You are on page 1of 3

Week 7: Wika at Politika (FilDis)

Wika- ito ay midyum na ginagamit sa komunikasyon


- Isa itong instrument sa paghahatiran ng mensahe at pagpapalitan
ng reaksyon ng mga nag-uusap
Politika ay karunungan sa pagtatag ng estado- Aristotle

Ang wika ay nagsisilbing instrument ng pagkontrol sa kamay ng mga


makapangyarihan at instrument naman ng pakikibagay o pag-iwas o
pag-tutol sa parte ng biktima ng kapangyarihan. Politika ng Wika, Wika
ng Politika

ROMAN JACOBSON: Gamit ng wika ayon sa intension ng nagsasalita

1. Conative- pagbibigay-utos o babala


2. Informative- Datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig.
3. Labeling- Nagbibigay ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o
bagay.

Mga Pahayag ukol sa Wika:


1. Ito ang opisyal na Wika ng Pilipinas simula 1946,
Kinumpirma ng 1973 at 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

ESTHER JANE- WEEK 7


PAGE 1
2. Wika ng mga transaksyong pulitikal sa bansa lalo na sa
mga sitwasyong kasangkot ang mga ordinaryong taong i-ba-iba ang
katutubong wika.

3. Wika sa opisyal na komunikasyon ng mga sangay at


ahensya ng Gobyernong Pilipino ayon sa konstitusyonal na
probisyon at statutory laws.

4. Wika ng pagkakaunawaan at komunikasyon ng gobyerno


kasama ang mga instrumetalidad nito at ng mga mamamayang
Pilipino bilang mga pulitikal na nilalang.

5. Instrumento sa pagpapalawak sa may silbing pagkakaisa


sa sambayanang Pilipino bilang isang bansa para sa aktibong
mobilisasyon sa kanila para sa pulitikal na katatagan, katiwasayan,
at pagsulong.

6. Tulay sa pagkakapantay-pantay sa ating lipunan lalo na sa


mga pulitikal na oportunidad, posisyon, at titulo.

7. Ang paggamit nito ay pagpapalaya sa ating kamulatan na


halos kasing-halaga ng pagpapahalaga natin sa mga larangang
pampulitika.

8. Isang pangangailangang pulitikal sa kasalukuyan ang


pakikibaka natin para sa pambansang katuturan lalo na sa aspetong
political.

9. Nakakapagbigay ito ng mga kapangyarihang political sa


sambayanan lalo na sa ordinaryong mamamayan.

ESTHER JANE- WEEK 7


PAGE 2
10. Saligang kasangkapan para sa paggigiit at pagpapanatili
ng pambansang kakanyahan ng Pilipinas bilang political na
entidad.

11. Ang paggamit ng Filipino ay pagtutol sa pagdomina at gamit


ng ingles sa Pilipinas bilang political na komunidad na malaya at
nagsasarili.

12. Ito ay magbibigay ng lakas, kapangyarihan, at


pagkakaisang political ng Sambayanang Pilipino na sasandatahin
sa mga panahong may krisis na pulitikal ang mamamayan at buong
bansa.

13. Wika ng mga rali, demostrasyon, pikut, at anomang


pulitikal na pagtitipon-tipon kung saan karaniwan nang
nagsisilbing porum ng tungkol sa mga political na sigalot, problema,
kontradiksyon, at aspirasyon.

Mahalagang Ideya
“Ang kawalang-muwang sa batas ay hindi katuwiran
ng sino man sa hindi pagtupad sa mga ito”
- Artikulo 3 ng Kodigong Sibil

ESTHER JANE- WEEK 7


PAGE 3

You might also like