You are on page 1of 17

IKAPITONG LINGGO

z
KOMPREHENSIBONG
PAGBABALITA
IKAPITONG LINGGO
 Nasusuri ang mga
salitang ginamit sa
pagsulat ng balita ayon
sa napakinggang
halimbawa.
F7PN – IIIj – 17
z
 Natutukoy ang datos
KOMPREHENSIBONG na kailangan sa
PAGBABALITA paglikha ng sariling
ulat-balita batay sa
materyal na binasa.
F7PB – IIIj – 19
Pagbabalita
z ALAM MO BA?
 Ang balita ayon kay Cruz (1995) ay isang ulat na maaaring pasulat o
pasalita ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap, o magaganap
pa lamang nagtataglay ng kawilihan at nagbibigay ng mahalagang
impormasyon sa mambabasa. Ito’y may ganapa na kawastuhan
(accurately), makatotohanan (truthful), walang kinikilingan (unbiased) at
kawili-wili (interesting).

 Sinasabi rin nina Santos at Machado na ang balita ay pahayag na


nagmumula sa mga tao na nasa iba’t ibang panig ng kapuluan na
bahagi ng iba’t ibang karanasan. Kapag inilathala ang mga karanasang
ito, ibayong interes ang nadarama ng mambabasa. Inihahayag ng
tagapagbalita ang mahahalagang dapat malaman ng tao na
makaaapektosa kanilang buhay.
z ALAM MO BA?

Pagbabalita
 Ayon naman kay Turner Catledge, dating tagapamahala ng The
New York Times, “Anumang hindi mo nalalaman ngayon ay
maituturing na balita, anumang bago at may kapakinabangang
matatamo ay mahalaga… at ito ay balita.”

 Ang balita ay sinasabing “human interest” o anumang isyu na


may dating at tagos sa tao (Viduya, 2010).
z
Etika sa Pagbabalita o
Pamamahayag
 Kawastuhan
 Katotohanan ng layunin
 Maingat sa pinagkukunan ng impormasyon lalo
kung hindi totoo
 Kompidensyal ang impormasyon lalo kung may
“resource person”
 Pagkilala sa pribadong karapatan ng isang tao
lalo’t walang pahintulot
Hindi lumalabag sa anumang batas
Gabay sa pagtiyak kung ang
z

impormasyon ay isang “fake news”


 Gumamit ng kritikal na pag-iisip
 Suriin ang pinanggalingan ng impormasyon
 Tignan kung sino – sino ang nagbibigay ng
impormasyon
 Suriin ang ipinapakitang ebidensya
 Huwag basta tanggaping totoo ang nakikita o
nababasa
 Gumamit ng common sense kapag ito ay isang
nakagugulat
Mga Prinsipyo Sa Pamamahayag
z
ng Kapisanan Ng Mga Brodkaster Sa
Pilipinas
(Gabay Panlahat sa Pagpapahayag)
 Balanse
 Makatotohanan
 Kagandahang Asal
 Sumusunod
 Bukas Na Isipan  Responsable

 May Pag – Iingat  Matapat


 Gumagalang Sa Batas
 May Pananagutan
 Epektibo
 Makatwiran
 May Dangal
Mga
z Hakbang o Gabay sa Pagsulat Ng
Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos
bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o
pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang
ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido
ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
Mga Hakbang o Gabay sa Pagsulat Ng
z Balita
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba ibahin ang haba
nito.
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na
talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing
tambilang ang 10 pataas.
z Newscasting (Pagbabalita)

 Ito ay isang paraang ng paghahatid ng impormasyon o balita sa


pamamagitan ng radyo, telebisyon o internet na naghahatid ng
balita at impormasyon sa mga manonood. Ang mga impormasyon
ay maaaring tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng
bansa.
 Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari na
karaniwang tungkol sa politika, ekonomiya at mga
balita sa ibang bansa, at maaaring isama rin ang iba
pang uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng
panahon, kalagayan ng trapiko sa mga lansangan,
mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang mga
bagay na nasa interes ng manonood.
z Newscasting (Pagbabalita)

 Isa sa halimbawa ng komprehensibong pagbabalita


ang radio broadcasting. Narito ang ilang impormasyon
tungkol sa larangang ito.
 Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang
one-way wireless transmission mula sa mga estasyon ng
radyo papunta sa ating mga radio.
 Inimbento ito upang ipaabot sa malalayong lugar at sa
mas maraming tao ang mga napapanahong balita at
impormasyon.
Angz bumubuo ng Radio Broadcasting
staff:

1. Scriptwriter– Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa


pagbabalita sa radyo.
2. News presenter– Tinatawag ding field reporter. Sila ang
tagapagbalita at tagapanayam dahil sila ang madalas na nasa field
upang mangalap ng pinakabagong balita.
3. News anchor– Kilala rin bilang announcer. Siya ang pinakakilala ng
mga tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing mukha ng
himpilan.
Angz bumubuo ng Radio Broadcasting
staff:

4. Technical director– Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects


sa kabuuan ng programa. Siya ay katuwang ng News Anchor para
malaman kung hihinaan o lalakasan na ang tunog ng sound effects.
5. Infomercial director –Siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang mga
patalastas na nagtataglay ng impormasyong makatutulong sa
mamamayan. Kadalasan ay malikhain at kakatwa ang pagsulat ng iskrip
nito, na ginagawa upang mapukaw ang atensiyon ng mga tagapakinig.
6. Director – Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.
Binibigyan niya ng senyas ang mga staff mula news anchor
hanggang sa technical director. Ipinaaalam din niya kung ilang
minuto na lamang ang nalalabi sa kanilang programa.
z Mga Katangian ng Isang Newscaster

1. Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles


at Filipino.
2. Marunong magdala ng isang diskusyon.
3. May nalalaman tungkol sa kaniyang
ibinabalita.
4. May tiwala sa kaniyang sarili.
5. Malakas ang loob.
6. Kahali-halina ang tinig.
Group project (Group PT)

You might also like