You are on page 1of 17

Komunikasyon: Second Monthly Exam Reviewer

26- English Alphabet


28- Kasulukuyan (Ng, Ñ)
31- Pinagyamang Alpabeto (Ch, rr, ll, ng, ñ)

2 Modulation sa Radio

1) AM (Amplitude Modulation):
● Balita
● Drama
● mas partikular na pinakikinggan ng mga matatanda

2) FM (Frequency Modulation):
● musika
● mas partikular na pinakikinggan ng mga kabataan

Channel sa Television
1) GMA (Global Media Arts)
2) ABS CBN (Alto Broadcasting System and Chronicle Broadcasting
Network)

✧ Pahayagan (newspaper)
● Dyaryong Tagalog
● La Solidaridad
LESSON 1: WIKA SA LARANGAN NG MIDYA

✧ Ang iba’t ibang espisipikong larangang pangmidya ay may malaking


papel na gampanin sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa.
✧ Ang mga pahayagan, telebisyon, radyo at maging ang kompyuter ay
naging katuwang sa pang araw-araw na gawain ng mga tao.
✧ Dati rati’y ay pahayagan, telebisyon at radyo lamang ang pinagkukunan
ng mga balita ng mamamayan.

✧ BALITA mula sa sanskrito: [vārttā] na nangangahulugang ang


komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa na nakakatulong sa pagbibigay kaalaman sa mga
mamamayan.

Limang Katangian ng Isang Mahusay at Makabuluhang Balita

1) Balanse at walang pagkiling


⮚ non-biased o walang kinikilingan

⮚ Laging tandaan na may dalawang panig na sangkot. Sa


pagbabalita iwasan na makabuo ng ibang pagpapakahulugan
ang mambabasa o tagapakinig sa iyong ibinabalita.
⮚ Iwasan ang mga salitang mayroong dalawang
pagpapakahulugan at maging pantay lalo na kung may mga
taong sangkot.
2) Kawastuhan
⮚ Accurate and relevant and enough plus grammar

⮚ Tiyakin na nakuha ang lahat ng wastong detalye ng balita, mula


sa ngalan ng mga taong sangkot, petsa ng kaganapan, pook at
lahat ng detalye na makatutulong sa mambabasa o tagapakinig
na maunawaan ang buong balita.
⮚ Tiyakin na wasto ang pagbabaybay, eksakto ang mga siniping
salita at walang dagdag o bawas sa mga salita.

3) Atribusyon
⮚ who said the news

⮚ Mahalagang itala ang tiyak na pinaghanguan ng impormasyon.


Bukod sa pangalan ay ilakip ang katungkulan upang magkaroon
ng timbang ang balita. Itala ang organisasyon o designasyon
kung nakapanayam ay ang taong kumakatawan lamang.
⮚ Kung mismong ikaw ang nakasaksi sa pangyayari hindi na
kinakailangan itala ang pinagkunan

4) Kaiklian
⮚ shorten, summarize to not bored
⮚ Bagaman kailangang kumpleto ang mga detalye, hindi naman ito
nangangahulugan na kailangang mahaba ang balita. Mahalagang
itala ang impormasyon sa paraang maikli ngunit malaman at
mapagkakatiwalaan.

5) Kalinawan
⮚ kumpleto at malinaw, hitik sa impormasyon

⮚ Ang pagbabalita ay may layong makapagbigay ng karagdagang


impormasyon sa mambabasa o tagapakinig. Hindi
nangangahulugang ito ay mahaba.
⮚ Ang panimula ay nararapat na nakakatawag pansin, katawang
bahagi ay naglalaman ng mga talatang nakatuon sa isang detalye
sa bawat talata.
⮚ Dapat kumpleto sa mahahalagang impormasyon.

✧ Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko

✧ Nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong


teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet.

⮚ La Solidaridad- higit na napansin ang pahayagan at nagsilbing boses


ng rebolusyon
● Iba pang sumunod na pahayagan- naglayong isulong ang
damdaming makabayan at sentral dito ang wika na naging
behikulong nagdadala ng mensahe.

⮚ The Graphic at The Manila Bulettin- umusbong ang pahayagang ito


sa panahon ng Amerikano na naisulat sa wikang Ingles.

⮚ Taliba at Mabuhay- babasahing naisulat sa wikang pambansa sa


panahon ng Amerikano
⮚ The Manila Bulletin, The Graphic na naging Kislap Graphic, at ang
mga bagong magazine(nasusulat sa pangunahing katutubong wika
tulad ng Bisaya,Hiligaynon at Bannawag)
● muling namayagpag sa panahon ng liberasyon.

✧ Panahon ng Batas Militar- muling nagdilim ang pamamahayag.

✧ Matapos People's Power 1986- ang panunumbalik ng demokrasya ay


muling nagbigay buhay sa pamamahayag.

✧ Abante Tonite, Tempo, BALITA, PILIPINO STAR NGAYON at Abante

✧ Ang pamamahayag sa radio ay isang one-way wireless transmission sa


pamamagitan ng radio waves na naglalayong maabot ang mga
tagapakinig.
✧ Ang brodkast sa radio ay nagsimula sa taong 1922 nang subukan ng
isang Amerikanong magbrodkast mula sa Nichols Air base.

✧ Franscisco “Koko” Trinidad – ama ng pamamahayag

✧ Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas- kilalang organisasyon na


nangangasiwa sa regulasyon ng mga sitwasyon sa buong bansa.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAMAMAHAYAG SA RADYO

✧ Maingat na naisult ang balitang ipapahayag sa aere

✧ Kawastuhan ng balitang ihahayag ang siyang bubuo ng kaniyang


kredibilidad upang pakinggan at paniwalaan.

✧ Wikang ginagamit ng isang mamahayag, maaring gagayahin ng mga


tagapakinig ang salitang ginamit.
✧ Wasto (diin) at malinaw ang pagbigkas upang maunawaan.

WIKA SA TELEBISYON

✧ Kinahihiligang pampalipas oras ang panonod ng telebisyon (teleserye,


paligsahan)
✧ Maituturing na impluwensyal na behikulo sa paghahatid ng
impormasyon.
✧ Nakakatulong sa pagpapalaganap ng wikang ginagamit sa palabas man
o patalastas.

✧ MTRCB (Movie and Television review and Classification Board):

⮚ Nagmomonitor sa bawat palabas.


● General Patronage
● Parental Guidance
● Strict Parental Guidance

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula


1) Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.

2) Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.

3) Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod


na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita
ng malaki.
4) Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami
ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng
wikang Filipino.

5) Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto


sa pamantayan ng propesyonalismo.

Fliptop
 Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
 Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay
magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang
malinaw ang paksang tinatalakay.

 Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya


naman kadalasan ang mga inagamit na salita ay balbal at impormal
at mga salitang nanlalait.

 Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung


isinasagawa sa wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference
Battle.

Pick-up Lines
 Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang
bagay na madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang aspekto sa
buhay.

 Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon


ring nasa wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.

Text
 Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.

 Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatangap


ng ating bansa kaya ito ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.

 Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang


baybay ng mga sab lita.
 Walang sinusunod na tuntunin o rule.

Social Media at Internet


 Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.

 Karaniwang may code switching.

 Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.

 Ingles ang pangunahing wika dito.

 Naglalaman ng mga sumusunod:

Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan


Mga akdang pampanitikan:
 Awitin
 Resipe
 Rebyu ng pelikulang Pilipino
 Impormasyong pangwika

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan


1) Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon
maging sa mga dokumentong ginagamit
2) Gumamit rin ng Filipino kapag nag-iindorso ng produkto sa mga
mamayang Pilipino.

 Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto,


serbisyo, o pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo.
Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag
na pamilihan. Ang pinagmulan ng kalakalan ay baligya, ang
tuwirang palitan ng mga produkto at mga serbisyo. Ang mga
makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang
pangkalahatan sa halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan,
tulad ng salapi. Ang bunga nito ay ang paghihiwalay ng pamimili
sa pagtitinda, o pag-iipon. Ang pag-imbento ng salapi (at
sumunod ang salaping pautang, salaping papel at di-pisikal na
salapi) ay nagpapagaan sa takbo ng kalakalan. Ang kalakalan na
may pagitan ng dalawang mangangalakal ay tinatawag na
kalakalang bilateral, samantala ang kalakalan na may higit sa
dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang multilateral.

 Ang pag-iiral ng kalakalan ay may maraming dahilan. Nang dahil


sa pagpapakadalubhasa at pagkakahati ng paggawa, karamihan
sa mga tao ay nakatutok sa maliit na aspekto ng produksiyon,
pangangalakal para sa ibang mga produkto. Umiiral ang
kalakalan sa pagitan ng mga rehiyon dahil ang iba't ibang
rehiyon ay may mga pahambing na kainaman sa produksiyon ng
ibang kalakal, o dahil sa lawak ng iba't ibang rehiyon na
pinapahintulutan para sa benepisyo ng maramihang
produksiyong tulad ng mga presyo sa pamilihan sa pagitan ng
mga kinaroroonan ay napapakinabangan ng parehong lunan.
 Ang pangangalakal ay tumutukoy rin sa mga aksiyon na
ginagampanan ng mga mangangalakal at ang mga ibang
ahenteng pangkalakalan sa mga kalakalang pampananalapi.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan


1) Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III
sa kanyang SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.
2) Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na
hindi agad nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino.

 Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may


kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang
nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na
magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng
nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang
binubuo ng isang pamahalaan.

 Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang bahala


na may kahulugang pag-aako o responsabilidad, na dinagdagan
ng mga panlaping pang- at -an.

 Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang


makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya sa estado.
Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang
ekonomistang pampolitika at sa bandang huli pilosopiyang
pampolitika) bilang isang organisasyon na hinahawak ang
monopolyo sa lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng
kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino,
bukas sa usapin ang kahulugan ng "lehitimo", at
nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa mga
tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa
ng dangal nito. Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang "lehitimo"
bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng
nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil.
(Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi ang
kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at
mandarambong. Maaaring "di nagtagumpay na estado.")
Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan
- at sa ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito.

 Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang


pampolitika na pamamaraan ng paglikha at pagpapatupad ng
batas; kadalasan sa pamamagitan ng burukrasyang herarkiya. Sa
ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang pamahalaan
ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang
isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon


1) DepEd Order No. 74 of 2009
 K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang
panturo.
 Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang
panturo (Filipino at Ingles)

 Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo


at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang pagbahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga
pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura
sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang
puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa
upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng
ekonomiya.

Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na a pamantayan sa


pagtataya ng kakayahang komunikatibo. Ito ay ang mga sumusunod:

1) Pakikibagay (Adaptability)
 Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mabago ang pag uugali at layunin upang
maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

2) Paglahok sa Pag-uusap
 May kakayahan ana sang tao na gamitin ang kaalaman tungkol sa
anomang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

3) Pamamahala sa pag-uusap (Conversational Management)


 Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-
uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang
mga paksa

4) Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
 Ito ay pagpapakitang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang
tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay
nasa kalagayan ng isang tao o samanan.

5) Bisa (Effectiveness)
 Tumutukoy ito sa isa sa dalawang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo -ang pagtiyak kung epektibo ang
pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay
may kakayahang mag-isip kung ang kaniyang pakikipag-usap ay
epektibo at nauunawaan ng kaniyang kausap.

6) Kaangkupan (Appropriateness)
 Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya
ang kakayahang pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng
paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kaniyang wika sa sitwasyon,
sa lugar na pinangyarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
 Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad
ng tao na makapagsalita ng iba't ibang mga lenggwahe, wika, at
dayalekto. Nakakatulong ito upang mas mapadali ang
pakikipagtalastasan gayundin ang komunikasyon sa iba. Ang
kakayahang lingwistika ay isang kakayahan o katalinuhan sa
larangan ng isang lingwahi. Ang lingwistikong kakayahan ay nag
binubuo ng kakayahan nito sa isang wika sa tamang pag bigkas, pag
sulat. May mala im na kaalaman sa isang wika sa pag sulat at sa pag
bigkas, na may taglay ng tamang gramatika.

LINGGWISTIKA
 Ang tawag sa maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.
LINGGWISTA naman ang taong nagsasagawa ng makaagham na
paraan ng pag-aaral ng wika.Maaring matawag na linggwista ang
isang tao kahit isa, dalawa o tatlong wika lamang ang kaniyang
alam. Sila ay may paraang maagham sa pagtuklas ng
impormasyon at kaalaman tungkol sa wika.
 POLYGLOT naman ang tawag sa taongmaalam o nakapagsasalita
ng iba’t ibang wika.

MAAGHAM NA PARAAN AT PROSESO NG PAG-AARAL NG WIKA

1) Ang proseso ng pagmamasid


 pinaka unang hakbang na isinasagawa ng linggwista na
tumutukoy sa pagtitipon ng obhetibo at walang kinikilingang
mga datos at mga obserbasyong hindi nakukulayan ng emosyon.

 sa wika, ang pagmamasid ay maaaring tungkol sa mga katangian


ng wika mismo, tunog (pagsama sama ng mga tunog upang
bumuo ng pantig, pagsama sama ng pantig upang bumuo ng
salita, pagsama sama ng salita upang bumuo ng pangungusap).
Pagbago bago ng tunog dahil sa impluwensyang kapaligiran.

 maaaring maging epekto ng wika sa tao, sa mga gawi,


paniniwala, maging pagbibigay kahulugan sa mga bagay o
pangyayari sa ating paligid sumasalamin.

2) Ang Proseso ng pagtatanong


 paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaaring kasabay,
kasunod o una sa proseso ng pagmamasid. Ang linggwista ay
hindi basta nagtatanong, ito ay may prosesong maagham.
Gumagamit ang linggwista ng bagong terminolohiya na iniisip
niyang higit na angkop at tiyak sa paggamit at pagpapaliwanag
kung ano ang ibig sabihin nito.

3) Ang Proseso ng Pagklasipika


 laging tinatangka ng linggwista na maisaayos ang bunga ng
kaniyang pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan.

4) Ang proseso ng panlahat


 pagbuo ng hipotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o batas.

 dapat humantong sa pagbuo ng nasabing abstraksyon ayon sa


naging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring
isinagawa sa mga datos.

5) Ang proseso ng pagberipika at pagrebisa


 paglalahat, hipotesis, teorya ta prinsipyo, mga tuntunin o batas
ay maipapasailalim sa pagsubok upang mamodipika o marebisa
kung kinakailangan.

 maituturing na isang maagham na gawi ng isang linggwista ang


magbago ng paniniwala kung kailangan kaysa patuloy na
ipaglaban ang nabuong paglalahat.

 Binulsa ko ang maraming pera.


 Bumulsa ko ang maraming pera.
 Ibinulsa ko ang maraming pera.

 Ang tamang kumbinasyon ng mga salita sa pagbuo ng


pangungusap ay tinatawag na tuntuning gramatikal. Sinasabing
gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga
katutubong ispiker na ito’y tama at katanggap tanggap sa
kanilang wika.

 Ang C lamang ang tinanggapng katutubong ispiker ng wikang


Tagalog.

 Ang A ay walang nilabag sa tuntuning gramatikal ngunit hindi


tanggap dahil wala itong kabuluhan. Ang B ay lumabag sa
tuntunung gramatikal.

 Kapag minamarkahan ng ang, ang object ng pandiwa, hindi –um


ang panlapi kaya dapat ibinulsa ang tama hindi bumulsa.

You might also like