You are on page 1of 36

4

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Script
para sa Radio Broadcasting
Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat ng Script Para sa Radio Broadcasting
Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Arianne Mae C. Angeles


Editor: Edgardo C. Garcia
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Mary Anne C. Angeles
Sheila Marie F. Sanchez
Tagaguhit at Tagalapat: Noelynne E. Joyosa
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian - Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsulat ng Script
para sa Radio Broadcasting

Panimula

Kumusta ka na? Kumusta ang iyong pananatili sa tahanan?


Ngayong panahon ng pandemya, sa bahay ka na lamang nag-aaral
upang makaiwas sa nakahahawang sakit na COVID-19. Sa
kasalukuyang sitwasyon, paano mo nalalaman ang mga
napapanahong balita at isyu na nangyayari sa iyong probinsya?

Manguna at maging maalam sa napapanahong balita sa


pamamagitan ng pakikinig sa radyo at panonood ng telebisyon.
Napansin mo ba ang pamamaraan ng pagsasalita at paglalahad
ng mga balita ng mga mamamahayag? Ito ay tinatawag na
broadcasting. Sa pamamagitan ng Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatutong ito, matututuhan mo ang
pagsusulat ng script partikular para sa radio broadcasting.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakasusulat ng script para sa radio broadcasting.


(F4PU-IVg2.7.1)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nasusuri ang mga mahahalagang sangkap at bahagi ng


script sa radio broadcasting;
2. natutukoy ang mga pamamaraan ng pagsulat ng script
para sa radio broadcasting; at
3. nakasusulat ng script para sa radio broadcasting batay sa
ibinigay na news clips.

Balik-aral

Panuto: Basahin ang nilalaman ng balita. Sumipi ng limang (5)


mahahalagang impormasyon at isulat sa sagutang papel.

Bagong pag-asa, hatid ng Klase-Serye sa kalye


ni Analyn Dela Cruz, JFK SPED Center
Kapuwa muna bago ang sarili.
Ito ang mensaheng ipinaaabot ng proyektong Klase-Serye
sa Kalye ng Jospehine F. Khonghun Special Education Center
(JFK SPED) na pinangungunahan ni Mary Anne C. Angeles,
guro ng JFK SPED.
Alinsunod sa DepEd Memo 193, s. 2016 na nagtatakda sa
pagpapalawig ng interes sa pagbabasa, layunin ng programang
ito na maipaabot ang kahalagahan ng edukasyon, mabigyan ng
2 tulong
| P a h i ang
n a mga batang nagnanais na matuto at mahikayat na
manumbalik ang mga batang nahinto sa pag-aaral.
Sa pagsasagawa ng programa ay umiikot tuwing Sabado
ang ilang guro at mag-aaral ng JFK SPED sa mga kalye upang
mahikayat ang mga bata na sumama at magklase sa maliit na
kubo na pagmamay-ari nina Rosemarie Solis.
“Sa kasalukuyan ay may 90 batang kasama na sa Klase-
Serye sa kalye. Binibigyan sila taon-taon ng school supplies,
story books, hygiene kits, dagdag pa ang feeding program,”
paliwanag ni Angeles.
Ayon kay Edgardo C. Garcia, Punongguro ng JFK,
nagkaroon kamakailan ng Outreach and Gift Giving Program ang
stakeholders. Nabiyayaan ang 100 bata ng biscuits, story books,
school supplies at hygiene kits.
“Kahit pandemya, ay patuloy pa rin ang pagtulong at
paglilingkod sa mga nangangailangan. Magsisilbing tulay upang
maabot ng mga bata ang kanilang mga pangarap,”
madamdaming wika ni Garcia.

Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang script sa radio


broadcasting.

Araw ng Biyernes ika-18 ng Disyembre, nakikinig sa radyo


ang Pamilya Santos. Ang istasyon ng radyo na kanilang
napakinggan ay maaring marinig sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=fmMT4-G7_Ck

3|Pahina
Narito ang script ng radio broadcasting.
Pamagat ng Programa: RZB Radyo Zambales Balita
Uri ng Programa: Balita
Oras ng Programa: 8:00 ng umaga araw-araw
Petsa ng Programa: Disyembre 18, 2020
Punong Tagapagbalita/
Anchors: Mary Anne Angeles
Reggie Apino
Mga Tagapagbalita: Mark Louie Figuero
April Ebalobor
Joan Aguilar
Edgardo Garcia
Regina Gomez
Tagapangasiwang Teknikal: Alyson S. Rago
Tagasulat ng Script: Arianne Mae C. Angeles
STATION ID: Siksik sa mga nagbabagang balita: RZB,
Balitang Espesyal, 87.6. Sa ngalan ng
katotohanan, kaagapay ng mamamayan,

4|Pahina
RZB Balitang Espesyal… RZB Balitang
Espesyal, 87.6 sa inyong talapihitan.
Balita ngayon… Kasaysayan bukas. Ang
istasyong ito ay kasapi ng KBP (Kapisanan
ng mga Broadcasters ng Pilipinas).

(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC, 5


SECONDS, CUE IN MULA SA... CUE OUT: MUSIC UNDER)

PROGRAM ID: Mula sa bulwagang pambalitaan, RZB


Balitang Espesyal 87.6, maghahatid ng
garantisadong mga balita. Naritong muli
ang tambalang Mary Anne Angeles at
Reggie Apino. Ito ang himpilan ng
katotohanan.

(MUSIC: SFX ALARM CLOCK, 2 SECONDS, MUSIC FADE)

Ang oras sa buong kapuluan ay ganap na alas-8 ng umaga.

(MUSIC: HEADLINE PLUG IN MUSIC, 30 SECONDS)

Mary Anne (ANCHOR 2): Magandang araw Pilipinas! Araw


ngayon ng Biyernes, ika-18 ng
Disyembre, 2020.

Para sa mga ulo ng mga nagbabagang balita…


• Pilot implementation ng face-to-face classes, inaprubahan
ng pangulo
• Executive order 28, inilabas ng opisina ng gobernador
• Azkals at Gilas, nasa World Rankings pa rin!
• Kathniel bumida sa bagong music video ng OPM band na
Ben&Ben

Mary Anne (ANCHOR 2): Magbabalik kami matapos ang isang


paalala.
5|Pahina
INSERT INFOMERCIAL: (CUE IN: O Anak… CUE OUT:
HIMPILANG ITO… DURATION: 45 SEGUNDO)

Tatay: O anak, mukhang malalim yata ang iniisip mo? Tapos


ka na bang magsagot ng mga modyul mo?
Anak: Hindi pa po itay. Namimiss ko na po kasing pumasok.
Miss ko na mga kaklase ko, maging mga guro ko po.
Sana po mawala na ang virus.
Tatay: Naiintindihan kita anak! Ngunit, sa ngayon ay hindi pa
puwedeng magkaroon ng face-to-face sa lugar natin
dahil mataas pa ang rate ng COVID-19. Pinag-iisipan
pang mabuti kung saan at paano magkakaroon ng face-
to-face. Buti na lang may mga modyul o gawaing
pampagkatuto na ibinibigay sa mga bata. Kahit
papaano ay may matutunuhan ang mga mag-aaral.

Anak: Oo nga po itay eh! Tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto!


Tatay: O halika na, ituloy mo na ang pagsagot.
Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng Department of
Education at ng himpilang ito.

(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC, 10


SECONDS, CUE IN: WELCOME BACK. MUSIC UNDER)

Reggie (ANCHOR 1): Muli kayo ay nakikinig sa RZB 87.6,


Balitang Espesyal, himpilan ng
katotohanan.
Para sa detalye ng balitang Pambansa, narito si Louie Mark
Figuero. Louie Mark, iratsada mo!

MARK LOUIE: (CUE IN: MAGANDANG UMAGA … CUE OUT:


…MARK LOUIE FIGUERO, NAG-UULAT… DURATION: 45
SECONDS.)

6|Pahina
Magandang umaga Pilipinas. Para sa pangunahing balita.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong
Disyembre 14, ang rekomendasyon ng Department of Education
o DepEd na magsagawa ng pilot implementation ng face-to-face
classes sa buong buwan ng Enero 2021. Ito ay gagawin sa mga
piling pampublikong paaralan sa mga lugar na may mababang
kaso ng COVID-19. Kabilang din ang mga nasa ilalim ng
Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Sa pagsasagawa ng dry run, magtutulungan ang National
Task Force, DepEd, LGU at mga magulang upang sa masigurong
nasusunod ang health and safety protocols.
Bago aprubuhan ang pilot testing ng face-to-face classes sa
isang lugar, ito ay pag-uusapan muna kung saan sang-ayong
ang mga LGU, Local School Board at mga magulang. Kung sila
ay hindi papayag, ito ay hindi ipapatupad.
Pagkatapos ng pilot implementation, magsasagawa ng pinal
na rekomendasyon ang DepEd tungkol sa malawakang
pagpatutupad nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Louie Mark Figuero, nag-uulat, RZB Balitang Espesyal.

(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC,


5 SECONDS, MUSIC UNDER)

Reggie (ANCHOR 1): Connect naman tayo sa RZB Balitang


Espesyal sa Zambales. Naglabas ng
Executive Order 28 ang kanilang
Gobernador. RZB April Ebalobor,
ibalita mo!

APRIL: (CUE IN: NAGLABAS… CUE OUT: … …APRIL


EBALOBOR, NAG-UULAT…, DURATION: 45 SECONDS)

7|Pahina
Naglabas ng Executive Order No. 28 ang opisina ni
Gobernador Hermogenes Ebdane Jr. noong Disyembre 15. Ayon
sa Executive Order ipinagbabawal na ang parties, office outings
at iba pang pagtitipon-tipon sa probinsya ng Zambales mula
Disyembe 15 hanggang Enero 3, 2021. Nakapaloob din dito ang
panibagong oras ng curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-
4 ng umaga.
Inilabas ang E.O. No. 28 sa kadahilanang nagpositibo ang
25 katao matapos mag-outing ang 65 na empleyado sa Baloy
Beach at Liwliwa, San Felipe, at walo (8) sa mga ito ay residente
ng Zambales.
Pinaaalalahanan din ang mga mamamayan na sumunod
sa mga protocol ng LGU upang mapababa ang kaso ng COVID-
19 sa probinsya.
April Ebalobor nag-uulat para sa RZB, Balitang Espesyal.

(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC,


5 SECONDS, MUSIC UNDER)

Mary Anne (ANCHOR 2): Alamin naman natin ang lagay ng


panahon. Narito si Joan Aguilar para
sa RZB ulat-panahon.

JOAN: (CUE IN: MGA KABABAYAN… CUE OUT: RZB MULI


AKO PO… DURATION: 45 SECONDS)

Mga kababayan, bahagyang bumaba ang temperatura sa


probinsiya ng Zambales matapos ang dalawang araw ng pagtala
ng 32ºC. Nasa 31ºC ang pinakamataas na temperatura ngayong
Biyernes. Mainit pa rin pero sa mga uuwi mamaya galing sa
trabaho maghanda po tayo ng payong at kapote dahil may 60%
na tiyansa ng pag-ulan lalo na sa gabi sa mga bayan ng Subic,
Castillejos at San Marcelino.

Muli ako po si Joan Aguilar ng RZB, Balitang Espesyal.


8|Pahina
(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC, 5
SECONDS, MUSIC UNDER)

Mary Anne (ANCHOR 2): Dumako naman tayo sa balitang


pampalakasan. Narito si Edgardo
Garcia. Balitaan mo kami diyan
Edgardo.

EDGARDO: (CUE IN: NANANATILING… CUE OUT: RZB


EDGARDO GARCIA… DURATION: 45 SECONDS)

Nananatiling pasok sa World Rankings ang National Men’s


Baseketball Team na Gilas Pilipinas at National Men’s Football
Team na Azkals sa mga International Federations.
Batay sa rankings na inilabas ng FIBA (International
Basketball Federation), ang GILAS Pilipinas ay nanatili sa ika-
31 puwesto na mayroong 304.8 puntos matapos maitala ang
kanilang panalo noong Nobyembre sa FIBA Asia Cup 2021
qualifiers.
Hindi rin nawala sa World Rankings ang Philippine Azkals
na nasa ika-124 na puwesto batay sa rankings ng FIFA
(Federation Internationale De Football Association). Ang Azkals
ay may 1,136 na puntos.
RZB Edgardo Garcia nag-uulat, Balitang Espesyal.

(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC, 5


SECONDS, MUSIC UNDER)

Mary Anne (ANCHOR 2): Maraming salamat katotong


Edgardo, Alamin naman natin
ngayon ang mga kaganapan sa
usapang showbiz, Regina Gomez,
itsika mo na!

9|Pahina
REGINA: (CUE IN: HELLO, HELLO, HELLO… CUE OUT: RZB
REGINA GARCIA, RZB… DURATION: 30 SECONDS)

Hello, hello, hello Zambales! Narito na naman ang iyong


lingkod laging nangunguna sa tsikahan.
Alam niyo bang mainit na usapin sa social media ang
bagong music video ng OPM band na Ben&Ben na
pinamagatang “Sa Susunod na Habambuhay” kung saan
tampok ang real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel
Padilla. Inilabas ito noong Disyembre 14.
Umiikot ang music video sa pag-iibigan ng dalawa na
naglaho at nahanap ng tadhana.
Ayon sa tweet ng Ben&Ben, “dream collaboration nila na
makasama ang Kathniel.”
Sinulat naman ni Spoken Word Artist Juan Miguel Severo
ang script at si Jorel Lising ang direktor ng naturang music
video.
Umani na ito ng mahigit sa 3 milyong views at number one
trending sa YouTube.

Ito muli ang inyong bonggang katsikahan, Regina Gomez,


RZB Balitang Espesyal.

(MUSIC: BALITANG ESPESYAL PLUG IN MUSIC, 5


SECONDS, MUSIC UNDER)

ANCHORS: At iyan po ang naging kabuoan ng


rumaratsadang balita. Sa ngalan ng news at
technical staff, ito po ang inyong lingkod Mary
Anne Angeles at Reggie Apino na nag-iiwan ng
kasabihang…sa bawat pagsubok sa buhay,
huwag kang matakot dahil habang may buhay,
may pag-asa, may bagong umaga. Maraming
salamat po sa inyong pagsubaybay sa RZB
Balitang Espesyal 87.6.
10 | P a h i n a
Pamatnubay na Tanong:

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pinagkaabalahan ng Pamilya Santos noong ika-18
ng Disyembre?
A. paglilinis ng tahanan
B. pakikinig ng balita sa radyo
C. panonood ng balita sa telebisyon
D. pagpapatugtog gamit ang CD player
2. Anong istasyon sa radyo ang kanilang pinakinggan?
A. 90.7 Love Radio
B. 93.5 Brigada News FM Olongapo
C. 87.6 RZB Radyo Zambales Balita
D. 105.7 Radyo Natin FM Iba Zambales
3. Ang mga sumusunod ay mga balitang binanggit sa
himpapawid ng istasyon, alin ang hindi?
A. Azkals at Gilas, nasa World Rankings pa rin!
B. Executive Order 28, inilabas ng opisina ng gobernador
C. Kampanya sa climate change, mas paiigtingin-DENR
D. Pilot Implementation ng face-to-face classes,
inaprubahan ng pangulo
4. Sa anong pamamaraan o platform ang ginamit sa
paghahatid ng balita sa mamamayan?
A. radyo C. teleradyo
B. telebisyon D. social media
5. Bakit nakinig ng balita sa radyo ang Pamilya Santos?
A. para makinig ng musika sa radyo
B. para magkaroon ng ingay sa bahay
C. para malaman ang mahahalaga at napapanahong
balita
D. para mapakinggan ang magandang boses ng mga
tagapagbalita

11 | P a h i n a
Ang iyong nabasa sa loob ng kahon ay isang Script para sa
Radio Broadcasting.

Ang Script para sa Radio Broadcasting ay isang nakasulat


na materyal na nagpapakita ng mga dayalogong binabasa ng
tagapagbalita. Mahalaga ang paggamit ng script sa pagbabalita
upang maging maayos, malinaw, at organisadong maiparating sa
mga tagapakinig ang balita. Nakapaloob din dito ang mga gagawin,
sasabihin, oras, sound effects at music na gagamitin sa
pagbabalita.

Mahalaga ang pagkakaroon ng Script para sa Radio


Broadcasting upang:
• Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.
• Masigurong maayos ang daloy ng progama.
• Masulit ang airtime o oras sa himpapawid.
• Maiwasan ang dead air o pagkaantala sa himpapawid
ng broadcasting.
• Maiparating nang maayos at malinaw ang mga balita.

Narito ang ilan sa Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng


Script para sa Radio Broadcasting upang epektibo kang
makapagsulat ng isang script.,
A. Pagpaplano

• Ihanda muna ang lahat ng mga isasama sa


pagsasahimpapawid gaya ng mga balita at paalala.
• Maglaan ng sapat na oras sa bawat bahagi ng script.
• Ihanda ang music, sound effects at iba pang kagamitang
nais gamitin.

12 | P a h i n a
B. Hinggil sa Bumper at Teaser

• Bumper – ginagamit ito sa pagitan ng mga balita at


patalastas. Layon nitong ipaalam na mayroon pang balita
pagkatapos ng break.
Halimbawa:
“Magbabalik kami matapos ang isang paalala.”

• Teaser – tungkulin nito na panatilihin ang pag-usisa ng


mga tagapakinig upang manatiling nakatuon sa istasyon.
Karaniwang, mga ulo ng balita ang inilalagay rito.
Halimbawa:
- Pilot implementation ng face-to-face classes,
inaprubahan ng pangulo
- Executive Order 28, inilabas ng opisina ng gobernador
- Azkals at Gilas, nasa World Rankings pa rin!
- Kathniel bumida sa bagong music video ng OPM band
na Ben&Ben

Ang pagsusulat ng script para sa radio broadcasting ay May


Sinusunod na Pormat. Isang halimbawa ng script na gumagamit ng
pormat ay ang iyong binasa sa mga naunang pahina. May mga
bahagi, elemento at pagkakasunud-sunod ang nilalaman ng isang
script.
Habang inaaral ang pormat ng pagsusulat ng script para sa
radio broadcasting, maaring balikan ang ibinigay na halimbawang
script upang lubusang maintindihan.

• Station ID o Pamagat ng Programa


Ang Station ID ay ang pamagat mismo ng programa sa
radyo. Sa script na pinakinggan ng Pamilya Santos, ang
Station ID na ginamit ay RZB Radyo Zambales Balita.

13 | P a h i n a
• Program ID
Ito ang numerong ginagamit para sa serbisyong
ibinibigay ng istasyon ng radyo. 87.6 ang Program ID na
ginamit sa halimbawang script.

• Uri ng Programa
Progamang pambalita ang inilahad sa halimbawang
script.

• Petsa at Oras ng Pagpapalabas


Batay sa script, ang petsa ay ika-18 ng Disyembre taong
2020, araw ng Biyernes sa ganap na alas-8 ng umaga.

• Anchors at Reporters /
Punong Tagapagbalita at Mga Tagapagbalita
Ang anchors at reporters ay may mabigat na
responsibilidad sapagkat sila ang magsasalita at maghahatid
ng mga balita sa pamamagitan lamang ng boses. Kaya dapat
malinaw, maayos at maganda ang kanilang pagbabalita.

Sa script may dalawang Punong Tagapagbalita o


Anchors: sina Reggie Apino at Mary Anne Angeles. Maaari
ring mayroong isang punong tagapagbalita lamang. Sila ang
gumaganap na modulator at nagtatawag sa ibang reporters.
Sa halimbawang script, iba-iba ang mga Mga Tagapagbalita.
Sila ay sina:
- Louie Mark Figuero para sa Balitang Pambansa;
- April Ebalobor para sa Balitang Lokal;
- Joan Aguilar para sa Ulat Panahon;
- Edgardo Garcia para sa Balitang Sports; at
- Regina Gomez para sa Showbiz Balita.

14 | P a h i n a
• Mga Balita
Ang pinakamahalagang bahagi ng script ay mga balitang
nakapaloob rito. Dapat ang mga balita ay makatotohanan,
napapanahon at mayroong pamagat o tinatawag na ulo ng balita.

Sa script na iyong nabasa, binanggit sa simula ang mga ulo


ng mga nagbabagang mga balita. Mahalaga na sabihin ang mga
ulo ng balita sa simula upang malaman ng mga takapakinig ang
mga balitang kanilang papakinggan at aabangan. Ang mga
detalye ng balita ay inisa-isang inulat sa buong programa.
Maaring may tatlo o higit pang balita depende sa mga nakalap
na impormasyon at oras na inilaan.
Sa isinulat na halimbawang script, nakapaloob ang
Balitang Pambansa, Balitang Lokal, Balitang Isports at Balitang
Showbiz.

• Paalala o Infomercial
Nangangailangan ng paalala o infomercial ang isang
script para sa radio broadcasting. Ito ay tungkol sa
napapanahong isyu o pangyayari. Maaring may kinalaman
sa edukasyon, kalusugan, kalikasan o iba pang mahalagang
paksa. Sa script na binasa ang halimbawang informercial ay
tungkol sa usapin ng mag-ama sa pag-aaral sa panahon ng
pandemya.

• Ulat-Panahon
Mahalaga ring mayroong ulat panahon ang isang script.
Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lagay ng
panahon sa mga tagapakinig.

15 | P a h i n a
• Sound effects
Mas maging maganda ang kalalabasan ng script para
sa radio broadcasting kung mayroong angkop na sound
effects. Kung mapapansin mo, may music/ sound effects, cue
in at cue out para sa mga pagkakasunud-sunod ng tugtog at
pagsasalita ng mga tagapagbalita. Upang mas mapadali ang
pagbabalita, si Alyson S. Rago ang nagsilbing
Tagapangasiwang Teknikal.

Maaaring i-click ang link na ito


https://www.youtube.com/watch?v=fmMT4-G7_Ck upang
mapakinggan ang tuloy-tuloy na daloy ng pagbabalita at
mabigyang-pansin ang paglalapat ng sound effects na ginamit.

Narito naman ang Mga Hakbang o Proseso sa Pagsulat ng


Script para sa Radio Broadcasting:

1. Alamin ang iyong mga tagapakinig.


2. Gumawa ng pananaliksik tungkol sa mga nilalaman ng mga
paksang ibabalita.
3. Gumawa ng balangkas o pagkasunud-sunod ng nilalaman.
4. Sumulat ng burador o draft.
5. Basahin nang malakas at orasan ang haba ng script.
6. Ang lahat ng mga bahagi at balita ay pinaglalaanan ng sapat
na oras upang makabuo ng epektibong script.
7. Rebisahin o isulat muli ang script – istilo, timing at
katumpakan. Baguhin ito kung kinakailangan hanggang sa
magkaroon ng pinal na script.

16 | P a h i n a
Narito ang ilang mga Paalala sa Pagsulat ng Script sa
Radyo:
1. Ang isusulat na script ay dapat malinaw at madaling
maintindihan.
2. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.
3. Gawing maikli at simple ang balita ngunit naglalaman
ng mahahalagang impormasyon.
4. Iwasang haluan ng personal na opinyon ang balita.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Panuto: Suriing mabuti ang mga nilalaman, elemento at


sangkap ng script ng radio broadcasting sa bawat bilang upang
matukoy ang tamang sagot. Isulat ang letra sa sagutang papel.

1. Ito ay isang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga


dayalogong binabasa ng tagapagbalita.
A. script para sa dayalogo
B. script para sa teleradyo
C. script para sa radio broadcasting
D. script para sa pakikipag-usap sa telepono

17 | P a h i n a
2. Ginagamit ito sa pagitan ng mga balita at paalala at layon
nitong ipaalam na mayroon pang balita pagkatapos ng
break.
A. bumper C. teaser
B. paalala D. ulo ng mga balita

3. Tungkulin nito na panatilihin ang pag-usisa ng mga


tagapakinig upang manatiling nakatuon sa istasyon.
A. bumper C. teaser
B. paalala D. ulo ng mga balita

4. Upang mas maging maganda ang kalalabasan ng script para


sa broadcasting maaring maglagay ng ____________.
A. bumper C. sound effects
B. paalala D. station ID

5. Ang mga sumusunod ay layunin ng pagkakaroon ng Script


para sa Radio Broadcasting, maliban sa isa. Alin ito?
A. Humaba ang oras para sa pagbabalita.
B. Masiguro na maayos ang daloy ng progama.
C. Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon.
D. Maiparating nang maayos at malinaw ang mga
balita.

B. Panuto: Piliin sa mga sumusunod ang maaring ilagay sa script


para sa radio broadcasting. Isulat na lamang ang mga numero
sa sagutang papel.

1. Tula 6. Balitang Lokal


2. Sanaysay 7. Showbiz Balita
3. Obitwaryo 8. Balitang Isports
4. Talumpati 9. Balitang Pambansa
5. Ulat Panahon 10. Anunsyo Klasipikado

18 | P a h i n a
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na sumusunod sa
pamantayan sa pagsusulat ng script para sa radio broadcasting at
ekis (x) naman kung hindi. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ihanda muna ang lahat ng mga isasama sa


pagsasahimpapawid gaya ng mga balita at paalala.

2. Ang isusulat na script ay dapat malinaw at madaling


maintindihan.

3. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.

4. Madaliin ang pananaliksik at pangangalap ng mga


impormasyon tungkol sa mga nilalaman ng mga balita.

5. Isulat ang script nang maayos at malinaw upang madaling


maintindihan at basahin.

6. Alamin ang iyong mga tagapakinig.

7. Hindi na kailangang gumawa ng balangkas para sa script


ng radio broadcasting.

8. Hindi mahalaga ang pagsulat ng burador o draft.

9. Rebisahin o isulat muli ang script at itama ang mga


pagkakamali kung kinakailangan.

10. Tantsahin na lamang ang oras na ilalaan sa bawat bahagi


ng script.

19 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Sumulat at bumuo ng script para sa radio broadcasting
sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga pahayag sa ibaba batay sa
nilalaman, pormat at pamantayan. Gawin ito sa sagutang papel.

ANCHOR: Magandang umaga Pilipinas! Araw po ngayon ng


Sabado, ika-19 ng Disyembre, 2020 sa ganap na
alas-9 ng umaga. Ito po ang inyong lingkod
James Delos Santos at Kath Bautista
maghahatid sa inyo ng pitong minutong
balitaan.

ANCHOR: Mula sa bulwagang pambalitaan ng DWZZ,


sumasainyo ang double Z balita… Kalipunan ng
mga pangyayaring naganap sa loob at labas ng
ating bansa. Tinipon at sinipi sa silid
pambalitaan ng DWZZ…double Z balita.

STATION ID: Ito ang DWZZ. Sais beinte sa inyong talapihitan.


Ang himpilan ng katotohanan.
Sumasahimpapawid mula sa lungsod ng
Balanga. Ang himpilang DWZZ ay kasapi sa KBP
Kapisanan ng mga Broadcasters sa Pilipinas

ANCHOR: Sa ulo ng mga nagbabagang balita…

- Kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy na tumataas


- Bagyong Vicky, patuloy na nananalasa sa Mindanao
- Pelikulang Mindanao naghakot ng award sa Luna

20 | P a h i n a
ANCHOR: Iyan po ang mga balitang nakalap ng
DWZZ. Sa ngalan ng news at technical
staff, ito po ang inyong lingkod James
Delos Santos at Kath Bautista. Maraming
salamat po sa inyong pagsubaybay.

Patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa


ngayong Holiday Season. Sa kabuoan, may 458,044 na kaso
ang naitala sa bansa may COVID-19.

Umakyat naman sa 421,000 ang total recoveries. May


naitalang 1,491 na bagong kaso ngayong araw at 35 katao ang
nadagdag sa death toll.

Pinaalalahanan naman ng Department of Health (DOH)


ang mga mamamayan na patuloy na mag-ingat at sumunod sa
mga health protocol.

Batay sa 11:00 a.m. Severe Weather Bulletin na inilabas ng


PAG-ASA nitong Sabado, bunsod ng patuloy na paggalaw ng
bagyong vicky patungong Palawan ay isinailalim na sa signal no.
1 ang hilaga at gitnang bahagi ng Palawan.

Huling namataan ang bagyong Vicky, may 220 kilometro


sa silangan-timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
May dala itong maximum sustained winds na 45 kilometro kada
oras malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na hanggang 55
kilometro kada oras.

21 | P a h i n a
Hinakot ng pelikulang Mindanao ang mga naglalakihang
gantimpala sa Best Foreign Language Film sa ika-93 Oscar
Awards.

Best Picture ang Mindanao. Best Director si Brillante


Mendoza at Best Actress si Judy Ann Santos. Napanalunan din
ng pelikula ang Best Screenplay, Best Musical Score at Best
Cinematography.

Pagsusulit

Panuto: Sumulat ng limang (5) minutong script para sa radio


broadcasting batay sa mga news clips, pamantayan at pormat na
ibinigay. Gawin ito sa sagutang papel.

News Clips: (halaw mula sa Pilipino Star Ngayon)

Ulat-Panahon

Ang kalakhang Maynila ay makararanas ng maulap na


kalangitan na may pag-ulan.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa


hilagang-silangan ang iiral at ang Look ng Maynila ay
katamtaman hanggang sa maalon.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 25


hanggang 33 antas ng sentigrado.

22 | P a h i n a
Face-to-face classes binawi ni Duterte

Binawi noong Disyembre 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte


ang desisyon na payagan ang pilot testing ng face-to-face classes
dahil sa bagong strain ng COVID-19 na posibleng makapasok
sa bansa.

Sa pagsisimula ng meeting ng Inter-Agency Task Force


(IATF) on Emerging Infectious Diseases na pinangunahan ng
Pangulo, inanunsiyo nito ang pagbawi ng naunang desisyon.

Ayon pa sa Pangulo, mas pinaigting pa ang monitoring ng


frontline partners ng gobyerno upang matiyak na hindi
makakapasok sa bansa ang bagong strain ng coronavirus.

ASAP sa TV5, super trending

Nag-trend bilang number one sa Twitter ang official


hashtag ng ASAP Natin ‘To na #ASAPasONE at nakalikom ng
higit sa isang daang libong posts, sa pag-uumpisa ang bagong
kabanata ng show. “We are stronger avid viewers of A2Z,
Kapatid, and Kapamilya networks,” ani ng isang viewer.
“They broke ABS-CBN into pieces. Now they are all
scattered in different platforms and channels. Cable TV, app
online, satellite TV, and 2 free TV networks. They cannot stop us
for being in the service of the Filipino,” tweet ng isa pa.
Hindi naman napigilan ng netizens na gumawa ng kani-
kanilang hashtags para sa show at sa mga guests at hosts nito.
Tumabo ang show ng posts may mga hashtag tulad ng
#ASAPonTV5,#WeLoveYouQueenRegine,
#TheUnkabogableVGonASAP,
#KyCine51MOSonASAPMAYWARDSundayTreat
#ALJONNatinonASAP, at marami pang iba.

23 | P a h i n a
Next fight ni Pacquiao, ikinakasa na!

Ikinakasa na ang susunod na laban ni Eight-Division World


Champion Manny Pacquiao na inaasahang isisiwalat ng kampo
nito ngayong linggo.

Ayon kay Pacquiao, ilang bagay na lamang ang inaaayos


bago ihayag ang pangalan ng makakasagupa nito sa kanyang
laban na target idaos sa Abril o Mayo.

Mahigit isang taon ding hindi nasilayan sa aksyon si


Pacquiao na huling sumalang noon pang Hulyo ng 2019 nang
itala nito ang split decision win kay Keith Thurman.

Ilan sa mga pinangalanan ni Pacquiao sina International


Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC)
Welterweight King Errol Spence Jr. at reigning World Boxing
Organization (WBO) Welterweight Champion Terence Crawford
sa mga kandidato.

Mga Pamantayan:
- May isang pangunahing balita.
- May Balitang Isports, Showbiz at Ulat Panahon.
- Sumulat ng Bumper, Teaser at Station ID.
- Sumulat ng isang infomercial o paalala tungkol sa
pangangalaga sa kapaligiran.
- Magbigay rin ng mga pangalan ng punong tagapagbalita at
mga tagapagbalita.
- Sa bawat balita, kunin lamang ang mahahalagang detalye na
sumasagot sa mga tanong na ano, sino, kailan, saan, bakit
at paano.
24 | P a h i n a
Pamagat ng Programa: ______________________________

Uri ng Programa: Balita

Oras ng Programa: ______________________________

Petsa ng Programa: ______________________________

Punong Tagapagbalita: ______________________________

Mga Tagapagbalita: ______________________________


______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

Tagasulat ng Script: ______________________________

STATION ID: _______________________________________


_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

PROGRAM ID: _______________________________________


_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Ang oras sa buong kapuluan ay ganap na _____________.

Tagapagbalita/Anchor: Magandang araw Pilipinas! Araw


ngayon ng____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

25 | P a h i n a
Para sa mga ulo ng mga nagbabagang balita…

• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________

Tagapagbalita/Anchor: Magbabalik kami matapos ang isang


paalala.

(Infomercial)____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Tagapagbalita/Anchor: Muli kayo ay nakikinig sa


__________________

Para sa detalye ng balitang pambansa narito si _________.

(Balitang Pambansa)__________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ito pong muli si ________________________, nag-uulat!

Tagapagbalita/Anchor: Alamin natin ang lagay ng panahon


sa ating bansa. Narito si
________________ para ulat-panahon.

(Ulat Panahon)_______________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Muli ako po si ____________________, para sa ulat-panahon.

26 | P a h i n a
Tagapagbalita/Anchor: Dumako naman tayo sa balitang
pampalakasan. Narito si
____________________. Ano ang mga
kaganapan diyan?

(Balitang Isports)_____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________, nag-uulat!

Tagapagbalita/Anchor: Maraming salamat ________________!


Alamin naman nating ngayon ang
mga kaganapan sa usapang showbiz.
Narito si ________________ para sa
latest updates.

(Balitang Showbiz)____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ito muli ang inyong bonggang katsikahan, ____________________.

Tagapagbalita/Anchor: (Panapos na pahayag)______________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

27 | P a h i n a
Pamantayan para sa Radio Broadcasting Script

Napakahusay Mahusay-husay Mahusay


Pamantayan
3 puntos 2 puntos 1 puntos
Naipakita ang
Naipakaita nang
pagkakabuo ng Nakabuo ng
maayos ang
script ng script na may
pagkakabuo ng
karamihan sa bahagi at
lahat ng bahagi
mga bahagi at elemento ng
Nilalaman at elemento ng
elemento ng script at
script. Naipakita
script. Naipakita naipakita ang
ang tamang
ang mga mga dapat gawin
paraan
pamaraan sa sa pagsulat nito.
pagsusulat nito.
pagsulat nito.

Angkop lahat Angkop ang mga May mga


ang mga salitang salitang ginamit salitang angkop
Kaangkupan ginamit sa sa pagbuo ng na salitang
pagbuo ng script maliban ginamit sa
script. sa isa. pagbuo ng script

May mga
Piniling mabuti
Napili ang mga salitang ginamit
ang mga salitang
salitang ginamit sa pagbuo ng
Kawastuhan ginamit sa
sa pagbuo ng script na
pagbuo ng
script. mahirap
script.
maintindihan.

Malinis ang
Napakalinis ang Malinis ang
pakakabuo/
pagkakabuo/ pagkakabuo/
Kalinisan pagkakasulat
pagkakasulat ng pagkakasulat ng
maliban sa iilang
scritp. script.
bahagi ng script

Kabuoan

28 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang ideya ng


pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Sa araling ito, natutuhan ko na ang pagsulat ng


(1)______________________. Ito ay isang nakasulat na materyal na
nagpapakita ng mga (2)______________________ binabasa ng
tagapagbalita. Mahalaga ang paggamit ng script sa pagbabalita
upang maging maayos, malinaw, at organisadong maiparating sa
mga tagapakinig ang mga (3)______________________. Dapat
(4)______________________ ang nilalaman ng script upang maging
(5)______________________ ang pagbabalita sa radyo.

29 | P a h i n a
Mga Sanggunian

"Ben&Ben's 'Sa Susunod Na Habang Buhay’ Music Video Starring


Kathniel Now Out". 2020. Interaksyon.
https://interaksyon.philstar.com/celebrities/2020/12/1
4/182091/benbens-sa-susunod-na-habang-buhay-
music-video-starring-kathniel-now-out/.

"Pilipinas, Ikatlo Sa Mga Bansang Nanganganib Sa Epekto Ng


Climate Change – World Bank - UNTV News | UNTV
News". 2020. UNTV News.
https://www.untvweb.com/news/pilipinas-ikatlo-sa-
mga-bansang-nanganganib-sa-epekto-ng-climate-
change-world-bank/.

“Executive Order No. 28. December 15, 2020. An Order Imposing


New Curfew Hours and Prohibiting Office Outings, Parties
and Other Like Gatherings in the Province of Zambales
from 15 December 2020 until 03 January 2021.

Balita - Tagalog Newspaper Tabloid. 2020. Askals At Gilas,


Matatag Sa World Ranking. [online] Available at:
<http://balita.net.ph/2020/12/15/askals-at-gilas-
matatag-sa-world-ranking/> [Accessed 17 December
2020].

Coursehero.com. 2020. [online] Available at:


<https://www.coursehero.com/file/33503895/Pagsulat-
ng-Iskrip-Para-sa-Radio-
Broadcastingpptx/?fbclid=IwAR0y5tHVsyLJ3OOrGLp3M
5rQKq8RHezRo1vXlPTMiPD7hOXvSDZ7taRCIS4>
[Accessed 18 December 2020].

30 | P a h i n a
Deped.gov.ph. 2020. Official Statement On The Pilot
Implementation Of Limited Face-To-Face Classes |
Department Of Education.
<https://www.deped.gov.ph/2020/12/15/official-
statement-on-the-pilot-implementation-of-limited-face-
to-face-classes/> [Accessed 17 December 2020].

Jose, A., 2020. Face-To-Face Classes Sa 2021 Sa Ilang Lugar Sa


Bansa Aprubado Na Ni Pangulong Duterte. [online] DWIZ
Mas Todong Lakas. Available at:
<https://www.dwiz882am.com/index.php/face-to-face-
classes-sa-2021-sa-ilang-lugar-sa-bansa-aprubado-na-
ni-pangulong-duterte/> [Accessed 17 December 2020].

Lacanlale, C., 2020. Sanayang Aklat Sa Pamahayagang


Pampaaralan Sa Makabagong Panahon. 1st ed. Mexico:
Mexico Printing Co., Inc., pp.113-121.

Ortiz, A., 2020. Radio Broadcast 2. [online] Slideshare.net.


Available at:
<https://www.slideshare.net/allanortiz/radio-
broadcast-
2?fbclid=IwAR38p5IqgVKHeQEbv95WAvhUXrJwzuGJyu
AQ0C0kGvpRC-p6Dp_op1xS4pc> [Accessed 18 December
2020].

Panchica, Cathryn. 2020. "LR Portal". Deped LR Portal.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14759.

Philstar.com. 2020. Pilipino Star Ngayon | Balita Ngayon -


Philstar.Com. [online] Available at:
<https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/>
[Accessed 20 December 2020].

31 | P a h i n a
32 | P a h i n a
Balikan
Pang-isahang Pagsasanay
Mga mahahalagang impormasyon na maaring
isagot ng mga mag-aaral. Ayusin ang script batay sa pagkakasunud
sunod:
• Sa ulat ng World Bank (WB),
nagbabala ito hinggil sa paglala ng Station Id: Ito ang DWZZ. Sais beinte sa
iba’t ibang sakuna sa mundo bunsod inyong….
ANCHOR: Magandang umaga Pilipinas.
ng patuloy na pagbabago ng klima ng
araw po ngayon ng….
daigdig. ANCHOR: Mula sa bulwagang
• Kabilang dito ang pagtaas ng sea- pambalitaan ng DWZZ,
level, mas malakas na mga bagyo at sumasainyo…..
sobrang tag-init. ANCHOR: Sa ulo ng mga nagbabagang
• Ayon sa World Bank, sa katapusan ng balita…
ika-21 siglo, tataas ng hanggang - Kaso ng COVID-19….
labinlimang porsyento ang sea level - Bagyon Vicky, patuloy …
sa Timog-Silangang Asya na - Pelikulang Mindanao…..
nangangahulugan ng mas madalas at
mas mataas na pagbaha. Patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19
• Babala ng WB, pinaka-apektado rito sa bansa…
ang mga informal settler partikular (Balitang Lokal)
na ang urban population ng Pilipinas.
• Hinikayat ng WB ang Pilipinas na Batay sa 11:00 a.m. severe weather bulletin…
(Ulat Panahon)
dagdagan ang pondo para sa mga
programang may kaugnayan sa Hinakot ng pelikulang Mindanao…
climate change. (Balitang Shobiz)
Pamatnubay na Tanong: Pagsusulit
1. B 4. A
2. C 5. C Maaring iba-iba ang sagot ng mga
3. C mag-aaral. Gawing batayan ang rubrics sa
pagwawasto ng kanilang script para sa radio
Pinatnubayang Pagsasanay 1A broadcasting.
1. A 4. A
2. C 5. D Pangwakas
3. C .
Maaring sagot ng mga bata
Pinatnubayang Pagsasanay 1B
5, 6, 7, 8, 9 1. Script para sa Radio Broadcasting
2. dayalogong
Pinatnubayang Pagsasanay 2 3. balita
1. ✓ 6. ✓ 4-5. organisad, epektibo
2. ✓ 7. x
3. ✓ 8. x
4. x 9. ✓
5. ✓ 10. x
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like