivann James Paradero.

VI. Pagtatapos ng Pulong

Ang pulong ay winakasan sa ganap na 8:30 n.u.

VII. Inihandang Talakayin sa Susunod na Pulong

Ika-14 ng Oktubre sa taong 2022; Silid-aralan ng 12 ABM Pounds; Biyernes; alas otso ng

umaga (8:00 AM)

Pinagtibay: Ika-13 ng Oktubre taong 2022

Inihanda at Isinumite ni:

Morada, Jiezah Carla

You might also like