You are on page 1of 14

FILIPINO 6

GAWAING PAGKATUTO 7
(LEARNING ACTIVITY SHEET 7
Kwarter 4
Filipino – Baitang 6
Kwarter 4 – Gawaing Pagkatuto 7:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat: Lanie C. Anda

Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto

Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales at Ivy Jean A. Panotes


FILIPINO 6
Pangalan: ___________________________________ Baitang: ____________

Seksyon: _____________________________ Petsa: ______________

GAWAING PAGKATUTO

Pagsulat ng ulat, balitang pang-isport, liham sa editor,


Para sa radio broadcasting at teleradyo

PANIMULANG KONSEPTO
A.
Ang ulat ay isang pagpapahayag na maaring pasalita o pag- uulat ng ibat- ibang
kaalaman. Ito ay bunga ng maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag-usap sa
mga taong may tanging kaalaman o pagmamasid sa mga bagay-bagay. Ang dalawang
paraan ng pag-uulat ay pasalita at pasulat.

Ang pagrereport o pag-uulaat ay isang kasanayan na dapat matutuhan ng mag-


Aaral . Ito ay pagprepresenta ng mga nakalap na impormasyon at datos na
Halimbawa:.

Ang Pagsabog ng Bulkang Taal ng Pilipinas na may kasamang lindol


at abo

Ang Taal Volcano na kilala sa nakamamanghang crater lake, ay biglang sumabog


noong Enero 12, 2020, napilitang lumikas ang mga kalapit na nayon.Hapon ng Linggo,
Enero 12, 2020, Ang Taal Volcano sa Pilipinas ay sumabog, ang gobyerno ng Piipinas
ay agad naglabas ng alert level of 4, na nagpapahiwatig ng isang mapangnib na
pagsabog ay possible sa loob ilang oras hanggang isang araw. Ang nasabing
kalamidad ay kumalat sa mundo sa pamamagitan ng social media na may mga
kamangha-manghang mga imaheng ilang kilometrong taas ng mga ulap ng abo na
binubuga nito ay maihahalintulad na mas mataas pa kaysa sa Empire State Building na
makikita sa gabi, at pinakahuli, mga bitak na lupa ng mga halaman at kalsada.
Philippine Red Cross
Jan. 21, 2020

#coronavirus
IWASAN ANG PAGKALAT NG CORONA VIRUS

Palaging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon.


Maaari rin gumamit ng alcohol - based hand sanitizer o alcogel

Takpas ang ilong at bibig sa tuwing uubo o babahing


Gamit ang tissue o panyo.

Iwasang lumapit sa taong may lagnat o may sintomas na tulad na


Tulad ng flu.

Lutuing mabuti ang karne at itlog.

Iwasang lumapit o derektang humawak sa mga buhay na


na hayop ng walang proteksyon.

Gumamit ng face mask.

A PHILIPPINE RED CROSS ADVISORY

B. BALITANG ISPORT:
Isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga pangyayari sa mundo ng
palakasan. Ito ang nagbibigay aliw sa mga mambabasa na sawa na sa magulong
mundo ng pulitika at mga ulat krimen.
Tatlong uri ng balitang sports:
1. Balitang isports (advance news)
2. Resulta ng laro
3. Sports profile
4. Editoryal
5. Opinion
C. PAGSULAT NG LIHAM SA EDITOR
Ang liham sa editor ay isang uri ng liham pangangalakal o magasin. Ito ay
ipinapadala sa isang editor o patnugot ng isang pahayagan o magasin. Maaaring ang
layunin ng liham ay isang reaksyon ukol sa nabasa sa pahayagan o magasin. Maaari
ding magbigay – puna o magparating ng saloobin o pananaw, maikli, derekta at hindi
maligoy, magalang ang pananalita ng liham na ito.

D. PAGSULAT NG ISKRIP PARA SA RADIO


BROADCASTING AT TELERADYO
Ang iskrip ay panitik/sulatin sa anyo ng usapan o dula na maaaring gamiting
panradyo o pampelikula. Ito ay inaakalang pinakawili-wiling anyo ng panitik
sapagkat ito ay pinakamalapit sa kalagayan sa tunay na buhay. Itoy pag-uusap na
angkop sa sitwasyon ng buhay.

Pagsulat ng Iskrip sa Radyo

Ang iskrip na panradyo ay nakasulat na gabay kung paano padadauluyin ang


isang programang panradyo. Nakasaad dito ang mga linyang sasabihin at aksyong
gagawin ng host o anchor ng programa, ganon din kung kalian at paano sasabihin o
gagawin ang mga ito.

Sa Pagsulat ng Iskrip Tandaan ang mga Sumusunod na Termino:

 Station ID – jingle o pasalitang linyang ginagamit sa pagpapakilala ng istasyon


ng radio

 Program ID – jingle o pasalitang linyang ginagamit sa pagpapakilala ng


programa

 Teaser – linyang pang-akit pansin upang manatiling nakatutok ang mga


tagapakinig

Halimbawa: Ano nga ba ang susi sa tunay na pag-unlad ng bayan? Malalaman


natin yan mula sa ating panauhin ngayong araw.

 Bumper – linyang sinasabi bago ang commercial break upang ipaalam na


muling
magbabalik ang programa pagkatapos nito.

Halimbawa: Magbabalik po ang ating programa pagkatapos ng patalastas.

 Billboard – linyang sinasabi upang ipaalam kung sino ang isponsor ng programa
Halimbawa: Ang programang ito ay hatid ng ……..

Gabay sa Pagsulat ng Iskrip:


1. Gumawa ng balangkas o outline ng nilalaman para sa napiling paksa.
2. Magsaliksik ng impormasyong kailangan sa iskrip.
3. Gawing maikli at simple ang iskrip.
4. Gumamit ng mga ordinaryong salitang madaling bigkasin at maintindihan ng mga
nakikinig.
5. Isulat ang mga pangungusap gamit ang di pangkaraniwang ayos.
Halimbawa: Makakapanayam natin ngayong araw si Governor Egay Tallado.
Ibabahagi nya sa atin ang tungkol sa mga tulong na ibibinibigay nya sa mga
paaralan ngayong may pandemya.
6. Hatiin ang mahaba o tambalang pangungusap. Hindi dapat hihigit sa
labindalawang salita ang bawat pangungusap. (isang talata, isang pangungusap)
7. Tapusin ang isang pahina sa bawat pangungusap. Hindi dapat maputol ang isang
pangungusap.
8. Basahin at orasan ang ginawang draft.
9. Baguhin o iayos ang iskrip kung kinakailangan para saa kawastuhan ng
impormasyon at sapat na haba ayon sa laang oras ng pagsasahimpapawid.
10. Lagyan ng numero ang bawat pahina.
11. Maaring sundan ang halimbawang format.
ARAW AT PETSA:
PANGALAN NG ISTASYON:
PAMAGAT NG PROGRAMA:
URI NG PROGRAMA:
ARAW NG PAGSASAHIMPAPAWID:
ORAS NG PAGSASAHIMPAPAWID:
PANGALAN NG HOST O ANCHOR:
STATION I.D
PROGRAM I.D
UNANG BAHAGI
HOST 1: (PAMBUNGAD NA PAGBATI AT PAGBUBUKAS NG PROGRAMA)
HOST 2: (PAGBATI AT PAANYAYA SA MGA TAGAPAKINIG )
PATALASTAS: (MAAARING ISA O HIGIT PANG JINGLE O ADS NG MGA
ISPONSOR)
PANGALAWANG BAHAGI
PROGRAM I.D:
HOST 1:
TAGAPAGBALITA 1:
HOST 2:
TAGAPAGBALITA 2:
HOST 1: (BUMPER)
PATALASTAS:
IKATLONG BAHAGI
PROGRAM I.D:
HOST 1:
PANAUHIN:
HOST 1:
HOST 2:
BILLBOARD:
STATION I.D:

Ang Movie at Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ahensya
ng pamhalaan na may tunggkulin sa regulasyon ng telebisyon at pelikula na
mapapanood ng mga mamamayang Piipino.
Ang sumusunod ay kasalukuyang ginagamit ng MTRCB sa pag-uuri ng mga
programamang pang-
Telebisyon.
G : Para sa lahat ng manoood (General Patronage ito sa Ingles)

PG : Patnubay at Gabay ng mga magulang ay kailangan (Parental


Guidance sa Ingles)

SPG : Striktong Patnubay at Gabay (Strong Parental Guidance sa Ingles)


Mahigpit ang patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.

E. PAGSULAT NG LIHAM SA EDITOR

Ang liham sa editor ay isang uri ng liham pangangalakal. Ito ay ipinapadala sa


isang editor o patnugot ng isang pahayagan o magasin. Maaaring ang layunin ng liham
ay isang reaksiyon ukol sa nabasa sa pahayagan o magasin. Maaari ding magbigay-
puna o magparating ng saloobin o pananaw. Maikli, direkta at hindi maligoy, magalang
ang daloy ng pananalitang liham na ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nakasusulat ng ulat, balitang pang – isport, liham sa editor, iskrip


para sa radio broadcasting at teleradyo;(F6PU-IVb-2. 1;F6PU-IVc-2.11;F6PU-IVf-2.3;
F6PU-IVe-2.12.1)
PAGSASANAY
GAWAIN 1 PAGSULAT NG ULAT
Ipalagay mong isa kang tagapag-ulat ng balita sa radio at may isinasalarawan
kang sitwasyon sa calamity site ng bagyo. Gumawa ng iyong pag-uulat mula sa intro
hanggang pagwawakas sa pagpapaalam. Gawan ng ulat ang naging karanasan mo at
ng iyong pamilya sa nagdaang bagyong Rollie ay Ulysses. Gumamit ng magagalang
na pananalita.

GAWAIN 2 PAGSULAT NG LIHAM SA EDITOR


A.
Sa unang pagkakataon, sa loob ng maraming dekada milyong – milyon tao ang
hindi inaasahan ang biglang paglaganap ng CORONA VIRUS. Sa kasalukuyan marami
ang naghihirap dahil sa pagkawala ng hanapbuhay maraaing matatanda ang
nagpapalaboy sa lansangan. Nakakita ka na ba ng lolo at lola na nagpapagala-gala sa
lansangan? Ano ang naisip mo tungkol sa kanila? Naitanong mo na rin ba kung nasaan
ang kanilang mga anak? Ano ang iyong nararamdaman ukol sa kanilang kalagayan?
Paano kaya sila matutulungan ng ating lipunan? Sagu-tin ang mga tanong na ito sa
pamamagitan ng isang liham sa editor ng isang editor sa pahayagan. Isulat ang liham
sa bond paper.

B.
Ikaw ba ay may kamag-anak, kakilala o sinuman na naibalita na nakabag- bag
sa iyong puso at nais mong ibahagi upang maibsan ang iyong dalahin?
Gumawa ng isang liham sa patnugot o “Editor” sa anumang concern o inaakala
mong dapat mabigyang tuon sa kabuuan ng “relief operatirations” sa mga biktima ng
kalamidad.Isulat ito sa isang bond paper.
GAWAIN 3
Si Senador Manny Pacquiao ay Yaman ng ating Bansa, kilala sa buong mundo
dahil sa kanyang husay sa larangan ng boxing. Magsaliksik ukol sa kanyang buhay sa
pamamagitan ng internet. Sumulat ng ulat ukol sa kanyang mga naging karanasan
bago nya nakamit ang kanyang tagumpay.

GAWAIN 4 : Pagsulat ng Iskrip Para sa Teleradyo


Mag- isip kung anong eksena/pangyayari ng biglang lumaganap ang COVID 19 o
CORONA VIRUS, anong eksena ang maaaring maisateleradyo. Isiping mabuti kung
anong sirkumstansya ang isasadula sa radio.
< Sumulat ng iskrip. Lumikha ng mga “sound effects”, mga gaganap na tauhan,
director na tagasenyas o floor director na magbibigay ng clue o signal sa pag-entra at
paglabas ng mga tauhan.
< Maging matapat sa karakterisasyon o ginagampanang katauhan. Dahil hindi
nakikita ng mga manonood kundi naririnig lamang sa radio, dapat ay maging malikhain
mula sa paglalarawan sa iskrip, tagpuan, at mga tinig (sound effects), pagpapahayag o
ekspresyon at timing o bwelo.

GAWAIN 5:
Sumulat ng iskrip na panradyo, gumawa ka ng maikling iskrip para sa isang 5-
minutong pagbabalita (flash report) ng mga kasalukuyang pangyayari sa inyong
paaralan o komunidad.

ARAW AT ORAS NG PAGSASAHIMPAPAWID:


:. PANGALAN NG ISTASYON:

PANGALAN NG PROGRAMA:
PANGALAN NG TAGAPAGBALITA:
STATION ID:
PROGRAM ID:
HOST: (TEASER TUNGKOL SA IBABALITA PAGKATAPOS AY IPAKILALA ANG
TAGAPAGBALITA)
TAGAPAGBALITA: (MAGBALITA NG DALAWANG KASALUKYANG KAGANAPAN SA
INYONG PAARALAN)
HOST: (BUMPER)
RUBRIK SA PAGSULAT NG ULAT SA PAG-UULAT
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Maayos na naisulat ang ulat
Gumamit ng ibat-ibang gadgets para
sa kanyang paguulat
Mayaman sa impormasyon at detal-
ang ulat
Maayos ang pagkakasulat ng mga
Pangungusap

5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusayan pa
1 - Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

RUBRIC SA PAGSULAT NG BALITANG ISPORT


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Maayos na naisulat ang balita
Gumamit ng ibat-ibang gadgets para
sa kanyang balita
Mayaman sa impormasyon at detalye
ang balita
Maayos ang pagkakasulat ng mga
Pangungusap

5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusayan pa
1 - Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
RUBRIK SA PAGSULAT NG LIHAM SA EDITOR
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Ang liham sa editor ay naglalahad ng
kalagayan ng matatanda sa
komunidad/bayan
May maayos na panimula, katawan, at
wakas ang liham sa editor
Maayos ang pagkakasulat ng mga talata at
pangungusap sa liham
Gumamit ng magagalang na pananalita
ang mag-aaral sa liham

5 - Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 - Mahusay 1- Nangangailangan pa ng pantulong
3- Katamtaman

RUBRIK PARA SA PAGSULAT NG ISKRIP SA TELERADYO


< Makatotohanan at may karakterisasyon 25%
< May katapatan sa tema 25%
< May dating hikayat o impact” ang pagsasadula 25%
< Malikhain 25%
Kabuuan 100

RUBRIC PARA ISKRIP NA PANGRADYO

5 – Napakahusay 2 – Di gaanong mahusay


4 - Mahusay 1 – Sadyang Di mahusay
3 – Katamtaman
SANGGUNIAN:
ALAB FILIPINO
FILIPINO: Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad
WOW FILIPINO
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

You might also like