You are on page 1of 7

Wika at Kapangyarihan

Wika at Kapangyarihan

Ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan ay ang pagbibigay-daan sa


palitan ng mga idea ng mga tao sa lipunang iyon. Ang kapangyarihan ng wika
ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.

Ang sariling wika ay hindi nakakabawas ng katalinuhan at katanyagan kung


gagamitin sa ibat ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan, maraming
nag-aakala na mahina ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang
dayuhan particular na ang mga taong hindi nakakapagsalita ng matatas sa
Ingles.
Kapangyarihan ng Wika

1. Prominenteng behikulo ng paghahatid ng mga mensahe maging positibo


man o negatibo.
2. Sagisag ng pagkakakilanlan
3. Nagdadamit sa ating kamalayan
4. Sandata upang lumaya
Impluwensiyal

1. Kultura- ang wika ay tagapag bigay diwa at anyo sa kultura. Ito rin ang
nagbubuklod-buklod sa mga tao na napapaloob sa isang kultra.
2. Pulitika- ang wika ang nagsisiguro na ang bawat batas ay naiintidihan ng
bawat mamamayan.
3. Advertising- sa pamamagitan ng wika, naiintindihan ng mga tao ang mga
lathala o balita.
4. Media- katulad ng wika at ng advertising ang wika ang nagsisilbing
pamamaraan ng media upang maintindihan ng mga tao at malaman nila ang
mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Instrumental

1. Batas- ang batas, sa politika at hurisprudensiya, ay ang mga kumpol ng


alituntunin sapang-asal na nag uutos o nagbabawal sa isang natukoy na
pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao at kapisanan. Sa pamamagitan ng
wika, ito ay naiintindihan ng mga mamamayanan kasama din dito an mga
kaparusahan sa maga hindi sumusunod sa mga nakatatag na alituntunin sa
pag-aasal.
2. Edukasyon- ang wika ang pangunahing kinakailangan ng bawat isa sa larangan
ng edukasyon. Sa pamamagitan ng wika mas naipapabatid pa ang bawat
impormasyon na natututunan sa bawat isa.
3. Business- sa pamamagitan ng wika, napapadali ang pakikipag-ugnayan o
pakikipagkalakalan ng isang sector, negosyo, o mamamayan.

4. Pamamahala- ay napapadali sa tulong ng wika. Ito ang tanging paraan


upang maipabatid ng tagapamahala ang kanyang mga panukala o nais
maipatupad.
Kapangyarihan ng wikang Ingles sa Pilipinas
Ang wikang Ingles ang nagsisilbing pangalawang wika ng Pilipinas. Ayon sa
istatistiko, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas gumamit ng Ingles.
Epekto ng Wikang Ingles sa Pilipinas
1. Naghuhubog ng isip at pagkatao ng Pilipino.

2. Batayan ng kapangyarihan.

3. Paggamit ng wika bilang isang makapangyarihang elemento.


4. Mga negatibong epekto ng kapangyarihan o pagmamalabis ng
kapangyarihan ng wika.

You might also like