You are on page 1of 6

Bato Institute of Science and Technology

Dolho, Bato, Leyte


bistreg@yahoo.com

MAHAHALAGANG PAALALA
1. Gamitin ang modyul na ito nang may pag-iingat.
2. Hindi pinahihintulutan ang mag-aaral na mamigay ng kopya ng modyul na ito sa iba. Ito ay para lamang sa inyo na
nag-aaral sa asignaturang ito.
3. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Hindi kailan man inangkin ng may-akda ang karapatang-aring iyon.
4. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
5. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
kaukulang pahintulot.

Asignatura : Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan Linggo: 16

MODYUL 13: Ugnayan ng Wika at Politika

LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang ugnayan ng wika at politika.

Wika at Politika

 Wika ang kasangkapan sa


pagbabago anyo ng politika ayon
kina Fortunado at Valdez (1995)

 Dahil sa wika, nagkaroon ng


kamalayan ang mga Pilipinong
mamamayan sa mga kaganapan
sa ating gobyerno.

Mga Sitwasyong pampolitika ng Wikang Pambansa

1. Ito ang opisyal na Wika ng Pilipinas simula noong 1946, kinumpirma ng 1973 at 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

2. Wika ng mga transaksyong politikal sa bansa lalo na sa mga sitwasyong kasangkot ang mga ordinaryong taong iba-iba
ang katutubong wika

3. Wika sa opisyal na komunikasyon ng mga sangay ng ahensya ng gobyernong Pilipino ayon sa komisyonal na probisyon
at statutory law.

4. Wika ng pagkakaunawaan at komunikasyon ng gobyerno kasama ang mga instrumentalidad nito at ng mga
mamamayang pilipino bilang politikal na nilalang.

5. Instrumento sa pagpapalawak sa may silbing pagkakaisa sa sambayanang Pilipino bilang isang bansa para sa aktibong
mobilisasyon sa kanila para sa pulitikal na katatagan, katiwasayan at pagsulong.

6. Tulay sa pagkakapantay-pantay sa ating lipunan lalo na sa mga politikal na oportunidad, posisyon at titulo.

7. Ang paggamit nito ay pagpapalaya sa ating kamulatan na halos kasing kahalaga ng pagpapahalaga natin sa larangang
pampolitika.
1
8. Isang pangangailangang politikal sa kasalukuyan pakikibaka natin para sa pambansang katuturan lalo na sa aspetong
politikal.

9. Nakapag bibigay ito o paggamit nito ng mga kapangyarihang politikal sa sambayanan lalo na sa mga ordinaryong
mamamayan.

10. Saligang kasangkapan para sa paggigiit at pagpapanatili ng pambansang kakanyahanng Pilipinas bilang politikal na
entidad.

11. Ang paggamit ng Filipino ay pagtutol sa pagdomina at gamit ng Ingles sa Pilipinas bilang politikal na komonidad na
malaya at nagsasarili.

12. Ito ang magbibigay ng lakas, kapangyarihan at pagkakaisang politikal ng sambayanang Pilipino na sasandatahin sa
mga panahong may krisis na politikal ang mamayan at ang buong bansa.

13. Wika ng mga rali, demostrasyon, piket at anumang pulitikal na pag titipuntipon kung saan karaniwan nang
nagsisilbing forum ng tungkol sa mga politikal na sigalot, problema, kontradiksyon at aspirasyon.

Ayon kay Aristotle, ang politika ay karunungan sa pagtatag ng estado.

Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga makapangyarihan at instrumento naman
ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga biktima ng kapangyarihan. (Politika ng Wika, Wika ng Politika).

POLITIKA

- Mas madalas gamitin ang Pambansang Wika sa usaping politikal (Constantino, 2005)
- Ang wika ay may kakayahang magkontrol at baguhin ang isip at damdamin ng tao.
- Ang wika ay makapagbubuklod sa mamamayan.
- Ang wika ay pasaporte sa sirkulasyon ng kapangyarihan. (De Quiros)
- Ang wika ay humahati sa mga tao (Randolf David)
- Walang matayog, mahirap o abstraktong kaisipan na hindi maaaring ihayag sa sariling wika.
- Ayon naman kay Ralph Recto, ang wika ay tulay sa pamahalaan at mamamayan.

BATAS - ay katipunan ng mga alituntunin sa pag-aaral na nag-uutos o nagbabawal sa isang partikular na aspekto ng
pamumuhay.

“Äng kawalang-muwang sa batas ay hindi katwiran ng sinuman sa di-pagtupad sa mga ito’’. (Artikulo 3 ng Kodigo Sibil)

Batas Art. 14, Sek. 6 Seksyon 6 – Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Kautusang Tagapagpaganap 335 – nag-aatas na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na korespondensiya, komjunikasyon
at transaksiyon sa pamahalaan.

DepEd Order No. 74, series of 2009 - Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE) Selebrasyon ng Wikang
Pambansa K-12 Curriculum

Panahon ni Pang. Arroyo, Executive Order 210 ‘’An Act Strengthening English as the medium of instruction.

MGA SULIRANING KINAKAHARAP - POLITIKA

1. Walang maayos na programa ang pamahalaan tungkol sa paggamit ng Wikang Filipino.


2. Kakulangan sa political will ng mga mambabatas.
3. Ang mga intelektuwal na tao, sikat at may mataas na katungkulan sa lipunan ay hindi sanay sa paggamit ng
Wikang Filipino.

MGA SULIRANING KINAKAHARAP - BATAS

1. Kulang sa mga aklat o tekstong mababasa na nakasulat sa Wikang Filipino.


2. Ang mga mambabatas, lalo na ang mga nasa hukuman ay hindi sanay gumamit ng Wikang Filipino.

2
3. Ang mga dibisyon, direktibo, problamasyon, batas at mga panukalang batas ay nakasulat sa Wikang Ingles.
4. Paglilimita sa anumang palabas na maaaring magpakita ng antas ng lipunan gamit ang Wikang Pambansa.

Basahin panayam sa ibaba at sagutin ang mga katanungan pagkatapos:

WIKA NG HALALAN
Ni: Raymond Palatino

Sa Pilipinas may tatlong panahon: wet season, dry season, at election season. Pero para sa ibang politiko,
dalawang panahon lang yan: eleksiyon at paghahanda sa eleksiyon. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na umusbong sa
bansa ang paggamit ng mga salitang may kinalaman lamang sa halalan. Ano-ano ang mga salitang ito? Ano ang gamit at
katangian ng wika ng halalan?

Maaari nating ikategorya ang wika ng halalan sa tatlo:


1. Mga salita ukol sa proseso ng halalan;
2. Mga salita ng pangangampanya; at
3. Mga salita na ginagamit ng kandidato para sa name recall.

Kadalasan mga Pilipino lamang ang nagkakaintindihan kapag ginagamit ang wika ng halalan. Ito ay mga salitang
tumutukoy sa partikular na karanasan ng mga Pilipino sa halalan. Minsan ang mga hiniram na salita mula sa ibang bansa
ay nagkakaroon ng bagong gamit. Halimbawa: Presidentiable. Hindi ito salita sa wikang ingles pero ginamit ng mga
Pilipino para tukuyin ang mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa. Gayundin ang salitang senatoriable para naman sa
mga nais maging senador. Ang salitang sortie sa wikang ingles ay may kinalaman sa operasyon ng militar. Sa Pilipinas,
ang sortie ay tumutukoy sa kampanya ng mga kandidato o partido.

Noong 2004 naging salita ng tao ang canvass na minungkahi ng iskolar na si Randy David. Eto ang ilang bahagi ng
kanyang paliwanag:

“Sa kasalukuyang takbo ng ating politika, mapapansin ang unti-unting paglalaho ng isang kahulugan ng canvass
na dati nang bahagi ng lumang gamit nito: ang masusing pagsisiyasat at pagtatalo ukol sa katotohanan ng mga
dokumento ng botohan. Ang kahulugang pumalit at nangibabaw ay pagsusuma, pagtatala, o paghahanay ng mga boto,
na dati nang wala sa mga kahulugan ng salitang ito.

“Nitong nakaraang eleksiyon, pagkatapos tingnan kung kompleto ang mga pirma at kung malinaw ang
pagkakasulat ng mga resulta sa “certificates of canvass,” isa sa mga miyembro ng Congressional o National Canvassing
Committee ay nagsabing, “I move to canvass.” Malinaw sa ganitong gamit na ang katumbas ng salitang canvass para sa
kanila ay pag-tabulate o pagsusuma.” Mali ba na binigyan ng bagong kahulugan ng mga Pilipino ang ilang salita ng
wikang ingles? Hindi. Dahil ang wika ay dinamiko at patuloy itong nagiging makabuluhan hangga’t ginagamit ng tao. Kaya
sa tingin ko mali ang Xerox nang ito’y magreklamo kung bakit xerox ang ginagamit na salita ng mga Pilipino imbes na
photocopy. Ang Xerox na pangalan ng isang kumpanya ay naging xerox na tumutukoy sa photocopy dahil sa malawak na
pag-angkin ng salita ng komunidad. Hindi dapat magalit ang Xerox, dapat pa nga itong matuwa.

Isa pang katangian ng wika ng halalan ay ang karaniwang paggamit ng acronym. Nagiging mas mabilis ang
usapan kapag may gamit na acronym. Minsan nakakabuti rin ito sa seguridad ng mga kandidato o partido. Para sa media,
nakakatipid ito ng espasyo o airtime. Imbes na Operation Dikit (ng mga poster), OD na lang ang ginagamit. Bukal para sa
Provincial Board Member. ACOR ay area coordinator samantalang BACOR para sa Barangay Coordinator. Acronym din
ang gamit para sa pangalan ng mga kandidato o politiko o partido: PGMA, FVR, LAKAS-NUCD, FM, JPE, NPC.

Lumalabas din ang ugaling mapagpatawa ng mga Pilipino sa wika ng halalan. Ang Partido Lakas Kampi ay naging
PALAKA. Trapo (basahan) ang tawag sa tradisyunal na politiko. Ang kontrobersiyal na recording sa pagitan ng isang taga-
Comelec at kandidato ay binansagang Hello Garci scandal noong 2005. Naging ringtone pa nga ito. Nagagamit ang text
jokes para batikusin ang mga kilalang personalidad.

Proseso

Ngayong taon unang beses magkakaroon ng AES o Automated Election System sa buong bansa. Smartmatic ang
partner ng Comelec kaya ang biro Commission on Smartmatic na ang bagong pangalan ng Comelec o Cosmetic. Hindi pa
nasusubukan sa bansa ang PCOS o Precinct Count Optical Scan, ang makinang gagamitin sa halalan kaya marami ang
nangangamba kung magtatagumpay ba ang poll automation. Tapos ayaw pang ilabas sa publiko ang source code na
3
gagamitin sa halalan. Baka ang Hello Garci ay maging Cyber Garci. Baka ang dagdag-bawas ay maging Automated
Cheating. Hindi na isusulat ang pangalan ng kandidato kundi lalagyan na lang ng shade ang oval sa gilid ng pangalan ng
kandidato. Pero mas pinasikat ng Sexbomb ang paalalang lagyan ng shade ang bilog na hugis itlog. Kaya may mga pilyong
kandidato na kung mangampanya ay sinasabing “bilugan ang itlog ni ___________”

Umaasa ang marami na mababawasan ang dayaan dahil hi-tech na ang pagboto. Tapos na ba ang career ng mga
lansadera – ang pagsusulat sa balota ng ibang botante. Hindi na ba makakalipad ang mga flying voter? Pero buhay na
buhay pa rin ang mga zombie voter. Tiyak tuloy pa rin ang vote buying. May tinatawag na technical vote buying: ang pag-
upa ng sobra-sobrang bilang ng mga pollwatcher para makuha ang boto ng pamilya ng pollwatcher. Sino ang mas
kapani-paniwala: SWS o Pulse Asia? Patuloy na nag-aaway ang Namfrel at PPCRV; buti na lang matatag ang Kontra Daya
at mahigpit ang pagbabantay ng Cenpeg.

Kampanya

Kapag may OD, dapat banig o dikit-dikit ang mga poster. May isang politiko ang tawag niya sa postering ay
plastering. Uso ngayon ang mga tarpaulin. Mag-ingat sa operasyon baklas ng MMDA, Comelec, at ng mga katunggaling
kandidato. MPT o rekorida ang pag-iikot ng sasakyan na may malakas na sound system para sa pagtugtog ng
(plagiarized) jingle ng kandidato. Mahalaga ang motorcade para maabot ang maraming botante. Mainam din ang tricycle
caravan o padyak. Pinakamabisang paraan ng pangangampanya ang House-to-House kasi may pagkakataong makausap
at makumbinsi ang mga botante. Dapat maraming volunteers para sa leafleteering at gift-giving.

Kapag nag-uusap ang kandidato kasama ang kanyang campaign team, natatalakay ang candidate awareness,
vote conversion, single voting, bloc voting, flock voting (lalo na ang boto ng Iglesia), solid votes, at nego votes
(negotiated votes). May administration vote, opposition vote, protest vote, at sympathy vote. Ang single voting ay
katumbas yan ng junking. Nakukumpirma ang junking kapag lumabas na ang sample ballot ng mga partido. Kadalasan
lumalaro ang mga kandidato: nakikipag-usap kahit sa mga kalabang partido. Kadalasan din hindi nag-eendorso ang
kandidato para maging free zone ang lugar at hindi siya pag-initan ng mga bigating politiko. May dirty tricks department
ang mga partido. Dito niluluto ang black prop na gagamitin laban sa kalaban. Bahagi nito ang guns, goons, gold. Marami
kasing politiko, lalo na sa probinsiya, ang may sariling private army. Mga warlord, landlord, druglord at jueteng lord na
mahilig manindak ng botante. Mag-ingat sa pagtanggap ng pekeng pera, nagkalat yan ngayong halalan. Hindi naluluma o
nawawala sa uso ang Miting de Avanse. Pagkakataon ito upang magpakita ng lakas at gilas ang kandidato at partido.
Napapatibay din ang loob ng mga taga-suporta.

Kandidato

Huwag maliitin ang mga islogan. Kahit minsan corny, may epekto ito sa pag-iisip ng mga botante. Hindi tanga
ang mga kandidato. May balak silang likhaing opinyon o emosyon sa publiko. Noong 1993 ang islogan ni Bill Clinton ay
“It’s the economy, stupid!” Naging epektibo ito upang isipin ng tao na ekonomiya ang isyu na dapat pag-usapan sa
halalan at hindi gera sa Iraq. Nanalo si Clinton. Epektibo rin ang “Erap para sa Mahirap” na ginamit ni Estrada noong
1998. Ramdam noon ang hagupit ng 1997 Asian Financial Crisis. Ngayong patuloy na sumisirit ang ekonomiya dulot ng
2008 Global Financial Crisis, magiging matagumpay pa rin kaya ang “Erap para sa Mahirap” o mas matunog ba ang
“Tatapusin ang kahirapan” ni Villar, o “Kung walang corrupt, walang mahirap” ni Noynoy, o “Mabilis na pag-ahon” ni
Gibo? Dahil tumatakbo rin sa pambansang lebel ang mga senatoriable, susi rin sa kanilang tagumpay ang matalinong
pagpili ng islogan. “Kapag bad ka, lagot ka” ni Joker. “Huwag matakot, stop kurakot” ni Lacson. “Ang gara ng buhay” ni
Angara. Ngayon ang sabi ni Enrile, “Gusto ko happy ka” – wasto ito para makalimutan ng tao na siya ay 86 taong gulang
na.

Para sa name recall, mahalaga ang tagline. Amigo ng bayan si Zubiri. Tol si Mike Defensor. Pro-Pinoy si Pichay.
Justice Man si Bello. Mr. Palengke si Mar. Korekto si Recto. Captain Barbell si Bong Revilla noong 2004 ngayon siya ay
Panday. Anak ng Masa si Jinggoy. Dirty Harry si Lim. Magdalo si Trillanes. Gabriela ng bagong panahon si Liza Maza.
Transformers si Gordon at Bayani. Nang tinanong si Budget Secretary Rolando Andaya kung bakit ayaw niyang
tumakbong senador, ang sabi niya ay wala naman siyang sikat na apelyido tulad ng Recto, Osmeña, Legarda, Roxas o
Macapagal. Tama siya. Noong unang tumakbong senador si Ramon Revilla Sr., hindi Revilla ang ginamit niyang apelyido
kundi Bautista. Natalo siya. Mula noon, pinalitan niya na ang kanyang apelyido. Eto siguro ang dahilan kung bakit
posibleng manalo ang mga kandidatong may kilalang apelyido tulad ng Pimentel, Biazon, Mitra, Lozada, Roco, Guingona,
De Venecia, at Lacson.

Sa lokal na halalan, ramdam na ramdam ang sobra-sobrang pagmamahal ng mga kandidato sa kanilang
pangalan. Bawat pampublikong programa o serbisyo ay may katumbas na inisyal batay sa pangalan ng kandidato. Pilit na
tinutugma ang lahat ng greeting materials sa pangalan ng pulitiko. Halimbawa, SB sa Quezon City, LIM at Atin Siya sa
Maynila, BF sa Marikina. Kakaiba si Mayor Rekom ng Caloocan dahil ang kanyang logo ay smiley na may bigote. Dahil sa
4
poll automation, hindi lang apelyido ang nakalagay sa mga poster.Mahalaga ngayon ang mga numero. Halimbawa, si
Satur Ocampo ay number 37 sa balota at number 152 naman ang Kabataan Partylist. Ang sistemang partylist,
nakakalungkot mang isipin, ay labanan sa pagiging una sa balota. Kaya imbes na pagandahan ng plataporma, nagiging
pagandahan ng pangalan. Kaya karamihan ng partylist, nagsisimula ang kanilang pangalan sa 1 o A.

Wika at Halalan

Ano ang silbi ng wika sa halalan? Pwede itong magbuklod sa komunidad (“Tama na, Sobra na, Palitan na” noong
1986). Pwede itong magtakda ng pambansang adyenda (People Power Coalition laban sa Puwersa ng Masa noong 2001).
Pwede itong mangalap ng boto (Boses ng Masa ni Kabayan Noli). Pwede itong magamit sa negatibong pangangampanya
(Villaroyo, Arroyoquino, C5 at tiyaga, Mama at Papa).

At kadalasan, pwedeng magamit upang linlangin ang publiko. Sa halalan at sa pulitika, ang katotohanan at
kasinungalingan ay mahirap pag-ibahin. Ang wika ng halalan ay pulitikal. Mula pagpaparehistro hanggang pagboto,
politikal agad ang bisa ng mga salitang may kinalaman sa halalan. Dahil ito’y politikal, lagi itong may pag-anib sa isang
puwersa, pabor man o hindi sa dominanteng partido o uri sa bansa.

Dapat gamitin ang wika upang patingkarin ang pag-asam ng taong bayan sa tunay na pagbabago. Kaso mas
madalas, ginagamit ng mga reaksiyunaryo ang wika para sa kanilang pansariling interes. Kahit ang radikal na konsepto ng
pagbabago ay nauuwi lamang sa pagbabago ng lider tuwing halalan. Dapat hamunin ang dominasyon ng mga malalaking
partido at makapangyarihang mga pulitiko sa pagtakda ng mga salitang gagamitin sa halalan. Dapat lagyan ng
progresibong nilalaman ang mga palamuting salita na ginagamit sa halalan. Hindi pangarap. Hindi simpleng panata. Hindi
nostalgia. Hindi TV soundbytes. Pagbabago. Pag-asa. Pakikibaka. Rebolusyon. Makabayan. Makamasa.

1. Ipaliwanag ang ugnayan ng wika at politika? (10 puntos)

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. Mahalaga ba ang wika sa halalan? Ipaliwanag (10 puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

5
_________________________________________________________________________________________.
/rrv2023
Cp#09566159399

You might also like