You are on page 1of 70

Pagsulat ng Script

para sa
Radio Broadcasting
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na
pahayag. Lagyan ⭐ng kung ito ay nararapat gawin ng
isang broadcaster o tagapagbalita at 🌙 kung hindi dapat
gawin.
_______1. Ang isang tagapagbalita o broadcaster ay
dapat may iskrip na gagawin sa isang programa sa
radyo.
_______2. Ang tagapagbalita ay hindi na kailangang
alamin ang tamang oras ng kaniyang programa sa radyo
kung kailan siya magsisimula at magtatapos.
_______3. Kapag ang isang salita ay
binilugan sa iskrip ng tagapagbalita ito ay
nangangahulugang hindi dapat basahin.
_______4. Ang mga itinatampok na balita at
istorya ay dapat bago at makabuluhan para
sa araw na iyon.
_______5. Ang tono ng pananalita ng isang
broadcaster ay parang nakikipag- usap at
dapat ay mahinahon.
Kilalanin at tukuyin kung
sinong news anchor ang
nagsabi ng sumusunod na
linya.
1. Di kita tatantanan!
2. “Magandang gabi,
bayan”!
3. “SOCO”
4. “Handa na ba kayo?”
5. “Ang buhay ay weather,
weather lang!”
Bakit mahalaga
ang radio sa
lipunan?
Ano-ano ang dapat
natin isaalang-alang
sa pagsusulat ng
iskrip sa panradyo o
teleradyo?
Dapat isaalang-alang sa
pagsusulat ng
pangkalahatang iskrip
panradyo ang
sumusunod na detalye.
1. Pagbanggit ng station
ID
2. Pagsabi ng oras ng
pagsasahimpapawid o
broadcast.
3. Pagbibigay galang,
pagbanggit ng petsa at
pagpapakilala ng
mga anchor, o tagapag-
broadcast.
4. Paghahandog ng
infomercial
5. Paglalahad ng mga
pangunahing ulo ng mga
balita
6. Paglalahad ng
mga detalye ng mga
pangunahing
balita.
7. Pag-plug out o
Extro. 
Station ID
- Pangalan ng istasyon
at Frequency ng radyo.
Hal. DZMM,
DZKI, DWEB
Anchor
- Tagapagbalita,
Announcer
Headline -
Tumutukoy ito sa
mga ulo o
pangunahing
balita.
Stinger/Music Bed
- Musika o
tugtog/Music
background
Plug In
- Simula ng
pagsasa-
himpapawid
Plug Out-
Pagtatapos ng
pagsasa-
himpapawid
Halimbawa ng
Radio
Broadcasting
Pormat
sa Pagsulat
ng Iskrip
• Pamagat ng
Programa: Radyo
Express Balita
• Uri ng Programa:
Balitang Programa
• Petsa ng
Pagpapalabas: Abril 14,
2021
• Oras ng Pagpapalabas:
7:00-7:30 ng umaga
Mga Tagapagbalita:
Lester Pantoja, Amyr
Logro, at Jerry Ao
Mga Paalala sa
Pagbuo ng Iskrip
sa isang Radio
Broadcasting
a. Umiisip ng
napapanahon at
kawili-wiling
paksa.
b. Gumamit at pumili ng mga
salitang madaling
maintindihan ng
mga tagapakinig o angkop sa
lahat ng edad na para ka lang
nakikipag-usap sa iyong
tagapakinig.
c. Iwasan ang
paligoy-ligoy at
paulit-ulit sa iyong
sinasabi.
d. Sa pagsulat ng
balitang iskrip kailangan
na ang bawat talata ay
katumbas ng isang
pangungusap.
e. Tiyaking
mabigkas nang
maayos ang mga
salitang ginamit.
f. Isaalang-alang ang
tamang gramatika at
baybay ng salita at
bantas.
g. Isusulat sa
malalaking titik
ang mga salitang
hindi babasahin.
Basahin at unawain mo ang tinutukoy sa
bawat bilang sa Hanay A. Hanapin mo
ang tamang sagot nito sa Hanay B.
Isulat ang titik lamang ng iyong napiling
sagot sa iyong kuwaderno.
Mahalaga bang
matutunan mo ang
pagsusulat ng iskrip
sa radio broadcasting?
Bakit?
Sa pagsusulat ng iskrip sa
radio broadcasting
mahalagang sundin ang
mga paalala sa pagbuo nito
at kailangang sundin ang
pormat ng iskrip
Panuto: Ayusin nang sunod-
sunod ang mga pangyayari sa
ibaba upang makabuo ng isang
magandang balita. Gawin ito sa
sagutang papel.
• Liga ng Basketbol
• Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol
sa Palmera, Phase I, II, III at IV.
• Sinimulan ang laro sa ganap na ika-3 ng hapon.
• Isang paradang nilahukan ng lahat ng manlalaro
ang nagbukas ng liga.
• Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod.
• Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang
Koponang Asit.
• Masayang-masaya ang mga nanonood sa
basketbol tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Makinig sa radyo o telebisyon ng isang ulat tungkol sa
kalagayan ng panahon. Magtala ng mga bagong salita na
maririnig mo mismo sa ulat panahon, kung mayroon man, at
kung papaano ginamit at ano ang kaukulang kahulugan nito
sa konteksto ng balita. Isulat ang ulat sa inyong kuwaderno.
Sundin ang sumusunod na hakbang:

1. Pakinggan ang balita.


2. Isulat ang pamagat, ang pangunahing ideya, o paksa
sa unang pangungusap.
3. Sundan ito ng mga pangungusap na nagsasaad ng
detalye; at,
4. Iwasto ang isinulat bago ipasa
Pagbibigay ng
Buod o Lagom ng
Tesktong Script ng
Teleradyo.
Ano ang pormat sa
pagsusulat ng
iskrip sa panradyo
o teleradyo?
Pagkatapos basahin ang
isang iskrip sa
panradyo o teleradyo,
paano mo ngayon ito
lalagumin o bibigyan ng
buod?
BAGYONG ROLLY
NAGDALA NG MALAKING
PINSALA SA
LUNGSOD NG IRIGA
Ano ang Buod
o
Lagom?
Ang buod o lagom ay ang
pinaikling bersiyon na
pinipili ang mahahalagang
ideya at sumusuportang
ideya o datos sa tekstong
binasa o napakinggan.
Mahalaga ang
pagtutok sa lohikal
at kronolohikal na
daloy ng mga ideya
ng binuod na teksto.
Ano-ano ang
dapat tandaan sa
pagsulat ng
lagom o buod?
1. Basahin nang mabuti
ang teksto.
2. Tukuyin ang
paksa/tema o key words
ng binasang teksto.
3. Pag-ugnayin ang
mga paksa o ideya.
4. Tiyakin ang
organisasyon ng
teksto.
5. Huwag magbigay
ng sariling opinyon
sa pagbubuod.
Gabay sa
pagbubuod, tingnan
ang halimbawa sa
ibaba.
BUOD
PAMAGAT
Bagyong Rolly nagdala
ng malaking pinsala sa
Lungsod ng Iriga
BUOD
PAKSA
Hindi maayos ang
kalagayan ng mga taga -
Iriga matapos manalanta
ang Bagyong Rolly.
BUOD
PAKSA
Sinabi ng CDRRMC, halos
lahat ng bahay ay nasira
at kasalukuyan may mga
lugar pang lubog sa baha.
BUOD
PAKSA
Umabot sa 5 milyong
piso ang napinsala sa
agrikultura at
imprastraktura.
Paano makakatulong
sayong pagkatuto
ang pagbubuod ng
iskrip sa radio
broadcasting?
Sa pagbibigay ng buod
o lagom ng tesktong
script ng teleradyo
dapat na sundin ang
mga sumusunod:
1. Basahin nang mabuti
ang teksto.
2. Tukuyin ang
paksa/tema o key words
ng binasang teksto.
3. Pag-ugnayin ang
mga paksa o ideya.
4. Tiyakin ang
organisasyon ng
teksto.
5. Huwag magbigay
ng sariling opinyon
sa pagbubuod.
Panuto: Basahin
at unawaing
mabuti ang
balitang iskrip.
Andrada nasungkit ang Silver
Medal sa Lawn Tennis
Nasungkit ni Rachel Andrada
mag-aaral ng ICS ang silver
medal sa larong lawn tennis
noong September 29, 2019 ng
PHILTA-Junior Tennis
Tournament sa Naga City.
Ayon kay Andrada, kahit
pangalawa lang siya sa
kompetisyon naipakita pa rin
niya ang kaniyang lakas, liksi at
bilis laban sa kaniyang
katunggali.
Sa pangalawang set nang laban,
sadyang maliksi ang galaw ni
Rowena Mercado na
nagpakawala ng forehand
smash na nagpamangha sa
lahat at nakuha ang iskor na
6-4.
Panuto: Ibuod ang
balitang iskrip na
iyong nabasa sa isa
itaas. Gawin ito sa
iyong papel.
__________________
Pamagat
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
____________________________________.
Takdang Aralin:
Panuto: Makinig o manood
ng isang balita mula sa
radyo o telebisyon.
Sumulat ng lagom nito.

You might also like